Download Story.

close

The Missing Princess

Written By: felicityblythe       |       Story Status: In-Progress

Simula

NAGISING ako sa kalagitnaan gabi at may ingay ako na narinig mula sa labas aking kwarto. Marahan ako bumangon at matamang inayos ang sarili bago tuluyang lumabas. Pauli-uli ang mga tiga-silbi ng palasyo namin sa kaliwa’t-kanan ng makalabas ako. Inignora ko lang sila at tuloy-tuloy ako lumakad patungo sa kwarto kung saan lagi naroon ang Papa. Malapit na ako doon ngunit natigil sa paglakad ng makita ko ang Prime Minister ng Maldonia na pumasok doon.

Ano kayang nangyayari?

Alam ko na may araw ang pagbisita ng Prime Minister sa palasyo at hindi ngayon ang araw na iyon. Lalo pa at kalagitnaan ng gabi. May dahilan ang pagpunta niya rito at nasisiguro ko na may kinalalaman iyon sa pulitika. Sa edad ko na bente, alam ko na ang kapalaran ko bilang panganay na anak ng hari at reyna ng bansang ito. I was born and raised to be the next leader of Maldonia Kingdom but deep inside my heart, I don’t want to be stuck forever in a royal box like this.

Paano ko naman maisasatinig ang boses ko kung magsasalita palang ako ay puputulin na agad ng Papa?

I want to free myself but I’m still unconfident with my escape plan. Kulang pa ang paghahanda ko at alam ko na mahuhuli ako kapag itinuloy iyon na hindi kumpleto. Ako lang ang nakaka-alam nito at nilihim ko sa kaisa-isa ko na kapatid ang aking planong pagtakas

“Elen…” Tawag sa pangalan ko mula sa isang sulok na agad kong nilingon.

“Zara, what are you doing there?” Hindi sumagot ang kapatid ko at hinala lang ako papasok sa kwarto niya. “What’s the matter? Bakit nagkakagulo sa labas?”

“The palace is on alert mode because Estonia wall had fallen down.” Estonia is just like Maldonia. Small, beautiful and a peaceful country before the colonizer enters Estonia and killed the last living Czar. Alam ko na lahat ay abala kapag ganito na may karatig bansa na naiipit sa giyera. Mas malaki ang pagkakataon na hindi ako mapansin na nawawala ng lahat. “What are you thinking, Elen?”

“I’m going to escape, Zara. I don’t want to be stuck here forever, and I’m going to follow my dreams.”

“Are you crazy? Kapag umalis ka sino ang magiging tiga-pagmana ni Papa?” I eyed my sister. “Are you going to leave everything on my shoulder? No way, Elen,”

“Help me, Zara. Alam ko na mahihirapan ka, kaya lang hindi ko kaya na makulong dito habang buhay. I have dreams that I need to chase after. I don’t want to be stagnant and people only know me for being the crown princess.”

“This is ridiculous, Elen. Babalik na ako sa pagtulog. I can’t help you, sorry.”

Tinalikuran ako ng kapatid ko at iyon na ang senyales na kailangan ko na lumabas sa kwarto niya. Wala ni-isa sa amin ni Zara ang may gusto na makulong sa palasyo na ito. Iwanan ang pangarap naming sa labas at akuin ang titulo na hindi naman talaga para sa aming pamilya. We’re living a simple life outside the palace before but a cruel abdication stole the simplicity of it. Papa inherited the crown and I, as the eldest daughter of the reigning King, I must prepare myself to be the next crown inheritor.

Malalim akong huminga ng maisara ko na ang pintuan ng kwarto ni Zara. Marahan akong lumakad pabalik sa aking kwarto at mabilis na nag-impake ng kailangan ko na lang na damit. Kahit hindi pa gaano pulido ang plano ko, kailangan ko na samantalahin ang pagkatataon na abala ang lahat. Kailangan ko na tumakas dito at tumungo sa lugar kung saan ako hindi makikilala. Sa lugar na makakapagsimula ako ulit at matutupad ko ang aking pangarap.

What is it that I want in my life?

I want to be a ballerina someday and be known because of my talent, not because I have title that I bear. I belong to a family who is known for being powerful in the whole world. Being royalty isn’t just about the beauty you possessed. It is about the dignity, the power, and the authority to rule one whole nation. Hindi na pansin kung talentado ka ba na klase ng tao dahil ang mahalaga, kaya mo pamunuan ang sarili mong bansa. Mga responsibilidad na sabihin na nating hindi ko pa kaya na pasanin sa ngayon.

Walang pasabi kung maiatang iyon dahil wala rin may hawak sa buhay ng isang Hari o Reyna. Wala sinuman ang nakaka-alam kung hanggang kalian mabubuhay ang isang tao. Swerte na siguro kung hanggang sa pagtanda ko ay buhay pa si Papa at hinding-hindi maiisipan na ipasa ang trono sa akin. Bago pa iyon mangyari, kailangan ko na maka-alis at alam ko naman na mapapatawad nila akong lahat sa gagawin ko na pagtakas sa tungkulin bilang panganay na anak ngunit matagal bago mangyari iyon. Kailangan ko lang talaga na abutin ang sarili ko na mga pangarap upang masabi ko na wala akong pinagsisihan na miski ano sa buhay ko.

Pagka-impake ko ng mga gamit, sa sikretong daan sa loob ng aking kwarto ako lumabas patungo sa pinaka-likuran ng palasyo. Mula doon ay sasampa ako sa matayog na pader hanggang sa makalabas na ng hindi nila napapansin. May naka-abang na sasakyan sa labas na siyang gagamitin ko bilang getaway vehicle. May target na akong lugar at iyon ay sa Luciana, isang lugar na dating probinsya ng Maldonia ngunit tumiwalag at bumuo ng sariling gobyerno na mamahala sa mga tao. Walang gaanong nakakakilala doon sa mga gaya ko na miyembro ng royal family dahil may sarili silang pinuno at hindi monarkiya ang klase ng gobyernong meron sila.

Dahan-dahan ang bawat pagkilos ko at may nararamdaman ako na kaba habang naglalakad papunta sa pader na aking sasampahan. When I reached that place, I immediately throw my bag on the other side. Sinimulan ko na ang marahan na pag-akyat doon ng lumampas na ang ilaw na nanggagaling sa light house. Naging mas mabilis ang pagkilos ko kaya ng tumapat doon sa pader ang ilaw ay nakababa na ako agad. Malalim akong huminga saka inalis ang hood sa aking ulo.

Finally, freedom at last!

Mabilis ako sumakay sa sasakyan pagkakuha ng susi noon sa taong kinuntsaba ko. Madali lang niya nagawa ang mga pinagagawa ko ngunit hindi ko na sinabi sa kanya ang mga detalye ng plano ko. Mahirap baka mahuli at siya ang maging katapusan ng maliligaya kong araw. Isang text ko lang sa kanya noong nag-i-impake ako ay mabilis na naihanda ang mga kailangan ko. He gave me a phone that I can use and destroy the one that I am using now. Siya na rin ang pinagmaneho ko hanggang sa train station.

Habang nasa biyahe, tahimik lang kami pareho at matamang tinatahak daan patungo sa aking destinasyon. Maulan ng gabing iyon na isa sa mga dahilan kaya lalong hindi ako napansin ng mga bantay sa bawat sulok ng palasyo. Naghuling sulyap pa ako bago kami umalis kanina dahil hindi ko na nagawang magpaalam ng maayos kay Zara. Kailangan ko lang talaga na gawin ito para masabi ko na masaya talaga ako sa buhay na meron ako. Hindi ko kailangan ng karangyaan, kapangyarihan at maraming kaalyado sa pulitika.

Ever since I was a kid, I hate anything about politics. Mama hated it too but she have to go with flow because of the title she’s currently holding. I sigh heavily upon realizing that I am travelling down memory lane. Mas gusto ko talaga iyong buhay namin noon na simple at walang gaanong bantay. Hindi nakakasala dahil wala naman inaasahan ang bansa sa amin kaya lang natapos ang maliligayang araw naming ng bumaba sa pwesto ang kapatid ni Papa na gaya ko ay sumunod lang din sa pangarap. Selfish move but if it’s about happiness, I won’t regret choosing me. Yes, this is me choosing myself above all else.

“You have to keep everything a secret from now on. This is the last time we will see each other.” Iyon ang mahigpit na bilin ko sa kasama ko sa sasakyan. “Dispose this car after you drop me off the train station. I already dispose my phone and I am using this one with no sim card.” Tumango-tango lang siya bilang pagsunod sa mga utos ko.

Lalong lumakas ang ulan dahilan para bumagal ang takbo ng sasakyan namin. Ibinukas niya ang headlight para may ilaw sa daan. Kalagitnaan ng madaling araw kaya madilim pa at kitang-kita na rin kung gaano kalakas ang hangin na sumasayaw sa bawat puno na aming madaaan.

“Kailangan nating huminto.”

“Hindi. Mahuhuli ako sa sasakyan ko na tren ko na kapag nagpalipas pa tayo hanggang sa tumila itong ulan.

“Pero –”

“Do what I commanded you, okay?” Ma-awtoridad ko na sabi. Alam ko na delikado at nag-iingat lang siya ngunit kailangan ko na talagang maka-alis ng Maldonia upang ganap ko na masabing malaya na talaga ako. “I need to do this for myself. The crown won’t complete me and it will steal the life in me,”

Nagtuloy sa pagmamaneho ang kinutsaba ko hanggang sa makalampas na kami sa boundary kung saan may nagbabantay na mga royal guards. Hindi na kami pinahinto bilang malakas ang ulan kaya laking luwag noon sa kalooban. Habang binabaybay naming ang daan patungo sa train station, pumapailanglang sa radyo ang balita tungkol sa pagbagsak ng Estonia at pagkilos ng Maldonia upang sakupin ito ng tuluyan. Wala na nagsalita pa sa aming dalawa at napukaw ang atensyon ko ng may nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa aming sasakyan. Naramdaman ko ang pag-alog ng sasakyan at kasunod noon ay ang pagkawala ng lahat ng ingay sa aking paligid.

Para ba ako’y nakalutang sa hangin at sandali na tumigil sa pag-ikot ang mundo na aking ginagalawan. May naramdaman ako na sakit sa buong katawan at bago pa dumilim ang lahat ay nakapagsalita pa ako.

“Zara,”

***

This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/felicityblythe). Monthly subscription at 100php for all tiers. You can pay via Paypal, Gcash Mastercard, and any Debit/Credit Card.