KABANATA 12
ELLAZIAH ANN POV
“Hoy! babae bakit namumula ka diyan? May hindi ba ako nalalaman!?”-tanong sa akin ni Edz dahil nakatulala lang naman ako habang nakahawak sa aking labi.
Ganito kasi ‘yon! naglapat ang labi namin ng Mr. Billionaire na ‘yon mga fifteen minutes siguro ganun katagal. Nang maghiwalay kami ay tinulak ko na siya palayo sa akin tsaka ako kumiras ng takbo.
Muntik pa nga akong matapilok dahil sa lintik na heels na suot ko ngayon. Pagkapasok ko sa Cabin ko dito sa RPB studio ay dumiretso ako sa mini kitchen namin at doon kumuha ng malamig na tubig.
“Ang init ng panahon Edz kaya pumupula ang mukha ko, nabilad lang sa araw dahil tumambay ako sa garden kanina!”-saad ko na ikinatango lang niya. Another lie Ella at kay Edz pa. Baliw ka na talaga.
“Nga pala darling kinukuha ka ng juicy cologne para sa comercial nila! Gusto mo ba!?”-sabi niya sa akin habang kumukuha na din siya ng tubig.
“Kung makaluwag-luwag naman ng schedule ko, bago ka pipirma ng ibang contract! Hindi ako robot darling para sa sunod-sunod na kontrata,”-saad ko sabay balik ng pitsel sa loob ng refrigarator.
“Maluwag naman schedule mo huh! Bakit ayaw mo ba na pirmahan ko ‘yon darling?”-saad niya na ikinakamot ng ulo ko. Oo nga pala pero marami talaga siyabg pinermahan na kontrata hayst!
“Nagpapatawa ka ba ah Edz! as you can see may shoot tayo sa Paris for the final ng One More Changed na movie, tapos sa Lacoste pa, then sa Creamsilk comercial pa, at—–“-hindi na niya ako pinatuloy dahil in-stop niya ako sa pamamagitan ng pagwagayway ng kamay niya.
“Yeah, yeah pero sayang naman ‘yon darling!”-saad niya sa akin na kinaismid ko sa kanya. Kasi naman ‘yan lagi ang sasabihin niya kung umaayaw ako.
“Sabi ko nga! idenied yung request nila!”-sabi niya sa akin sabay kuha ng cellphone niya.
Napapailing nalang ako habang pumupunta at nagalalakad para pumasok sa room ko. Gusto ko lang magpahinga saglit at dapat ‘wag na ‘wag ko ng iisipin ang mga nangyari kani-kanilang.
Pagpasok ko palang sa room ko ay nagsisigaw na ako sabay talon sa kama ko tsaka ako nagpagulong-gulong doon. Dahil hindi ko in-expect na tutugunin ko ang bawat halik niya. Shit! Ang landi-landi ko talaga sa bagay na ‘yon.
Nasa ganun akong posisyon ng mag ingay ang cellphone ko. Kasi naman hindi nakasilent. Shit! ang ingay talaga pero para text message palang ‘yon. Kaya tinatamad ko itong inabot para tignan kung sino man ang nagtext sa akin. Baka ang direktor na naman na kinukulit ako palagi na tutuhanin daw namin ang love team namin ni Mr. Padilla.
Napapakamot pa ako ng makita ko na number lang ang nasa screen ko. Sino na naman kaya ang isang itoΒ I know na private ang number ko pero bakit may nagtetext na naman bigla.
From 093********
Hey! baby are you okay, I’m not sorry what I’ve did to you, beside you response to my kisses it means akin ka na. Madamot ako Ann, kong akin ay akin, kung may nagbabalak na agawin ka sa akin. Well goodluck nalang dahil hindi pa sila nakalapit sayo tiguk na sila. Anyway this is your handsome future boyfriend, I mean your future husband. See you later baby.——-C
YOUR FUTURE HUSBAND!
YOUR FUTURE HUSBAND!
YOUR FUTURE HUSBAND!
YOUR FUTURE HUSBAND!
YOUR FUTURE HUSBAND!
Geezzz damn it! ano na naman ba ang nangyayari sa akin simpleng message pero ito ako parang baliw na inuulit-ulit ang huling sabi niya text message.
Baliw na nga talaga ako sa kanya. Kaya ganito ako umasta. Pero ewan ko kung bakit may naghudyot sa akin na open ko ang Instagram ko. Habang nakatulala ako sa may ceiling ng kwarto ko dito sa studio.
Nag scroll scroll lang ako o ‘di kaya nag bibigay ng heart sa kapwa ko Artista pero ang nagpagimbal sa akin ay yung post ng isang model na may kahalikan na lalaki na namukhaan ko naman.
What is the meaning of this? Pinaglalaruan lang atta ako ng playboy na ‘yon! Bakit may kahalikan din siyang iba. Jesus Christ! ‘Wag lang niya akong lukohin ako ang papatay sa isang katulad niya.
“Goddamn it!”-bulong ko sa sarili ko tsaka ako tumayo para magpalit ako ng damit na short short at sleeveless. Wala naman akong gagawin ngayon dahil maya-maya pa ang shoot ko. Tapos nag nike white shoes ako.
Then nag liptint lang ako tsaka nilugay ko ang buhok kong mahaba na may pagkaalon. Bago ako lumabas ng kwarto ko, naabutan ko naman si Edz na nagtatanong ang mga mata niya na kung saan ako pupunta.
“Halika tumayo ka diyan! Mag boy hunting tayo!”-sabi ko sa kaniya. Na ikinasang-ayon naman niya.
“Gusto ko iyan! para makapag relax na din ako. Halika ka na para makarami tayo!”-sabi niya pa bago niya tinanggal ang jacket niya. Napangiti pa ako dahil handang-handa talaga siya! Not bad!
Lumabas na kami ng Cabin dahil nasa studio kami. Nakasalubong pa namin si Ms. Charice na nakangiti pa sa amin kaya nginitian dinnamin siya pabalik.
“Saan lakad natin?”-tanong niya sa amin, habang malalapad ang kanyang ngiti na nakatingin sa amin.
“Ewan ko sa alaga ko mare!”-sabi naman ni Edz habang napapailing pa siya.
“Bar!? Shopping!? Oh nevermind!”-sabi naman ni Ms. Charice nang pasadaan niya ang kasuotan namin.
“Siguro mare hehehe! sige una na kami later nalang tayo magchitchat!”-sabi ni Edz na ikinatango sa amin ni Ms. Charice pero bago ako tumalikod ay kinindatan niya ako at napapailing na iniwan niya kami.
“Ano tulaley ka na diyan!? halika na its 7:30 in the evening, excited na ako hihihi!”-sabi pa niya sa akin sabay hila sa akin papunta sa tinago namin sasakyan sa backyard ng RPB kung saan hindi kami mapansin ng mga nagbabantay sa amin.
Tumingin-tingin muna kami sa paligid tsaka sabay kaming nag-high five dahil makakatakas na kami then lumulan na kami sa sasakyan tapos pinahururut iyon.
Nasa kalagitnaan na kami ng daan ng mapansin namin may dalawang sasakyan na sumusunod sa amin. At syempre na recognize namin kung sino sila.
“Paktay tayo! nasundan nila tayo ng ganun lang kadali!”-saad ni Edz na kinailing ko nalang. Wala kaming magagawa kundi pabayaan iyon. Pero ang nakakagulat ay nagring ang cellphone namin na ikinatingin naming dalawa.
“Ikaw na ang sasagot!”-saad niya sa akin, bago ko sagutim ay nag sign of the cross muna ako. Hehehe mahirap kausapin ang tigreng matanda hihihihi. Kakapindot ko palang ng answer ay:
“Where are you going to the both of you? do you think makakatakas kayo? nalingat lang ang mga nagbabantay sa inyo! tumakas na kayo agad-agad! maswerte kayo dahil genius ang daddy niyo, akala niyo matatakasan niyo ang isang Javier Sebastian, hindi! anyway at 9:00P.M. siguraduhin niyong nakauwi na kayo or else ipapadala ko kayo sa U.S. no gadgets, no ATM etc. Alam niyong ayaw niyong magalit ang gwapong ako!”-sabi niya sa amin. Imbes na matakot kami dahil the way he scold us before ay parang wala ng bukas, pero ngayon natatawa nalang kami dahil sa kahanginan niya.
“Areglado boss gwapo!”-sabay naming sabi ni Edz sabay patay namin ng cellphone.
“Ahayst! salamat hindi ko namana ang kahanginan ng daddy ano!? kahiya kaya kung nagkataon!”-sabi pa ni Edz na kanina pa tawa ng tawa kagaya ko.
“Buti nga! pero ‘yong pagka-OA nya nakuha mo hahahaha!”-sabi ko sa kanya na ikinasimangot naman niya sa akin.
“Grabe ka sa akin!”-sabi niya sa akin na ikinailing ko dahil nang dito na kami sa Henyo Bar.
“Alam mo sissy! pansin ko ang may-ari ng bar na ito ay may pagkatanga Henyo Darlight Bar daw tch tch!”-saad niya na ikinatawa ko nalang dahil pansin ko din naman na hindi man lang pinaghirapan o pinag-isipan mabuti ang pangalan.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24
0 thoughts on “The Billionaire’s Love”