CHAPTER 8
AN:Β Pasensya na po kung natagalan ang pag-update nito may problema lang ako nitong mga nakaraang araw. Sana’y nakakapaghintay pa kayo sa mga update ko. π
———-
=======================
THE BITCH SAMANTHA/CURIOUS NICKO
======================
Dama ko ang pamamaga ng mata ko dahil sa sobrang pag-iyak sa nangyari kahapon, kasalukuyan na inaayos ko ang sarili ko para sa paguwi ko. Bigla naman bumukas ang pinto at napaangat ang aking mukha.
“Nandito ako para kunin ang susi ng kotse ni, Kobe.”
Hindi ako sumagot at pumasok lang dire-diretso si Samantha dito at nagpunta sa may table. Agad na dinampot ang susi ng kotse, akala ko ay aalis na siya agad pero huminto ito sa tapat ko habang nakaupo ako sa sopa.
“Alam ko na ang lahat sa inyo at ang masasabi ko lang ‘ay masiyado kang ilusyunada. Desperada pa, ang kapal rin pala ng mukha mo? Kasing kapal ng balat mo. After two months, wala na kayo ni Kobe at hindi na ako makapaghintay na maghiwalay na kayo dahil kami na ang magsasama at pakakasalan ako ni, Kobe.”
Tiningnan ko lang siya at hindi na nag-abala pang sumagot dahil hanggang ngayon ay talagang ang sama ng pakiramdam ko.
“Wala kang balak na sumagot? So, tatahimik ka lang dahil sa kagagahan na ginawa mo bitch! Isang malaking katangahan ang ginawa mo kaya tama lang ‘yan saiyo pagsisihan mo ang ginawa mo kay Kobe.”
Huling sabi pa nito at lumabas na ng pinto, napapipikit ako ng mariin dahil sa mga sinabi niya. Gustong-gusto ko ng sumagot pero hindi ko magawa.
Susuko na ba ako? Umalis na lang kaya ako dito? Total ako naman may kasalanan ng lahat ng ito. Give up na lang dahil tama naman si Samantha, isang malaking katangahan ang ginawa ko.
“Camilla.”
Napaangat ang ulo ko muli at nakita ko si Nicko na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin.
“Umalis na sila tayo na lang ang nandito, ihahatid na kita para makapagpahinga ka na ng maayos.” Wika nito habang nakatayo sa gilid ng pinto.
Tumango lang ako at tumayo na, muli ko pang sinulyapan ang kuwarto na kung saan dito ko naranasan na angkinin ng asawa ko. Unang may nangyari sa amin ni Kobe na hinding-hindi ko makakalimutan, masaya ako ng araw na ‘yon at kusa ko ‘yun pinaubaya sa kaniya kahit ganito ang naging kahihinatnan.
Matapos ‘yon ay lumakad na ako palabas ng pinto at magkasabay na kaming bumaba ng hagdan at ni Nicko. Tumungo kami sa parking area para sumakay sa kotse ni Nicko, tahimik na ang paligid talagang mga umalis sila o kahit si Kobe man lang ay hindi ko nakita bago siya umalis. Tahimik na sumakay ako sa loob ng kotse at tuwid na nakatingin lang sa unuhan ng kotse
Nagsimula ng umandar ang kotse at mas pinili ko na lang manahimik dahil nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kung gawin. Ngunit naiisip ko rin ang pakiusap ng magulang niya na subukan ko lang na baka mabago ko ang isip at puso ni Kobe, pero mukhang hindi na ata ako tatagal dahil sa mga nangyayari. Dahil sa may damdamin ako kay Kobe ay sumugal ako kahit alam kong kapalit nito ‘ay ang masasaktan lang ako.
“Gusto mo ba maglakad-lakad mo na tayo?”
Napalingon ako kay Nicko at napatango ako ewan ko kung bakit, siguro kailangan ko rin talaga ‘yon. Hininto ni Nicko sa gilid ng mga puno ang kotse at bumaba kami. Maganda ang hinintuan namin dahil presko sa pakiramdam dahil sa mga puno at ilang mga bulaklak sa paligid. May maliit na sapa rin akong nakita.
Naglakad kami ng dahan-dahan at alam kong nakikiramdam lang si Nicko sa akin.
“Ang tanga ko ba?” Huminto ako sa paglalakad at napatintigin sa nalantang bulaklak.
“Hindi siguro, hindi ko rin naman alam kung ano ba talaga ang nasa puso mo ngayon.”
Natigilan ako sa sinagot niya at nahulog na ‘yung nalantang bulaklak sa damuhan. Napabuntong hininga ako ng malalim at pigil ang luhang nais pumutak ngayon sa pisngi ko.
“Tama nga si Samantha, masiyado akong ilusyunada at ito ang napala ko. Biruin mo naman dahil lang sa i.d na napulot ako ‘ay nag-asam ako sa kagaya ni, Kobe.” mapait na napangiti ako sa dahil sa sinabi ko.
“Yon pala ang dahilan, talaga pa lang hindi kayo magkakilala. Pero nakakabilib ang ginawa mo at napakatapang mo.” Natatawang sabi ni, Nicko.
Napatingin ako sa kaniya dahil nakangiti siya kaya napangiti rin ako sa kaniya. Kahit pa nagtataka ako dahil sa sinabi niya.
“Pero na sasayo kung ititigil mo na, dahil may hangganan rin ang lahat at kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya… Huminto ka na.” Seryosong wika ni Nicko.
Napatitig ako sa seryoso niyang mukha at naisip ang mga sinabi niya dahil tama nga siya.
“Nicko, salamat pala. Lalo na sa pag-comfort mo sa akin lagi, nahihiya na rin ako sa’yo. Pero kapag nandiyan ka gumagaan ang loob ko.” Totoo sa loob na sabi ko sa kaniya na kinangiti niya.
“Nandito lang ako lagi sa tabi mo, Camilla.” Mahinang sabi niya.
Natigilan ako at napatitig sa mga mata niya at may kung anong pagkailang akong naramdaman pero binalewala ko na lang ito.
“Salamat ulit, halika na ihatid mo na ako may mga gagawin pa ako sa bahay namin ni, Kobe.” Wika ko at nakita ko na napayuko siya at namulsa.
Nandito na ulit kami sa loob ng kotse at muling umandar na ito, tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate ng bahay namin ni, Kobe.
“Hindi ka ba papasok muna sa loob?” Tanong ko pa sa kaniya sa may bintana pagkalabas ko.
“Hindi na may lalakarin rin ako, magsabi ka lang sa akin kapag may problema. Mag-iingat ka lagi.” Paalam na niya.
Hatid tanaw ko na lang ang kotse ni Nicko na unti-unti ng lumiit sa mata ko. Pinagbuksan naman na ako ng guard dito. Pansin ko na wala pa rito si Kobe dahil wala pa ang kotse nito, malungkot na pumasok ako sa loob dahil alam kong magkasama sila ni Samantha ngayon.
Dumiretso na ako agad sa kuwarto ko upang magpahinga dahil hindi ako nakatulog ng maayos kakaiyak kagabi. Pagpasok sa loob ‘ay agad na nilapat ko ang katawan ko sa malaking kama at napatingin sa kisame. Mariin na pinikit ko ang mata ko upang hindi maalala ang nangyari kagabi, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
——–
Nagising ako sa lakas ng sound at biglang napatayo, napansin ko na bukas pala ang bintana ko at gabi na dahil madilim na sa labas. Isasara ko na sana ang bintana dahil sa maingay na tugtog, pero napatingin ako sa ibaba doon sa may swimming pool. Doon Nangagaling ang maingay na tugtog at may narinig akong boses ng babae. Medyo madilim kaya hindi ko makita kung sino ang babae na nagsasayaw sa malapit sa pool.
Sinara ko muna ang bintana at napagpasiyahang lumabas na ng kuwarto upang silipin doon. Habang pababa ako ng hagdan mas lalong lumalakas ang tugtog, hanggang sa makalabas na ako. Natigilan ako habang nakatayo at makita kung sino ang babaeng nagsasayaw na nakapang-swimsuit. Walang iba kung hindi si, Samantha.
“Camilla, naistorbo ba namin ang pagtulog mo?” Maarteng sabi nito sabay hinto sa pagsasayaw at kumandong kay, Kobe.
Hindi ako sumagot at tiningnan ko ang blankong ekspresyon na mukha ni, Kobe.
“Kobe, sobra naman ito. Hindi naman tamang magdala ka ng babae dito, isipin mo naman ako kahit paano.” Pigil ang emosyon na wika ko at tiningnan niya ako.
“What the? Girl, tulog ka pa ba?Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Si Kobe ba inisip mo noong panahon na umiral ‘yang kalandian mo?” Nakaangat ang kilay na litanya ni, Samantha.
Naumid ang dila ko at hindi ako nakasagot dahil sa sinabi ni Samantha sa akin dahil tagos na tagos sa puso ko ‘yun at wala akong puwedeng isagot sa kaniya.
“Di natahimik ka, alam mo mabuti pa ipagluto mo na lang kami ng pagkain para naman may magawa ka.” Sabi pang muli ni, Samantha.
Palihim na kinuyom ko ang kamao ko dahil sa paraan ng pang-uutos ni Samantha sa akin at talagang nakakainis.
“Did you hear? Magluto ka na.”
Napaangat ang balikat ko ng magsalita si Kobe na hindi ako tinitingnan. Napansin ko ang palihim na pangisi ni Samantha na bagay na kinainis ko lalo.
Tinalikuran ko na sila ng makita kong hinagkan ni Samantha sa labi si Kobe na parang wala lang kay Kobe. Masama ang loob na nagpunta ako sa kusina at binuksan ang refrigerator at naghanap ng maluluto na pagkain.
Habang naghihiwa ako ng sahog sa iluluto ko ‘ay nararamdaman ko panlalabo ng mata ko dahil sa luhang nagbabadiya na namang pumatak. Agad pinunasan ko ito upang mapigilan.
“Hindi naman sibuyas ‘yang hinihiwa mo bakit ka umiiyak?”
Natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses at nakangiting mata ni Nicko ang nakita ko. Nagtataka na tiningnan ko siya.
“B-Bakit nandito ka?” Hindi makapaniwalang tanong ko dahil hindi ko inaasahan na nasa harapan ko siya ngayon.
“Hindi ka ba masayang makita ako?” Tawang sagot nito at humakbang palapit sa akin. “Dinala ko lang itong swimsuit mo naiwan sa kotse ko. Nandito rin si Adrian nasa labas siya.”
Tulalang nakatingin lang ako sa paper bag na hawak niya at ngayon ko lang naalala na hindi ko pala ito nadampot paglabas ng kotse niya. Bigla akong nahiya dahil dinala pa talaga niya ito dito sa akin.
“Sa-Salamat.” Kiming sagot ko at nagpunta ako sa lababo upang maghugas muna ng kamay.
“Welcome, ano bang iluluto mo? Mukhang masarap ito.”
Narinig kong sabi ni Nicko at nakatingin sa mga hiniwa kong carrots at patatas.
“Wala pa kasi kaming dinner kaya magluluto ako, ano pala gusto mo? Kaso kape lang ang nandito hindi pa ako nakakapag-grocery.” Wika ko pero imbes na sumagot si Nicko nagulat ako ng hawakan ni Nicko ang leeg ko at hinarap niya ang mukha ko sa kaniya. Naguguluhan na napatingin ako sa kaniya.
“Huwag kang lilingon at gagalaw.” Mahinang sabi niya.
Nagtataka naman ako dahil hind ko alam kung ano ang balak niya, mediyo naiilang pa ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. Napansin ko na parang may tinitingnan siya banda sa may pinto.
Sandali anong balak mo Nicko? Huwag baka makita tayo ni, Kobe.
Hiyaw ng isipan ko dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin at kung may makakakita sa amin ngayon iisipin na naghahalikan kami. Hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng baso at kung anong bumagsak. Napalingon ako bigla sa likod ko at ang likod na lang ni Kobe ang nakita ko habang palabasΒ ng pinto.
“Sarapan mo luto mo kakain ako dito.” Nakangiting sabi ni Nicko at naglakad palabas ng kusina.
Naguguluhan ako habang nakatingin sa mga iluluto ko at napaupo na lang bigla.
Nakita ni Kobe? Baka isipin niya naghalikan kami ni Nicko. Pero wala hindi niya ako hinalikan, bakit ginawa yon ni, Nicko?
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25
0 thoughts on “Still Loving You”