CHAPTER 3
AN:Β Salamat! Salamat po! π sa lahat ng mga supporters ko diyan.. Love you all talaga. πππ
=========================================
=======================
TWO MONTHS DEAL
=======================
KOBE P.O.V
Nandito ako ngayon sa loob ng bar at nagpapakalunod lalo sa alak. Hinihintay ko’ng dumating ang dalawa kong kaibigan.
Fucking this girl! She’s really a bullshit! Anong pumasok sa isip niya na gawin sa akin ito?
Hindi talaga ako makapaniwala na totoo ang hinala ko na manloloko siya. At ang isa pang kinagagalit ko ang malaman mula sa magulang ko na parang wala lang sa kanila ang ginagawa nang babae na ‘yon. Dahil mas importante sa kanila ang kahihiyan, kaya nanginginig talaga ang kalamnan ko sa galit.
“Brad, langya. Kakahiwalay lang natin kanina ngayon magkasama na naman tayo.” Natatawang bungad pa ni Francis sa akin.
Hindi ko naman pinansin ang kalokohan ni Francis ngayon, dahil talagang sira ang araw ko ngayon. Ang sarap lang manapak ng manapak hanggang sa magsawa ako.
“Nakipagbasag ulo ka ba? Hindi mo man lang kami sinama, ang hirap sa iyo nagsosolo ka.” sabat pa ni Nicko sa tonong nakakaloko.
“Yung gago ko na ama ang may gawa nito,” mahinang sagot ko sabay tungga sa alak na hawak ko.
“Si erpats pala, ano pa ba ang aasahan namin? Wala naman bago sa inyong dalawa.” salita pa ni Francis at nagsalin ng alak sa rock glass na reserba dito.
Hindi na ako umimik pa at pinag-mamasdan ko lang ang alak sa loob ng baso. At unti-unti na namang pumaasok sa balintanaw ko ang nangyayari kanina.
“Ma-iba ako, bakit mo pala iniwan ngayon ang asawa mo? Dapat ngayon ‘ay nagha-honeymoon kayo.” kunot ang noong tanong ni Nicko.
“Masarap pa naman ngayong gabi, malamig tapos malamig. Kasunod mainit tapos mainit ulit, langya sinayang mo brad?” natatawang wika ni Francis habang nagpapapak ng manok.
“Manloloko ang babae na ‘yun, ang lakas maka-gago. Hindi pala siya buntis,” sagot ko na may mapaklang ngiti.
Natigilan naman ang dalawa dahil sa nalaman nila at bakas sa kanilang mukha ang hindi makapaniwala.
“Paano mo naman nalaman? Sinilip mo ba ‘yung ano niya o tinira mo?” gulat na gulat na bigkas ni Francis.
Sinuntok naman ni Nicko si Francis ng mahina lang sa braso dahil sa sinabi nito.
“Tarantado ka talaga, paanong sisilipin? Mamaya pagsu-suntukin tayo nitong isa.” tatawa-tawang salita naman ni Nicko ‘kay Francis na nagkakamot sa ulo.
Kung hindi lang ako badtrip malamang natawa ako sa mga kalokohan na pinagsasabi nila lalo na ‘tong si, Francis. Talagang masama ang timpla ng pakiramdam ko ngayon.
“Pero kung talaga ngang buntis ‘yon tapos tinira mo, mabuti hindi sumama ‘yung bata.” sabay hagalpak na tawa ni Francis.
Babatuhin ko sana ng baso dahil hindi ito ang oras para magbiro. Inawat lang ako ni Nicko na may ngiti pang nakapaskil sa labi nito.
“Brad, pinapasaya lang kita. Huwag mo nga masyadong problemahin ang problema, hayaan mo ang problema ang mamroblema sa’yo.” nakangiti hirit pa ni, Francis.
“Virgin ba siya?” seryosong tanong ni Nicko sa akin.
Napatingin naman ako sa kanilang dalawa na naghihintay ng sagot ko, tumango lang ako bilang tugon ko. Muli naman silang natahimik gayon rin ako.
“Kung ganon, paano na? Hiwalayan na?.” tanong pa ni, Francis. Hndi ko alam kung seryoso ba siya sa pagtatanong. Dahil mas lamang rito ang puro kalokohan niya.
“Malamang isang malaking kahihiyan ‘to sa pamilya niyo kapag nalaman ng iba. Pag-iinitan ka na naman ng ama mo,” seryosong salita ni Nicko.
Tahimik lang ako dahil sumasakit lang ulo ko sa pag-iisip dahil sa mga bagay-bagay na ‘yan. Ang mas gusto ko lang ngayon magpakalasing at makatulog na lang sa sobrang lango sa alak.
—————
Nagising ako sa mahinang yugyog sa balikat ko. Sapo ang ulo na sumasakit, pilit na minulat ko ang mata ko at inaaninag kung sino itong istorbo.
“Kobe, anak. Tumayo ka na riyan nandito kami ng Papa mo at ang asawa mo, kailangan natin mag-usap.” mahinang sagot nito.
Bigla akong napabangon dahil sa sinabi ni Mama, kahit masakit at parang umiikot ang paningin ko tumayo ako.
“Bakit nandito kayo? At sinama niyo pa ang babae na manloloko na ‘yan?” asar kong sagot at binalibag ko ang kumot na nakaharang sa binti ko.
“Anak, nakikiusap ako sa’yo. Mag-usap muna tayo ng maayos huwag ‘yung ganito. Sige na para matapos na ito,” naiiyak na paliwanag ni Mama.
Natahimik naman ako at nakita ko si Papa sa may pinto, seryoso ang mukha. Nasa likod niya ‘yung babae na nakayuko, malamang paano ba niya ihaharap ang mukha niya sa akin? Dahil sa kasalanan na ginawa niya.
Magkakaharap kami ngayon dito sa sopa at wala pang may balak na magsalita. Nakapikit lang ako dahil ang sakit pa sobra ng ulo ko sa dami nang nainom ko, hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi dito sa condo ko.
“What now? Kailan niyo aayusin ang devorse paper namin?” iritado na basag ko sa katahimikan. Parehong napalingon sila sa akin.
“Hindi na muna,” sagot ng magaling kong ama.
Salubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi ng ama ko. Kaya napakuyom ang kamao ko dahil nararamdaman ko na naman ang pag-angat ng dugo ko sa ulo ko.
“Anak pakinggan mo muna ang sasabihin ng ama mo.” Wika naman ni Mama habang katabi ang magaling na babae.
Tumayo si Papa at nagpakawala ng isang malalim ba buntonghininga.
“Alam mo na isang malaking kahihiyan ito sa ating pamilya ang mabalitaan ang nangyari, na ang anak namin ‘ay nagpakasal. Ngayon ‘ay makikipag-deborsyo sa asawa niya. At ‘yon ang hindi puwedeng mangyari.” simulang ni Papa.
Napatayo naman ako dahil sa sinabi nito. “Bakit hindi? Iniisip niyo ang kahihiyan ng pamilya natin? Ako na anak niyo, hindi niyo na-isip na nilagay niyo ako sa isang sitwasyon na hindi naman para sa akin?” nanggigil na wika ko dahil nag-uumpisa ng manginig ang kalamnan ko.
Inawat naman ako ni Mama, dahil baka na sa isip nito baka magpang-abot na naman kami ng magaling kong ama.
“Makinig ka, i have a deal for you. Dalawang buwan mula ngayon, matapos ‘yon hahayaan na kita na sa landas na gusto mo. Kung ano talaga ang balak mo sa buhay mo, hayaan mo na maging mag-asawa kayo sa mata ng mga tao. Two months, Kobe Guevarra at palalayain na kita sa gusto mo.” paliwanag nito sa seryosong tono at naglakad papunta sa may pintuan.
Natigilan ako at saglit na nag-isip, pero natuwa ako na hahayaan na ako ni tanda sa gusto kong gawin.Β DalawangΒ buwan lang Kobe, sandali lamang ang dalawang kaya sundin mo na.
“Pumunta na kayo sa bahay na regalo namin sa inyo ng Mama mo.” Muling sabi ni Papa bago tuluyang lumabas ng condo ko.
“Sige na anak, kung may problema tawagan niyo lang ako. Kobe, anak ito na ang huling pangingialam namin sa’yo. Bente kuwatro ka na kaya na sa pag-iisip ka na.” malungkot ang boses na bigkas ni Mama.
Nakaalis na sila pareho, pero ako ito na sa malalim na pag-iisip. Sa mga binibitawan nilang salita ganon pa man may isang bahagi ko na nagsasabi na masaya ako. Napalingon naman ako dito sa babae na tahimik na nakaupo lang.
“Halika na, baka naghihintay ka pa na buhatin kita?” baling ko dito na may nakapaskil na mapang-asar na ngiti sa labi.
Tumango lang ito at tumayo na, magkasabay kaming naglalakad sa palabas ng condo. Hanggang sa kotse tahimik lang kami marami rin akong iniisip na bagay-bagay.
“Ang tibay mo rin noh? Paano mo nakuha ang loob ng mga magulang ko? Ganyan ka ba ka-desperada?” sarkastiko ko na basag sa katahimikan namin.
Nilingon niya naman ako at mukhang walang siyang balak na magsalita. “Kung gusto mo ako, mas mabuti pang kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa akin.” seryosong sabi ko ulit.
Napansin ko naman ang paglungkot nang mata niya.Β Tama nga ako, may damdamin niya siya sa akin. Paano kaya niya ako nakilala?Β Tanong ko sa isipan ko dahil hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung paano niya ako nakilala.
Pagdating namin sa bahay na regalo raw sa amin. Dahil alam ko na ito no’ng bago kami kinasal, tahimik na pumasok kami pareho sa loob ng bahay. Masasabi kong napakaganda ng bahay, magaling talaga sila pumili. Nilingon ko naman ang kasama ko na nauna ng pumasok sa loob.
“Tatlo ang kuwarto, kaya tag-isa tayo. Pero na sa’yo na ‘yun baka gusto mong tumabi sa akin?” mapanuksong salita ko ng tumingin siya sa akin.
“Ayos lang naman kahit saan ako, katabi mo o sa ibang kuwarto dito. Ikaw ba saan mo ba ako gusto?” walang emosyon na sagot nito.
Natawa naman ako.Β Ayos ah, ako pa talaga ang tinanong niya. Mukhang gusto rin tumabi sa akin, hanggang panaginip niya na lang ‘yun.
“Doon ka sa isa, mahirap na baka mamaya mabuntis pa kita. Mas mahirapan pa ako lalong makalaya sa’yo.” sagot ko lang at nagpunta ako ng kitchen dahil nakaramdam na ako ng gutom dahil puro alak lang ang laman ng tiyan ko. Hinayaan ko na ang babae na yon kung saan siya magpunta.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25
0 thoughts on “Still Loving You”