Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 25

Dahan-dahan na nagmulat ang mata ko at nakita ko agad ang gwapong mukha ng asawa ko si Kobe. Simula mawalan na ako ng malay dahil sa tinurok sa akin ay siya rin ang huling mukha na nakita ko at sa paggising ko ay siya pa rin.

“Camilla.” Sambit nito sa pangalan ko at hinawakan ang kamay ko. “Salamat at nagising ka na sobrang nag-alala ako sa’yo.” Seryosong sabi nito na para pang naiiyak.

Napangiti naman ako at marahan na pinisil ko ang kamay niya.

“Salamat, kahit sa paggising ko nandiyan ka.” Wika ko at naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

Hinagkan nito ang likod ng palad ko at sumunod sa noo ko.

“I love you so much, hindi kita kayang iwan hangga’t hindi ko nakikita na ok ka na.” Sagot nito.

“Tama siya, Camilla. Siya lang ang nagbantay sa’yo ayaw niyang umuwi at halos wala ‘yang tulog.”

Napalingon naman ako sa gilid ko naroon pala si mama nakaupo at mukhang kakarating lang nito dahil naamoy ko pa ang pabango nito na bagong lagay.

“Kamusta hija ang pakiramdam mo may masakit ba? Sandali tatawagin natin ang doctor para malaman na gising  ka na.

Tumango lang ako at nabalik ang atensiyon kay Kobe na halata ngang wala pa itong tulog simula ng dalhin ako dito ng hapon.

“Natawagan ko na, sandali bakit hindi pa dinadala ang mga apo ko dito? Parating na ang ama niyo para makita ang mga apo niya raw.”

Bigla ako naman naalala ang kambal ko na anak, babae at lalaki ito. Laking tuwa namin na after two years ay magkakaanak na kami ni Kobe at kambal pa ito, marami rin kaming ginawa at mga sinunod na sinabi ng iba para magkaanak kami.

“Ma, sabihin niyo dalhin na ang anak ko dito.” Sagot ko dahil excited na ako makita ang dalawang anak namin.

“Ang bagal naman kasi kumilos ng mga tao dito, puntahan mo nga doon Kobe at naiinip na ako.” Naiinis na sabi ni mama.

Napatawa naman kami ni Kobe dahil sa hindi mapakali si mama, noong malaman niyang buntis ako at kambal pa, nagpa-party siya at halos araw-araw ay binibisita niya ako sa bahay at inaasikaso, hindi niya ako pinapaalaga sa iba siya rin ang nagdadala ng pagkain ko. Talagang todo ang suporta niya at nagpapasalamat ako dahil ang swerte ko sa kanila.

“Ma, relax ka lang. Chine-check pa ang anak namin at alam kong kapag nakita mo sila ay mas lalo kang matutuwa.” Sagot naman ni, Kobe.

“Ang daya ikaw nakita mo, sandali anong itsura ng kambal? Sino kamukha sa atin?” Masayang tanong ko sa kaniya.

“Maganda at gwapo sila pareho, mana sa papa at mama nila.” Mayabang na sagot ni Kobe at bumukas ang pinto kaya napalingon kami.

Pumasok ang dalawang nurse na may hawak na tag-isang baby kasunod ang doctora. Napapangiti at bigla akong naiyak dahil sa wakas ito mahahawakan ko na sila.

Kinuha ni Kobe ang isa at ang isa naman ay inabot sa akin, lumapit agad si mama sa amin.

“Ang ganda at ang gwapo ng mga apo ko, mana sa akin.” Masayang sabi ni mama.

Napangiti ako at hindi ko maiwasan na maiyak at muling bumukas ang pinto, pumasok si papa at nagmamadali na lumapit sa amin.

“Ayan na ba ang mga apo ko? Aba’y ang ganda at ang gwapo mana sa akin, hindi ba, Kobe?” Natatawang sabi ni papa.

“Pa, kamukha ko.” Simangot na sagot ni Kobe at nagkatawanan kami lahat.

“Makisuyo po muna pakihawak ng baby at i-check up ko lang si misis.” Sabi ni Doctora.

Kinuha ni mama ang anak ko at kinarga niya, naupo sopa katabi si papa at masaya nila itong pinagmamasdan. Natuwa ako ang puso ko habang karga ni Kobe ang lalaki namin, nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.

“Ok naman po siya, kailangan niya lang magpahinga at kumain ng mga masusustansiyang pagkain.” Sabi ng Doctor matapos akong i-check.

Nagpaalaam na ang doctor at naiwan kami dito.

“Ano pala ang pangalan ng mga apo ako?” Tanong ni mama habang kalong ang baby girl ko.

“Calvin Herrera.”

“Kathrina Herrera.”

Sabay na sagot namin ni Kobe at natawa kami.

“Puwede na rin, hello apo Kathrina bagay na bagay sa’yo ang pangalan mo kasing ganda mo apo.” Nakangiting kausap ni mama habang mahimbing na natutulog ang anak ko.

“Patingin ako sa gwapo kong si, Calvin.” Wika ko at lumapit si Kobe sa akin at binigay si Calvin. Kamukha ni Kobe ang anak namin at masasabi kong guwapo rin ito kapag lumaki na.

“Kasing gwapo ng ama niya.” Wika ni Kobe.

“Ok sige na nga.” Natatawang sagot ko at muling bumukas ang pinto at iniluwa nito ang tatlong gwapong lalaki.

“Late na ba kami? Mukhang nagkakasiyahan kayo, isama niyo naman kaming mga guwapong ninong nila.” Sabi ni Adrian na naunang pumasok.

Napangiti kami ni Kobe ng magkakasunod na pumasok si Adrian, Nicko at Vincent. Lumapit si Kobe sa kanila at tinapik siya isa-isa sa balikat at bumati sa kaniya.

“Sa wakas matutuloy na talaga ang pagiging ninong namin.” Nakangiting sabi ni, Nicko.

Naging magkakasundo kaming lahat at ‘yung dating nararamdaman ko kay Nicko nawala na ‘yon simula ng magsama kami ulit ni Kobe. Saka ok na rin siya dahil tanggap niya na raw na hindi ako para sa kaniya, si Vincent na sinabihan ako na huwag na raw kami maghihiwalay ni Kobe dahil kapag nangyari ulit daw yon itatanan raw niya ako, biro niya sa akin noon.

Masayang nakatingin ako sa kanila habang nag-uusap sila at nagtatawanan dahil alam ko naman puro kalokohan lang ang pinag-uusapan nila. May kaniya-kaniya na rin silang mga love life kaya masaya ako sa kanila, si Grace naman ay pinuntahan ko sa dati kong tinutuluyan pero ang sabi ng may ari matagal na raw umalis doon si Grace.

“Kailan ba binyag? Kasi hindi ko alam kung alin ang ireregalo ko sa inaaanak ko, kung ‘yung isla ko na hindi kalayuan dito sa Manila o kaya naman ‘yung mamahalin kong Choper.”

Mahinang sinuntok ni Nicko sa braso si Adrian dahil sa kayabangan na sinabi nito.

“Tarantado hanggang ngayon puro ka kayabangan.” Sagot naman ni Kobe at nagkatawanan kaming lahat.

“Saka niyo na patawanin ng patawanin si Camilla mamaya mabinat ‘yan.” Sermon ni mama.

“Sorry po Tita, si Adrian po pasimuno.” Sagot naman ni Nicko. Habang si Vincent ay napapangiti lang ganito talaga to tahimik lang lagi.

Napuno ng saya dito sa loob ng kuwarto ko dahil sa mga taong nakapalibot sa akin. Dati isa lang ako ngayon biglang dumami ang mga taong nagpapahalaga sa akin.

———-

After two months…

Parehong nakangiti kami ni Kobe habang tag isa naming karga ang aming anak na dalawang buwan na at binibinyagan ngayon. Kasalukuyang binubuhusan na ang bunbunan ng kambal ng banal tubig dito sa simbahan.

“Ikaw Calvin Herrera ay ganap ng katoliko.”.

“Ikaw naman Kathrina Herrera ay ganap na ring katoliko.”

Matapos ‘yon ay natapos na agad ang binyag. Ilang kuha ng litrato ang mga ginawa kabilang ang ninang at ninong na pili lang na kinuha namin. Matapos ‘yon ay masayang sumakay na kami sa kaniya-kaniyang kotse para magpunta sa reception sa isang sikat na hotel at inarkila ng biyenan ko.

“Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may anak na tayo, minsan umiiyak na ako sa gabi sa kagustuhan kong magkaanak na tayo.” Wika ko habang magkatabi kami ni Kobe at nakatingin sa mga nagpapasa-pasa sa kambal namin.

“Yes i know, at masaya ako dahil binigay na sa atin. Pero tama na yang dalawa, dahil hindi ko kaya ang operation na ginawa sa’yo. Hindi ako mapakali dahil natatakot ako na baka may mangyari sa’yong masama.” Seryosong wika ni Kobe.

Napahawak ako sa kamay niya dahil dama ko yung sinasabi niya at nagdesisyon rin kami na tama na itong anak namin. Ang importante may anak na kami at dalawa pa.

Inakbayan ako ni Kobe ay hinagkan sa gilid ng buhok ko.

“I love you.” Mahinang anas nito.

“I love you, too…” Sagot ko at tumayo kami para lapitan na rin ang anak namin na parehong umiiyak na siguro na naguguluhan na ‘yon sa dami ng kumakarga sa kanila.

“Kunin niyo na ang anak niyo at baka kabagan pa ‘yan.” Abot ni mama sa akin kay Calvin at inabot naman kay Kobe ng tita niya si Kathrina.

“Kagandang bata at gwapo, mana sa ina at ama. Alagaan niyo mabuti ang mga anak niyo.” Wika ng tita ni Kobe na tita ko na rin.

“Salamat po.” Sagot ko at tumango lang si Kobe. Lumapit naman kami kila Nicko na umiinom sa kabilang lamesa.

“Pare, mukhang itong si Calvin ang magmamana sa mga nakagawian mo. Gwapo bata pa lang.” Sabi ni Nicko at natawa si, Adrian.

“Tama si Nicko pare, kaya siguradong ikaw naman ang sasakit ang ulo. Remember?” May kahulugan na sabi ni Adrian at biglang tumawa.

“Gago.” Natatawang sagot naman ni Kobe at pinaghatak niya ako ng bangko.

“Ito ang ingatan mo Camilla, ang ganda ng inaanak ko baka kung sino-sino ang manligaw.” Sabi ni Vincent na nakatingin sa anak namin.

“Siyempre dadaan mo na sa akin, pero saka na’yon enjoy muna sila sa buhay nila.” Sagot naman ni Kobe.

Puro kuwentuhan at tawanan ang nangyari, sobrang saya ko habang naalala ang mga nangyari. Nagkalayo man kami ni Kobe, Still love pa rin namin ang isa’t isa.

End…..

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25