Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 24

Nanghihina na napaupo ako sa sopa pagkaalis ni Grace, nanginginig pa rin ang kamay ko dahil sa galit sa kaniya. Sa totoo lang wala naman akong balak na sampalin siya dahil sa nalaman ko ng tawagan ako ni Selene na pauwi na raw si Grace at nagpasundo kay Kobe. Marami akong nalaman dahil sinabi sa akin ni Selene lahat at may balak pala itong masama at hindi raw alam ni Selene kung ano ‘yon.

Balak ko pagsalitaan lang siya at ipakita ang galit ko dahil sa ginawa niya. Pero dahil sa nakita kong panghahalik niya na halata naman na siya ang humalik sa asawa ko mas lalo akong nagalit sa kaniya dahil mas pinakita niya sa akin na hindi niya ako kaibigan, kaya nasampal ko na siya sa galit ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Kobe ang dalawang kamay ko at mahinang pinisil. Mabilis na hinatak ko ang kamay ko na kinagulat niya at lumayo ako ng konti sa kaniya.

“Whay?” Kunot noong tanong nito.

“Why? Alam mo ba na naiinis rin ako sa’yo!?” Malakas na sabi ko na hindi niya maunawaan.

“What do you mean? Ano naman ang kasalanan ko sa’yo? Nakita mo naman na hindi ako ang humali–“

“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin.” Putol ko sa sabihin niya. “Sino naman si Claire, ha? Yung Samantha, nasaan na ‘yon?” Galit na tanong ko sa kaniya.

“Si Samantha wala na ‘yon nag-asawa na ng forigner, si Claire naman… Paano mo nalaman ‘yung kay, Claire?” Seryosong sabi nito.

Parang gusto ko rin siyang sampalin dahil hanggang ngayon ang dami pa rin babaeng nasa paligid niya.

“May nag-add sa akin na Claire at nag-message na boyfriend ka raw at may nangyari sa inyo. Tapatin mo nga ko Kobe, seryoso ka ba talagang magkabalikan tayo? Kasi kung naglalaro ka lang ulit, puwede ba tigilan mo na ako?” Naiiyak na sabi ko dahil ang gulo na ng isip ko.

“Seryoso ako ok? Si Claire, walang nangyari sa amin, oo nagising akong magkatabi kami pero alam kong walang nangyari sa ami, siya lang nagpipilit na may ganon. Come on, Camilla. I love you and that’s forever, can you please trust me?” Nagsusumamong sagot nito.

“Hindi ko alam, mamaya saktan mo lang ulit ako.” Sagot ko at napasandal ako dahil parang sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nalalaman ko.

“Camilla, come on. Hinihintay na tayo nila mama at papa, i don’t need to say the promise. But i will do everything for you my love.”

Napatingin ako sa kaniya dahil ramdam ko naman ang katotohanan sa sinabi niya pero parang may alinlangan pa ako.

———–

Magkatabi kami sa kotse at panay ang halik ni Kobe sa kamay ko pero tahimik lang ako. Sumama ako dahil sa naghihintay raw sila mama at papa sa akin, masaya rin naman ako na makikita ko sila pero parang hindi katulad kanina habang nag-aayos ako ng mga dadalhin ko.

“Iharap mo sa akin ang Claire na ‘yon kakausapin ko siya.” Seryosong wika ko at tiningnan ko si Kobe.

“Hindi mo na kailangan gawin ‘yan dahil wala talaga kaming relasyon. Alam naman niya na may asawa ako.” Paliwanag niya pa.

Inirapan ko naman siya dahil hindi pa rin talaga ako kumbinsido. Naalala ko naman bigla si Grace, kahit paano may lungkot ako para sa amin. Ayoko man gawin yon pero ang isip at damdamin ko ang nagdekta para gawin ‘yon sa kaniya.

Sana mahanap mo rin ang para sa’yo Grace dahil alam kong wala ka pang minamahal sa buhay.

Wika ko sa isipan ko habang nakatanaw sa labas ng bintana, pasulyap-sulyap lang ako kay Kobe hanggang sa makarating na kami sa may gate ng bahay namin. Napasulyap ako at maraming alaala ang nagbalik sa isip ko.

Namiss ko ang bahay na ‘to dahil nandito lahat nagsimula, lahat-lahat nandito sa bahay na ito. Mukhang inalagaan ito ni Kobe sa loob ng tatlong taon.

Pagpasok ng kotse ay nagulat ang dalawang guard ng makita ako at sa huli ay bumati sila ng nakangiti. Nakangiti rin sa akin si Kobe. Mediyo kinabahan ako ewan ko ba, ngayon ko lang ulit makikita ang biyenan ko matapos ko magpaalam sa kanila.

“Let’s go.” Untag ni Kobe sa akin at hinawakan ako nito sa kamay papasok sa loob.

Ngayon lang nangyari na sabay kami pumasok sa loob ng bahay namin na hawak niya ang kamay ko. Kaya hindi ko namalayan nasa loob na kami at nakangiting mukha  ng papa at mama ni Kobe ang sumalubong sa akin.

“Hija, Camilla. Na-miss kita.”

Hindi ako nakapagsalita dahil naiyak ako sa pakikitungo nila sa akin dahil walang nagbago. Mahigpit na niyakap ako ng mama ni Kobe at natatawang nakita akong umiiyak.

“Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masayang makita kami ulit?” Kunwaring tampo ng mama nito.

“H-Hindi po, masaya lang po ako.” Sagot ko at pinahiran ang luha ko, umakbay naman sa akin si Kobe.

“Welcome back, Hija. Mabuti naman at bumalik ka na dahil baka mabaliw na yang asawa mo kakahanap sa’yo at paulit-ulit na nagtatanong sa amin.” Sagot naman ng papa ni Kobe.

“Tama ang papa mo, Hija.” Sagot naman ni mama.

Napapangiti na lang ako at napatingin kay Kobe, hinagkan niya ako sa noo at bumaba ang kamay nito sa bewang ko.

“Halika na kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain.” Aya na ng mama ni Kobe.

Nauna namang naglakad ang mama at papa ni Kobe at naiwan kami dito sa sala.

“Are you ok?” Tanong niya sa akin.

“Oo.” Sagot ko habang nakatitig sa mga mata niya. “Talaga bang hinanap mo ako?” Tanong ko sa kaniya at ngumiti mo na ito at humarap sa akin.

“Oo naman, walang araw na hindi kita hinahanap at iniiisip. Hanggang sa panaginip naroon ka.” Seryosong sagot nito at dumampi ang labi nito sa akin.

Yumakap naman ako ng mahigpit sa kaniya at muling naiiyak dahil talagang mahal niya ako.

“Come on, mamaya mo na ako yakapin ng yakapin. Mamaya magsawa ka pag-alis nila mama.” Malokong sabi nito.

Natatawang inirapan ko naman siya at magkasabay na nagpunta na kami sa dining, naghihintay na ang magulang ni Kobe doon. Naupo na kami at sabay-sabay na kumain, masayang nag-usap kami at nagkamustahan.

“Hija, bukas pupunta tayo sa OB gyne para magpa-check up ka mas magandang matingnan ka.”

Natigilan ako sa pagsubo at napatango na lang dahil parang hindi pa ako hangdang magpatingin dahil sa ayokong malaman ang resulta.

“Ako sana ang sasama, pero mas maganda kung si Mama na lang.” Sabi naman ni, Kobe.

“O-Oo.” Alanganin na sagot ko at tahimik na kumain na  ulit.

“Ok, dadaanan na lang kita dito Camilla.” Wika naman ni mama at nagpatuloy na kumain.

———-

Matapos ang dinner ay nagpaalam na sila mama at papa, magkasabay na naglalakad kami ni Kobe sa hagdan habang nakaakbay ito sa akin.

“Baka may dinala kang babae dito ah?” Maya’y sabi ko na kinatawa niya pagkaakyat na namin.

“Meron na.” Nakangiting sabi nito.

Napasimangot naman ako sa kaniya at nagulat na lang ako ng kargahin niya ako ng parang katulad sa bagong kasal.

“Ikaw ang dinala ko ulit dito sa pangalawang pagkakataon.” Sagot nito at muling dumampi ang labi nito sa akin. “This time sisiguraduhin ko na mabubuntis na kita.” Natatawang sabi niya at mahinang kinurot ko siya balikat.

Dinala niya ako sa kuwarto namin at doon marahan na nilapag ako, napahimas ako ibabaw ng kama dahil maraming alaala dito.

“Did you remember?”

Napaangat ako ng mukha habang nag-aalis ng coat si Kobe, napatango ako at napangiti. Matapos nitong magtagal ng sapatos ay yumukod ito sa akin at tinanggal ang sandals na suot ko. Matapos ‘yon ay bumaba ang mukha nito sa akin at naamoy ko ang mabangong hininga nito kaya napapikit ako.

Naramdaman ko ang pagyapos ni Kobe sa katawan ko, lumapat ang mainit na labi nito sa akin at pareho naming ninamnam ang tamis ng aming pagmamahal. Lumapat ang katawan ko sa malambot na higaan at dumagan sa akin si Kobe.

“I love you, Camilla.” Sambit nito at muli akong hinagkan sa labi, mas mainit at mapaghanap ito ngayon. Naglumikot agad ang kamay ni Kobe at tinaas ang t-shirt na suot ko, hinubad na rin niya ang long sleeve niya kaya nagdikit ang balat namin.

Gumapang ang kamay nito sa ibabaw  ng dibdib ko at pumasok sa loob ng bra ko. Napakapit ako ng mahigpit sa balikat ni Kobe, lumuwag na ang kawit ng bra ako at inalis nito agad. Nag-init na ang katawan ko ng minamasahe nito ang dalawang bundok ko at dumadampi ang bibig nito sa pinaka-korona ko.

Napapaliyad ako sa bawat haplos, ang pagkagat nito ng mahina sa leeg at sa balikat ko na mas lalong nagdulot ng init sa buong katawan ko. Hanggang sa sumunod na binuksan nito ang pantalon ko, binaba nito at mabalis na nahubad.

Bumaba ang labi nito at pinaraanan ang pusod ko pababa sa puson ko, napahawaka ako sa unan ng himasin niya ang ibabaw ng undies ko. Dahan-dahan na inalis nito ang natitirang saplot ko, napaangat ako at nakita kong pinaghiwalay niya ang hita ko doon ay sinamba niya ang pagkababae ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Napapapikit ako sa paglalarong ginagawa niya sa hiyas ko kaya hindi ko maiwasan na napakapit sa buhok niya. Hanggang sa umangat ito at hinubad ang natitirang suot niya, nakahanda na siya sa ibaba ko. Hanggang sa pumasok na ito sa loob ko at ramdam ko ang kahabaan sa hiwa ko, sa una’y dahan-dahan lang hanggang sa bumilis na ito na parang nakikipagkarera siya.

Matapos niya sa ibabaw ko ay nagpalit kami ng puwesto at ako naman ang nasa ibabaw, siya na mismo ang nagagalaw sa katawan ko, napakapit ako sa headboard dahil sa mabilis na paggalaw niya sa balakang ko. Akala ko ay tapos na pero umikot siya at pinadapa ako, nakatuwad naman ako sa harap niya. Itong posisyon na ito may sakit akong konting nararamdaman pero ayos lang dahil masarap siya at para na rin sa asawa ko gagawin ko.

Halos masubsob na ako sa dulo ng higaan namin dahil sa bilis niyang gumalaw hanggang sa huminto na ito at naramdaman ko ang pagpasok  ng similya nito sa loob ko.

Sana mabuntis na ako

Sambit ko sa isipan ko matapos ang nangyari ay magkayakap kaming dalawa ni Kobe.

“I love you, Camilla Herrera.”

Mahinang sambit nito. “I love you too, Kobe Herrera.” Sagot ko naman at sumiksik ako ng husto sa dibdib niya.

———–

Nandito kami ngayon sa OB Gyne na kilala daw ni mama, magkatabi kami ni mama at naghihintay na tawagin kami. Kinakabahan ako at sumabay pa ang sobrang lakas ng aircon dito kaya naman mas lalo akong kinakabahan.

“Ma, siya nga pala diba yung iba na babae sabi mo noon nabubuntis agad ni Kobe?” Naiisip kong itanong sa biyenan ko.

“Oo, kaya nga nagtataka ako pagdating sa’yo wala. Ayoko man isipin baka mamaya karma ko na ito at sa anak ko. Ngayon gusto namin magka-apo na samantalang dati ilan na sana ‘yon, dahil sa ayokong masira agad ang buhay ng anak ko at mapasok agad ito sa malaking responsibilidad, lahat ‘yon pina-abort ko. Apat na sana ‘yon.” Malungkot na kuwento ni mama.

“Sayang ang dami na po pala, pero siguro naman po hindi yan mangyayari sa akin. Bibigyan ko po kayo ng apo.” Nakangiting sabi ko at ngumiti ito sa akin.

“Mrs. Herrera, tawag na kayo ni Doc.” Nakangiting sabi ng babae na mukhang assistant ng doctor.

Napatango si mama at inaya na ako at sabay na tumayo kami, kumatok muna si mama bago pumasok sa loob. Nakita ko agad ang aparato para sa ultra sound. Kinausap na ako ng doctor at wala ako sa sarili basta  sagot lang ako ng sagot.

“So, doctor. May posibilidad talagang mabuntis siya?”

Nakikinig lang ako sa usapan nila mama at hindi ko na gaano naitindihan ang sinabi ng doctor. Matapos tingnan ang matres ko ay hindi ko na naitindihan ang ibang sinabi dahil lutang ang isip ko. Ang alam ko lang sabi niya, abnormal possition raw ang uterus ko. Nakatuwad raw ito kaya, yung pinapasok na similya ni Kobe ay nasasayang lang daw. Kung baga sa nagsasahod ng tubig hindi nakasahod kaya natatapon lang ito.

“Oo naman po, pero hind natin alam kung kailan. Kaya sundin nilang mag-asawa ang sinabi ko. Kung sakali man na magbuntis na siya ay CS ang mangyayari sa kaniya.”

“Ok po, doc maraming salamat po.” Nakangiting sabi ni mama.

Hindi ako makapagsalita paglabas namin ni mama.

“Camilla, sabi naman ng doctor puwede ka pa rin magbuntis. Kaya huwag ka ng malungkot, may ganiyan talaga sa babae. Kaya huwag mo ng isipin ‘yan ang isipin mo ang makabuo kayo agad.” Nakangiting sabi ni mama.

Napatango ako kay mama at kahit paano gumaan ang dibdib ko.

Hayss bakit kasi ganito ang matres ko? Kaya pala hindi ako mabuntis dahil hindi talaga papasok ang similya ni Kobe sa akin dahil sa wala sa ayos ang uterus ko.

Mas mainam kung nakatuwad na posisyon ang gawin niyong mag-asawa, pero hindi pa rin yon 100% na mabubuo agad.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa gustong-gusto ko na magkaanak kami kaso sa akin naman may problema.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25