Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 23

Masaya ang pakiramdam ko habang nagda-drive papunta sa company, kakausapin ko ang secretary ko na i-cancel muna lahat ng meeting ko today and the other day. Gusto kong paghandaan ang pagbabalik ni Camilla sa aming bahay at alam kong matutuwa sila Mama at Papa.

Para akong naging malaya dahil sa wakas nasabi ko rin kung gaano ko kamahal si Camilla. Nagsisi talaga ako dahil sa mga nasabi ko sa kaniya noon at gagawin ko ang lahat para mapalitan ko lang yon ng mga magagandang alaala. This time, sisiguraduhin ko na hindi ko na siya tatalikuran pa at mamahalin ko siya ng buo bilang si Kobe Herrera.

Napapakanta ako dahil sa naalala ko ang dalawang ulit na pag-angkin ko kay Camilla kanina sa kuwarto nito. Kung puwede lang ayokong ng matapos ang oras na ‘yon at gustong kong mapagod na nasa tabi niya lang. Ginawa ko ang lahat para malaman kung saan talaga nakatira si Camilla, dahil na rin sa kagustuhan ko na malaman ko agad, naghanap ako ng puwedeng pagtanungan bukod sa kay Grace. Hindi naman ako nabigo dahil may nalaman ko.

Noong una plano kong magpasama kay Grace, pero naisip ko baka hindi ko siya makausap ng maayos kaya kahit mali ang ginawa ko hindi ko sinipot si Grace sa usapan namin no’ng tumawag siya sa akin ng umaga. Nag-sorry naman na ako sa kaniya at isa pa gusto ko rin talaga masolo si Camilla, tama nga ang ginawa ko.

Natatawang napapailing na lang ako sa kalokohang ginawa ko, pero may iba akong pakiramdam kay Grace hindi ko alam kung tama ako. Natigil na ako sa pag-iisip ng makarating na at dinala ko na sa parking area ang kotse ko.

Habang naglalakad at inayos ko ang coat ko at nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod. Pinagod mo ko Camilla. Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

“Good morinig Sir, mali pala tanghali na pala.” Nangingiting bati sa akin ng mga empleydo na nasasalubong ko.

Nakangiting tumango ako sa kanila na kinagulat nila pati na ang mga nasa information ay mga nagtataka sila. Hinayaan ko na lang dahil talagang kapag dumarating ako dito sa kumpanya hindi talaga ako namamansin ng mga tao dito. Pagpasok ko sa elevator ay tahimik na tiningnan ko ang relo kung ano’ng oras na. Lunch time na.

Pagdating ko sa opisina ko ay bukas ito at mukhang nandito ang secretary ko.

“Sir, kayo pala. Nandito po pala si Ma’am Claire hinintay kayo at–“

“Hi, babe.” Bati agad nito at naglakad ito palapit sa akin.

“Anong ginagawa mo na naman dito?” Salubong ang kilay na sabi ko at naupo ako sa swivel chair. Lumabas naman ang secretary ko na sumenyas sa akin.

“Kobe, ikaw naiinis na ako sa’yo. Iniiwasan mo ba ako?” Malungkot na sabi nito at naupo sa gilid ng lamesa ko.

“Yes.” Sagot ko at kumuha ako ng isang folder na nakapatong dito sa ibabaw ng lamesa.

“But why? I miss you na, i miss your making love with me.” Mapang-akit na sabi nito na hinawakan ang kuwelyo ng suot kong polo.

Tinabig ko naman ang kamay niya na kinagulat niya.

“My wife is back, so you better forget me Claire, ok?” Seryosong sabi ko at napalabi siya at tumayo.

“So, kaya ganiyan sa akin dahil nandiyan na ang asawa mo. Paano naman ako, paano kung mabuntis mo ako?” Malakas na sabi nito.

“Puwede ba, Claire. Alam mo na una palang, lasing ako no’n at hindi ko nga sigurado kung talagang may nangyari sa atin. Dahil wala na akong suot pagkagising ko. Or else talagang walang nangyari talaga sa atin?” Napansin ko na namutla siya dahil sa sinabi ko.

“O-of course not! Ikaw pa ba Kobe, siyempre merong nangyari sa atin at paano kung sabihin ko sa asawa mo na ako ang naging babae mo habang wala siya, ano Kobe? Ano kaya gagawin ng asawa mo?”

Asar na hinawakan ko ang braso niya at pinisil at tinitigan ko siya ng masama. “Just try, Claire. Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo.” Pigil ang galit na sabi ko.

“I’m sure na magugustuhan ko ang gagawin mo sa akin, Mr. Kobe.” Mapang-asar na sagot nito at tumayo naglakad papunta sa pinto. “This is not end, Kobe.” Pagbabanta nito.

Napasandal ako paglabas ni Claire at asar na napapikit ako dahil bakit ba ang daming mga magugulo? Walang makakapigil sa akin na makasama ko muli si Camilla.

———-

“Ano ba ang ipapalinis mo dito, Kobe? Mukha namang bagong linis ang bahay na ‘to?”

Namewang ako at tinignan si mama habang nakaupo sa sopa at nakamasid sa mga kinuha kong maglilinis ng bahay.

“Ma, gusto kong makita ni Camilla na hindi ko ito pinabayaan.” Seryosong sagot ko.

“Sus, ewan ko sa’yo. Pero nasaan na ba si Camilla? Na-miss ko na ang bata na ‘yon, sandali ano may apo na ba ako sa kaniya?” Excited na sabi ni Mama.

“Wala.” Sagot ko na kinataka niya.

“Paanong wala? Hindi ba ilang beses na may nangyari sa inyo sabi mo? Imposible naman na hindi mo siya nabuntis sa dami mo ng nabuntis.”

“I don’t know, sasamahan ko siya magpatingin or ako rin.” Sagot ko na kinatahimik ni mama.

“Hind naman kaya? Nako, huwag naman sana gusto ko ng magkaroon ng apo tumatanda na kami ng papa mo. Pauwiin mo na nga si Camilla at ng makapagpatingin na siya.” Nag-aalalang sabi nito.

“Mamaya susundoin ko na siya.” Sagot ko lang dahil sana naman walang may deperensiya ang isa sa amin.

“Kamusta naman si Camilla?” Maya’y tanong ni mama.

“She’s still, Camilla. My wife, Camilla.” Mahinang sagot ko at umakbay ako kay Mama.

“Wife mo na talaga? Ngayon mag-seryoso ka na dahil kapag pinaiyak mo na naman si Camilla, iiwan ka na talaga niyan.” Sermon nito.

“Yes ma, i’ll do that.” Seryosong sagot ko kay Mama.

“Siye sige, uuwi muna ako at mag-order ako ng mga pagkain para makapag-celebrate tayo sa pagbalik ng asawa mo.” Nakangiting sabi ni Mama.

Tumango kay Mama na nakangiti dahil kahit puro sermon ang inabot ko sa kaniya ay nandiyan pa rin siya para sa akin para pangaralan ako at gabayan sa lahat.

✍️✍️✍️———————–✍️✍️✍️

“Grace, ano kaya po ba umuwi?”

Tinawanan ko pa si Selene dahil niyaya ko itong umimom matapos namin mag-usap dahil talagang ang sakit ng nararamdaman ko. Saka nagpaalam ako kay boss Vincent na hindi papasok bukas.

“Ano ka ba? S-Siyempre kaya ko pa. Saka magpapasundo na lang ako sa love ko.” Natatawang sabi ko na kinatigil niya.

“At sinong love naman ‘yan? Wala ka namang boyfriend ah?” Nakataas ang kilay na sabi nito.

Tumawa ako sa kaniya. “Ano ka ba meron kaya, sandali ta-tawagan ko lang siya.” Napapapikit na sabi ko at kinuha ko ang phone ko sa shoulder bag na suot ko. Pilit na dinilat ko ang mata ko at hinananap ko ang number ni Kobe, nakita ko naman agad at sumenyas ako kay Selene na huwag maingay.

Nag-ring kaya naman mediyo kinabahan ako kahit lasing ako.

“Yes, hello?”

“Puwede mo ba ako sundoin dito? Si Grace ito hindi mo ko kilala?” Galit na sagot ko sa kabilang linya at muli kong sinenyasan si Selene.

“Ok, but papunta na ako sa appartment niyo susundoin ko na si, Camilla.”

Nakaramdam naman ako ng inis at selos na naman dahil ibig sabihin magsasama na sila ulit.

“Sundoin mo na ako dito at isabay mo na ako, please Kobe? Hindi ko na kayang umuwi.” Paawa ko sa kaniya at narinig ko ang buntong hininga niya.

“Sige na, total diyan ka rin papunta daaanan mo na ako hindi naman malayo ‘to. Hindi ko na kasi kayang umuwi, please Kobe?” Ulit ko pa.

“Ok.” Mahinang sagot nito at sinabi ko kung nasaan ako.

“Sabi ko sa’yo pupuntahan niya ako dito.” Masayang sabi ko at napasandal ako sa gilid ng pader dito sa labas ng pinag-inuman namin ni Selene.

“Uy, Grace. Yan ba ‘yung asawa ni, Camilla? Bakit sa kanyia ka pa nagpasundo? Ako na ang maghahatid sa’yo.”

Tinaasan ko naman ng kilay si Selene dahil ito na naman siya. “Puwede ba manahimik ka nga ito na ang huling pagkakataon ko.” Sagot ko na may ngiting sumilay sa gilid ng labi ko.

“Ano? Anong gagawin mo? Nababaliw ka na ba!? Sisirain mo sila, tumigil ka nga diyan Grace.” Galit na sabi nito.

Hindi ko siya sinagot at natanawan ko ang kotse na paparating kaya napaayos ako ng tayo.

“Nandiyan na siya, bye Selene.” Nakangising paalam ko kay Selene at sinalubong ko agad ang kotse ni Kobe kahit pa naliliyo na ako.

“Salamat dumating ka.” Napapapikit ang matang sabi ko ng bumukas ang pinto kotse.

“Sumakay ka na doon ka sa likod.” Sabi nito na parang seryoso.

“A-Ayoko do’n, dito na lang ako sa unahan.” Sagot ko agad pilit na binubuksan ang pinto hanggang sa bumukas ito na binuksan niya na siguro.

Tahimik kami pareho at nakikiramdam ako sa kaniya habang seryosong nagmamaneho si Kobe. Nagkunawari akong napapikit at lumalapit ng husto ang ulo ko sa kaniya at pasimply na hinatak ko ang skirt ko pataas para mas makita lalo ang mapuputi kong hita.

“Umayos ka ng upo.” Sabi nito.

Napataas naman ang kilay ko hanggang sa makarating na kami sa harap ng appartment namin, mukhang walang tao sa baba siguro nasa taas si Camilla.

Sabay na bumaba na kami sa kotse at hinagilap ko ang susi sa bag ko.

“Wait lang ah.” Sabi ko habang nasa likod ko siya. Ng makita ko na ang susi ay agad kong binuksan ang pinto, sinindihan ko ang ilaw at pumasok naman si Kobe.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Camilla at hinayaan ko itong mag-ring. Nakatayo lang si Kobe at napatingin sa taas, lumapit ako at nagkunwaring parang babagsak. Pero nahawakan ako ni Kobe at napatingin ako sa kaniya lalo na sa labi niya. Narinig ko ang yabag ng paa mula sa itaas kaya wala na akong ibang naisip pa at agad na hinalikan ko si Kobe na kinagulat niya at saktong nasa baba na si, Camilla.

Tinulak ako bigla ni Kobe at parehong napatingin kami kay Camilla na galit agad ang itsura kaya medyo natuwa ako dahil sa reaction nito.

“Camilla, wala akong ginawa.” Wika agad ni Kobe at lumapit siya kay Camilla pero naglakad ito at nilagpasan si Kobe.

Nagtaka ako dahil papalapit siya sa akin at hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko na kinagulat ko ng sobra at pakiramdam ko nawala ang lasing ko.

“Ang kapal ng mukha!” Sigaw nito sa akin.

“Bakit mo ko sinampal!? Hinalikan ako ng–“

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil isang sampal na naman ang lumapat sa pisngi ko. Lumapit naman si Kobe kay Camilla.

“Nagawa mo ‘to sa akin tinuring kitang kaibigan, Grace! Bakit sa akin, at bakit hindi mo sinabi sa akin na si Kobe pala ang kinukwento mo sa akin noon ha!? Tapos ngayon may balak kang sirain kami! Napakasama mong kaibigan!” Sigaw nito sa akin na umiiyak.

Hindi ko alam kung kanino niya nalaman at hindi ko nagawang magsalita at gusto kong humingi ng sorry dahil sa bigla akong natauhan. Pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

“Oo, Camilla. Ang sama ko, pero masamang bang magmahal?” Sigaw ko sa kaniya habang umiiyak na rin.

“Pero, bakit ang asawa ko pa? At bakit kailangan mo balikin na sirain kami? Wala naman akong ginawa sa’yong masama. Sinabi sa akin ni Selene ang lahat na may balak ka at nagpasundo kay Kobe.”

Dito hindi na ako nakasagot at kusang umatras ang paa ko papunta sa pinto at nagtatakbo ako palayo sa lugar na ‘yon. Parang hindi ko na kayang makita pa sila dahil sa ginawa ko at kahihiyan.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25