Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 22

Nagpupuyos sa galit ang dibdib at isip ko dahil sa nararamdaman ko ngayon lalo pa at ng malaman ko kung bakit pinaghintay ako ni Kobe. Tinawagan ko siya ng maaga para magkita kami dahil sa napag-usapan namin, ok na ang usapan namin tapos pagdating ko doon nagmukha lang akong tanga sa paghihinta doon. Tinatawagan ko pero naka-off ang phone niya.

Pinagsisipa ko ang mga unan ko dito sa kama ko dahil sa inis lalo pa at alam kong kanina pa siguro sila magkasama dito.

Ang malanding Camilla na ‘yon kunwari kuno galit siya kay Kobe tapos ngayon ok na agad sila?

“Ugh!” Usal ko dahil sa hindi talaga ako maka-move on sa asar, napatayo ako at hindi ko malaman kung lalabas ba ako o hindi. Kapag lumabas ako maiinis lalo ako, pero kung hindi naman? Kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip ko habang nakaupo sa kama ko.

Ang hayop na Kobe parang wala lang ng makita ako samantalang pinaghintay niya ako. Pero teka saan niya nalaman ang bahay na tinutuluyan namin?

Napaupo ako at muling nag-isip, naisip kong bumaba at sinuot ko ang maiksing short na maong at nag sleeveless lang ako na pula. Nagdadabog ang bawat hakbang ko sa hagdan. Pagbaba ko naabutan ko si Kobe mag-isa sa sopa at napansin ko na wala si Camilla.

“Si Camilla?” Tanong ko sa kaniya at napaangat ang tingin nito sa akin at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“C.R.” sagot lang niya na parang walang pakialam.

“Bakit hindi mo sinabi na nandito ka na? Alam mo ba na pinaghintay mo ako doon?” Mahinang sabi ko pero may galit ang tono ko. Napaangat naman siya ng tingin sa akin.

“I’m sorry.” Sagot niya lang at muling bumaling sa cellphone na hawak niya.

Nakaramdam ako ng inis dahil parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya sa akin.

“Sorry lang? Yon lang?” Inis na tanong ko sa kaniya.

“What do you want?” Seryosong tanong niya.

Hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya para bang may iba pang meaning ang tanong niya.

“Grace nandiyan ka pala, kumain ka na ba?”

Napalingon ako kay Camilla at hinintay na makalapit siya sa akin, hindi na ako sumagot at muling umakyat sa itaas. Pagpasok ko sa kuwarto ko ‘ay malakas na sinarado ko ito sa inis at nagdadabog na umupo sa kama.

Punyeta ka! Gago! Naiinis ako sa’yo Kobe. Ngayon lang ako naging interesado sa lalaki dahil nasa isip ko lang ang pamilya ko. Tapos ganito pa? Bakit kasi sa dinami-dami ng lalaki na magugustuhan ko, asawa pa ng kaibigan ko? Ayokong maging masama kay Camilla. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Napahiga ako at mariin na pinikit ang mga mata ko.

Oo masama na ko pero parang hindi ko kayang makita na masaya sila ni Kobe at Camilla. Ano ba gagawin ko? Gusto kong mag-away sila at masira para hindi na sila magkabalikan, pero kailangan hindi ako madamay.

Napadilat ako dahil sa naisip ko at biglang may nag-video call sa akin si Selene. Hindi ko alam kung sasagutin ko ito dahil wala ako sa mood pero ang kulit tawag ng tawag kaya sinagot ko na.

“Ba’t ganyan ang mukha mo?”

Bungad agad niya pagkakita sa akin dahil nga sa nakasimangot ako sa camera.

“Bakit ka ba tumawag?” Inis na tanong ko imbes na sagutin siya at tumawa naman ito.

“High blood ka naman, wala may i-chichika lang ako sa’yo kasi hindi talaga ako makapaniwala.” Sabi nito na kinatahimik ko.

“Ano naman?” Seryosong tanong ko at napaupo ako at sumandal sa headboard.

“Alam mo ba ‘yung isa na bisita ni Boss Vincent asawa pala ni, Camilla? My god, hindi ako makapaniwala ang guwapo kasi as in sobrang guwapo.”

Kinikilig na kuwento nito pero hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

“Alam ko na ‘yan.” Walang ganang sagot ko.

“Ay alam mo na? Akala ko pa naman hindi pa.” Sabay tawa niya. “Teka, nagpunta ba siya diyan sa inyo?” Tanong pa nito.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at napaisip. “Anong ibig mong sabihin?” Curious na tanong ko.

“Kasi kagabi pag-alis mo bumalik siya at nagtanong sa Resto kung sino may alam kung saan nakatira si Camilla, sabi ko bakit niya tinanong tapos sagot niya. Wife daw niya si Camilla. Grabe kinilig ako na may ganon pa lang story at ka-gwapong asawa si Camilla.”

“Shit ka, ikaw pala ang nagsabi kaya nagpunta dito si Kobe?. Pero kung kagabi pa pala niya alam, bakit sabi niya magkita kami?” Sagot ko at huli na para maisip na bakit ko ‘yon nasabi.

“Ano girl? You mean may balak kayong magkita? Sandali huwag mo sabihin na… Nakakaloko yan ah.” Sabi nito habang may kinakain.

“Manahimik ka nga diyan wala kaming relasyon pero…” Bitin ko sa sabihin ko sa kaniya.

“Pero type mo ganon? Nako, iba na lang may asawa na siya at kaibigan mo pa si Camill—“

“Ano bang pakialam mo?” Inis na sagot ko agad dahil parang wala akong kakampi dito.

“Ok, ok. Relax, i’m just saying lang naman.” Mahinang sabi nito.

“Hindi mo kasi ako naiintindihan, buong buhay ko puro pamilya lang ang nasa isip ko. Pero, one day i met him at hindi na siya nawala sa isip ko, hindi ko naman alam na asawa pala siya ni, Camilla.” Naiiyak na kuwento ko sa kaniya.

“Ok, naiintindihan kita. Huwag ka ng umiyak, come on maramin pang lalaki na darating sa’yo.” Sabi pa nito.

“Pero siya lang ang gusto ko at hindi ko kayang makitang masaya na sila ni Camilla.” Seryosong sabi ko at naiiling ito.

“Nako, Grace. Tigilan mo ‘yan ikaw lang ang masasaktan sa huli, sabi ko nga sa’yo marami pang darating sa’yo bata ka pa.”

“Ano ba kasing meron kay Camilla? Si Boss Vincent ay special ang turing sa kaniya na kahit minsan ay hindi niya yun nagawa sa akin. May isa pa si Nicko, at itong si Kobe. Lahat nalang nasa paligid ni Camilla.” Galit na sabi ko dahil ito talaga ang nasa dibdib ko.

“Grace, huwag kang ganiyan mahirap yan ‘yung ma-insecure ka sa iba. Nagkataon lang siguro na ganon yung mga lalaki sa kaniya. At isa pa diba kaibigan mo siya?”

“Oo kaibigan ko siya pero simula noon pa lang magkaiba na kami, kaya sabi ko sa sarili ko kapag may pera na ako na ako magiging maganda ako.”

“Pero maganda ka naman na ah? Ano pa ba ang kulang? Saka ano ba ang balak mo? Sana kung ano man yang iniisip mo o gagawin huwag mo ng ituloy kasi magsisi ka, maniwala ka sa akin.”

Naiinis naman ako kay Selene dahil sa sinabi niya, kami ang close pero parang mas pabor siya kay Camilla. Hindi ko na siya sinagot at nagpaalam na ako dahil ayoko na siyang kausapin pa.

✍️✍️✍️———————–✍️✍️✍️

“Umuwi ka na.” Pauwi ko kay Kobe dahil kanina pa siya nandito at hindi ko na natapos ang nilalabhan ko.

“Sumama ka na sa akin.” Sagot nito at hinatak ako palapit sa kaniya.

“Ano ka ba mamaya bumaba si Grace makita tayo, nakakahiya.” Sita ko sa kaniya kahit pa gustong-gusto ko naman.

“Remember, mag-asawa tayo kaya huwag kang mahiya.” Sabi pa nito at mabilis na nangnakaw ng halik sa labi ko.

“Kahit na, saka hindi naman basta-basta na babalik na ako agad sa bahay dahil lang sa pinagbigyan kita ah.” Nakataas ang kilay na sabi ko at ngumiti siya.

“Then, just give me another round baka sakaling sumama ka na.” Malokong sabi nito at umakto akong hahampasin ko siya pero hinawakan nito ang kamay ko.

“Diyan ka lang talaga magaling eh, hindi ka naman nakakabuo.” Pang-aasar ko sa kaniya na kinatigil niya bigla.

“Nagtataka ako bakit hindi kita nabuntis? Magpatingin ka sa doctor sasamahan kita.” Nag-aalalang tanong niya sa akin.

“Ha? Hindi naman siguro baka talagang hindi pa para sa atin kaya hindi pa nabuo.” Sagot ko na parang kinabahan ako.

“Ok, i’m leaving now. But i’ll back later at sasama ka na sa akin pagbalik ko dito.” Seryosong sabi niya at hinawakan ang magkabilaan ko na pisngi at hinagkan ako sa noo, pababa sa ilong at sa labi ko na nagtagal.

“I love you, Camilla.” Sambit nito at tumayo.

Hindi ako sumagot dahil parang hindi ko pa mabigkas, lumakad na siya papunta sa may pinto at pinihit na ang seradura. Pero mabilis na tumayo ako at naglakad, pasugod na niyakap ko siya na nakatalikod.

“I love you too, Kobe Herrera.” Naiiyak na bigkas ko habang mahigpit na nakayakap sa bewang niya. Humarap naman ito sa akin at kinulong niya ako sa bisig niya.

“I’m sorry, lalo na sa lahat ng mga ginawa ko.” Mahinang sambit niya at tumatango lang ako habang nakasubsob sa dibdib niya. “Susundoin na kita dito mamaya at sigurado akong matutuwa si mama at papa na makita ka ulit.”

Nagpunas naman ako ng luha dahil sa sinabi nito at naalala bigla ang mabait na biyenan ko.

“Sige.” Sagot ko at muli niya akong hinagkan sa labi at tuluyan na ng lumabas ng pinto. Kinuha ko naman phone ko at nagpunta sa kusina at pinagpatuloy ang paglalaba ko.

Habang nakaupo ay tumunog ang messenger ko tumatawag si Nicko, sinagot ko naman ito agad.

“Hi.” Masayang bati ko sa kaniya ng makita ko ito sa camera.

“Mukhang masaya ka?” Nakangiting sabi nito na may ginawa sa harapan nito.

“Yeah.” Sagot ko.

“Si Kobe?” Tanong niya at napatango ako sa kaniya. “Binalita sa akin ni Adrian na nagkita na kayo kaya naisip ko na baka ok na kayo. Well, mukhang ok ka na nga dahil nakikita ko sa mga mata mo.” Natatawang sabi nito.

“Ikaw talaga, eh alam mo naman ‘diba? Ganon talaga mahina talaga ako pagdating sa kaniya.” Sagot ko na kinatawa niya.

“But, kapag sinaktan ka ulit ni Kobe kahit kaibigan ko siya babasagin ko mukha niya. Ako na ang maglalayo sa’yo sa kaniya.” Seryosong sabi nito.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya kaya dinaan ko na lang sa ngiti ‘yon.

“Hindi naman siguro ‘yon mangyayari ulit, pero salamat Nicko dahil nandiyan ka lagi sa akin. Pero kailangan malaman rin ni Kobe na kinakausap kita alam mo naman ‘yon baka kung ano isipin lalo pa at hindi niya alam na kausap mo ako sa loob ng tatlong taon.” Paliwanag ko sa kaniya at tumango lang siya. Nagpaalam naman na ito agad dahil may ginagawa raw ito.

“Bakit hindi ka na lang kay Nicko? Mukhang mas seryoso pa siya kaysa kay Kobe.”

Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko dahil hindi ko namalayan na nandiyan pala si, Grace.

“Gwapo rin naman si Nicko atlest hindi playboy, si Kobe parang delikado ka doon.”

Napatingin naman ako kay Grace na nasa refrigerator habang nagsasalita dahil nagtataka na talaga ako sa inaasal nito ngayon.

“Hindi ka ba masaya para sa akin na ok na kami ng asawa ko? Saka, anong gagawin ko kung mahal ko pa rin siya at isa pa humingi na siya ng tawad sa akin.” Sagot ko sa kaniya.

“Paano ka naman nakakasigurado? Baka ilang araw lang o buwan iiyak ka at magsasabi sa akin. Ako bilang kaibigan pinapayuhan lang kita dahil sa–“

“Alam mo Grace hindi ko nararamdaman bilang kaibigan ang payo mo dahil pinangungunahan mo na ako agad. Saka bakit ba parang galit ka na ok na kami? Dapat nga maging masaya ka para sa akin, asawa ko pa rin siya.” Sagot ko dahil nakaramdam ako ng inis.

“Hay nako, bahala ka na nga sa buhay mo, ikaw na pinagsasabihan ako pa ang masama.” Galit na sabi nito at nagmartsa palabas ng kusina.

Napapailing na lang ako dahil sa insal ni Grace, naguguluhan na talaga ako sa kaniya ewan ko ba.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25