Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 21

Camilla Say’s

Warning: Don’t you dare to flirt with me..
Caution:marupok to…

Habang na sa taxi ako hindi matahimik ang isip ko dahil sa nangyari kanina at hindi ko maiwasan na mabalikan ang eksena lalo na ‘yung halikan ako ni Kobe.

Hindi mo lang alam Kobe kung gaano na kita na-miss lalo pa at nakita na kitang muli. Pero paano ba ako makakasiguradong magiging masaya na ako sa’yo kung tatanggapin na kita ulit?

Napapikit ako sa mga iniisip ko dahil simula kanina pa ang gulo na ng isip ko at konting-konti na lang talaga malapit na ako bumigay kanina. Hindi ko maitatangi na, Still now.  I’m inlove with him. Sa likod ako dumaan ulit kanina dahil iniisip ko na baka naghihintay si Kobe sa akin at alam kong kukulitin na naman niya ako.

Sinandal ko ang ulo ko para maka-relax habang nasa biyahe at bigla ko naman naalala ‘yung tanong ni Kobe kung hindi ba nagbunga ‘yung nangyari sa amin. Ako rin nagtaka dahil akala ko no’n mabubuntis na talaga ako dahil ilang beses na rin may nangyari sa amin.

Hindi kaya may something sa matres ko?

Napaangat ang ulo ko dahil sa nasa isip ko dahil hindi puwedeng mangyari ‘yon. Gusto kong magkaanak, huwag naman po sana panginoon.

Nakarating na ako sa tapat ng tinitirahan namin ng hindi ko namamalayan dahil sa mga iniisip ko. Pagpasok ko sa loob ng appartment sumalubong agad sa akin ang katahimikan, hindi ko na binuksan ang ilaw ni-lock ko agad ang pinto at dumiretso na ako sa kuwarto ko para magpahinga.

———

Maaga akong nagising dahil marami akong lalabhan ngayon, pagbaba ko naabutan ko agad si Grace na nakahiga sa sopa habang busy sa hawak nitong cellphone.

“Morning.” Wika ko habang naglalakad papunta sa kusina, wala akong narinig na sagot sa kaniya pero hindi ko na lang pinansin dahil mukhang busy siya sa phone niya.

Hinugasan ko lang ang baso na nakataob at nagtimpla ako ng kape at binuksan ko na rin ang cellphone ko para mag-facebook habang nagkakape. Napansin ko na tumayo si Grace habang nasa phone nakatuon ang atensyon nito papunta dito sa puwesto ko at naupo sa bakante na lamesa.

“Wala kang lakad ngayon?” Tanong ko dahil minsan maaga pa lang may pinupuntahan ito.

“Wala.” Sagot lang niya.

Medyo naninibago ako kay Grace dahil minsan ang daldal nito sa akin kapag umaga. Pero pinagsawalang bahala ko na lang at humigop ng kape.

“Siya nga pala kamusta pala ‘yung mga bisita ni boss? Ang gagwapo ng dalawa na ‘yon ah.”

Napaangat ang mukha ko dahil sa tanong ni Grace dahil hindi pa nga pala niya alam na isa doon ang asawa ko. Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya.

“Hindi ko pala nakuwento sa’yo.” Mahinang sagot ko at napatingin siya sa akin.

“Ang alin?” Takang tanong niya.

“Yung isa doon ang asawa ko.” Sagot ko at hinintay ko na magulat siya or yung tipong hindi makapaniwala pero hindi ko ‘yon nakita.

“Talaga? Sino doon?” Tanong lang niya habang nakatingin sa phone niya.

“Yung nasa tapat ko, hindi nga ako makapaniwala na makikita ko siya ulit at kaibigan pa siya ni Vincent.” Seryosong sabi ko.

“So, anong plano mo? Babalikan mo na ba siya?” Serysosong tanong nito na biglang naging interesado.

“Hindi ko alam.” Sagot ko dahil hindi ko rin naman alam dahil ayoko munang sumugal.

“Tapos baka mamaya paiyakin ka na naman niya saka sabi mo diba maraming naging babae ‘yon. Lalo pa at gwapo talagang lapitin ng babae ‘yon. Bakit hindi ka na lang mag-file ng annulment niyo total ayan nagkita na kayo.” Paliwanag nito at nilapag ang phone sa lamesa.

“Pag-iisipan ko muna ayoko naman na magsisi ako sa huli at–“

“Bakit mahal mo pa?” Singit agad niya sa sabihin ko.

“Ha? O-Oo, inaamin ko naman. Pero siyempre ‘diba mahirap naman agad magtiwala ako agad sa kaniya. Gusto ko munang makita talaga kung gaano siya kadesperado na magkabalikan kami.” Sagot ko at sandaling natahimik siya.

“Ibig sabihin may pag-asa pa na balikan mo siya, paano naman kung mahuli mo siya na may babae?” Muling tanong niya na titig na titig sa mata ko.

Hindi ako nakasagot dahil parang hindi ko ata kaya na malaman na may babae siya kung nagbabalak siyang magkasama kami ulit.

“See, hindi ka nakasagot. So meaning may posibilidad na mambabae ‘yon or baka malay natin sa mga tatlong taon na lumipas marami ng babae ang nagdaan sa kaniya.” Muling wika niya.

Medyo na-curious ako kay Grace bakit parang ang lalim ng mga pinaghuhugatan niya ng mga sinabi sa akin, bakit parang siya ata itong galit? Pero tama rin naman siya paano kung may babae nga ito? Si Samantha, ano na kaya ang nangyari sa kanila, hindi ba buntis yon?

“Tama na nga ‘yan ayoko ng pag-usapan ang bagay na ‘yan.” Sabi ko na lang na imbes sagutin ang sinasabi niya.

Natahimik naman na siya at muling dinampot ang phone niya. Natahimik na rin ako at may nag-message sa akin si Vincent.

Vincent

Morning, how are you?

Typing…

I’m fine thank you, coffee?

Sagot ko at tumayo si Grace na hindi manlang nagsasalita, diretso umakyat sa itaas.

May problema ata si Grace kaya siguro ganon siya magsalita kanina. 

Isip ko at muling tinuloy ang pag-scroll sa facebook. Naubos ko na ang kape ko at umakyat ako ulit sa taas para kunin ang mga labahan ko pero saktong lumabas si Grace at bihis na bihis ito at ang sexy ng suot nito. Naka-miniskirt ito at sleeveless na itim at naka-high heels.

“Alis muna ako at sa labas na rin ako kakain.” Sabi lang nito at nilagpasan na niya ako.

Hindi na ako nakapagsalita dahil nasa hagdan na siya, naninibago man dahil sa kinikilos ni Grace hinayaan ko na lang dahil baka may problema ito. Binaba ko na ang mga labahan ko at t-shirt na puti na mediyo maluwag at cycling na itim na hanggang hita ko. Ganito ang suot ko dahil nandito lang naman ako sa loob ng bahay, sinumulan ko ng isalang sa washing machine ang mga damit matapos ko ito banlawan saglit.

Habang nakasalang ang mga damit ko nagsimula akong maglinis ng bahay at binuksan ko ang pinto para sumingaw at maglabasan ang mga alikabok. Matapos ko magpunas at magwalis sa mga ilalim ng lamesa at sopa at naupo ako at hinawakan ang phone ko. Nakataas pa ang dalawang paa ko sa mababang babasagin na table ng mapalingon ako sa may pinto at nanlaki na lang bigla ang mga mata ko dahil sa taong nakatayo ngayon sa may pinto.

“A-Anong ginagawa mo dito? Pa-Paano mo nalaman na dito ako nakatira?” Hindi makapaniwalang tanong ko at napatayo ako.

“Don’t need to ask.” Sagot lang nito at nakatingin sa kabuan ko.

Saka ko naalala na ang ayos ko dahil litaw ang hita ko at bigla akong naupo at tinakpan ang hita ko ng unan.

“Bakit tinakpan mo? Ilang beses ko na yan nahawakan at nakita.” Nangingiting sabi nito.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi ko na siya mapapalabas dito lalo pa at kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

Grace umuwi ka na bilisan mo.

Piping bulong ko sa isipan ko at nagsimula na itong lumapit sa akin at naupo sa tabi ko at dumantay ang kamay nito sa sandalan ng sopa.

“Alisin mo nga yang kamay mo.” Sita ko kahit hindi naman sa akin nakadikit pero naiilang pa rin ako.

“Why? Saan mo ba gustong ilagay ang kamay ko?” Mapanuksong sabi niya.

“Umalis ka na ang aga-aga nandito ka marami akong ginagawa saka baka ano isipin ng mga kapitbahay namin dito may lalaki akong pinapunta dito.” Kinababahan na sabi ko dahil sa nakatitig lang siya sa akin.

Bakit ang gwapo nito lalo?

“Asawa kita kaya wala silang iisipin, mukhang mag-isa ka lang dito ngayon.” Sabi niya at hinubad ang coat na suot nito.

Kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

“B-Baka may pasok ka pa umalis ka na, kahit kailan hindi ka talaga nagseseryoso sa trabaho mo.” Para akong kinapos ng hangin pero siya nakangiti lang.

“Are you nervous?” Malokong sabi tanong niya.

“H-Hindi ah!” React ko agad at inirapan ko siya.

Bwesit ka talaga Kobe lumayas ka na dito hayop ka talaga.

Tumawa naman ang gago dahil sa sinagot ko.

“Relax, Camilla Herrera. Wala naman akong gagawin sa’yo, na-miss ko lang ang wife ko.

“Ewan ko sa’yo.” Inis kong sagot at hinawakan ko ulit ang phone ko pero inagaw niya ito sa akin.

“Mamaya na ‘to timpla mo muna ako ng kape hindi pa ako nakakapag-kape.” Utos nito.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Ayos ka rin ah, dito mo pa naisip magkape?” Masungit na sagot ko na kinangiti niya na mas lalong nagpagwapo dito dahil sa mapuputng ngipin nito at pantay-pantay pa.

“Gusto ko ‘yung timpla ng asawa ko.” Seryosong sabi niya.

Hindi ko alam pero ba’t may hatid na kilig sa puso ko ang sinabi niya pero hindi ko ‘yon pinahalata baka matuwa siya. Nagpasiya na lang akong tumayo at nagmamadali akong maglakad dahil nga sa suot ko.

Bwesit na Kobe to bigla-bigla na lang susulpot dito wala pa naman akong kasama. Saan kaya niya nalaman kung saan ako nakatira?

Isip ko habang nagtitimpla ng kape at nagulat na lang ako ng may pumulupot sa bewang ko na braso. At nakaramdam ako agad ng milyon-milyong bultahe ng kuryente sa buong katawan ko.

“You don’t know Camilla, how much i miss you.”

Bulong nito sa tenga ko na nagpatayo ng mga balahibo ko at naramdaman ko sa likod ko ang matigas na bimubungo sa pang-upo ko. Naramdman ko ang hininga nito sa may batok ko na nagpapabaliw sa katinuan ko.

Shit!

Hiyaw ng isipin ko dahil para na akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa nagsimula ng gumapang ang kamay nito sa paakyat sa dibdib ko. Napapikit ako at gusto kong labanan ang init na nararamdaman ko.

“Stop, Kobe.” Mahinang sabi ko dahil para akong nilalagnat dahil sa init na nararamdaman ko. Pero hindi siya tumigil dahil naramdaman ko na ang mahinang pagpisil nito sa magkabilaan kong dibdib. Matapos yon ay pinaharap niya ako at kumapit ang kamay niya sa leeg ko at tinitigan ang mga mata ko.

“I love you, Camilla.” Seryosong sabi nito at tinawid na ang gahibla na layo ng labi namin.

Shit ka Camilla bumigay ka na sa kaniya.

Napapikit na ako at dinama ang labi niya na napakainit, kumapit na rin amg kamay ko sa batok niya para masuportahan ang panlalambot ng tuhod ko.

God, sobrang namiss ko talaga siya at ang halik na to at ang yakap at haplos ng mga kamay niya.

“Where’s your room?” Mahinang tanong nito at binuhat ako bigla at nagpunta sa hagdanan.

Tinuro ko lang ang kuwarto ko at hindi na ako nagsalita pa dahil ang alam ko lang ngayon nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko. Amoy na amoy ko pa ang katawan nito na isa rin sa na-miss ko.

Binaba niya ako sa kama ko at tumayo ako at nagpantay kami. Muli niya akong hinagkan at mapaghanap na ang halik na yon, dama namin pareho ang pagkasabik sa isa’t isa at sabay na nahubad namin pareho ang aming mga suot.

“I miss this.” Paos ang boses na wika nito na humimas sa pagitan ng hita ko.

Napapikit ako at muli niyang hinagkan ang labi ko, habang ang kamay nito ay naglalakbay sa maseselan kong katawan na gustong-gusto ko. Bumaba ang labi nito sa magkabilaan kong bundok at nagsawang pagsalit-salitan ng bibig niya, napapasabunot naman ako sa buhok niya ng bumaba ang mukha nito pababa sa puson ko, mabuti at naglinis ako ng katawan paggising ko kanina.

Napapaliyad ang katawan ko dahil sa kakaibang kiliti na kaytagal kong pinanabikan na maramdamang muli. Hanggang sa maramdaman ko na ang kahandaan niya at napaungol ako ng pumasok ang matigas na pagkalalaki niya sa loob ko. Nakaramdam ako ng sakit dahil sa tagal na rin, pero pagtagal ay unti-unti ng nawala ang sakit at pumalit na ang masarap at nakakakiliti na pakiramdam. Magkasabay na nakamit namin ang rurok at hinihingal na umalis sa ibabaw ko si, Kobe.

———

Matapos ang dalawang ulit na pag-angkin ni Kobe sa akin kanina na gusto pang humirit ng pangatlo ay hindi na ako pumayag dahil baka biglang dumating si Grace. Magkatabi kami ngayon sa sopa ni Kobe habang nakasandal ako sa balikat niya.

“Kailan mo balak bumalik sa bahay natin?” Maya’y tanong nito.

“Hindi ko alam.” Sagot ko sa kaniya.

“Camilla, huwag mo ako asarin pa at baka dito gawin ko ang pangatlong round na gusto ko.”

Tiningnan ko naman siya na natatawa dahil sa itsura nito.

“Ayoko pa nga pa, bakit ba?” Mapang-asar na sabi ko at tiningnan niya ako ng masama. Tinawanan ko naman siya at biglang may pumasok sa pinto at walang iba kung hindi si Grace at nakita ko na gulat na gulat at mukhang galit ito.

“Grace ikaw pala.” Bati ko sa kaniya at bigla akong nahiya kasi nga kanina lang nag-uusap kami tungkol kay Kobe tapos ngayon kasama ko na. “May problema ba, Grace?” Nag-aalalang tanong ko dahil dire-diretso lang ito papunta sa hagdan.

“Wala naman pero naiinis lang ako sa kausap ko dahil pinaghintay niya ako sa pinag-usapan namin.”galit na sagot nito at nakatingin sa gawi namin ni Kobe.

Umakyat na ito at naiwan akong natitigilan habang katabi si Kobe, nakatingin naman ako dito na tahimik lang.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25