CHAPTER 20
Hindi ko na mabilang kung nakailang bote na ako ng beer, dahil may iniisip. Asar na asar ako kapag nakikita ko na tinitingnan ni Vincent si Camilla. Hanggang ngayon hindi ko talaga akalain na dito ko lang pala siya makikita, noon pa sana ako nagpunta dito para nakita ko si Camilla.
Ang mas kinaasar ko ‘yung ginagawa ni Camilla sa akin, humingi na ako ng tawad ano pa ba gusto niya? Alam ko marami akong kasalanan sa kaniya kaya totoo sa loob ko ang mga sinabi ko. Pero ito siya nagmamatigas pa kahit ramdam ko naman na walang nagbago sa nararamdaman niya para sa akin. Sobrang saya ko na muli ko siyang nakita matapos ang tatlong taon, tapos ganito at mukhang may kaagaw pa ako.
“Camilla, sabay na kayo ni Grace umuwi para may kasabay ka may pupuntahan pa ako.”
Napalingon ako kay Vincent ng magsalita ito kaya naasar na inubos ko ang kalahati pang beer sa bote na hawak ko.
“O-Okay.”
Tumingin naman ako kay Camilla ng sumagot ito pero hindi man lang ako tiningnan.
“Kami may sasakyan naman kaming dala ni Kobe.” Sagot naman ni Adrian.
Hindi ako nagsasalita nakasandal lang ako at nakikiramdam, gustong-gusto ko ng abutin ang kamay ni Camilla o kaya naman ay yakapin ito at halikan. Pero mukhang malabo kong magawa yun sa kaniya.
Tumayo na si Vincent at inalalayan pa si Camilla na hindi nakaligtas sa mata ko. Parang gusto ko ng suntukin si Vincent dahil ako dapat ang gumawaga no’n.
“Brod ano?”
Napalingon ako kay Adrian na nakatayo na rin at hinihintay na akong tumayo. Napansin ko na nagpunta sa may pasilyo si Camilla at walang anu-ano’y sinundan ko ito kahit tinatawag ako ni Adrian. Hindi ako papayag na matapos ang gabi na ‘to na hindi kami nagkakausap ng maayos.
Pumasok sa pinto si Camilla at hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito doon pero naghintay ako dito sa labas ng pinto dahil alam kong lalabas ulit siya. Napapakamot na ako sa batok ko dahil sa inip ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat pa siya ng makita ako at mabilis na pumasok ako sa loob at sinara ko agad ng pinto.
“Kobe ano kab-?”
Tinakpan ko agad ang bibig nito at sinandal ko siya sa pader, dahan-dahan na tinaggal ko ang kamay ko pero ng muli siyang magsasalita ay mabilis na lumapat ang labi ko sa labi niya na kinagulat niya. Naramdaman ko ang dalawang kamay niya na tumutulak pero hinawakan ko ang isa at dinala sa likod ko.
“Isa pa at hahalikan kita ulit.” Mahinang sabi ko, titig na titig ako sa magandang mga mata niya.
Hindi naman siya sumagot at tumingin sa ibang direksyon na nginiti ko naman.
“Nag-usap na tayo hindi ba?” Seryosong sagot niya.
“Yes, pero hindi ko gusto ang pag-uusap natin.” Napansin ko na napatitig siya sa akin kaya naman mas lalo kong nilamlaman ang mata ko.
“P-puwede ba, Kobe. Baka may pumasok dito at alam kong hinahanap na ako ni Grace.” Sagot niya na parang kinakabahan.
“Baka naman si Vincent?” Salubong ang kilay na sagot ko. Inirapan niya lang ako at mahinang tinutulak pero mas lalong kong dinikit ang katawan ko sa kaniya.
“A-Ano ba? Lumayo ka nga hindi ka na nakakatuwa ah.” Naiinis na sabi niya at mas lalong namula ang mukha dahil sa nainom rin nitong alak.
“Ako natutuwa.” Seryosong sagot ko at tiningnan ko ang buong mukha niya na lagi kong napapanaginipan. Mas lalo siyang gumanda ngayon at gumanda lalo ang hubog ng katawan.
“Kung wala ka ng sasabihin uuwi na ako wala akong panahon sa mga taong katulad mo.” Wika nito na nakipaglabanan ng titigan sa akin.
“Come on, Camilla. Hindi mo ba ako na-miss? Answer me.” Seryosong tanong ko at pumaling ang mukha niya sa kabila. “I kiss you again kung hindi ka sasagot.” Sabi ko pa dahil nanatili siyang nakatingin sa ibang direksyon.
“H-Hindi.” Mahinang sagot nito.
“Are you sure?” Tanong ko pa at nakita ko ang pagkagat ng ibabang labi nito na nagpainit bigla sa pakiramdam ko.
“Bakit ko naman mamimiss ang isang katulad mo?” Matapang ang mukhang tanong nito at nakakawala na siya sa harapan ko.
“Your lying. I know you miss me, i know and i feel the way you look at me.” Mahinang sabi ko ng maglakad na siya sa may pinto para buksan ito.
“Puwes nagkakamali ka ng naiimagine mo, huwag ka ngang assumero.” Sagot pa nito ng buksan na ang pinto at tuluyan ng lumabas.
Natawa pa ako ng mahina at hinabol ang pagsara ng pinto.
“Camilla, hindi ba nagbunga ‘yung mga ginawa natin?” Tanong ko sa kaniya na kinahinto niya sa paglalakad.
“Hindi, mabuti nga at hindi nagbunga.” Sagot lang nito at tuluyan ng naglakad palayo sa akin.
Nanatiling nakatayo naman ako at napaisip dahil bakit sa iba nabubuntis ko agad samantalang siya wala? Ibig sabihin wala man lang tumama sa mga pinasok ko sa loob niya? Nagsimula na ako maglakad habang nag-iisip.
✍️✍️———————-✍️✍️
“Camilla, puwede ba na mauna ka na lang muna umuwi? May nag-aaya kasi sa akin na kaibigan.”
Bungad ko agad kay Camilla ng makita ko ito habang inaayos ang gamit niya.
“Ha? Oo naman kaya ko naman saka hindi naman ako gaano lasing konti lang ininom ko. Sige lang kaya ko umuwi.” Nakangiting sagot niya.
“Salamat.” Sagot ko at humalik pa siya sa pisngi ko para magpaalam. Ang totoo niyan gusto ko lang uminom dahil ang bigat ng pakiramdam ko.
Alam ko naman kung bakit ako nagkakaganito dahil no’ng makita ko na sinundan si Camilla no’ng lalaking crush ko. Palihim na sumunod rin ako at nagtago lang ako sa gilid ng pader at narinig ko ang lahat ng usapan nila. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng lalaki na asawa ni Camilla ay yung lalaki pa na hindi ko makalimutan simula ng makita ko.
Ang sakit ng dibdib ko dahil sa nalaman ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos kahit hindi naman dapat. Ayoko pang umuwi dahil parang wala ako sa mood. Nandito pa rin ako sa loob at iniinom ko ang alak na mga nabuksan na dito.
“Oh, bakit nandito ka pa? Akala ko sabay kayo ni, Camilla?”
Napalingon ako kay Selene isang kitchen helper, umupo ito sa tabi ko kung saan ang dressing room namin na mga babae.
“Tinatamad pa ako umuwi.” Mahinang sagot ko.
“May problema ba?” Seryosong tanong nito.
Tinungga ko naman ang alak, puwede namang uminom dito basta tapos ka na sa trabaho mo ganon kabait si Boss Vincent namin.
“Alam mo ba ‘yung pakiramdam na akala mo siya na ‘yun pero hindi pala.” Natatawang sagot ko pero deep inside ang sakit ng puso ko.
“Hay nako, ngayon lang ata kita nakitang may problema about sa love life.” Sagot naman nito.
“Yon na nga eh, ngayon lang dahil ngayon lang rin nagkaroon ng interes ang puso ko sa maling tao pa.” Mahinang sagot ko.
“Ganun ba? Ang hirap naman niyan pero kung alam mong mali pala ‘di huwag mo ng ituloy marami pang iba diyan.” Nakangiting sabi nito.
“Pero ba’t ganon parang hindi ko talaga matanggap eh, ang sakit sa puso potek.” Mapaklang ngiti ko.
“Ganon talaga ang pag-ibig masakit rin talaga hindi laging masaya. Mabuti pa umuwi ka na at matulog na malay mo bukas may bagong dumating.” Muling sabi nito.
Tumango naman ako at tumayo na siya naiwan na akong mag-isa dito, inubos ko lang ang alak at nagpasiya na rin akong umuwi na.
Paglabas ko napansin ko agad ang pamilyar na lalaki na nakasandal sa kotse at walang iba kung hindi ang lalaking nagpatibok sa puso ko. Nagmamadali na nilipatan ko siya at napansin ko na parang may hinihintay siya.
“Anong ginagawa mo pa dito?” Takang tanong ko at pansin ko na mediyo mapungay na ang mata niya na mas lalong nakadagdag guwapo sa kaniya.
“Hinihintay ka.” Sagot lang nito.
Para akong kinilig dahil sa sinabi niya at dahil nanrin sa paos na boses niya.
“Ha? B-Bakit mo ako hinihintay?” Takang tanong ko.
“For my wife, Camilla.” Seryosong sagot nito at sinilip ang cellphone na hawak niya.
Biglang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya pero binalewa ko at nagkunwaring naguguluhan.
“Wife, Camilla? Ibig sabihin ikaw ang asawa niya?” Kunwari na sabi ko kahit alam ko na kanina pa.
“Yes, i need your help. Alam ko magkasama kayo lagi at alam ko na alam mo kung saan siya nakatira.” Wika nito at dumeritso ng tayo.
“Hindi ko alam.” Sagot ko at humakbang ang mga paa ko pero naramdaman ko na hinawakan niya ako sa braso.
“Alam kong sasabihin mo ‘yan dahil baka sinabi ni Camilla, but please tell me i want to talk to her. Kailangan naming magkaayos.” Seryosong sabi nito at bumitaw na sa pagkakahawak sa akin.
Kahit nakaramdam ako ng inis dahil puro si Camilla na lang ang sinasabi niya. Hinarap ko pa rin siya at pinanatag ang damdamin ko.
“Ok, pero sa susunod na lang may lakad ako ngayon. Kung gusto mo ibigay mo sa akin ang number mo. Para tatawagan na lang kita.” Sabi ko sa kaniya.
“Ok.” Sagot lang niya.
Inabot ko ang phone ko sa kaniya para i-type niya ang number niya, kahit paano natuwa ako dahil may contact na ako sa kaniya.
“Please, call me. Kailangan ko na agad malaman.”desperado na sabi pa niya.
“Ano pala name mo?” Tanong ko pa para i-save ko na ang number niya.
“Kobe.” Sagot lang niya.
“Ah, Kobe.” Mahinang sabi ko habang tina-type. “Ok sige, Kobe. Tatawagan na lang kita.” Sagot ko pa at naghihintay ako na may sasabihin siya pero umikot na siya sa kabila at sumakay sa kotse niya.
Walanghiya hindi man lang nag-offer na isakay ako? Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-asam na makita kang muli Kobe.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25
0 thoughts on “Still Loving You”