CHAPTER 19
Nagmamadali ang bawat hakbang ko pagbaba sa stage at halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Ayokong lumingon dahil ayokong makita ang taong kaytagal ko ng hindi nakikita, pero biglang may humatak sa kamay ko.
“A-Ano ba!?” Sigaw ko. Natigilan ako ng makita ko sa malapitan ang mukhang kaytagal ko ng gustong kalimutan ngunit hindi ko nagawa, pero ito ngayon nasa harapan ko siya pagkatapos ng tatlong taon na lumipas. Mediyo naging matured siya dahil sa pananamit nito at walang nagbago sa mukha niya mukhang naging mas gwapo siya lalo na sa manipis na bigote niya.
“Ganiyan mo ba ako ka-miss para pagmasdan ako ng mabuti?”
Bigla akong natauhan dahil sa mapang-asar niyang sinabi pero sa kayabang niyang magsalita parang walang nagbago.
“Bitiwan mo ko.” Matigas na utos ko imbes na sagutin ang sinabi niya. Pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko, kaya pilit na hinahatak ko ito sa kaniya. “Sabing bitiwan mo ko eh! Putangin*” asar na mura ko na.
“Woah! Ok, ok. So, marunong ka na pala ngayon magmura ah?” Nakataas ang dalawang kamay na nito na akala mo ay sumusuko na pero nakangiti lang siya.
“Ano naman ang pakialam mo?” Sagot ko sabay talikod ko para iwan siya pero naramdaman ko na sumusunod na naman siya.
“Camilla.”
Napabagal ang paghakbang ko ng marinig ko ang mahinang boses niya lalo na sa pagtawag niya sa pangalan ko na ngayon ko lang ulit narinig. Napapikit ako ng mariin at pilit na nilalabanan ang luha ko.
“I miss you.”
Dito na bumagsak ang luha ko dahil naghalo na ang sakit na dati kong naramdaman at ‘yung pakiramdam na hindi ko malaman dahil sa mga sinasabi niya, pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko.
“B-Bakit ba kasi nakita pa kita? Tahimik na ako, Kobe. Iwan mo na ako wala akong panahon para kausapin ka.” Wika ko habang nakatalikod at pinupunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko.
“I’m really sorry.”
“Just leave me.” Sagot ko lang dahil ayoko ng manumbat dahil mas lalo lang akong mahihirapan. Balak ko ng humakbang pero natigil ako sa balak ko.
“What happened here?”
Dito napalingon ako at nagtatakang mukha ni Vincent ang nakita ko at nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin.
“W-wala, tinatanong lang niya kung saan ang C.R.” pagsisinungaling ko kahit ramdam ko na hindi naniniwala si Vincent. Hindi naman sumasagot si Kobe na nakatingin lang, may kinuha naman sa bulsa si Vincent at sabay abot sa akin ng panyong puti.
“Kung hindi mo kayang kumanta ngayon maaari kang magpahinga muna.” Sabi pa nito.
“Balik na ako sa table, Vincent.” Mahinang sabi ni Kobe.
Naglakad na ito at naiwan kami ni Vincent, tumigin naman ako sa ibang direksyon dahil ramdam ko ang mata ni Vincent na nakamasid sa akin.
“It’s him?”
Napatingin ako kay Vincent dahil sa sinabi niya at hindi ko magawang magsalita. Dahil ramdam ko na kanina na parang may alam na siya sa nangyayari. Marahan na tumango ako dahil parang wala ng dahilan para magsinungaling ako.
“Ok, just rest. Camilla.” Seryosong sabi nito.
“No, kaya ko naman. Mag-relax lang ako sandali.” Mabilis na sagot dahil ayoko namang umalis dahil ayokong isipin ni Kobe na masiyado akong apektado na makita siya. Tumango naman ito tumalikod na at nagsimula ng maglakad.
Pumasok naman ako sa pinto kung saan nandoon ang tambayan namin ng mga banda at singer. Naabutan ko naman si Grace na nakaupo at tahimik ito na parang may malalim na iniisip.
“Grace, may problema ba?” Tanong ko sa kaniya at bigla siyang napatayo.
“Ha? W-wala naman.” Sagot niya at pilit na ngumiti.
“Sigurado ka? Oo nga pala nasaan yung sinasabi mo na lalaki?” Nakangiti kong tanong para gumaan ang nararamdaman ko dahil hangga’t maaari gusto kong labanan ang damdamin ko ngayon. Ayokong maging hina lalo pa at alam ko sa sarili ko na walang nagbabago sa nararamdaman ko para kay Kobe. Pero hindi iyon ganun kadali dahil sinaktan niya na ako ng ilang ulit.
“Yon ba? Umalis na agad eh.” Sagot niya at parang biglang nalungkot.
“Ganun ba?” Sagot ko lang at lumabas na siya na hindi nagpaalam sa akin, naupo na lang ako at saglit na nirelax ang isip ko at pinikit ng mariin ng mata ko.
Bakit ba nakita pa kita Kobe? Akala ko nakalimutan na kita dahil masaya na ako ngayon. Pero ngayon nandito ka at naiinis ako dahil hanggang ngayon walang nagbago sa nararamdaman ko para sa’yo.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa gilid mata ko kaya dumilat ako at pinunasan ang mata ko. Tumingin ako sa salamin na narito sa harap ko at inaayos ang sarili ko.
Kailangan ko ipakita kay Kobe na wala akong pakialam na nakita ko siya at sa mga sinasabi niya.
——-
“Camilla, ok ka na ba?” Tanong Edwin ang gitarista.”
Tumango ako at may sinabi ito sa mic at hindi ko na naintindihan kung ano yon dahil sa naiilang na ako dahil sa pakiramdam na may nakatingin sa akin.
Nagsimula na ang intro ng kantang Love Will Lead You Back. Ewan ko ba bakit ito pa ang kanta at parang damang-dama ko pa tuloy habang kinakanta ko ito. Marami ang pumalapak sa akin at pasimply na tumingin ako kung saan naroon sila Vincent.
Nakadalawang kanta ako ng pinatawag ako sa waiter at pinapapunta ako sa puwesto nila Vincent. Muli na naman akong kinabahan dahil sa makikita ko ulit si Kobe sa malapitan.
Dahan-dahan na naglakad ako at nakita ko pa na napatingin sa gawi ko si Grace habang papunta ako sa puwesto nila Vincent. Pagkalapit ko doon ay tumayo agad si Vincent at nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at hatakin ako ng marahan palapit sa kaniya.
“Brod, this is Camilla. Isa sa magaling kong singer dito and also a special of mine.”
Nagsalubong agad ang paningin namin ni Kobe at ang sama ng tingin nito sa kamay ko na hawak ni Vincent. Nakaramdam ako ng tensiyon dahil sa nangyayari.
“Oh, Camilla. Napakagaling mo pa lang singer.”
Natigilan ako dahil si Adrian pala ito at hindi ko napansin, base sa ngiti nito alam kong nagpapaggap ito na hindi ako kilala.
“Nice to meet you beautiful lady.” Nakangiting lahad ng kamay nito.
Inabot ko naman yon at pilit na ngumiti. Napansin ko na hindi ako pinakilala ni Vincent kay Kobe kaya mas lalo akong hindi mapakali. Pinaghila niya ako ng upuan at magkatapat pa kami ngayon ni, Kobe.
“Sana pala noon pa kami nagpunta dito may magaling at maganda ka palang singer dito.” Natatawang sabi ni Adrian na pasimpleng tumingin sa akin.
“Mga busy kasi kayo at mas gusto niyo yung maraming babae.” Seryosong sabi ni Vincent na kinatawa ni Adrian.
“Are you single?”
Napaangat naman ako ang mukha ko dahil sa tanong ni Kobe at ewan ko kung bakit ito ang tinatanong ng gago na ito sa akin.
“Ikaw talaga Kobe, siyempre imposible na single siya ang ganda ni, Camilla. Hindi ba, Vincent?” Singit na sabi ni, Adrian.
Hindi ko na magawang kumilos ng maayos dahil sa tingin ni Kobe at gusto ko na siyang batuhin ng bote na nandito sa harapan ko.
“Yes, she’s still single. Wala pa naman akong nababalitaan na nagkaroon siya ng manliligaw.” Si Vincent na ang sumagot.
“Ayon naman pala.” Sagot naman ni Adrian.
“Boss, may naghahanap sa’yo.”
Lapit ng isang waiter at tumayo si Vincent at sumenyas sa amin na nagpaalam mo na.
“Sandali mag- C.R muna ako.” Maya’y paalam naman ni, Adrian.
Naiwan kaming magkaharap ni Kobe kahit pa kinakabahan na ako dahil kami lang ang nandito.
“Nililigawan ka ba ni, Vincent?” Seryosong tanong nito.
Tinaasan ko naman siya ng kilay at uminom muna ako ng tubig. “Ano naman sa’yo?” Mataray na sagot ko.
“You’re still my wife, baka nakalalimutan mo.” Sagot nito at inayos ang suot nito.
Tumawa naman ako dahil sa sinabi niya at pinakita ko na hindi ako interesado sa sinasabi niya.
“Don’t played with me.”
Nabago ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa seryosong pagkakasabi niya sa akin.
“Don’t played with me too, Kobe Herrera.” Balik ko sa sinabi niya sa akin. “Oh, sabagay mapaglaro ka naman talaga hindi ba? Dahil sa mga ginawa mo sa akin.” Seryosong sagot ko na kinatahimik niya.
“Pagkatapos mo akong saktan ito parang ok lang ang lahat sa’yo? Hindi ganon kadali yung sakit na ginawa mo sa akin. Dahil minaha—” hindi ko tinuloy ang sasabihin ko.
“Ano pa ba ang gusto mo? Tell me, Camilla. Luluhod ba ako para mapatawad mo ako? Ano sabihin mo.” Naiinis na sabi nito.
Hindi ako tuloy makapagsalita dahil hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko.
“I’m sorry, may kinausap lang akong kliyente.”
Nakahinga ako ng maluwag ng dumating si Vincent at naupo na sa tabi ko. Hindi ko na magawang tumingin kay Kobe, hanggang sa bumalik na rin si Adrian. Nakikinig lang ako sa usupan nila at napapansin ko na sunod-sunod ang bote na iniinom ni Kobe. Ako paisa-isa lang at matagal ko bago maubos, hindi ko alam kung ano pa ang mga mangyayari ngayon lalo pa at ramdam ko ang tingin ni Kobe sa akin.
Ngayon inaangkin mo na ako na asawa mo? Samantalang sabi mo noon hindi mo ako kayang panindigan? Don’t played with me, Kobe Herrera.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25
0 thoughts on “Still Loving You”