CHAPTER 18
Kasalukuyang nagkakape ako dahil kakagising ko lang dahil na rin sa ang sakit ng ulo ko, pinilit ko tumayo. Ako lang ang mag-isa dito dahil maaga pa lang umalis na dito si, Grace. Hawak ko ang phone ko at nag-scroll sa facebook ng may mag-message sa akin sa messenger.
Vincent Sevilla
Morning, ang aga mo nagising?
Nag-isip muna ako bago nag-type dahil simula ng magtrabaho ako bilang singer sa RestoBar niya ‘ay naging malapit na kami sa isa’t isa kahit minsan ay naiilang pa rin ako dahil sa pakikitungo niya sa akin. Yung anim na buwan na kontrata ko lumagpas pa hanggang sa inabot na ng tatlong taon.
Typing…
Morning too, masakit ulo ko. Kape pala. π
Sagot ko at napalingon ako sa pinto dahil narinig ko na parang may nagbubukas nito. Mukhang nariyan na si, Grace. Inaabangan ko na bumukas ito at pumasok nga si Grace at nakangiting mukha nito ang bumungad sa akin.
“Gising na pala, aga mo ata?” Sabi nito pagkalapit sa akin sabay upo sa tabi ko.
“Sakit ng ulo ko kaya bumangon na lang ako.” Sagot ko lang at muling tumunog ang messenger ko.
“Sino ‘yan? Si Boss ba ‘yan? Kayo ah, iba talaga pakiramdam ko sa inyong dalawa.” Mapanuksong wika nito at nagtimpla ng kape niya.
“Alam mo naman hindi ba? Saka hindi talaga ako puwedeng makipagrelasyon dahil hindi pa ako malaya.” Seryosong sagot ko dahil naikuwento ko na rin kay Grace ang nakaraan ko at pagkakaroon ng hindi maaayos na pag-aasawa. Kahit si Vincent na boss ko ay alam niya na pero hindi ko sinabi sa kanila ang pangalan ni, Kobe.
“Alam ko naman pero siyempre mapipigil mo ba na hindi ‘yan tumibok?” Nguso nito sa puso ko. “Puwede ka naman magmahal ulit tapos kapag handa ka na, ikaw na mismo mag-file ng annulment niyo ng asawa mo. Diba sinasaktan ka lang naman no’n? Oh, kaya naman baka mahal mo pa?”
Natigilan ako sa pag-type para sagutin ang message ni Vincent dahil sa huling sinabi ni, Grace. Simula kasi sa tatlong taon na lumipas wala akong naging relasyon.
“Ano bang sinasabi mo?” Nakaangat ang kilay na sagot ko at tumawa lang siya, wala akong balak na sagutin ‘yon.
“Oo nga pala may ikukuwento ako sa’yo tungkol sa lakad ko kanina, alam mo ba na para akong nasa ulam kanina ng makakita ako ng isang napakagwapong lalaki.” Ngiting-ngiti na kuwento nito.
“Halata nga at kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata mo.” Natatawang sagot ko at binalik ang atensyon sa pag-chat ko at nakalimutan ko na ang isasagot ko kay Vincent kaya tinignan ko ulit message niya.
Vincent Sevilla
Ok, just rest. Huwag ka ng pumasok kung hindi mo kaya.
Typing…
Ok boss thank you so much! π
Sinent ko na ang reply ko at hindi na ulit ito nagreply, ganon lang naman ito magmessage sa akin.
“Alam mo ang lakas ng dating niya sobra at sa tingin ko ang taas ng tungkulin niya sa company na pinuntahan ko. Kasi ang ganda ng suot niya, sana makita ko ulit siya, tapos ‘yung nagsalita siya grabe parang nanlambot ang tuhod ko.”
Nanatawa naman ako sa mga reaction niya, marami kasi tong raket dahil nga sa kaniya lang umaasa ang mga kapatid at magulang niya na may edad na.
“Malay mo naman magkita kayo ulit at baka siya na ang dream man mo.” Nakangiting sagot ko.
“Sana nga, nako kapag nakita ko siya gagawa talaga ako ng paraan para malaman ang pangalan niya.” Masayang sabi nito.
“May bisita pala si boss mamaya mga kaibigan niya kaya limited lang raw ang mga nagpapa-reserve ng table.” Kuwento ko sa kaniya.
“Oo nga narinig ko kay kuya Mike kagabi, ngayon ko nga lang nalaman na may kaibigan yang si boss.” Sabay tawa nito.
Nagkatawanan kami bigla kasi nga tahimik lang si Vincent at parang seryoso lagi sa buhay.
“Matutulog muna ako ang sakit ng paa ko kakalakad.” Wika pa niya at humigop ng kape.
Sige mahpahinga ka masiyado ka kasing busy sa buhay din.” Sagot ko at biglang tumunog ang phone ko nag-video call si, Nicko. Oo hanggang ngayon kausap ko siya pero hanggang doon lang dahil nanatiling tahimik ako kung saan man ako naroroon. Nagkakausap at nakikita niya ako minsan pero wala siyang alam kung nasaan ako. Pero bihira ko lang sagutin ang tawag niya dahil ayoko talaga kausapin siya dahil may naalala lang ako.
“Bakit hindi mo sagutin? Si Nicko ba ‘yan?” Tanong ni Grace dahil alam niya rin ang tungkol dito.
“Ha? Oo, pero wala ako sa mood sagutin.” Sagot ko lang at balak kong i-cancel ang tawag niya pero kinuha ni Grace ang phone ko.
“Ako na sasagot ang gwapo rin kaya ni fafa Nicko, swerte mo nga eh may Nicko ka na may Vincent pa.” Natatawang sabi nito.
Hinayaan ko na lang siya at tinuloy ko ang paghigop sa kape.
“Good morning Nicko.” Ngiting-ngiti na bati ni Grace at nag-wave pa. “Ito si Camilla, nagsisinti eh.” Sabi pa niya at hinarap sa akin ang phone.
Nakita ko naman si Nicko na parang nasa sasakyan dahil nakaupo ito at may bintana akong nakita.
“Nasaan ka?” Seryosong tanong ko.
“Out of town.” Sagot nito at inikot ang phone nito sa paligid.
“Hala, nasa airplane si Nicko. Sana all nakakasakay ng eroplano.” Malungkot na sabi ni Grace at tumawa si, Nicko.
“Ingat ka.” Sabi ko lang tumango siya, bumaba ako ng tingin dahil hanggang ngayon naiilang ako kapag nakatingin lang siya sa akin.
“Hay nako, kayo na nga mag-usap iniinigit niyo lang ako, sana makita ko ulit yung gwapong lalaki para meron rin ako.” Sungit-sungitan na tumayo si Grace at binigay ang phone sa akin.
“Kumain ka na?” Tanong ni Nicko.
Sinandal ko muna sa baso ko ang phone at umayos ng upo at sinuklay ang medyo magulong buhok.
“Hindi pa nagkape lang ako ikaw?” Sagot ko lang habang nakatingin sa ginagawa niya dahil parang nagta-typing siya, may laptop ata siya sa harap niya.
“Kumain ka na.” Sagot lang niya.
“Mamaya na lang ako kakain matutulog ako ulit.” Sagot ko at lumingon sa ibang direksyon para hindi ko makita ang mata ni, Nicko.
“Ok, mag-iingat ka lagi.” Seryosong sabi nito at titig na titig siya sa akin.
“O-ok.” Nautal na sagot ko.
“I call you later.” Muling sabi nito at sumenyas na nagpaalam na, nag-end na ang video call.
Tahimik na nakatingin lang ako sa phone ko at inubos ko na ang kape at tumayo na ako para piliting matulog ulit.
——-
“Mauna na ako sa’yo Camilla.” Paalam ni Grace.
Kakatapos ko lang maligo alas nuebe na pasado ng gabi.
“Ok sige, pakisabi na lang na papasok ako hindi na kasi ako nag-message kay boss.” Sagot ko bago lumabas ng pinto si Grace, tumango naman ito at tuluyan ng lumabas.
Nagbihis na ako agad at inayos lang ang sarili ko, naka-fitted na pantalon ako na maong na may butas-butas na design. Sleeveless na itim na v-cat ang harap, pinatungan ko ng blacer na black na malambot lang. Saglit na inaayos ko lang ang sarili ko at hinayaan ko na nakalugay ang medyo basa ko pa na buhok na lagpas balikat.
Lumabas na ako at sinigurado ko na naka-lock ang pinto bago ako umalis, pagdating sa kanto ay nag-abang ako ng taxi. Hindi naman ako nahirapan makakuha ng taxi dahil ilang minuto lang may dumaan na agad.
Mediyo traffic pa kaya nag-message ako kay Grace na baka malate ako na ipasabi na lang kay boss. Hindi ko ulit sinilip ang phone ko habang nasa biyahe.
——
Nagmamadali na naglakad ako pagkababa ko sa taxi, diretso ako agad sa likod kung saan doon ang daanan namin na mga nagtatrabaho dito. Pagdating ko doon ay busy ang ibang kasamahan ko at binati nila ako lahat pati ang banda.
“Camilla, galingan mo mamaya may big time na bisita ang boss natin.” Sabi ni Kuya Andrew ang drumer.
Tumango ako at nagpunta ako locker ko, pumasok naman si Grace na parang tuwang-tuwa.
“Camilla! My gosh! Nandiyan siya si ano.” Natatarantang sabi nito.
“Grace, kalma ok?” Natatawang sagot ko at nagtawanan ang mga banda.
“Ano kasi eh, nagkatotoo ang sinabi mo na baka magkita kami ulit at nandito siya ngayon!” Sabay tili nito at niyuyug-yog ang balikat ko.
“Sira, akala ko naman ano na ang nangyari, grabe ka parang nanalo sa lotto ah?” Ngiting sabi ko.
“Parang ganon nga ang naramdaman ko lalo na noong kausapin niya ako ng humingi siya ng alak sa akin. Grabe parang yung puso ko nagwawala na sa kilig.” Tuwang-tuwa na kuwento niya.
Natatawa na lang ako sa kaniya at hindi na sumagot, lumabas na ito at naiiling na lang ako. Ang lakas ng tama niya doon sa lalaking sinasabi niya, talagang nagkita sila ulit? Ang galing naman. Isip ko at inayos ko ang sarili ko dahil magsisimula na akong kumanta, huminga muna ako ng malalim dahil bigla ata akong kinakabahan ngayon.
Nagpuntahan na ang banda sa stage at hinintay ko ang signal para umakyat na ako.
“Good evening pala sa inyong lahat sana’y mag-enjoy kayo ngayong gabi. Lalo na sa boss namin na may bisita ngayon, maaari kayo mag-request ng song at kakantahin namin sa abot ng aming makakaya.” Natatawang sabi ng isa sa mga vocalist si Josh Aracilla.
Pumanhik naman ako sa itaas at umupo na ako sa upuan nakayuko pa ako at tinignan ang sarili ko kung ayos ba ang suot ko. Pag-angat ng mukha ko nakita ko ang ibang tao dito na naghihintay na, lumibot ang mata ko at hinanap kung saan ang puwesto nila boss, si Vincent agad ang nakita ko at bigla akong natigilan.
Narinig ko nagsimula na ang intro ng mga nakahelira kong kakantahin ngayon gabi. Pero parang ayaw bumuka ng bibig ko at para akong nanigas sa aking kinauupuan.
Kobe
Sambit ng isipan ko at nakita ko rin ang pagrehistro sa mukha niya na gulat na gulat ng makita ako. Bigla siyang tumayo kaya napatayo rin ako at bumaba ng stage.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25
0 thoughts on “Still Loving You”