Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 16

Hilam sa luha ang mga mata ko paglabas ko ng pinaka-gate ng mga Herrera. Matapos ang eksena namin ni Kobe, nagdesisyon akong magpaalam na ng tuluyan sa magulang ni Kobe. At para naman sa kaniya masasabi kong tuturuan ko ang puso ko na limutin siya. Sinimulan ko ng maglakad at nilagay ko sa loob ng damit ko ang sobre na naglalaman ng pera, ayoko talagang tumanggap pa ng kahit na ano mula sa kanila pero magagamit ko rin ito para sa bagong buhay ko.

Lumilipad ang isip ko at hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala akong kamag-anak at kilala dito kung hindi ang tiyahin ko. Hindi na rin ako puwedeng bumalik doon dahil pahihirapan ko lang ang sarili ko. Ramdam ko na ang uhaw at init dahil sa katanghalian na, nakaramdam na rin ako ng pagod at gutom. Naghanap ang mata ko ng puwede kong makakainan dahil talagang gutom na ako, pero biglang may tumutunog sa gilid ng suot ko at naalala ko na dala ko nga pala ang cellphone ko.

Nakita ko sa screen na si Nicko ang tumatawag ayokong sagutin sana pero patuloy na tumunog kaya sinagot ko na lang.

“Nasaan ka?” Bungad na tanong agad niya.

“Ayos lang ako Nicko, gusto kong mapag-isa.” Mahinang sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

“Camilla, please where are you now? Nag-aalala ako sa’yo.” paos ang boses na sabi nito.

Ewan pero bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? “Nicko, pakiusap saka na tayo mag-usap? Huwag kang mag-alala ok lang ako.” Sagot ko lang.

“Tawagan mo ako kapag maaari na kitang makausap at makita.” Mahinang sabi niya.

“Sige.” Sagot ko at pinatay ko na ang phone ko. Kailangan ko magpalit ng number, dahil alam kong hindi titigil si Nicko na hindi ako makausap. Pinasok ko na ulit ang phone ko sa bulsa ko at pumihit ako paharap pero bigla akong may nabunggo na tao.

Nagulat ako at hindi agad nakakilos at napatingin ako sa groceries na nagkalat sa semento. Bigla akong yumukod at natatarantang tumulong sa babae at tumulong damputin isa-isa ang mga pinamili nito.

“S-Sorry, hindi ko sinasadiya.” Sabi ko pero wala akong narinig na salita dito sa babae na nabunggo ko, akala ko magagalit siya sa akin.

“Mila?”

Napaangat ako ng tingin dahil sa binigkas niyang pangalan dahil tanging sa probinsya lang namin ako tinatawag na Mila. At ng matitigan ko na  ang babae ‘ay parang pamilyar siya sa akin.

“Mila, ikaw nga! Oh my god! Nagkita rin tayo ulit, ako ito. Si Grasya ang iyong magandang kaibigan sa ating baryo.” Masayang bulalas nito.

Doon ko lang naalala ang sinabi niyang Grasya si Grace ang kababata ko, halos magkasing edad lang kami nito bente tres. Hindi ko siya nakilala agad dahil sa ibang-iba na ang ayos niya.

“Totoo ba? Ikaw ba yan, Grasya?” Hindi makapaniwalang tanong ko pa dahil talagang hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli simula ng lumuwas ako ng Manila.

“Ako nga ‘to Camilla Ruiz.” Pagbubuo pa niya sa pangalan ko.

Napangiti ako at bigla ko na lang siya niyakap dahil sa pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakampi. Magkasama kami dati noong mga bata pa kami, kapag maliligo sa dagat na walang paalam sa mga magulang namin. Pero simula ng mamatay ang mga magulang ko lumuwas ako ng Maynila para doon sa tiyahin manirahan.

“Kamusta ka na? Parang mas maganda ka na ata ngayon sa akin ah? Nagulat talaga ako na ikaw ‘yung nakikita ko ngayon.” Nangingiting sabi pa niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya dahil yung morena niyang balat naging maputi tulad ko, natural na maputi ako dahil sa namana sa mama ko. May kulay rin ang buhok niya na kulay blonde na bumagay sa kaniya. Gumanda rin ang katawan niya at sumeksi siya.

“Alam kong maganda na ako noon pa lang kaya huwag mo na akong tingnan ng ganiyan. Pero mukhang mas maganda ka talaga, teka ano na balita sa’yo? Mukhang mayaman ka na ata eh.” Excited na tanong nito.

“Ako? Wala, hiyang lang sa problema. Natutuwa ako at nagkita tayo dahil kahit paano nagkaroon ako ng ibang kakilala dito sa Maynila.” Wika ko sa kaniya.

“Ako rin sobrang saya ko talaga, ano busy ka ba? Halika muna sa bahay ko, tapos next time sa inyo naman.” Masayang sabi nito.

“Ha? Aa… Wala kasi akong bahay.” Sagot ko na kinaangat ng kilay niya.

“Sure ka? Wala kang bahay? Saan ka natutulog, naliligo. Hindi nga?” Hindi makapaniwalang tanong nito.

Natawa naman ako sa reaction niya. “Ngayon wala na, naghahanap ako ng mauupuhan ngayon. Maghahanap rin ako ng trabaho na rin.” Sabi ko pa at biglang nagliwanag ang mukha niya.

“Sakto, wala na ‘yung kasama ko sa bahay. Doon ka na lang para naman masaya at magkasama tayo, kung sa trabaho akong bahala hahanapan kita.” Nakangiting sabi nito.

Natuwa naman ako dahil na-solve agad ang iniisip ko, sumama ako kay Grace. Medyo malayo rin ang tinitirahan niya, may pinuntahan lang raw siya sa lugar kung saan kami nagkita. Tapos namili na rin raw siya ng mga groceries.

——-

“Ok naman pala ang bahay mo hindi ganon kalaki pero sakto lang, lalo na kung dalawang tao lang.” Wika ko habang nililibot ang kabuan ng loob ng bahay, may dalawang kuwarto at maliit na sala at kusina. Malinis siya at tiles ang sahig gayon din ang lababo.

“Oo pero ang mahal ng upa ko dito, eight thousand lang naman siya. Kaya ko naman bayaran pero siyempre alam mo naman may sinusuportahan ako sa probinsiya.” Seryosong sabi nito habang nilalagay sa ref ang ibang pinamimili niya.

“Oo kulang din talaga, sandali ano ba trabaho mo mukhang maganda ang sahod mo?” Tanong ko pagkaupo ko sa sopa na hindi kalakihan.

“Ah ‘yon ba? Bartender ako sa isang yayamaning RestoBar. Pero may nagpasok lang sa akin doon ‘yung dati kong kaibigan na nasa ibang bansa. May mga tip rin ako na naiipon ko lalo na kapag galante ang mga customer.” Kuwento niya at naglabas ng juice, sinalin sa dalawang baso.

“Ah kaya pala malaki rin ang kita mo, mabuti nga at maganda ang trabaho mo at kahit paano nakakaipon ka at nakakatulong sa mga magulang mo. Gusto ko rin kumita.” Mahinang sabi ko at inabot sa kamay niya ang baso na may juice.

“Huwag kang mag-alala hahanapan kita marami akong kilalang maaari nating mahanapan ng trabaho.” Nakangiting sabi niya.

“Salamat.” Sagot ko at ininom na ang juice at ganon rin siya.

“Wait, oo nga pala naalala ko. Hindi ba magaling ka kumanta?” Tanong nito.

“Ha? O-oo, pero matagal na akong hindi kumakanta. Saka mahiyain na ako sa ganiyan.” Sagot ko dahil simula nagkaedad na ako hindi na ako kumakanta nahihiya at kinakabahan ako.

“Ayon pala pero kaya mo pa rin? Naghahanap kasi sa bar ng boss ko ng solong singer na babae. Ano gusto mo ba? Isasama kita bukas na bukas na agad?”

“Pero, Grace. Baka hindi ko kaya.” Sagot ko pero ngumiti siya.

“Akong bahala kaya mo ‘yan malay mo dito sumikat ka at madiskubre diba? Malay mo maging sikat na singer ka someday.” Masayang sabi nito.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya kahit pa bigla akong kinabahan dahil baka hindi ako makakanta ng maayos.

——–

“Camilla, sige na try mo na.” Tulak ni Grace sa akin paakyat stage na may mga banda.

“Pero kinakabahan ako may mga tao na.” Sabi ko sa kaniya dahil ang lakas ng tibok ng puso ko. May ilang tao na kasi sa nasabing bar at talagang kinakabahan ako.

“Sige na kaya mo yan, nandiyan si Boss sa isa sa mga lamesa pinapanood ka. Dali na sigurado akong kukunin ka niyan.” Turo niya gamit ang nguso niya doon sa boss na sinasabi niya.

Sinundan ko ng tingin ang sinasabi niya at nakita ko ang isang lalaki na nakaupong mag-isa at seryosong umiinom ng alak. Hindi ko gaano makita ang mukha nito dahil mediyo nakayuko ito.

“Camilla? Ano na? Dali na, ito inom ka muna para mawala ang nerbiyos mo.” Abot nito ng alak.

Napatango ako at agad na tinungga ‘yon. Nanginginig ang tuhod sa pagtapak ko sa stage at sumenyas sa akin ang mga banda na lumapit ako sa kanila at may binulong silang tanong kung ano ang kakantahin ko.

“Sandali ano ba magandang kantahin?” Sagot ko dahil hindi ko talaga alam ano kakantahin ko.

“Ikaw ano ba ang pangmalakasan mo na kanta?” Nakangiting tanong ng lalaki na may hawak na gitara.

Sandaling nag-iisip ako dahil talagang wala akong maisip dahil sa kinakabahan talaga ako.

“Through the fire na lang Chaka Khan.” Sagot ko at tumango sila at nagsimula ng tumugtog ang unang intro. Kaya mas lalo akong kinabahan, naupo ako sa mataas na upuan na may mic na nakalagay.

I look in your eyes and I can see
We’ve loved so dangerously
You’re not trusting your heart to anyone

Pagkanta ko sa unang lyrics ewan pero napatingin ako doon sa boss at nagsalubong ang mga mata namin.

You tell me you’re gonna play it smart
We’re through before we start
But I believe that we’ve only just begun

Biglang natahimik ang lahat kaya mas lalo akong kinakabahan at napatingin ako kay Grace na naka-ok, ramdam ko ang garalgal sa boses ko kaya kinalma ko ang sarili ko.

When it’s this good, there’s no saying no
I want you so, I’m ready to go

Through the fire
To the limit, to the wall
For a chance to be with you
I’d gladly risk it all
Through the fire
Through whatever, come what may
For a chance at loving you
I’d take it all the way
Right down to the wire
Even through the fire

Nakahinga ako dahil nakanta ko siya ng maayos at nagtataka ako kung bakit tahimik ang iba naman ay napatayo. Habang ‘yung boss ay titig na titig sa akin at malaya ko na siyang nakita at masasabi ko na magandang lalaki siya.

I know you’re afraid of what you feel
You still need time to heal
And I can help if you’ll only let me try
You touch me and something in me knew
What I could have with you
Well I’m not ready to kiss that dream goodbye

Nawala na yung kaba ko at napanatag na ako sa pagkanta ko mediyo nailang lang ako dahil sa nakatingin sa akin yung boss.

When it’s this sweet, there’s no saying no
I need you so, I’m ready to go

Ito na pataas na yung high notes at kailangan ko na galingan.

Through the fire
To the limit, to the wall
For a chance to be with you
I’d gladly risk it all
Through the fire
Through whatever, come what may
For a chance at loving you
I’d take it all the way
Right down to the wire
Even through the fire

Through the test of time

Humugot ako ng simpleng malalim na paghinga para sa pagbirit.

Through the fire
T

o the limit, to the wall
For a chance to be with you
I’d gladly risk it all
Through the fire
Through whatever, come what may
For a chance at loving you
I’d take it all the way
Right down to the wire
Even through the fire

Through the fire, to the limit
(Through the fire) through the fire, through whatever
Through the fire, to the limit
Through the fire, through whatever

Matapos ang kanta ko ay sabay-sabay silang lahat na napasigaw na more at wala akong nagawa at muli akong kumanta, hindi ko inaasahan na magugustuhan nila at nag-eenjoy na rin ako.

Matapos kong kumanta ng dalawang sunod ay pinatawag ako ng boss nila Grace at kakausapin raw ako. Medyo kinakabahan ako na makaharap ang boss na ‘yon kahit pa ramdam ko naman na mukhang nagustuhan niya ang kanta ko.

“Sige na pumasok ka na mabait naman ‘yan medyo cold person nga lang ang kaniyang ugali.”

Nilingon ko pa si Grace dahil hinatid niya ako dito sa opisina ng boss nila para kausapin.

“Parang kinabahan tuloy ako na humarap sa kaniya.” Sagot ko na biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa isipin na cold na tao ito.

“Hindi ‘yan at isa pa binata ‘yan.” Nakangising sabi pa ni Grace.

“Ikaw talaga saka may asa– sige na pasok na ako sa loob.” Putol ko sa sabihin ko mabuti at hindi ko natuloy dahil baka magtanong pa si, Grace.

“Ok sige good luck.” Kindat pa nito.

Kumatok muna ako bago ko sinubukan na pihitin ang pinto at bumukas naman ito. Nalanghap ko agad ang mabangong amoy sa loob at ang lamig na mula sa aircon. Pagpasok ko maingat ko na sinara ang pinto at hindi ko magawang tumingin ng diresto sa kaniya.

“Sit down.”

Wika nito pero hindi nakatingin sa akin dahil busy ito sa hawak na folder, siguro may binabasa ito. Naupo ako at pasimply na lumibot ang mata ko sa paligid at humanga ako dahil ang ganda dito dahil nasa ayos ang lahat ng mga kagamitan. Ang cabinet na puro babasagin ang bukasan nito.

“Sign it and you may go.”

Napatanga ako sa sinabi niya ng i-abot sa akin ang folder na hawak niya at nagbigay ng ballpen. Tiningnan ko ang nilalaman isa itong contract at may mga blakong na kailangan fill-up an. Nabasa ko rito na for six months ang effective nito. Wala naman na akong ibang nakita pa kaya sinumulan ko na sulatan kahit pa hindi ako makapaniwala na ganon lang ito kadali tanggap na ako agad?

Matapos ko masulatan at mapirmahan ay inabot ko na sa kaniya ang folder. Kinuha lang niya ito at nilagay sa drawer, alanganin naman akong tumayo na kung ok na ba.

“Maaari ka ng lumabas malalaman mo kay Grace kung ano ang oras ng schedule mo.” Seryosong sabi nito.

“Ok po salamat.” Kinakabahan na sagot ko at tumayo na ako upang lumabas na.

“What’s your name again?”

Napahinto ako sa pagpihit ng seradura ng marinig ko ang tanong niya.

“Camilla, Camilla Ruiz.” Sagot ko at yumuko upang magbigay galang, tumango ito pero nakatitig ito sa akin kaya ramdam kong napapaso ako kaya agad binuksan ko na ang pinto. Nagmamadali na lumabas ako pasilyo at bumaba sa hagdan, maraming tao dahil anong oras na rin.

Pag-ikot ko sa kabila ay nakita ko si Grace na naka-uniforme bilang bartender. Lumapit ako para ibalita sa kaniya ang napag-usapan namin.

“Camilla, ano kamusta?” Malakas na tanong nito habang may kung anong ginagawa sa hawak na bote at mga baso.

“Ok na.” Malakas na sagot ko dahil malakas ang banda dito. “Pinapirma na ako ng contract, nagulat ako.” Dugtong ko pa.

“Talaga? Ayos na pala, ikaw na. Pirma agad samantalang iba ay tinatawagan pa.” Natatawang sabi nito.

Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa sinabi ni Grace.

“Ano uuwi ka na ba? Alam mo ba pauwi na? Kasi kung hindi puwede mo ko hintayin para maihatid kita saglit.”

“Hindi na kaya ko ng umuwi, ako na lang para hindi ka maabala pa.” Sagot ko sa kaniya agad.

“Sigurado ka? Na sayo naman ang isang susi, basta mag-iingat ka lang dahil alas diyes na rin ng gabi.” Wika niya at paalala sa akin.

“Oo sige salamat ulit.” Sagot ko at nagpaalam na ako sa kaniya dahil inaantok na rin ako.

Lumabas na ako sa entrance at naghanap ng puwede kong masakyan, nag-aabang ako ng may makita akong itim na kotse na galing sa parking area dito. Malapit na ito sa akin ng huminto ito sa harap ko.

Nagtataka na napatingin ako sa saradong bintana at bigla itong bumukas, seryosong mukha ang nakita ko at walang iba kung hindi ang boss na nakausap ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil nakatingin lang siya sa akin.

“Sakay na.” Maya’y sabi nito.

Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na isasakay niya ako.

“H-Hindi na po ayos lang ako sa-salamat–“

“Sakay.” Ma-awtoridad na utos niya at nakatingin sa mga mata ko.

Wala naman akong nagawa dahil parang kailangan ko siyang sundin, umikot ako sa kabila dahil yon ang binuksan niyang pinto sa harapan.

“What place?”

Tanong nito at hindi ako agad nakapagsalita agad. Pero sa huli ay sinabi ko pa rin ang address at muling natahimik na lang.

“Salamat po at pasensiya na sa abala.” Nakayukong sabi ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kaniya paglabas ko sa kotse niya, umandar na agad ang kotse nito kaya hatid tanaw ko na lang ito.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagpahinga agad upang bukas baka sakaling may pasok na ako.

Dito sa trabaho na ito at bagong mundo ay kakalimutan ko na ang isang Kobe Herrera, kung sakali man magkita tayong muli. Sisiguraduhin ko na iba na ako sa Camilla na nakilala mo.


CHAPTER 17

Three years later…

“Ma, hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Camilla? Sabihin niyo naman sa akin.”

“Puwede ba Kobe, sinabi ko na sa’yo hindi ba hindi ko alam? Kasalanan mo rin naman kung bakit ka iniwan ng asawa mo. Ngayon kung gusto mo mabalik siya sa’yo ikaw ang maghanap at ipakita mo sa kaniya na karapat-dapat ka.”

Naasar na napakamot ako sa batok ko dahil ilang ulit ko ng kinukulit si mama na sabihin sa akin kung nasaan si, Camilla. Ginawa ko na ang gusto nila, ako na ngayon ang namamahala sa negosyo ni papa. Noong una wala akong gana dahil sa parang ang boring, but not now. Marami akong natutunan at nalaman sa mga negosyo ng mga magulang ko.

“Hijo, ang mabuti pa mag-enjoy ka lang muna sa posisyon mo ngayon as a president of the company.  Malay mo naman in the future magkita kayo ni Camilla, yon ay kung wala pa siyang nahahanap na iba.” Nakangiting sabi ni mama at humigop ng kape.

Naiiling naman ako dahil nakuha niya pa akong asarin. Hindi ko ata kayang may ibang kasamang lalaki si Camilla.

“She’s my wife already.” Asar na sagot ko at tumayo na ako.

“Fine.” Sagot pa ni mama.

Camilla nasaan ka ba? Nababaliw na ako kakaisip sa’yo ano pa ang gusto mo? Nagbabayad na ako ngayon sa kasalanan ko sa’yo dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ano pa ang gusto mo? Kung ayaw mo talagang magpakita sa akin it’s not my problem anyway. Fuck!

Inis na isip ko pagkasakay ko sa kotse dahil may meeting akong pupuntahan ngayon isa sa mga kliyente ng company namin. Sa tatlong taong na nagdaan may mga babae akong nakilala pero si Camilla pa rin ang hinahanap-hanap ko.

Habang nasa kalsada ay tumunog ang phone ko at ng silipin ko ito si Adrian ang tumatawag. Tinouch ko ito at nilagay ko ang headset sa tenga ko.

“Brod, ininvite tayo ni Vincent sa bar niya mamayang gabi para daw sa magandang takbo ng negosyo niya para sa tatlong taon na pakikipagtulungan natin.”

Balita ni Adrian, nakita ko rin na may message ang secretary ni Vincent sa gmail ko.

“May message rin sa akin, hindi ko alam kung makakapunta ako.” Sagot ko lang.

“Talagang seryoso ka na sa trabahong binigay sa’yo, ipagpatuloy mo lang yan.” Mapang-asar na sagot nito habang tumatawa.

“Tarantado, balitaan mo na lang ako. Si Nicko pupunta rin?” Tanong ko sa kanya. Naging ok na kami ni Nicko, matapos ang away namin dahil magkaibigan pa rin naman kami.

“Hindi ko alam out of town raw siya.” Sagot nito.

“Ok, pupunta na lang ako kapag free time.” Sagot ko lang at pinatay ko na ang phone ko.

Nagpatuloy na ako sa pag-drive at ilang minuto lang nakarating na ako sa company. Lahat ng mga nakakakita sa akin at nasasalubong ko ay nagbibigay galang sila sa akin pero lahat yon ay hindi ko pinansin, tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng elevator. Pero bago sumara ang pinto ay may sumingit na babae na blonde ang buhok na may kaputian.

“Salamat nakahabol pa ako.” Nakangiting sabi nito.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil gusto ko siyang sabihan na hindi siya puwedeng sumabay sa akin at ang elevator na ito ay para sa lang sa president ng kompanya. Pero mukhang nagmamadali siya kaya hinayaan ko na lang.

Pinindot niya ang number 8 samantalang nasa 9th floor ang opisina ko.

“Ang sarap naman dito ang lamig, ngayon lang ako nakasakay sa elevator na may aircon.”

Narinig ko na sabi niya sa gilid ko pero hindi ko siya sinagot, pansin ko na ang sexy niya dahil sa magandang hubog ng katawan niya no’ng pumasok siya kanina.

“Ano po kayo dito?”

“Why?” Seryosong sagot ko sa kaniya na kinatahimik niya at hindi na ito nagsalita kaya natawa ako sa isipan ko hanggang sa makalabas na siya at hindi na ako nilingon pa.

Ilang saglit lang ay ang floor ko naman ang sumunod, lumakad na ako papunta sa opisina ko habang inaayos ang neck tie ko. Pagdating ko sa may pinto ay bukas ito kaya nagtaka ako, dahan-dahan na binuksan ko ito at pumasok sa loob.  Bigla na lang may sumugab na yakap sa akin at hinalikan ako agad sa labi.

“Hi babe? I miss you so much!”

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa biglaan nitong panghahalik sa akin si Claire, ang isa sa mga anak ng investor ko. Na naka-one night stand ko lang sa sobrang lasing ko pero sa totoo lang paggising ko hindi ko naramdaman na may nangyari talaga sa amin.

“Claire, anong ginagawa mo dito?” Asar na tanong ko at naupo ako, parang bigla akong nawala sa mood.

“Ano ba naman klaseng tanong ‘yan? Of corse i miss you and…” Mapang-akit na wika nito at kinagat pa ang ibabang labi.

“May meeting ako ngayon.” Sagot ko at tumayo ako at napansin ko na wala ang secretary ko. Kung hindi lang ito anak ng isa sa mga investor namin baka pinalayas ko na ito ngayon. Nawala na si Samantha sa buhay ko dahil nag-asawa na ito ng taga ibang bansa, now ito namang si Claire.

“Nakakainis ka naman ang sungit mo sa akin.” Nakangusong sabi nito at yumakap sa likod ko.

Naramdaman ko ang malulusog na dibdib nito kaya naman umiwas ako agad dahil mahina ako pagdating sa ganitong bagay.

“Claire, alam mo naman na may asawa ako.” Seryosong sabi ko sa kaniya.

“Yes i know, pero nasaan siya? Iniwan ka hindi ba? Pero ako nandito para sa’yo. Walang kuwenta ang tulad niya dahil iniwan ka niya.” Naiinis na sabi nito.

Shit! Mura ko sa isipan ko imbes na siya ang murahin ko.

“Later na lang Claire, i have an important meeting today ok?” Kalmadong sabi ko at tiningnan ko ang phone ko. Nagmamadali na lumabas ako ng pinto kahit pa tinatawag niya ako.

Tinawagan ko naman ang secretary ko na magkita na lang kami sa meeting. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa elevator ng sumara na ito ay nakahinga ako ng maayos dahil sa hindi na makakahabol si, Claire. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Adrian tungkol sa pag-iimbita ni Vincent at mukhang mapapapunta ako doon dahil alam kong hindi titigil si Claire.

———-

Matapos ang dalawang oras na meeting ay umuwi muna ako sa bahay, dito pa rin kung saan kami nakatira ni Camilla. Minsan naiisip ko ng ibenta ito dahil parang nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya, dahil sinubukan ko na ring hanapin si Camilla. Ginamit ko ang pera ko para at emplowensiya ko makita ko lang siya pero wala pa rin.

Kumuha ako ng beer sa loob ng ref at binuksan ito at tinungga agad, umkyat ako sa kuwarto at balak kong umidlip muna. Humiga ako matapos kong maubos ang beer at agad naman akong nakatulog.

———

Camilla… Camilla…

Bigla akong napabangon at naupo dahil muli ko na namang napanaginipan si Camilla. Napatayo ako at binalibag ko ang kumot na nakaharang sa katawan ko, nagpunta ako sa shower at hinayaan kong mabasa ang hubad na katawan ko.

Hindi ka talaga para sa akin Camilla, kung ayaw mo magpahanap bahala ka. Kailangan ko na rin sigurong kalimutan ka dahil para na akong gago na naghihintay sa wala.

Napasuntok ko sa pader dahil sa asar ko, sinandal ko ang ulo ko at nakayukong nakapikit. Matapos ay lumabas na ako ng banyo, gabi na dahil sa madilim na sa labas ng bintana.

Tumunog ang phone ko at walang iba kung hindi si Adrian saktong nakabihis na ako.

“Brod ano?”

“Punta ako.” Sagot ko agad.

“Nice, good boy.” Sabay tawa nito sa kabilang linya.

“Fuck you.” Sagot ko at pinatayan ko na siya.

Matapos kong ma-check ang suot ko ay lumabas na ako kuwarto diretso sa hagdan. Nagpunta ako agad sa parking at kinuha ang kotse ko. Bago lumabas ay binati pa ako ng dalawang guard na hanggang ngayon sila pa rin ang nagbabantay dito.

Mabilis na nakarating naman ako sa mismong pupuntahan ko at naabutan ko pa sa labas si Adrian na naninigarilyo.

“Kanina ka pa?” Bungad na tanong ko at kumuha ng isang stick ng sigarilyo sa kaha na inabot niya.

“Kakarating ko lang din.” Sagot nito at naghit-hit buga.

Lumibot ang mata ko sa paligid dahil maganda dito lalo na at ang linis ng paligid. Ngayon lang kami napunta dito ni Adrian simula ang opening nito at simula no’n wala na dahil busy ako sa negosyo ko gayon rin si Adrian. Nakilala namin si Vincent sa isang bar noon at naging kaibigan na rin, nangako kami na susuporta kami sa negosya niya.

“Kamusta pala paghahanap mo kay Camilla?” Tanong nito.

Kunot noo na tiningnan ko siya. “Wala na akong panahon para sa taong ayaw magpahanap.” Sagot ko lang at namulsa.

“Ang tagal na rin pala, ano na kaya ang balita sa kaniya? May asawa na kaya ‘yon? O kaya hindi mo man lang ba siya nabuntis, Kobe?”

Natigilan naman ako dahil minsan naisip ko na rin yon kung nabuntis ko ba si Camilla. Dahil ilang beses ko na rin siyang ginalaw noon.

“Mga pogi pasok na raw kayo hinihintay na kayo ni boss.”

Sabay na napalingon kami ni Adrian sa nagsalita sa likuran namin at nagulat pa ako ng makita ang babae na nakita ko kanina sa elevator. Kahit siya ay natigilan rin.

“Huwag niyo sabihin na magkakilala kayo? Hindi mo ata naikuwento sa akin yan, Kobe.” Natatawang sabi ni, Adrian.

“I-Ikaw pala.” Nahihiyang sabi nito.

“Dito ka nagtatrabaho?” Tanong ko lang at tumango siya.

“Sige, pa-papasok na ako sa loob.” Paalam na nito.

Naiwan na muli kami ni Adrian at tinapon ko na ang sigarilyo na kalahati pa lang.

“Saan mo nakilala ‘yon? Maganda rin naman siya pero mas maganda parin si Camilla.” Wika nito.

Hindi ko na sinagot ang sinabi niya at nagsimula na kaming naglakad papunta sa entrance.

————————-

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25