Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 15

Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko dito sa malaking salamin ng marinig ko ang ilang katok sa pinto.

“Bukas ‘yan.” Sagot ko at bumukas ang pintuan.

“Ma’am, Ellen. Nasa baba po si Samantha, hinahanap po kayo.”

Natigilan kami pareho ng asawa ko dahil sa sinabi ng kasambahay namin na si Rosa. Kasalukuyang kakagising lang namin mag-asawa at inaayos ko ang sarili ko ngayon.

“Bakit nandito ang babae na yon?” Takang wika ko, nagkibit balikat lang aking asawa habang nagbabasa ng diyaryo. “Pakisabi na maghintay.” Sagot ko at lumabas na si Rosa.

“Ano naman kaya pakay ng babae na ‘yon dito?” Naiinis na mahinang sambit ko at binuhol ko ang tali sa suot kong robang puti.

Lumabas na ako at dahan-dahan na naglakad sa pasilyo papunta sa hagdan. Nasa bungad pa lang ako ng hagdan ay nakita ko na agad si Samantha at biglang tumayo ng makita ako.

“Good morning po.” Magalang na sagot nito at nakangiti pa.

Pilit na ngiti ang sinukli ko sa kaniya at sumenyas ako na maupo sa siyang muli.

“Anong dahilan at naparito ka?” Seryosong tanong ko habang sinusuklay ang maikling buhok ko. Pansin ko na bumuntong hininga mo na siya.

Mayamaya’y inabot niya sa akin ang envelope na dala nito na ngayon ko lang napansin.

“Ano ito?” Takang tanong ko.

“Just open it, i’m sure magiging masaya po ang araw niyo.” Masayang wika nito.

Hindi naman ako sumagot at kinuha ko ang nasa loob, tahimik na pinasadahan ko ng tingin itong papel at mayamaya’y binalik ko sa kaniya.

“Well, congrat’s sa’yo.” Wika ko at tumayo na ako.

“Wait, yon lang ang sasabihin niyo? Congrat’s?”

Ngumiti naman ako sa kaniya dahil halata sa mukha niya ang pagkainis niya.

“So, what do you want to hear from me, Samantha?” Nakataas ang kilay na sagot ko.

“I’m pragnant, si Kobe ang ama ng batang dinadala ko. Magiging lola ka na.” Matapang na sagot nito.

Tiningnan ko muna siya at ngumiti sa kaniya.

“Hija, bakit sa akin mo ito sinasabi? Kay Kobe ka magsabi dahil hindi ako ang mananagot diyan. Pero sandali, sigurado ka bang buntis ka?” Seryosong wika ko.

“What the? Did you see the result, ano pa bang hindi sigurado doon?” Naiinis na sagot nito at tumaas ang boses.

“You know what, Samantha. Tatapatin na kita, hindi kita gustong maging manugang. Pero wala naman akong magagawa kung gusto ka ng anak ko, pero isa lang ang sasabihin ko sa’yo. Ayoko sa lahat ‘yung mga taong sinungaling.” Pigil ang galit na sabi ko sa kaniya at nakita ko na parang bigla siyang namutla.

“What do you mean? Hindi ako nags-sisinguling. I’m pragnant!” Malakas na sabi na nito.

“Puwede ba, umalis ka na sinisira mo ang umaga ko. Ayoko sa mga taong sinungaling! Gaano ka siguradong buntis ka kung hindi ka na puwede magbuntis!?” Tumaas na ang boses ko dahil pakiramdam ko pati dugo ko tumaas na rin.

“What!? Saan mo naman nakuha ang balita na ‘ya–“

“Get out!” Taboy ko sa kaniya at nagdadabog na kumilos ito palabas ng bahay.

“Bakit anong nangyari?”

Napatingala naman ako sa taas at salubong ang kilay ng asawa ko na nagtatanong.

“Ang Aga-aga hinahayblad ako sa babae na ‘yon pupunta dito para sabihin na buntis siya. Pina-background check ko ‘yang si Samantha, kaya paano siyang magbubuntis kung may problema siya sa matris?” Inis na sagot ko at ngumiti lang ang asawa ko.

“Hayaan mo na napaalis mo naman na siya, huwag mo sirain ang umaga mo sa kaniya. Magtimpla ka na lang ng kape natin, saka tawagan mo na rin si Camilla o ang anak mo kamustahin mo sila.” Wika nito.

Tumango lang ako at nagpunta na ako sa kusina para magtimpla ng kape, dahil simula noon hindi kami nagpapatimpla sa mga kasambahay ng kape. Ako ang gumagawa nito hanggang ngayon. Matapos kong magtimpla ay dinala ko na ito sa labas malapit sa swimming pool.

“Hon, hindi ka ba papasok ngayon?” Tanong ko pagkaupo ko sa tabi ng asawa ko.

“Mamaya na lang ako papasok sumasakit ang tuhod ko alam mo naman tumatanda na tayo. Kaya sana naman ay maisipan na ng anak mo na hawakan ang negosyo natin.” Seryosong sabi nito habang humihigop ng kape.

“Hayaan mo mangyayari rin yan bigyan pa natin ng konting panahon ang anak natin.” Sagot ko pero hindi na nagsalita ang asawa ko.

Bigla ko naalala na tawagan si Camilla, mabuti at dinala na ng asawa ko ang cellphone ko. Ilang beses kong kinuntak ang number ni Camilla pero walang sumasagot gayon rin si Kobe wala rin.

“Ano ba tong mga bata na ‘to, bakit ayaw mga sagutin ang cellphone nila?” Wika ko.

“Tawagan mo na lang ulit mamaya baka natutulog pa ‘yon.” Sagot nito.

Binaba ko naman ang cellphone sa table at naisip ‘yung sinabi ng asawa ko. Dahil nakita namin sa cctv na mukhang ok na ang dalawa, lihim na pinalagyan ko ng cctv ang bahay na binigay namin at nandito sa amin ang mga monitor. Masaya ako dahil mukhang magiging seryoso na si Kobe sa babae.

Bente kuwatro na siya kaya alam kong hindi pa siya sawa sa pagkabinata niya. Pero talagang pasaway na siya simula bata pa lang siya, ayaw niya rin hawakan ang negosyong matagal na naipundar namin. Napabuntong hininga ako dahil sa pag-iisip ko.

Humigop ako ng kape at natigilan ako ng makita ko si Camilla na papunta dito sa amin.

“Ikaw pala, Camilla. Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka dito?” Nakangiting tumayo ako at hinagkan ko agad siya sa pisngi.

“Pa-pasesnya na po, magandang umaga po sa inyo.” Bati nito sa amin at nagmano sa amint dalawa.

“Hindi mo ba kasama ang asawa mo?” Tanong ng asawa ko kay Camilla.

Hindi ito sumagot at napansin ko na parang tahimik siya. Sumenyas ako na umupo siya pero umiling ito.

“Hindi po ako magtatagal, nagpunta po ako dito para magpaalam ng maaayos sa inyo.” Magalang na wika nito.

“Teka, may problema ba? Saka saan ka pupunta bakit ka nagpapaalam?” Naguguluhan na tanong ko.

“Aalis na po ako.” Nakayukong sagot niya.

“Nag-away ba kayo ni Kobe? Si Samantha ba ang dahilan? Huwag mo na intind—“

“Ito po ang gusto ko sana po maunawaan niyo ako, pero nagpapasalamat po ako sa inyo dahil tinanggap niyo ako.” Namumula ang matang wika nito.

Napatingin naman ako sa asawa ko at hindi ito sumasagot.

“Sigurado ka ba Camilla? Pero saan ka ba pupunta?” Nalulungkot na tanong ko sa kaniya.

“Hindi ko po alam kung saan ako pupunta, pero gusto ko po muna mamuhay ulit mag-isa.” Naiiyak na sabi nito at pinunasan ang luhang konti na lang ay papatak na.

Niyakap ko naman siya agad dahil dama ko yung nararamdaman niya at hinimas ko ang likod niya.

“Ako na ang humihingi ng tawad para sa anak ko, wala pang direksyon ang buhay niya. Pero kung ito ang plano mo talaga, nauunawaan ko.” Wika ko na naiiyak na rin.

“Ellen, bigyan mo siya ng pera para kahit paano may magamit siya.” Sagot ng asawa ko.

Tumango naman ako nagpahid ng luha ko.

“Huwag na ho ayos lang ako.” Sagot ni Camilla.

“Hindi, basta hintayin mo ako at tanggapin mo ‘yon.” Wika ko at nagmamadali na akong pumasok sa loob at pumanhik sa kuwarto namin mag-asawa.

Kumuha ako pera at nilagay ito sa sobreng puti, matapos yon ay bumaba na agad ako at nagpunta doon. Pagdating doon ay kinuha ko agad ang kamay ni Camilla at nilagay ang sobre sa palad niya.

“Mag-iingat ka lagi, alam mo naman bahay namin. Kung may kailangan ka narito lang kami.” Sabi ko sa kaniya at inayos ang buhok niya.

“S-salamat po, maraming salamat po sa inyo.” Umiiyak na pasalamat nito at nagpaalam na.

Hindi ko na nagawang inumin ang kape ko dahil nawalan na ako ng gana.

“Anong iniisip mo ngayon?”

Napaangat ako ng mukha at sinalubong ang mata ng asawa ko na nagtatanong.

“Alam kong hindi pa dito nagtatapos ito, siguro hayaan na muna natin sila dahil kung mahal talaga nila ang isa’t isa. Sila na ang maghahanap sa isa’t isa. Kakausapin ko rin ang anak mo, pupuntahan ko siya ngayon.” Seryosong sabi ko at tumango lang ang asawa ko.

————-

Nandito na sa tapat ng gate ang kotse ko at hinihintay na buksan ang gate ng mga guard. Agad naman itong binuksan at binati ako ng dalawa.

“Nandiyan ba ang anak ko?” Tanong ko sa kanila.

“Yes ma’am.” Sagot ng isa at pinasok ko na ang kotse sa loob.

Nagmamadali na bumaba ako at naglakad papasok sa loob, naamoy ko agad ang amoy alak sa loob. Naabutan ko ang anak ko sa may sala at nakapatong ang paa nito sa table habang may tinutungga na bote.

“Ganiyan lang ba ang gagawin mo? Nasaan ang asawa mo?” Tanong ko sa kaniya pero hindi ito sumasagot at nakita ko sa mukha niya na parang umiyak siya.

Inalis ko ang mga nagkalat sa lapag at sa sopa, marami na siyang nainom dahil sa nagkalat ang mga basiyo ng mga beer.

“Umalis na siya.” Wika nito.

“Sino?” Maang na tanong ko at seryosong nakatingin sa kaniya.

“Sino? Di yung paborito mong si Camilla. Magsama sila ni Nicko na gago!” Bakas sa mukha nito ang galit o selos.

“Ano ganiyan ka na lang? Hahayaan mo na iwan ka ni Camilla. Pero tama ka mas bagay nga siguro sila ni Nicko, dahil hindi ka responsable.” Sagot ko at tumayo.

“Pati ba naman ikaw ma!?” Galit na sabi nito.

“Kobe, it’s your fault. Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan niyo pero masasabi ko na mahina ka talaga. Mahal mo ba si Camilla?” Tanong ko sa kaniya, hindi siya nakasagot yumuko lang siya at kinapitan ang ulo niya.

“Kung mahal mo talaga siya ipakita mo, ayusin mo ang sarili mo. Maging responsable ka at harapin ang mga problemang darating. Hindi pag-iinom ang solosyon, kung itatanong mo sa akin kung nasaan si Camilla. Wala akong alam at kung alam ko man hindi ko rin sasabihin sa’yo, ayusin mo muna sarili mo. At kung gusto mo talaga siya makita ulit, ikaw ang gumawa ng paraan para makita siya.” Mahabang paliwanag ko sa kaniya.

“I love her… I love her and i miss her, mahina talaga ako.”

Natigilan ako at napangiti ako ng lihim dahil kahit hindi siya nakatingin sa akin ng sabihin niya na mahal niya si Camilla, alam kong nagsasabi siya ng totoo.

“Kung ganon, ayusin mo ang sarili mo. Ipakita mo na karapatdapat ka sa kanya bilang asawa. Itigil mo na itong pag-inom mo, hawakan mo na ang negosyo ng ama mo dahil sa’yo rin yan at sa magiging pamilya mo.” Muling wika ko.

Umalis na ako sa harapan niya at alam kong gagawin niya ang sinabi ko. Kung sa pagdating ng panahon at hindi man sila magkabalikan, alam kong may matutunan sila.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25