Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 14

Maaga akong nagising dahil sa napakagaan ng pakiramdam ko, habang naghuhugas ako ng mga pinaggamitan ko sa pagluluto kanina ‘ay napapangiti ako ng lihim. Naisip ko kasi ulit ‘yung nangyari kagabi sa amin ni Kobe, Sobrang saya ko talaga at pakiramdam ko nakalutang ako sa ulap hanggang ngayon. Hindi lang dalawang beses akong inangkin ni Kobe kung hindi apat na beses hanggang sa makatulog na nga siya sa sobrang pagod.

Mediyo masakit ang ibabang parte ko pero ayos lang dahil masaya naman ako. Muli kong tinuloy ang paghuhugas ko pero hindi pa ako natatapos sa paghuhugas ng may biglang yumapos na matitigas na bisig sa bewang ko at hinagkan ang leeg ko.

“Nawala ka sa tabi ko.”

Napapikit ako ng marinig ko ang husky voice ni Kobe lalo na ang maramdaman ko ang hininga nito sa may batok ko.

“Nagising ako agad kaya ito nagluto ako ng almusal natin.” Sagot ko habang ang bilis ng pintig nang puso ko. Napakagat labi ako ng dampian niya ng munting halik ang parte ng batok at leeg ko.

“Bitch!”

Sabay na napalingon kami ni Kobe at galit na galit na nilapag lang ni Samantha ang dala niya sa table at malalaki ang hakbang na lumapit sa amin. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya dahil mabilis na nahawakan niya ang buhok at hinatak nito pababa ang buhok ko.

“Hindi mo talaga titigilan ang boyfriend ko!?”

Sigaw niya at pakiramdam ko hihiwalay na sa anit ko ang buhok niya. Hindi ko siya maabot dahil sa posisyon ko, pilit naman na hinarangan ako ni Kobe pero talagang mahigpit ang pagkakapit ni Samantha sa buhok ko.

“STOP SAMANTHA!”

Dito na nabitaw si Samantha sa buhok ko ng sumigaw na si Kobe, mangiyak-ngiyak naman ako dahil sobrang sakit ng ulo ko. Tiningnan niya ako ng masama habang inaayos ko ang buhok ko.

“A-Aray… A-Aray… K-Kobe.”

Napatingin ako kay Samantha dahil sa napahawak ito sa puson niya na para bang may masakit doon. Dahan-dahan na lumapit si Kobe sa kaniya.

“Kapag may nangyaring masama sa baby namin ni Kobe, hindi kita mapapatawad Camilla.” Pagbabanta nito sa akin.

“What did you say?” Nagtatakang tanong ni, Kobe.

Para naman akong nanghina lalo dahil sa narinig ko at may kung anong kirot sa puso ko. Dahil sa buntis pala si Samantha. Paano na ako? Paano na tayo Kobe?

Ito agad ang tumakbo sa isipan ko dahil pakiramdam ko babagsak na ng tuluyan ang luha ko.

“D-Doon muna ako sa kuwarto ko.” Paaalam ko pero hindi ko sila sinulyapan dahil baka makita nila ang namumula kong mata. Patakbo akong lumabas ng kusina, pero imbes na umakyat sa itaas ay lumabas ako ng bahay diretso sa gate.

Binati pa ako ng guard pero nakayukong dire-diresto lang akong lumabas at nagtatakbo sa gilid ng daan. Walang gaanong tao kaya naman hinayaan ko na lumabas ang luha ko habang tumatakbo ako.

Bakit ganon? Kung kailan ok na kami ni Kobe, saka naman may ganito? Ano ba ang dapat kong gawin? Kailangan pa ba na manatili pa ako sa tabi ni Kobe gayong magkakaanak na siya kay Samantha?

Huminto ako sa pagtakbo at naalala na nakapantulog pa ako na suot, bistida at wala akong suot na bra. Mabuti at may patong akong manipis na sweter kanina bago ako bumaba nong nagluto ako. Naalala ko bigla ang cellphone ko mabuti at nailagay ko pala ito sa bulsa ko dahil balak kong pekturan ang mga niluto ko para kay Kobe.

Nag-isip muna ako bago ko tinawagan si Nicko, dahil siya lang naman ang nakakapagpagaan ng loob ko. Kailangan ko muna mag-isip o kailangan rin mag-isip ni Kobe kung ano ang dapat niyang gawin. Tinawagan ko na si Nicko at sinagot naman agad nito.

“Aa… Nicko, busy ka ba ngayon? Maaari mo ba ako sundoin dito?” Nahihiyang tanong ko pero agad itong tumango, kaya sinabi ko kung nasaan ako banda.

Napatingin ako sa likod ko dahil baka sakaling hinanap ako ni Kobe pero wala naman. Tanging ilang tao lang ang naglalakad dito sa subdivision at iilang kotse na dumadaan. Dito ko hinintay si Nicko sa may puno ng mangga at yon ang sinabi ko sa kaniya.

Hindi naman nagtagal ay may humintong itim na kotse at bumaba ang salamin no’n.

“Camilla.”

Napangiti ako dahil si Nicko at lumabas agad ito sa kotse umikot papunta sa akin.

“What happened? Sandali, umiyak ka ba?” Nag-aalalang tanong nito.

“W-wala naman, salamat sa pagpunta mo.” Mahinang sagot ko at nahagip ng mata ko ang parating na kotse at hindi ko inaasahan na si Samantha ang nasa loob. Nakita ko na may nilabas siyang cellphone.

“Bakit ganiyan ang suot mo? Nasaan ba si Kobe?” Naasar na wika nito at hinubad ang coat na suot nito na mukhang nasa trabaho ito.

Hindi ko na gaano naintindihan ang sinabi ni Nicko dahil kay Samantha nakatuon ang atensyon ko na ngayon ay wala na. Alam kong kinuhaan niya ako ng picture.

“Sige na pumasok ka na sa loob malamig dito sa labas.”

Napatango na lang ako habang kapit ang coat nito na nakapatong sa balikat ko. Pumasok na ako sa loob ng kotse at tahimik na nakatingin lang sa kalsada.

“Saan mo ba gustong pumunta?” Maya’y tanong ni Nicko.

“B-Bahala ka na wala akong maisip.” Sagot ko na lang dahil hindi ko rin talaga alam kung saan ko gustong pumunta ngayon.

“Sigurado ka ba?”

Napalingon ako kay Nicko na para bang may ibig sabihin ang tanong niya na ‘yon. Binalewala ko na lang at nagtuloy lang siya pag-drive niya hanggang sa pumasok ang kotse sa isang mataas na gusali, condominium ata ito.

Sumunod lang ako sa kaniya at mga binati siya ng mga tao doon pati ang mga Stuff.

“Good morning Sir Nicko.” Bati ng attendant gayon rin yung nasa counter at mga guard.

Naramdaman ko ang paghawak ni Nicko sa palad ko na naghatid na naman ng kuryente sa akin. Naiilang ako dahil lahat ng masasalubong namin ay nakatingin sa magkahawak namin na kamay.  Pumasok kami sa elevetor at hindi ko na napansin kung saang floor niya pinindot.

“Kumain ka na ba?” Tanong niya.

“H-Hindi pa.” Sagot ko kasi di pa talaga ako kumain dahil kakatapos ko lang magluto kanina.

“Ok, magpapadala ako ng pagkain natin. Hindi pa rin ako kumakain.” Sagot ni Nicko.

Bumukas na ang pinto at muli niyang hinawakan ang kamay ko hanggang sa nakarating kami sa may pinto at may kung anong tinouch siya sa may screen doon at kusang bumukas na ito. Sumalubong agad sa pangamoy ko ang bango sa loob at ang malamig na aircon, mukhang kakagamit lang nito kanina

“Wala ka bang pasok sa trabaho ngayon?” Tanong ko pero sa kabuan ng loob ako nakatingin pagpasok namin dahil ang linis at napakaganda at elegante.

“Meron, but i explain to my secretary na mas importante itong lakad ko.”

Natigilan ako dahil sa sinabi niya dahil talagang may trabaho pala siya at ura mismo pinuntahan niya ako at iniwan ang trabaho niya.

“Why? May problema ba?” Kunot noong tanong niya habang niluluwagan ang suot niyang necktie.

“W-wala naman pero nakakahiya sa’yo nagambala pa kita.” Sagot ko at paiwas na tumingin sa kaniya.

“Pagdating sa’yo huwag mo isipin ‘yon at isa pa na-miss na rin kitang makita.” Seryosong sabi niya.

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko lalo sa pagkakatitig ng mata niya sa akin.

“Ikaw talaga.” Pilit ang ngiting sagot ko at napangiti siya, lumakad siya at sumunod ako.

Kitchen pala yon at ang ganda rin sa loob kumpleto ang mga gamit at nangingintab ito sa sobrang linis.

“Ang linis ba? Hindi ko naman kasi to nagagamit, sa labas lang ako lagi kumakain. Anong gusto mo inumin? May juice dito.”

“Kahit malamig na tubig na lang.” Sagot ko at nasilip ko ang loob ng ref niya halos in-can ang nasa loob at karamihan doon ay alak.

“Tatawag lang ako para magpaluto ng makakain natin, gutom ka na ba?” Muling tanong niya.

“Kaya ko pa naman magtiis, sige lang maghihintay ako.” Wika ko at tumango siya at lumabas, naiwan ako dito sa loob at ininom ang tubig na malamig na nasa bottled.

Matapos ‘yon ay lumabas na ako at nakita ko na nakaupo sa itim na sopa si Nicko habang may kausap. Umupo ako malapit sa kaniya. Hinubad ko ang coat na pinahiram niya sa akin at maayos na pinatong ko ito sa sopa.

“Nag-away na naman ba kayo ni Kobe?”

Napaangat ako ng tingin kay Nicko dahil sa tapos na pala ito makipag-usap. Hindi ko naman magawang sumagot sa kaniya.

“Nag-message sa akin si Adrian, hinahanap ka ni Kobe. Sigurado akong pupunta ‘yon dito.” Sabi ni Nicko.

Bigla naman akong kinakabahan dahil sa narinig ko lalo pa kung makita ako dito ni, Kobe. Biglang hindi ako mapalagay lalo na no’ng may tumunog sa may pintuan. Pakiramdam ko nanigas ako sa kinauupuan ko, pero laking pasalamat ko dahil pagkain pala ito.

“Kumain ka na.” Wika ni Nicko.

“Ikaw? Akala ko ba sabay tayo?” Takang tanong ko sa kaniya dahil natahimik ito.

“Camilla.”

Bigla akong natigilan sa paghawak sa kubyertos dahil sa kakaibang tono ng boses ni Nicko. Nilingon ko siya at seryosong nakatingin siya sa akin.

“Kung sinasaktan ka lang lagi ni Kobe, narito ako.”

Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil kinuha nito ang kamay ko at tinitingnan.

“Hindi ko gustong sinasaktan ka lang nila lalo na si Kobe, kung hindi ka na masaya sa kaniya. Tandaan mo na may Nicko pa sa tabi mo.” Seryosong ang mga mata niya.

Hindi ko alam pero may kung ano sa puso ko na hindi ko maitindihan. Pero si Kobe talaga ang mahal ko.

Patawarin mo ako Nicko, pero kung sakaling hindi ko na talaga kaya pa. Alam kong sa pangalawang pagkakataon nasa tamang lalaki na ako.

Hindi ko namalayan na lumalapit na pala ang mukha niya sa akin at huli na para umiwas dahil lumapat na ang labi niya sa akin. Pigil ang hininga ko dahil sa gulat-gulat talaga ako, kumapit ang kamay nito sa magkabilaan kong pisngi. Habang ang labi nito na gumagalaw at pilit na pumpasok ang dila niya upang bumuka ang bibig ko.

Pero bigla kaming naghiwalay dahil sa may kalabog mula sa may pinto. Bigla akong kinabahan dahil si Kobe agad ang naisip ko. Naiiling na tumayo si Nicko at nagpunta sa may pinto, sumunod naman ako agad sa kaniya. Pagbukas ng pinto ay napasigaw ako ng muntikan ng masubsob si Nicko sa lamesa na babasagin na may mga pagkain. Sinutok siya ni Kobe.

“Gago ka talaga Nicko! Alam mo na asawa ko si Camilla, ginagago mo akong gago ka!”

Galit na galit na sabi ni Kobe at muli niyang sinugod si Nicko upang suntukin at muli niya itong natamaan sa panga. Pero nagawa ni Nicko na suntukin rin si Kobe.

“K-Kobe tama na, Nicko. Pakiusap huwag kayong mag-away.” Naiiyak na awat ko sa kanila at humarang ako sa gitna.

“Tama ba narinig ko Kobe, ngayon asawa mo na si Camilla? Kailan pa?” Mapang-uyam na sabi ni Nicko. “Tandaan mo oras na paiyakin mo ulit si Camilla, hindi mo na siya makukuha pansa akin.” Seryosong Nicko sa pagkakasabi niya.

Pero si Kobe parang mas lalong nagalit at muli na naman itong susugod.

“Mga brad, wala naman ganyanan. Magkakaibigan tayo hindi ba puwedeng pag-usapan mo na ninyo ito?”

Natigilan kami sa biglang pasok ni Adrian. Pinunasan ni Kobe ang labi niya na may dugo dahil pumatok ito.

“Hindi ako nakikipag-usap sa gagong tulad niyan.” Wika ni Kobe at tumalikod naglakad palabas.

“Sandali, Kobe!” Tawag ko. Nilingon ko lang sila Nicko at tumakbo ako palabas upang sundan si Kobe. Hinanap siya ng mata ko sa pasilyo. Nakita ko naman siya na paliko na kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko.

“Kobe!” Sigaw ko na para marinig niya ako. Huminto naman siya at humarap sa akin.

“Bakit sumunod ka pa? Doon ka sa gagong Nicko na ‘yon magsama kayong dalawa.” Inis na sagot nito at muling tumalikod.

Lumakad naman ako at yumakap sa likod niya at doon bumuhos na ang luha ko.

“S-Sorry, sorry kung umalis ako at sumama ako dito kay Nicko. Pero huwag kang mag-isip ng iba dahil wala naman akong ginawang masama, Sorry.” Umiiyak na wika ko habang nakasubsob sa malapad niyang likod.

Naramdaman ko ang pagtanggal ni Kobe sa kamay ko sa bewang niya kaya natigilan ako.

“Mas magandang siguro na kay Nicko ka na lang, dahil sa akin lagi kang umiiyak at isa pa baka hindi kita mapangatawanan.”

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko na sinabi niya. Hindi ko na namalayan na wala na siya sa harapan ko.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25