Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 13

AN:Β Hayys.. Matagal na naman walang update dahil sa walang pumapasok pa isip ko. Sana’y nakakapaghintay kayo lagi. 😊

———–

———————————–
Samantha’s Plan
———————————–

Fuck you!

Fuck you!

Shit!!

Shit!

Paulit-ulit na sambit ng isipan ko dahil sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Ang dami ko ng message kay Kobe pero kahit isa wala siyang reply, hindi niya rin sini-seeen ang mga message ko. Paikot-ikot ako dito sa loob ng kuwarto at muling nagbalik sa isip ko ng malaman ko na nandoon si Kobe sa kuwarto ni, Camilla.

Posible ba na may nangyari sa kanila no’ng gabi na ‘yon? Pero hindi siguro. Dahil sandali pa lang nawala si Kobe at hindi rin naman ako papayag na may mangyari sa kanila. Pero ba’t ganon parang may something kay Kobe?

Relax lang Samantha. Ikaw pa rin ang panalo sa laro na ‘to at isa pa hindi ba sinabi sa’yo ni Kobe na after two months magsasama na kayo?

Para akong praning na kinakausap ko ang sarili ko at muli kong dinampot ang phone ko sa ibabaw ng table. Muli ko itong tiningnan, nakita ko na online si Kobe kaya agad akong nag-message pero hindi ko pa-sent ang message ko nag-offline siya ulit.

Fuck! Ano ba Kobe? Ano ba ang ginagawa mo, umuwi ka na ba ng bahay? Alam mo ba na hindi ako nakatulog no’ng gabi dahil hindi kita katabi?

Mariin na napahawak ako sa phone ko dahil hindi lang alam ni Kobe na kung paano ko pinigilan ang luha ko kagabi para lang hindi makita ni Camilla na umiyak ako. Dahil nakuha ko pa siyang asarin at palabasin na masaya kami ni Kobe no’ng gabi, pero ang totoo no’n sobrang inis na inis ako.

Napaangat ang mukha ko at napukaw sa pag-iisip ng marinig na may kumakatok sa pinto. Dahan-dahan itong bumukas at nakangiting mukha ni Cassandra na bestfriend ko ang bumungad sa akin.

“Hey, what happend? Mukhang malalim ata ang iniisip mo? Pumunta na ako dito dahil simula ‘daw kanina hindi ka na lumalabas ng kuwarto mo. Any problem? Tell me.” Nakataas ang kilay na tanong nito at naupo sa tabi ko.

“Alam mo naman na wala akong pinuproblema sa buhay, but not this. Si Kobe, i want him. Gusto kong maging akin na siya ng tuluyan ‘yung hindi niya kailangan hintayin ang dalawang buwan. Dahil baka mamaya—” bitin ko sa sabihin ko at naghihintay naman ito sa idudugtong ko.

“Mamaya ano? Mamaya ma-inlove na si Kobe kay Camilla. Ganon ba?” Seryosong sabi nito.

Natigilan ako dahil tama siya, alam kasi niya ang lahat dahil sa kinuwento ko. Ayokong mawala si Kobe sa akin lalo na kung kay Camilla lang siya mapupunta, unang kita ko pa lang sa babae na ‘yon kumukulo na talaga ang dugo ko sa kaniya.

“So, ano ang plano mo ngayon? Baka matulungan kita. Kilala mo naman ako lagi akong nasa likod mo, good or bad.” Malditang wika nito na nakangiti.

“Kung magkakaanak lang kami ni Kobe malamang madali lang, kaso alam mo naman na hindi na ako puwede magbuntis.” Mahinang sabi ko dahil ito ang naisip ko na paraan pero hindi ko magagawa.

“Problema ba ‘yon? ‘Di mangpanggap kang buntis, ano ka ba Samantha. Humina na ba yang matalino mong isip? Remember doctor ang mama ko.”

Biglang nagliwanag ang isip ko at napapangiting tiningnan siya, nakangiti rin siya sa akin na nagkasundo sa iisang bagay.

“Pero bukod doon gusto kong mawala na sa landas ko si Camilla, gusto kong mas maging masama siya sa paningin ni Kobe. Para talaga mawala na ang babae na ‘yon.” Asar na wika ko at tumayo.

“Di dating gawi or bakit hindi mo gamitin si Nicko. Hindi ba kuwento mo napapansin mo na may pagkakagusto si Nicko kay Camilla? Kung hindi naman umubra gumamit tayo ng ibang tao.”

Napaharap ako at biglang may magandang plano ang tumakbo sa isipan ko. Parehong may ngiting demonyo sa mga labi namin, ganito na kami since high school at college. Matapos namin mag-usap ng mga bagay-bagay ay nagpaalam na siya dahil may lalakarin pa raw siya. Ako naman ito habang nakahiga ay malayo ang tinatakbo ng isip ko.

——-

Ngayong araw ko mismo gagawin ang balak ko at papunta ako ngayon sa bahay ni Kobe para ipaalam na magkakaanak na kami. Dala ang mga katibayan na gawa ni Cassandra. Napangiti ako habang nagmamaneho at napatingin sa salamin. Hindi naman alam ni Kobe na hindi na ako puwede magkaanak, dahil sa ilang beses na akong nagpalaglag. Manipis na ang uterus ko kaya kahit mabuo ito hindi ito magtatagal.

Lumiko na ang kotse ko papasok sa loob ng subdivision at excited na akong makita si Kobe. Pagdating ko sa tapat ng gate, bumisana ako ng ilang sunod dahil ang tagal buksan ng gate. Nakataas ang kilay na sinulayapan ko ang guard na nagbukas at nagtuloy-tuloy na pumasok na ang kotse ko sa loob. Hininto ko lang sa gitna at bumaba na ako agad. Wala na akong panahon para dalhin pa sa parking ang sasakyan ko.

Malalaki ang hakbang na pumasok ako agad, papunta na ako sa hagdan para sana umakyat pero nakarinig ako sa may kusina ng ingay. Pumihit ako at naglakad papunta sa kitchen, pagdating ko sa pinto. Biglang kumulo ang dugo ko ng makita kong nasa likod ni Camilla si Kobe habang nakapatong ang baba nito sa balikat ni Camilla na naghuhugas ng kamay.

“Bitch!” Sigaw ko na kinagulat nilang dalawa at kumalas agad si Kobe kay Camilla. Binitawan ko naman ang shoulder bag ko at envelope sa lamesa at sinugod ko agad si Camilla.

Hinatak ko agad ang buhok nito kahit namamagitan si Kobe sa amin.

“MALANDI KA TALAGA! HINDI KA TALAGA TITIGIL LANDIIN ANG BOYFRIEND KO! PUNYETA KANG BABAE KA!” nangigil na wika ko at winasiwas ko ng husto ang buhok niya.

“SAMANTHA! STOP!”

Natigilan ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Kobe at unti-unting lumawag ang pagkakahawak ko sa buhok ni, Camilla.

“A-Aray… Aray… K-Kobe.” Umarte ako bigla na may masakit sa akin, kinapitan ko ang puson ko at talagang ginalingan ko ang arte ko. Magaling ako dito kaya sigurado akong maniniwala sila.

Yung galit ni Kobe ay napalitan ng pagtataka at napatingin sa akin, habang si Camilla ay nakatingin sa akin at gulo ang buhok nito.

“Kapag may nangyari sa baby namin ni Kobe, hindi kita mapapatawad Camilla.” Mahinang galit kong sabi at napakapit ako sa gilid ng semento. Lumapit naman dahan-dahan si Kobe sa akin.

“What did you say?” Seryosong tanong ni Kobe.

“I’m pregnant Kobe, magiging tatay ka na.” medyo nakangiwing sabi ko para kunwari masakit pa rin ang pakiramdam ko. Napansin ko ang mukha ni Camilla na hindi makapaniwala dahil sa sinabi ko.

“Sa-Sa taas muna ako.”

Maya’y nagsalita si Camilla at dire-diretsong lumabas ito ng kitchen. Lihim na napapangiti naman ako sa isipan ko dahil alam ko kung bakit umalis si, Camilla.

“Hindi ka puwedeng magbuntis.”

Natigilan ako sa narinig ko kay Kobe, nakayuko ito sa harap ko.

“What? Are you crazy? Sana hindi mo ako ginalaw ng sa ganon hindi mo ako nabuntis. At isa pa hindi ba ito naman ang gusto natin para mas madali ang paraan para magsama na tayo?” Nakaramdam na ako ng inis dahil sa sinabi ni Kobe.

“But not now, because…”

“Because what? Dahil naakit ka na ng babae na ‘yon? Hindi ako papayag Kobe. Kung kinakailangan kakausapin ko ang mga magulang mo gagawin ko, ano itatapon mo na lang ako basta. Paano naman itong anak mo—“

“I don’t love you, hindi ko rin gustong magkaanak sa’yo.”

Pakiramdam ko parang huminto ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito na nakatingin pa sa mga mata ko. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko pero agad na pinahid ko ito para hindi bumagsak.

“I don’t believe you, Kobe. I know, nabubulag ka lang dahil sa babae na ‘yon. Hindi ka ba masaya magkaka-baby na tayo? Come on, Kobe.” Pag-aalo ako at hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi.

“I love you, at alam kong alam mo ‘yan.” Sambit ko habang nakatingin sa kaniya, pero hindi siya sumasagot. “Ito ang resulta, galing ako sa doctor kahapon. Look,” masayang sabi ko pero hinawi niya ang kamay ko, kumirot ang puso ko. Pero binalewala ko ‘yon.

“I need rest.”

Wika nito at umalis siya sa harapan ko, naramdaman ko pa ang pagsayad ng balikat niya sa akin. Gusto ko siyang habulin, but this time bakit parang ayaw gumalaw ng mga paa ko?

Naramdaman ko na ang pagpatak ng luha ko sa damit ko at nilamutak ko ang envelope at hinayaan ko itong bumagsak sa lapag.

You can’t do this to me Kobe Herrera. Hindi pa dito magtatapos ang lahat, marami pang akong puwedeng gawin. Lahat gagawin ko maging akin ka lang, kahit sa masamang paraan gagawin ko. For you Camilla, maghintay ka lang.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako tuluyang lumabas ng kitchen, pupuntahan ko ngayon ang mga magulang ni Kobe.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25