Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 11

AN:ย Pasensya na po kayong lahat kung matagal walang update si author. May pinagkakabisihan lang po talaga ako, kaya sorry po sa lahat. ๐Ÿ˜˜

———–

“KOBE!”

Sigaw ni Samantha habang si Kobe ay papalayo na sa amin. Hindi na ito nag-abala pang lumingon dahil bakas sa mukha nito ang pagka-asar.

“Ikaw naman, talagang bang napakalandi mo!? Talagang sinasamantala mo na nakainom si Kobe para lang pagbigyan ‘yang kakatihan mo!?” Nanlalaki ang matang baling sa akin ni Samantha.

“Alam mo Samantha, kahit pa ano ang sabihin mo sa akin at magalit ka ng paulit-ulit. Wala akong pakialam, dahil kahit may gawin kami o wala. Wala kang pakialam doon dahil mag-asawa kami.” Inis na sagot ko na dahil naririndi na rin ang tenga ko sa lakas ng bunganga niya.

“How dare you to say that!? You bitc—“

Mahigpit na nahawakan ko ang kamay niya na ng akmang sasampalin niya ako. Pilit naman na kumakawala siya sa pagkakahawak ko sa kaniya.

“Hindi na ako papayag na saktan mo ako ulit, Samantha.” May pagbabantang wika ko at pabagsak na binitawan ko ang kamay niya at sinirado ko ang pinto. Nakita ko pa ang asar na asar na itsura ni Samantha.

Nahiga ako sa kama at patihayang nakatitig sa kisame.

May pag-asa ba talagang mahalin ako ni Kobe? Si Samantha alam kong hindi siya titigil.

Isip ko at mariin na pinikit ko ang mata ko, hindi ko alam kung anong oras na ako dinalaw ng antok dahil sa pag-iisip.

——

Kinabukasan bigla akong napabalikwas ng bangon at masakit ang ulong tumayo ako agad at dinampot ko ang cellphone ko, nilagay ko sa bulsa ng damit ko. Dahan-dahan na lumbas ako ng pinto at pinakiramdaman ang paligid. Dama ko ang katahimikan, kahit ng madaanan ko ang kuwarto ni Kobe ay talagang tahimik.

Bumaba ako sa hagdan at nakarinig ako ng kalansing sa may kusina, napabilis ang hakbang ko dahil sa isipin na si Kobe ang naroon. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko si Samantha na busy sa kaniyang pagkain habang nakataas ang isang paa. Panay rin ang touch sa phone niya.

“Nandito ka pa pala.” Wika ko na kinalingon niya at tinaasan ako ng kilay. Binalewala ko yon at kumuha ako ng tasa upang magtimpla ng kape.

“Yeah, na sa mood ako ngayon dahil ang sarap ng tulog ko kagabi kasama ang asawa mo.” Mapang-asar na sagot niya.

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Samantha at nakaramdam ako ng selos, pero hindi ko pinahalata.

“Humingi rin siya ng sorry, dahil nga sa inakit mo raw siya. So, i forgive him agad. Then, he kiss me. Mahal na mahal talaga ako ni Kobe, anyway. Umalis siya ng maaga kaya sabi niya gawin ko lang daw lahat ng gusto ko dito sa bahay niyo.” Nangingiting sabi pa nito.

“Ok.” Sagot ko lang matapos kong magtimpla ng kape.

“For sure, apektado ka. Ayaw mo lang ipahalata. But don’t worry, hindi ako magtatagal dito dahil ayokong makasamaย ka.”

Hindi na ako sumagot at lumbas na ng pinto, diretso ako sa pool at doon ko balak magkape. Pagkaupo ko ay nilabas ko phone ko pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Samantha.

Talagang bang wala yong kagabi natin Kobe? Kasi may nangyari pala sa inyo ni Samantha. Talagang umaasa lang pala ako.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan upang hindi tuluyang bumagsak. Kailangan ko na sigurong umalis dito kahit hindi na ako magpaalam sa kanila lalo na kay Kobe. Napatingin naman ako sa phone ko na tanging number ng mama at papa ni Kobe ang naka-save dito.

Nakatitig lang ako sa phone na ang background ay ang picture ni Kobe na pasimpleng pinekturan ko. Hanggang sa bigla itong nag-ring. Nagtataka naman ako dahil unknown number ‘yon.

Teka sino ito?

Tinouch ko ang screen at tinapat sa tenga ko.

“H-hello?” Alanganin na sagot ko at kinakabahan.

“Na miss ko ang boses mo.”

Natigilan ako at mas lalo akong nagtaka dahil pamilyar ang boses na ‘yon sa akin.

“Kamusta na? Nicko pala.” Natatawang sagot nito sa kabilang linya.

Napangiti naman ako bigla dahil si Nicko pala ‘yon.

“Ikaw pala ‘yan, teka saan mo–“

“May ginagawa ka ba? Puwede mo ba ako samahan ngayon?”

“Ha? S-Saan ba?” Alanganin na tanong ko dahil bigla akong nailang na magkikita kami ngayon dahil sa nangyari no’ng gabi sa amin.

“Oo sana, pero kung busy ka ayos lang naman.” Sagot nito.

“H-Hindi naman, s-sige sasamahan kita.” Mabilis na sagot ko dahil kahit paano naging mabuti sa akin si Nicko, saka ewan ko ba may kung ano rin akong saya kapag kasama siya. Para na rin malibang ako at mawala itong lungkot na nararamdaman ko.

“Talaga? Salamat. Sunduin kita diyan, mga fifteen minutes nandiyan na ako.” wika nito.

“Ok sige, mag-aayos na ako.” Sagot ko at pinatay ko na ang phone ko, pero hindi ko natanong kung saan pala kami pupunta.

Mabilis na pumasok ako sa loob at dinala sa kusina ang tasa, paglabas ko ay nakita ko si Samantha na pababa ng hagdan. Bagong ligo na ito at sexy ang suot nito.

“Nag-enjoy ako dito lalo na kagabi, bye Mrs. Camilla Herrera.” nakangiting paalam nito na talagang nang-aasar pa.

Hinayaan ko na siya at nagpatuloy ako sa pag-akyat sa itaas, diretso ako agad sa kuwarto at nagmamadali na pumasok sa banyo. Muntik pang mahulog ang phone ko dahil lumabas sa bulsa ng damit ko. Pinatong ko ito sa hindi mababasa, naligo na ako at tantiya ko mga five minutes lang akong naligo at lumabas agad ng banyo.

Suot ang fitted na maong na pantalon na may design na butas at t-shirt na black. Pinaresan ko ito ng flat na sandals na kulay brown. Napansin ko sa salamin na namuti na ang balat ko at nagkakalaman na ako. Tumunog naman muli ang phone ko at sinagot ko ito agad.

“Nandito na ako sa dinning, pinapasok na ako ng guard.”

“Ok sige, wait lang baba na ako.” Sagot ko at napatingin sa oras.ย Saktong fifteen minutes nga siya na nandito.

Hinagilap ko ang shoulder bag ko at ng makita ito ay nilagay ko ang phone ko rito. Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si Nicko na nakapamulsa at napaka-elegante ng suot nito kaya naman napatingin ako sa suot ko.

“Teka Nicko, parang ang layo ng out fit ko sa’yo.” Nahihiyang sabi ko sa kaniya at balak ko ng pumihit pabalik.

“Nope, bagay nga sa’yo at ang ganda mo ngayon. Ok na ‘yan, halika na.” Aya na nito.

Pilit ang ngiting napatango ako lalo na sa tingin ni Nicko sa akin, nakakailang pa rin para akong may presidente na kasama.

“Saan ba tayo pupunta, Nicko?” Maya’y tanong ko pagkasakay ko sa kotse niya.

“I have a new opening restaurant, hindi kasi puwede si Adrin kaya ikaw ang naisip kong isama na lang.” sagot niya.

“Talaga? Ang galing naman talagang negosyante ka na, ang bata mo pa pero dami mo negosyo at pag-aari.” Humahangang sabi ko.

“For the future, baka kasi biglang mag-asawa ako. Mas maganda ng handa.” Pagbibiro nito.

Natawa naman ako pati rin siya hanggang sa matahimik na kami habang nasa biyahe. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa sinasabi niya, pero nakaramdam ako lalo ng pagkailang dahil ang daming tao at sa tingin ko puro mayayaman ‘yon.

“Come on.” Aya nito.

Hindi ko magawang i-hakbang ang paa ko dahil talagang nahihiya ako lalo pa at ako lang ang nakasuot ng ganito.

“Sir Nicko, nandiyan na pala kayo. Nariyan na po sila Mr. Templanza at Mr. Rogelio.”

Sabi ng lumapit na lalaki na nakapang-opisina ata yon. Tumango lang si Nicko dito at umalis na agad yung lalaki.

“Pasok na tayo. “Aya muli ni, Nicko.

Natigilan ako at biglang pumintig ang puso ko ng hawakan ni Nicko ang kamay ko habang hatak niya ako papasok sa loob. Nakatitig lang ako sa likod niya at bumaba ang mata ko sa kamay namin na magkahawak.

Sandali, bakit ganito ang nararamdaman ko? Nicko, bakit ba ganiyan ka sa akin?

“This is Camilla, my special guest.”

Hindi ko namalayan na pinakikilala na pala ako ni Nicko sa mga tao doon, naramdaman ko rin na inakbayan niya ako. Pero hinayaan ko lang siya, ngumingiti lang ako sa lahat ng pinapakilala niya. Hanggang sa marinig ko na tinatawag na si Nicko upang simulan ang cutting ribbon.

“Huwag kang aalis sa tabi ko.” Bulong ni Nicko sa tenga ko at muling hinawakan ang kamay ko upang mas lalong mapalapit sa kaniya.

Natapos na ang cutting ribbon at picture taking na lahat ay kasama ako, karamihan pa doon ay nakaakbay sa akin si, Nicko.

“Napagod ba kita?”

Napalingon ako sa kaniya habang nakaupo kami dito sa may table at may pagkain sa harap namin.

“Hindi naman, mediyo nakakailang lang talaga.” Mahinang sagot ko at uminom ako ng ice tea.

“Saan ka naiilang?” Seryosong tanong ni Nicko at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Pakiramdam ko malulusaw ako sa tingin na yon kaya ako na ang umiwas ng tingin.

“S-Sa mga tao dito, kasi.lahat sila mukhang may sinabi sa buhay.” kinakabahan na sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni, Nicko.

“Later, ihahatid na kita baka hinahanap ka na ni, Kobe.” Sabi nito at uminom ng tubig.

Buti kung hinahanap talaga ako ng Kobe na ‘yon, masaya na yon kagabi.

Isip ko habang nakatingin sa baso na may lamang ice tea na nangangalahati na.

——-

“Sigurado ka ba hindi ka na papasok sa loob?” Tanong ko kay Nicko. Dahil nagpababa na ako dito sa tapat ng gate. Inaya ko lang siya dahil baka ano isipin niya. Ala sais na ngayon ng gabi kaya mediyo madilim na.

“Yup, sige na pasok ka na sa loob. Magpahinga ka na may pupuntahan rin ako ngayon.” Nakangiting sagot nito.

Tumango na lang ako sa kaniya at dahan-dahan na pumihit patalikod.

“Camilla.”

Napalingon ako sa kaniya at seryosong mukha ang nakita ko.

“Salamat.” Sagot nito at umandar na ang kotse nito.

Tumango lang ako at abot tanaw ko na lang ang papalayong kotse ni Nicko, nagpasiya na akong pumasok sa loob at binati pa ako ng guard. Pagdating sa harap ng pinto at pagbukas ko nakita ko si Kobe na tila gulat na gulat pagkakita sa akin.

“K-Kobe.” Mahinang anas ko at malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap ng mahigpit.

“Akala ko iniwan mo na ako kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagpunta?”

Pakiramdam ko huminto ang oras at ang paligid dahil sa narinig ko mula kay, Kobe.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25