Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 10

=====================
SOMETHING’S SCARED INSIDE MY HEART
=====================

Mabilis na nakarating kami ni Samantha dito sa bahay na binigay sa amin ni Camilla. Iniwan ko na rin ang babae na ‘yon doon sa resort nila Nicko dahil mukhang nag-eenjoy naman siyang kasama ang kaibigan ko.

“Dito ba tayo titira babes kapag naghiwalay na kayo ni Camilla? Excited na ako.”

Nilingon ko si Samantha pagkatapos ko i-parking ng kotse ko, ngunit imbes na sumagot ay natigilan ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto at niluwa no’n ang magulang ko. Parehong napahinto sila pagkakita sa amin ni Samantha. Alam ko na ang nasa isipan nila at malamang sermon na naman ako nito.

Hindi ka pa sanay Kobe Herrera?

“Hintayin mo muna ako dito sa labas, mag ikot-ikot ka na muna dito. Kakausapin ko lang sila mama.” Paalam ko kay Samantha.

“What’s wrong? Any problem?” Nag-alalang tanong niya.

“I can handle this.” Seryosong sagot ko at tumango lang siya. Pumasok ulit si mama at papa sa loob at alam ko na ang ibig sabihin no’n. Mahinang napabuga ako ng hangin bago tuluyang pumasok sa loob.

“Hindi ka ba makapaghintay na matapos ang usapan natin? Hindi mo na talaga ako nirerespeto bilang ama mo. Dinala mo pa talaga mismo ang babae mo na ‘yan sa bahay niyong mag-asawa? Habang nandoon ang asawa mo natutulog na sa paghihintay sa’yo.”

Tahimik na tiningnan ko lang si papa at hindi ko inaasahan na mauuna pa sa akin si, Camilla. Seryosong nakaupo si papa sa sopa katabi si mama na seryosong nakatingin lang sa akin.

“Kung ayaw niyong gawin ko ito sa inyo, ilayo niyo si Camilla sa akin. Kahit pa anong gawin niyo hindi ko tatanggapin bilang asawa ang babae na ‘yo–“

“Sigurado ka ba anak?”

Natigilan ako sa sagot ni mama at kunot noon akonh napatingin sa kaniya, habang ang aking ama ay kitang-kita ang pagtitimpi sa mukha nito.

“Kailangan niyo pa bang itanong ‘yan sa akin Ma? Alam niyo naman ang sagot ko.” Asar na akmang tatalikod na ako dahil sa walang kuwentang usapan na ‘yon.

“Kung gano’n kapag lumabas ka ngayon sa pinto na ‘yan, asahan mo na hinding-hindi mo na talaga makikita ang asawa mo. Kahit lumuha ka pa ng dugo o lumuhod ka pa sa harapan namin, hinding-hindi namin sasabihin sa’yo kung saan namin itatago si, Camilla.”

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa narinig ko. Tila ba bumigat ang talampakan ng paa ko dahil sa sinabi ni mama.

Shit! Bakit ba pati magulang ko kontrolado mo? Ano bang meron kang babae ka?

Asar na nagngingitngit sa galit ang dibdib ko lalo na ng hindi ko namalayan na lumabas na pala ng pinto ang mga magulang ko. Naaasar ako ngayon dahil pakiramdam ko natalo ako sa sitwasyon na ito. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan, anong ibig sabihin no’n?

Hindi ‘yan mangyayari dahil hinding-hindi ko magugustuhan ang babae na ‘yon.

Bumukas naman ang pinto at ang nakangiting si Samantha ang nakita ko, lumapit agad ito sa akin at akmang yayakap ngunit agad ko itong iniiwas sa akin na kinagulat niya.

“Badtrip? I’m sure, galit na naman ang papa mo. Hayaan mo na kapag magkasama na tayo wala ng makikialam sa atin.”

Tumango lang ako sa kaniya pero hindi ko naramdaman sa sarili ko na siya ang makakasama ko sa buhay ko bilang asawa at hindi ko alam kung bakit ang gulo ng isip ko ngayon.

“Wait, i forgot sa kotse mo ‘yung mga pinamili natin. Hindi ba may pool dito? Tara mag-swimming tayo then shot tayo.” Masayang sabi nito.

Dumiretso naman ako sa kusina at tinungo ang ref at kumuha ng ice tube. Pumunta na ako agad sa pool at sinindihan ko ang sound system, pero hininaan ko lang dahil tulog pala si Camilla.

“Babe, here oh.” Abot nito ng bote ng beer. “Sandali? Ang hina naman ng sounds mo, lakasan mo kaya.”

“Huwag na, nandito si Camilla natutulog.” Simpleng sagot ko at umupo na ako malapit sa pool.

“And so?” Nakaangat ang kilay na sagot niya at lumapit sa component at nilakasan ito.

Wala naman na akong nagawa, kumandong naman sa akin si Samantha na hindi ko ito nagustuhan.

“Sandali, tatawagan ko si Adrian papapuntahin ko dito. Para naman may ka-join tayo.” Sabi ko agad at napansin ko na sumimangot si Samantha. Ginawa ko lang yon para wala kaming gawin ni Samantha dito ngayon.

Tinawagan ko naman agad si Adrian at matagal pa bago nakasagot.

“Oh, brod? Problema?”

Bungad agad ni Adrian pagkasagot cellphone niya.

“Wala naman, punta ka dito sa bahay namin. Shot tayo” sabi ko agad.

“Sakto pala, dahil nagpapasama si Nicko na pumunta diyan dahil naiwan ni Camilla ang bag niya.”

Bigla akong na-bad mood ng malaman ko na pupunta dito si Nicko, simula ng makita kong magkasama sila ni Camilla at no’ng halikan siya sa game noong birthday ni Nicko. May asar akong nararamdaman sa kaibigan ko.

“Ok sige, magsabi na lang kayo kung papunta na kayo.” Sagot ko na lang at hindi ko hinintay sumagot si Adrian pinatay ko na agad.

Mayamaya’y naghubad ng damit si Samantha at suot nito ang pares ng panligo. Sexy na humarap ito sa akin at nagsasayaw sa harapan ko, pero wala akong naramdamang init sa katawan. Tagos-tagusan ang tingin ko sa katawan niya.

Camilla, naistorbo ba namin ang pagtulog mo?” Maarteng sabi ni Samantha sabay hinto sa pagsasayaw.

Napalingon ako dahil sa sinabu ni Samantha at biglang pumintig ang puso ko ng makita ko si Camilla, pero hindi ko pinahalata, hinayaan kong parang balewala lang siya sa akin.

“Kobe, sobra naman ito. Hindi naman tamang magdala ka ng babae dito, isipin mo naman ako kahit paano.” Pigil ang emosyon na wika nito at tiningnan ako.

“What the? Girl, tulog ka pa ba?. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Si Kobe ba inisip mo no’ng panahon na umiral ‘yang kalandian mo?” Nakaangat ang kilay na litanya ni, Samantha.

Nanatiling tahimik lang ako na nakatingin kay, Camilla.

“Di natahimik ka, alam mo mabuti pa ipagluto mo kami ng pagkain para naman may silbi ka.” Sabi pang muli ni, Samantha.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya na parang kinatuwa ko.

“Did you hear? Magluto ka na.” wika ko pa dahil parang gusto ko siyang inisin ngayon. Tumalikod naman na ito at hindi nagsalita pa.

Nakakatatlong bote na ako ng beer at naiilang na ako sa panay halik ni Samantha sa akin.  Kaya nagpasiya akong tumayo at nagpaalam na sisilipin ko kung may niluto na si Camilla.

“Hindi ka pa ba tapos magluto?” Bungad ko pagpasok ko sa loob ng kitchen, nakita ko na busy siya sa pagluluto. Inaamin ko na talagang masarap siyang magluto.

“Aa… S-Sandali na lang, matatapos na ito.” Natatarantang sagot niya.

“Nagugutom na si, Samantha.” Wika ko at tiningnan ko kung ano ang magiging reaction niya. Wala naman akong nakitang kakaiba kaya balak kong galitin siya.

“Hindi lang pala ako ang target mo, pati na rin ang kaibigan ko. Sabagay, kapag tapos na tayo may reserba ka.” Mapang-asar na wika ko.

“Hindi ‘yan totoo, hindi mo lang alam kung gaano kita ka–“

“Huwag mo ng ituloy dahil ayokong marinig. Don’t worry, hindi ako makikialam sa kung ano man ang plano niyo ng kaibigan ko. Dahil pagtapos nito, mawawala ka na sa landas ko.” Seryosong sabi ko at totoo ‘yon dahil ayokong isipin itong nararamdaman ko para sa kaniya dahil naguguluhan ako. Napansin ko na napayuko siya.

“Ok lang naman kung saktan mo ako dahil deserve ko ‘yon, pero wala kang karapatan na pag-isipan ako ng ‘di maganda. Mali ang iniisip mo sa akin, Kobe.” Naiiyak na sagot niya.

Natigilan ako at nakaramdam ng kunsensiya dahil sa sinabi ko pero agad kong binawi ‘yon at hindi pinahalata sa kaniya.

“Sa tingin mo paniniwalaan kita? Isa kang napakalaking sinungaling at naghahangad lang ng mayamang tulad k–“

Hindi ko inaasahan na dadapo ang palad niya sa pisngi ko.

“S-Sorry, h-hindi ko sinasadiya.”

Hindi ko na pinansin ang paghingi niya ng tawad dahil ramdam ko ang kamalian ko.

“What happend here?” Nakaangat ang kilay na pumasok si Samantha at lumapit agad sa akin.

“Nothing, let’s go.” Malamig ang boses na sagot ko at tumalikod na ako, tuloy-tuloy palabas ng pinto. Paglabas ko ay saktong dumating na sila Adrian at Nicko.

“Kobe, si Camilla?” Tanong agad ni, Nicko.

“Nandoon.” Wala sa mood na sagot ko at naupo muli sa upuan, tiningnan naman ako ni, Adrian. Habang nakaupo at hindi ako mapalagay dahil sa isipin na magkasama sa kusina si Nicko at Camilla. Bigla akong tumayo at walang paalam na umalis, diretso ako agad sa kusina.

Hindi ko nagustuhan ang nakita ko, dahil naghahalikan ang dalawa. Asar na dire-diretso lang ako pumasok sa loob at kumuha ng bagay na hindi ko kailangan. Sinadiya kong ihulog ito at lumabas muli, hanggang sa pagbalik ko doon sa pool ay talagang badtrip na badtrip ako.

“Babe may problema ka ba?”

Hindi ko pinansin ang tanong ni Samantha, hanggang sa magkuwentuhan sila at nagtatawanan ni Adrian. Nakabalik na si Nicko at parang gusto ko siyang dambahin ngayon at pagsusuntukin, pinigilan ko lang ang sarili ko.

“Nandiyan ka na pala Camilla. Halika ka na dito.” Aya ni, Nicko.

Nakita ko na parang nag-aalangan si Camilla na sumali sa amin at mas lalo akong naaasar dahil sa mga ginagawa ni, Nicko.

“Iinom ka ba?” Mahinang tanong ni Nicko kay Camilla.

Tumango lang si Camilla at sumabay na itong uminom sa amin, nanatiling tahimik lang ako at wala akong pakialam sa halik na ginagawa ni, Samantha. Hanggang sa magpaalam na si Adrian at Nicko, nag-aya naman si Samantha na matulog na kaya inakay ko na siya papasok sa loob upang dalhin sa kuwarto ko.

Pagkadala ko kay Samantha sa kuwarto ko ay hinatak niya ang kamay ko. Pero tinanggal ko ito.

“Lalabas ako saglit may kukunin lang ako ‘wag kang lalabas babalik ako agad.” Wika ko at pinigilan pa ako ni Samantha habang kinakapa ang ibaba ko.

“Sandali lang ako hintayin mo ako dito.” Sagot ko muli, lumabas na ako ng kuwarto. Paglabas ko ay naglakad na ako papunta sa hagdan pero natigilan ako ng makita ko si Nicko at Camilla malapit sa pinto.

Nag-uusap sila pero hindi ko marinig dahil mediyo malayo ako, nagtago lang ako sa gilid. Hindi ko inaasahan na biglang hahalikan ni Nicko si Camilla at hinapit pa nito ng husto ang bewang ni Camilla. Napakuyom ang kamao ko at balak ko ng sugurin ng suntok si Nicko.

Problema mo Kobe? Apektado ka ba dahil sa nakikita mo?

Bigla akong natigilan at napaisip dahil wala akong karapatan kay Camilla. Balak ko na sanang bumalik sa kuwarto pero nakita kong tinulak ni Camilla si Nicko at iniwan niya ito at nagmamadali na umakyat. Naghintay ako na makalapit si Camilla dito sa pinagkukublihan ko.

“K-Kobe.” Mahinang bigkas niya ng bigla ko siyang hatakin sa braso.

Nakatitig ako sa mga mata niya at bumaba sa labi niya, gamit ang sando ko ay ito ang ginamit kong pampunas sa labi niya na kanina lang ‘ay hinalikan ni, Nicko. Gustong burahin ang eksena na yon at palitan ng sa akin. Hinagkan ko siya at naglumikot agad ang kamay ko papasok sa loob ng damit niya, hinimas ko ang dalawang bundok at hindi pa nakuntento at dinala ko sa bibig ko. Narinig ko ang ungol niya na mas lalong nagpadag-dag init sa nararamdaman ko. Kay Camilla ko lang naramdaman ang ganitong sobrang init. Binuhat ko siya upang dalhin sa kuwarto niya at doon ituloy ang balak ko na dati kong pinanabikan na matikman muli.

Pagkalapag ko sa kaniya sa kama ay agad na naghubad ako at dumagan agad sa kaniya. Muling lumapat ang labi ko sa kaniya at gumanti rin ito ng halik sa akin. Kumapit siya sa batok ko na nagbigay lalo ng pananabik na nararamdaman ko at mas lalong naging agresebo ako. Pero natigilan kami ng may malakas na katok sa may pinto at walang iba kung hindi si Samantha dahil sa boses nito.

“Si S-Samantha.”

Wika ni Camilla, bigla akong naasar at napatayong bigla at sinuot ang mga damit ko. Binuksan ko ang pinto at galit na galit na mukha ni Samantha ang nabungaran ko.

“Kobe! Bakit nandito ka sa kuwarto ng babae na ‘yan? Ano’ng ginawa niyo ha!?” Sigaw nito.

“Puwede ba Samantha, hinaan mo ang boses mo. Wala kaming ginawa, halika na sa kuwarto.” Asar na sagot ko at nilagpasan siya.

“Wala? Pero naka-lock ang pinto? Oh, come on. Kobe!”

Bigla naman akong naasar kay Samantha at tiningnan ko siya ng masama.

“Umuwi ka na sa inyo.” Sagot ko at tumalikod na ako dahil na badtrip ako lalo.

“What the? Kobe!”

Sigaw pa ni Samantha pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25