Download Story.

close

Still Loving You

Written By: BM_BLACK301       |       Story Status: Completed
Posted By:
BM_BLACK301

CHAPTER 9

Sigurado ka ba talaga Nicko na itutuloy mo ang napag-usapan nating plano?”

Nilingon ko si Adrian sa tabi ko habang nagda-drive papunta sa bahay nila Kobe. Saktong balak kong magpunta talaga doon sa bahay ng kaibigan kong si Kobe. Ngunit ito niyaya ako ni Adrian na magpunta raw kami sa bahay ng kaibigan namin na si Kobe dahil nag-imbenta ‘daw ito mag-inuman sa kanila. Naiwan ni Camilla ang bag niya sa kotse kaya balak ko talagang dalhin ito para ibalik sa kaniya.

“Nagsisimula na nga ako.” Seryosong sagot ko habang nakatutok ang mata sa daan.

“Naiisip ko lang na kapag nalaman ni Kobe ito malamang magagalit ‘yon at baka masira ang pagkakaibigan natin.” Seryosong sagot ni Adrian.

“Ikaw naman nagsabi para ito sa kaniya para makakatulong rin tayong dalawa. Ngayon kung wala talagang mangyayari sa gagawin natin at wala talagang pag-asa na mahalin ni Kobe si Camilla. Maaari na tayong huminto.” Sabi ko at saglit sinulayapan siya.

“Tama ka rin naman, pero ano ba ang balita? May improving na ba?” Muling tanong nito.

“Yeah, but for the meantime. I Just enjoying this game.” Nakangiting sagot ko.

“Shit! Baka naman ikaw ang ma-inlove kay Camilla?” Nanlalaki ang matang wika ni, Adrian.

Natawa ako sa sinabi niya at napailing.

“Wala naman sigurong problema kung magustuhan ko si Camilla, lalo na kung hindi talaga kayang mahalin kaibigan natin.” Nakangiting sagot ko sa kaniya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

“Bahala nga kayo. Basta ako enjoy sa mga babae ko.” Natatawang sagot niya at kinaha ang cellphone  niya sa bulsa, naging busy na ito.

Noong umattend kami ni Adrian sa kasal ni Kobe na hindi talaga namin inaasahan. Doon nagsimula ang plano namin ni, Adrian. Wala naman talaga kaming balak makialam pero naawa naman kami kay Camilla kahit alam namin na kasalanan niya, lalo na ngayon sa mga pinapakita ni Kobe na pambabalewala dito kahit pa alam namin na si Camilla ang may kasalanan. Naisip namin baka ito na ang oras para sa kaibigan namin na mapunta sa isang tamang babae, dahil unang kita ko pa lang kay Camilla ramdam ko na mabuting babae siya at hindi nga ako nagkamali.

Mas lalong akong nangahas na ipagpatuloy ang plano namin, dahil gusto namin makita kung talagang walang pag-asa na maging sila talaga. Kaya pagseselosin ko si Kobensa paraang alam ko. Napapangiti ako sa mga naiisip kong plano.

————

“Bakit mo ‘yon ginawa, Nicko?” Tanong ko sa kaniya. Pero ngumiti lang ito sa akin at naglakad na palabas ng kusina.

Natitigilan at napapaisip dahil sa isipin na baka mas lalong magalit sa akin si, Kobe.

“Hindi pa ba tapos ‘yan?”

Napaangat ako ng tingin sa may pinto at salubong ang kilay ang nabungaran ko sa mukha ni, Kobe.

“S-Sandali, matatapos na ‘to.” Natatarantang sagot ko at pumasok siya at naglakad palapit sa akin.

“Nagugutom na si, Samantha.” Wika pa niya.

May kung anong kirot naman sa puso ko dahil sa malaman na si Samantha pala ang inaalala niya.

“Hindi lang pala ako ang target mo, pati rin ang kaibigan ko. Sabagay, kapag tapos na tayo may reserba ka.” Mapang-asar na wika nito.

Nasaktan ako sa sinabi niya dahil ganon talaga kababa ang tingin niya sa akin. At tama nga ako na inisip niya siguro naghalikan kami ni, Kobe.

“Hindi ‘yan totoo, hindi mo lang alam kung gaano kita ka–“

“Huwag mo ng ituloy dahil ayokong marinig. Don’t worry, hindi ako makikialam sa kung ano man ang plano niyo ng kaibigan ko. Dahil pagtapos nito, mawawala ka na sa landas ko.” Seryosong sabi niya.

Pigil ang luhang tiningnan ko siya ng direkta sa mata.

“Ok lang naman kung saktan mo ako dahil deserve ko ‘yon, pero wala kang karapatan na pag-isipan ako ng ‘di maganda. Mali ang iniisip mo sa akin, Kobe.” Naiiyak na sagot ko dahil pakiramdam ko para na akong pinunit-punit na papel.

“Sa tingin mo paniniwalaan kita? Isa kang napakalaking sinungaling at naghahangad lang ng mayamang tulad k–“

Hindi na niya natapos ang sinabi niya dahil biglang umangat ang kamay ko para sampalin siya. Hindi man ganon kalakas pero nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

“S-Sorry, h-hindi ko sinasadiya.” Natatarantang sabi ko dahil nabigla lang ako. Nagsisi ako sa ginawa ko/pero hindi siya sumasagot.

“What happend here?” Nakaangat ang kilay na pumasok si Samantha at lumapit kay, Kobe.

Bigla akong kinabahan dahil kapag nalaman ni Samantha na sinampal ko si Kobe tiyak na aawayin niya ako.

“Nothing, let’s go.” Malamig ang boses na tumalikod na si Kobe at tuloy-tuloy na lumabas.

“Ano’ng drama na naman ang sinabi mo sa future husband ko? Talaga bang napakakapal ng pagmumukha mo? Siguro nagmamakaawa ka sa kaniya na huwag kang hiwalayan.” Asar na sabi ni, Samantha.

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang niluluto ko, akala ko ay aalis na siya pero hinawakan niya ako sa balikat at pilit na pinaharap.

“You bitch! Talagang tinatalikuran mo ako!? Akala mo kung sino ka dito sa bahay ah? Porke kasal kayo ni Kobe aakto ka ng asawa niya? Ambisiyosa ka talaga!” Malakas na sabi niya.

“Puwede ba Samantha, ayokong makipagtalo sa’yo. Sabihin mo na gusto mong sabihin wala akong pakialam.” Sagot ko na lang dahil wala ako sa mood na patulan ang mga sinasabi niya. Mas gusto ko na lang ang mapag-isa.

“Samantha, nandito ka pala. Hinahanap ka ni Kobe.”

Parehong napatingin kami sa pinto at pumasok si, Adrian.

“Fine! Hindi pa tayo tapos Camilla tandaan mo ‘yan.” Pahabol pa ni, Samantha.

Hindi ako sumagot at tinikman ko na ang niluluto ko.

“Ang bango, mukhang masarap ‘yang niluluto mo.” Nakangiting sabi ni, Adrian.

“Salamat, nagugutom ka na rin ba? Malapit na ‘to maluto.” Masiglang sagot ko sa kaniya at binalewala ko ang nangyari kanina pero sa loob-loob ko gusto ko ng umiyak.

“Hindi pa naman ako nagugutom pero no’ng maumoy ko ang niluluto mo bigla akong nagutom.” Natatawang sagot nito. “Siya nga pala, pagpasensiyahan mo na si Samantha, maldita talaga ‘yon.” Nangingiting sabi pa ulit nito.

“Ok lang.” Sagot ko lang sa kaniya.

“Labas muna ako, pagtapos mo diyan lumabas ka na rin para naman maka-join ka sa amin.” Turan pa nito bago tuluyang lumabas ng kusina.

Tango lang ang sinagot ko at naiwan na akong mag-isa rito. Matapos kong magluto ‘ay nagsalin ako sa babasagin na bowl ng ulam para dalhin doon. Naghiwa rin ako ng mansanas at lemon na nakita ko sa ref, marahil ay dala ni Kobe at Samantha ito. Nagpasiya na akong lumabas at nagtungo sa kanila.

“Nandiyan ka na pala, halika ka na dito Camilla.” Tawag ni Nicko sa akin.

Tumango naman ako at nag-aalangan na umupo sa tabi nito, pabilog ang lamesa kaya naman magkakaharap kami. Maraming bote ng beer ang nakabukas at wala ng laman, marami na rin palang nainom sila.

“Iinom ka ba?” Mahinang tanong ni Nicko.

Tumango ako at pinagbuksan niya ako ng beer, agad na tinungga ko iyon at kumalat agad sa buong katawan ko ang init nito. Tahimik na nakikinig lang ako sa usapan nila at tatango lang kapag may tanong sila na alam ko. Pero si Kobe hindi man lang ako sinusulyapan.

Lumipas ang oras at nagpaalam na ang dalawa dahil magmamaneho pa raw si Nicko. Hindi puwedeng malasing ng husto, ako ramdam ko na ang tama ng alak sa akin dahil parang maga ‘yung mukha ko at nag-iinit ang pisngi ko.

Umakyat na rin si Kobe at Samantha kaya ako na ang naghatid sa labas sa kanila. Pero naunang lumabas si Adrian.

“Ang pula na ng mukha mo, lasing ka na? Ang dami mo nainom kanina. May problema ba?” Seryosong tanong ni, Nicko.

Ngumiti muna ako. “Wala ikaw talaga, sige na umuuwi ka na baka naghihintay na si, Adrian.” Napapikit na taboy ko dahil lasing na talaga ako. Nakasandal ako sa may pinto.

“Sigurado ka? Matulog ka na agad at mag-iingat ka lagi.” Sabi pa nito at tumaas ang kamay nito pinatong sa ulo ko na parang batang ginulo nito ng mahin ang buhok ko.

“S-sige na, mag-iingat k-kayo sa biyahe lasing ka rin.” Nakangiting sabi ko at bigla akong napakapit sa braso niya dahil nahilo ako bigla.

“Lasing ka na talaga, kaya mo ba umakyat?” May pag-aalala sa tono na tanong niya.

“O-oo naman, sige na umuwi ka na.” Sabi ko sa namumungay ang mata, natigilan ako ng makita ko na seryosong nakatingin si Nicko sa mata ko.

Para akong nanigas ng mapatingin ako sa ilong niya na matangos, pababa sa labi niya. Hanggang sa para akong nalula dahil sa papalapit ang mukha nito sa akin. Nanlaki ang mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko, naramdaman ko rin ang paghapit niya sa bewang ko dahilan para magdikit ang katawan namin. May kung ano’ng init akong naramdaman, matagal ang halik na ‘yon at hindi ako gumagalaw. Hanggang sa kusang tumulak ang kamay ko at naghiwalay kami at nahihiyang napayuko ako.

“S-Sige na, umuwi ka na.” Sabi ko at parang nawala ang lasing ko, humakbang ang paa ko papunta sa hagdan at tuloy-tuloy na umakyat ako sa itaas. Hindi na ako nag-abala pa na lingunin si, Nicko.

Ang lakas ng pintig ng puso ko habang naglalakad papunta sa kuwarto ko, ngunit bigla na lang may humatak sa kamay ko at sinandal ako malapit sa pinto.

“K-Kobe.” Mahinang bigkas ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa dikit na dikit na katawan namin. Ang ilong namin na halos magkadikit na at amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at ang natural na mabangong hininga niya.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi sumasagot, nagtaka ako ng itaas niya ang dulo ng sando niya at dinala sa labi ko. Pinunasan niya ang labi ko na kanina lang ay halikan ni, Nicko. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, bigla niya akong hinalikan ng mapusok ang kamay nito ay pumasok agad sa loob ng damit ko. Kinapa agad nito ang dalawang bundok ko kaya naman napatingkayad ako.

Kumawala ang ungol sa bibig ko ng bumaba ang labi nito sa leeg ko at tinaas niya ang t-shirt ko. Doon para siyang sanggol na pinagsalitan na sipsipin ang korona ko. Akala ko ay tapos na pero binuhat niya ako at binuksan ang pinto ng kuwarto ko at doon ay pinasok niya ako habang buhat niya.

May kung anong excitement akong naramdaman dahil muli ko ulit makakasama ngayong gabi si, Kobe. Pero biglang pumasok sa isip ko si Samantha, baka hanapin siya at kapag nalaman niya ito tiyak na aawayin na naman ako no’n. Pero bahala na kaytagal ko rin itong hinintay na maulit-ulit kahit pa na sinasaktan niya ako ng paulit-ulit.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25