Chapter 7
LOIS
I somehow believe in sign. Wala naman kasing mawawala kung maniniwala ako. Trip ko lang naman.
One sign I made was actually about the one for me. Sabi ko, na ang unang lalaking yayain akong magsimba ay ang the one na bigay ni God.
It’s actually Kuya Ziv kaya medyo nagulat ako nang magyaya siya. I kinda want to believe pero hindi naman accurate ang sign. At the end of the day, you still have the choice.
The hell week will start again. Finals na two days from now. Nagsimula na akong mag-review para hindi ako magahol sa oras at masyadong mapuyat. After ng finals ay free na ako. Sobrang miss ko na ang farm namin. Ang mga alaga ko dun at syempre si Mommy.
Naubusan ako ng friction pen na sobrang kailangan ko sa exam. Erasures wrong kasi, bawal pa magbura sa essay part kaya ang laking tulong kapag may friction pen ka.
Magta-takeout sana ako ng blueberry cheesecake sa Starbucks kaya dumiretso ako dun kaso hindi maganda ang nadatnan ko sa labas.
Rigid and his girlfriend, hindi ko naman sana papansin kaso I saw Rigid was about to cry at pinipigilan lang niya.
“Up for coffee?” yaya ko nang tumingin siya sa akin matapos siyang iwan ng girlfriend niya. Nakita ko kung gaano niya ito kamahal habang tinitigan ito palayo And, I admire Rigid dahil ni-respeto niya ang gusto ng girlfriend niya kahit nasasaktan siya.
Hindi niya pinaliwanag ang buong pangyayari sa akin. Tinanong lang niya kung ano daw ba ang meaning kapag nakipag-cool off ang isang babae. Wala naman daw silang pinag-awayan. Okay nga sila nung huling kita ko. Basta bigla na lang daw humingi ng cool-off yung babae na walang sinasabing dahilan.
Para sa akin, it means break-up na rin. Minsan yun ang pinakamagandang word for break-up para hindi mas masakit. Pero syempre hindi ko sinabi kay Rigid dahil alam kung mas masasaktan siya.
Hindi na lang ako nagsalita at sinamahan ko na lang siya. Hindi rin naman siya nag-kwento sa akin. Minsan enough na talaga iyong alam mong may kasama ka kapag malungkot ka. Hindi man kami close ay nandito naman ako kung sakaling gusto niya ng taong masasabihan ng problema niya.
Sinamahan ko lang siya hanggang sa maubos namin yung frappe. Kailangan ko na rin kasing umuwi para mag-aral. I told him na pwede niya akong i-text kung sakaling gusto niya ng kausap which he did. Buong gabi kaming magka-text, he always replied with Hahaha pero alam ko namang deep inside umiiyak siya o baka umiiyak na talaga sa kwarto niya.
Funny, kung noon ay siguradong sobrang saya ko na dahil break na sila at may chance na akong i-close siya lalo na at we exchange numbers kaso hindi…gusto ko maging okay sila ng girlfriend niya.
Napagtanto ko rin habang kaharap ko siya na hindi na ang mga mata niya ang gusto kung titigan kundi ang guwapong mukha nang lalaking iyon.
—
“Hey Dei, may naghihintay sayo sa labas ng building.” Salubong ng blockmate kung si Cess paglabas ko ng room.
“Huh? Sino? Si Kat ba?” tanong ko agad. Hindi kasi kami magka-building ni Kat dahil magkaiba kami ng course. At pagkakalam ko ay mamaya pa ang uwian niya. Hindi rin kami sabay sa pag-uwi ngayon.
“No, lalaki! At ang guwapo nga! Pinagkakaguluhan nga sa labas kanina. Manliligaw mo yata! Yiee, haba ng hair,” asar niya. “Kapag ayaw mo sa kanya ay ibigay mo na lang sa akin, okay?”
“Ah, ganun ba? Sige sige, una na ako. Tawag ka pala ni Sir.” Sabi ko nang maalalang hinahanap siya ng prof namin.
Nagtungo na muna ako sa locker room para kunin lahat ng gamit ko at saka lumabas ng building. Kahit naman alam kung siya ang naghihintay sa akin sa labas ay nagulat pa rin ako. Hindi ko kasi inaasahan na pupuntahan niya ako dito.
Alam ko rin namang guwapo siya pero sa dalas na pangungulit niya sa akin ay nakakalimutan kung guwapo nga siya. Ngayon ko na lamang ulit napagtanto matapos ang isang linggo na hindi ko siya nakita.
Nakasandal siya sa kotse niya. Simpleng gray v-neck shirt lang ang suot niya. Tinernuhan niya ito ng pants at saka converse pero dalang-dala. Hindi ko nga alam kung hot ba siya o cool, para kasing understatement ang dalawang iyon. All eyes sa kanya ang kababaihan, isama ang bakla at ang mga Adan na marahil hindi naiingit, nai-in-love siguro. Mapapatigil ka kasi talaga sa kanya kapag nakita mo siya. Ang iba nga ay nagsilabas pa ng cellphone para kuhanan siya ng picture. Siya ay cool lamang na nakatayo. Alam niya kasing guwapo siya, proud nga e.
“Uyy, ginagawa mo dito?” bungad ko kahit alam ko naman kung anong ginagawa niya rito. Nandito lang naman siya para ibandera ang k-guwapuhan niya sa College namin.
Itinaas niya ang dala niyang pizza at coffee paglapit ko. Kanya-kanya namang bulungan ang lahat ng babae sa paligid namin. Paniguradong headline na naman ako next semester. Mabuti na lang at huling araw ng semester ngayon.
“Ibinabandera ko ang ka-guwapuhan ko!” Tugon niya. Amp! Wala talaga sa bokabularyo niya ang salitang humble. “Anyway, bukod dun ay nandito ako to celebrate with you since tapos na semester mo.”
“Oh, okay.” Kinuha ko yung pizza at coffee na hawak niya. Napangiti na nga lang ako nang maalalang tuwing hell week ko ay pinapadalhan niya ako nito. Nako, parang gusto ko yatang hell week lagi.
“If I know, na-miss mo lang ako.” Pagbibiro ko.
“I miss you,” bigla niyang sabi. “Joke lang!”
Napailing na lang ako. “Jokes are half-meant, dude.” Natawa ako nang siya ay manahimik.
“Well, na-miss kitang kulitin, asarin at awayin.”
“Wushu, anyway salamat dito ha. Hindi na ako tatanggi kung everyday,” biro ko uli. “Sige na, una na ako. Uwi na ako.” Paalam ko.
“What? Matapos kung maghintay sayo papalayasin mo ako? Wala man lang ba akong kiss o hug?”
Lumapit ako sa kanya. Tinakpan niya yung adam’s apple niya kaya tumawa ako. Malamang na naalala niya ang ginawa ko nun sa kanya. Hinampas ko na lang tuloy siya.
“Uuwi na ako!”
“Kaya nga, ihahatid na kita.”
“I mean, uuwi na ako sa probinsya namin.” Paliwanag ko.
“O di masaya! Ihahatid na kita.”
“Duh, ang layo kaya saka nakakahiya!”
“Wow, sa tatlong buwan nating magkakilala ay ngayon ka pa nahiya sa akin?”
“Hindi naman, pero di ba may work ka?”
“Wala, naka-leave ako ng tatlong araw. Ano? Sama ako! Pakilala ako sa Mama mo at sa family mo.”
“Ayoko nga!”
“Ay dali na! Pambawi sa perang nagastos ko sayo sa pizza, please? Papakabait ako saka gusto ko rin na mag-out-of-town.”
Nag-isip ako kung papayag ba ako o hindi. Sa kakakulit niya sa akin ay napa-oo na lamang ako. Wala namang masama kung sasama siya. Gusto ko rin na nakikilala ni Mommy ang mga nagiging kaibigan ko para kapag nawala ako ay alam niya kung sinong may kasalanan. De, biro lang. Saka, para libre ang pamasahe ko. Hindi ko kasi gagamitin yung kotse ko dahil hindi ko kabisado yung daan.
Sumakay na ako sa kotse niya. Ang bango nga sa loob e, bet ko kasi yung mga sasakyang ang bango. Ti-next ko si Kat gamit ang load na pinasa niya sa akin kanina. Nanghinge kasi ako para ma-text ko yung blockmate ko. Kinuha ko kasi sa kanya yung librong hiniram niya. Ti-next ko na rin si Mama para naman hindi siya magulat na may kasama akong lalaki.
“Teka, alam mo ba papunta ng Batangas?”
“Uso, google map.”
“Okay, teka ayaw mo?” alok ko sa kanya nung pizza. Traffic naman kaya malaya siyang makakain kung gusto niya.
“Huwag na, kulang mo pa yan.”
Tumango ako. Tama naman siya kaya hindi ko na pinilit. Inubos ko na lahat nung pizza. Hindi rin kasi ako kumain ng lunch dahil nag-review ako. At sa wakas, bakasyon ko na!
“Bakit ang tahimik mo?” tanong ko bigla.
“Bakit? Masama?”
“Wala, nakakapanibago lang.” sabi ko sabay inom sa kape. Epic talaga ang traffic sa labas ng University namin.
“Ah, iniisip ko kasi kung saan kita dadalhin para rape-in.”
Wtf! Muntik ko ng maibuga yung kape sa bibig ko. Sumiksik nga ako agad dun sa bintana habang yakap ang sarili ko. Bubuksan ko na nga sana yung pintuan ng tumawa siya.
“Joke lang, epic ng face mo.” tumawa ulit siya. Amp! Hinampas ko nga! Kinabahan talaga ako dun sa sinabi niya. Kahit naman guwapo siya ay hindi ako willing magpa-rape nu.
“Seryoso, iniisip ko lang kung paano mapapayag ang Mama mo sa kasal natin.” Tumawa uli siya. “Joke lang!” nag-peace sign siya.
“Amp talaga- uyy Chasing Cars uli,” bigla kung sabi nang buksan niya yung radio sa kotse. Sinabayan ko uli yung kanta tapos naalala ko yung time na una kung narinig iyan kasama siya. Nanikip nga bigla yung dibdib ko.
“Yuck! Ang panget talaga ng boses mo!” asar niya na alam ko namang totoo. Mahilig akong kumanta ngunit ayaw ng kanta sa akin.
“Di, ikaw na magaling.”
“Haha, pero sige lang dahil ikaw naman ang kumakanta ay ayos lang sa akin kahit panget ang boses mo. I’ll still listen.”
“Huwag na!” sabi ko. Sakto umandar na yung sasakyan at lumuwag na kahit kaunti ang kalsada.
“Ay, tampo na ang babe ko.” Sabi niyang hindi nakatingin sa akin. “Gusto kitang lambingin pero maya na. Nagda-drive kasi ako baka mabunggo tayo.”
“Psh, shut up! Matutulog ako!”
Kinuha ko yung unan at sumandal para matulog. Pero hindi talaga ako matutulog dahil baka kung anong gawin niya sa akin. Iba pa naman ang takbo ng utak niya. Kaya kahit sobrang tagal nung byahe ay pumikit lang ako. Nag-kunwaring tulog habang nagbibilang ng tupa sa utak ko. Nag-isip na rin ako ng plot para sa bagong story ko. Nakaraos naman ako dahil on-repeat yung kantang Chasing Cars na mula na sa phone niya kaya kahit papaano ay na-e-enjoy ako. Nangawit lamang ako sa iisang pwesto.
Dumilat na ako nang tumigil kami sa labas ng village namin. Nag-kunwaring bagong gising at nag-unat-unat pa. Sumakit ang katawan at pwet ko. Nakakapagod talagang umupo buong byahe.
“Uyy, dito ako matutulog ha!” sabi niya pagbaba namin.
“Huh?” gulat kung sabi. “Seryoso ka?”
Hindi ko kasi inaasahan ang bagay na iyon. Akala ko ihahatid niya lamang ako at uuwi na pero hindi naman ako ganun kasama kaya pumayag na rin ako. Ganun din naman ang gagawin ni Mommy kung sakali. Nakakahiya rin kung uuwi siya lalo na at gabi na. Baka ma-rape pa siya sa daan at isisi sa akin.
Sumalubong sa akin ang aso kung si Abo pagpasok ng bahay. Amoy ko agad ang adobo ni Mommy. Paglabas niya ay nandun na agad si Ziv. Nagmano at yumakap na parang close. Siya na rin ang nagpakilala sa sarili niya. Imba talaga ang lalaking ito!
“Ay, kay guwapong bata naman ng bago mong kaibigan.” Bati ni Mommy. Lumaki na naman ang ulo niya sa narinig.
“Syempre, Mama este Tita pa pala muna. Pero teka, ang ganda niyo. Alam ko na kung saan nagmana si Lois Dei,” kumindat pa siya.
“Nako, ikaw binobola mo ako ha!”
“Guwapo lang po, hindi bolero.” Nagtawanan silang dalawa dun habang yakap ko yung aso kung si Abo.
Hinayaan ko na lamang silang dalawa. Na-miss ko kasing makipaglaro sa aso kung si Abo. Wala pa ngang isang oras ay close na sila. Habang kumakain ay sila ang nagkwe-kwentuhan habang tahimik lang ako. Ayun, nakakita si Mommy ng isa pang madaldal. Buong buhay na yata namin ay kinuwento niya. Dedma lang ako, mahirap ng sumingit sa usapan ng mga matatanda.
Ako na naghugas ng pinag-kainan kasi nga busy silang dalawa. Ni hindi na nga nila ako napapansin. Ako na ang bisita at si Kuya Ziv na ang anak. Okay lang naman sa akin dahil tinatamad rin akong magsalita. Gusto ko na lamang matulog.
“Ano Ziv? Hindi ka pwedeng matulog sa kwarto ko at kwarto ni Lois. Mahirap na at babae ang anak ko, may mawawala saka alam mo na baka hindi mapigilan,”
“Mom!” saway ko. “kakahiya!” Tumawa lang si Kuya Ziv sa sinabi ko. Kung alam lang ni Mommy na natulog na iyan sa bahay at magkatabi pa kami.
“Ano? Uuwi ka ba or sa sala ka matutulog na?”
“Nako, kahit saan po ako matulog okay lang. Kaya ko to, guwapo ko kaya.”
“Okay,” tumango si Mommy. “Sige, mauna na ako ha. Lois, matulog na. Isara ang pinto.” Tumango na lamang ako.
Inabot ko yung banig, unan, at kumot kay Kuya Ziv. “Okay lang kung sa upuan ka matulog kaso hindi malambot,” sabi ko. Narra kasi ang upuan namin tapos walang kutson. “bahala ka na rin kung sa lapag. You choose, ginusto mo yan kaya panindigan mo.” tinapik ko siya sa balikat.
“Goodluck,” tinuro ko yung picture ng Tita kung namatay two years ago. “Hindi umuubra sa multo ang guwapo.”
0 thoughts on “Sincerely, YHE”