Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 6

ZIV

 

“Bro, di ka sasama sa amin?” Miggy asked. Tumingin ako saglit sa kanya. Inaayos na niya ang bag niya. Alas-dos pa lang ng hapon pero uuwi na siya. More like, gagala kasama ang tropa namin. Tapos na kasi siya sa gawain niya.

Ako, guwapo pa rin habang nakaharap sa PC ko. Lintek! Hindi pa kasi ako tapos mag-code.

“Nah, hindi pa ako tapos saka may lakad kami ni Lois Dei,” sagot kung hindi nakatingin sa kanya. Binilisan ko ang pagco-code para matapos na ako. May isa pa akong project nakailangang tapusin ngayon. Hindi pa naman deadline pero gusto ko matapos na para free akong guluhin este samahan si Lois Dei ko.

Miss ko na kasi siya kahit nakita ko siya nung isang araw. Gusto ko kasi lagi ko siyang nakikita at naririnig ko ang magandang boses niya. Tinawagan ko nga kanina kaso busy. Lagi na lang. Hays, nalalapit na naman ang finals nila so one week ko na naman siyang hindi pwedeng guluhin.

Pwede ko naman siyang puntahan kaso ayoko…gusto ko magfocus siya dahil para sa future namin yun. Hindi naman ako bad influence. Hindi pa rin niya ako boyfriend – soon to be boyfriend pa lang. At kung boyfriend man niya ako ay gets ko naman ang priority niya. Pero kapag naging asawa ko na siya, sa bahay lang siya. Nagluluto, naglilinis, nag-aalaga ng baby namin at syempre nagsusulat. Ako yata ang number one fan niya.

Ay! Sht! Ang corny ko na yata.

Naudlot ang panunuod namin ng movie so baka bukas or later. Balak ko nga din siyang yayain mag-date sa ibang lugar. Puro Galleria kasi ang tambayan namin, syempre gusto ko gumawa kami ng maraming memories sa iba’t-ibang lugar.

Saktong alas-kwarto ay natapos na ako. Siguradong stuck na naman ako sa traffic kahit ang lapit lang ng condo ko. Okay naman sana kung kasama ko si Lois Dei kaso nasa school pa iyon.

Hindi nga ako nagkamali – stuck ako sa traffic. Nag-play na lang ako ng music para hindi ako ma-bore. On repeat mode ang Chasing Cars habang hindi ko mapigil ang ngiti sa labi ko.

I remember that Friday night. Last week pa iyon pero parang kahapon lang. Nagkataon lang na Chasing Cars ang napindot ko. Hindi ko akalain na paborito niya pala ang kantang yun at sinabayan pa niya. Hindi ganun kaganda ang boses niya pero ewan ba, gusto kung kantahan niya ako.

Natawa na nga lang ako sa sarili ko. Sa totoo lang, halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Ang himbing ng tulog niya samantalang ako pinapanuod ko lang siya. Sobrang peaceful niya at sarap rape-in este titigan.

Isang oras nga lang ang tulog ko nun. Akala niya ang himbing pero ang totoo kakatulog ko pa lang ng gisingin niya ako. Sht! Naaadik na yata ako kay Lois Dei.

Sinubukan kung tawagan siya habang stuck pa rin ako sa traffic. Sinabi niya sa akin na kasabay niya pauwi si Kat kaya kahit papaano ay kampante ako na safe siyang makakauwi. May kotse naman daw na dala si Kat. Alam ko rin namang mag-iingat siya. Yung mga tao lang sa paligid minsan ang nakakawala ng tiwala.

Sinagot niya ang tawag ko sa pangatlong ring. “Hey, Kuya Ziv!” Ang ganda talaga ng boses niya. Amp! Kuya na naman, di bale soon babe na.

“Busy ka ba o pauwi ka na?”

“Nasa school pa ako. May tinatapos lang. Ikaw?”

“Eto, stuck sa traffic.”

She laughed. “Ganyan talaga! Anyway, Ingat sa pagda-drive huh? I’ll hang up, talk to you later na lang kapag may time.”

“Okay! Ingat ka. Magpapakasal pa tayo!” Nakangiting sabi ko.

“Haha! Adik! Sige, ba-bye na!”

“Ingat ka ha! Huwag masyadong magpapagabi.”

“Oo na, Kuya!” Diin niya sa salitang Kuya. Feeling ko tumaas na naman ang kilay niya. “Sige, babye na! Tumawag uli panget!” Binaba na niya.

Syempre, dahil guwapo ako ti-next ko na lang siya.

 

I decided, well I want to spend the next day with Lois Dei. Off ko naman at wala siyang pasok kaya masaya. I insisted na gumala kami pero hindi ko siya napilit. At the end, nag-stay na lang kami sa bahay niya para gumawa ng baby este ng popcorn. Manunuod kasi kami ng Divergent.

Ang dami ko ngang dinownload na movie para may dahilan akong makasama siya hanggang mamaya. Makikitulog na din ako tutal Linggo naman bukas at may extrang damit ako. Yayain ko din siya magsimba.

Talino mo talaga, Ziv.

“Anong favorite chocolate mo?” Tanong ko sa kanya. Binuksan ko yung frigde niya tapos ang daming chocolate. Gusto ko nga sana siyang bigyan pero mukhang hindi na niya kailangan pa.

“Cadbury, why?” She said. Hinahawi ng hangin ang buhok niya mula sa electric fan. Sht! Ang ganda talaga nito. Ang sarap talagang pakasalan.

Tumabi ako sa kanya tapos nilayo niya yung popcorn niya. Amp! Ang damot niya. Kinuha ko na lang yung remote at pin-lay yung Divergent. Good thing at hindi ko pa ito napapanuod. Kapag napanuod ko na ay malamang na si Lois Dei na lang ang panuorin ko habang kumakain siya ng popcorn.

“Lois Dei,” tawag ko sa kanya. Tapos na naming panuorin yung Divergent at Insurgent. Inuubos na lang niya yung popcorn.

She’s right. Tama lang na binasa ko muna bago ko pinanuod. Ang dami kasing nagbago sa movie. Well, I’m looking forward for Allegiant next year. Of course, no matter what si Lois Dei ang gusto kung kasama manuod.

“Why?”

“Tingin mo ilan ang fear mo?” Tanong ko.

“Hmm, madami haha. Ikaw?”

“Uhm, takot akong mawala ka,” seryosong sabi ko. Tumahimik naman siya kaya tumawa ako. “Joke pero hindi ko alam. But I think madami din.”

“Lahat naman ng tao madaming kinatatakutan.”

“Yeah, what’s your greatest fear?”

“Hmm,” she thinks. “Natatakot akong mawala ang taong para sa akin without knowing na siya na pala si the one.”

She laughed after a while. “Ma-drama ba? Pero seryoso, natatakot akong mawalan ng taong mahalaga sa akin. Sino bang hindi?”

“Yeah, you are right.”

“Ikaw? Takot kang pumanget nuh?”

“Nah,” I shake my head. “Forever na kasi akong guwapo.”

She rolled her eyes at bahagya siyang tumawa. Napangiti na lamang ako.

Natatakot akong mawala ang mga ngiti sa labi niya.

Natatakot akong mawala ang saya na nararamdaman ko.

“Anyway, ano pa yung ibang movie? Parang trip ko love story, meron ba?”

She played the movie, The Secret. Lois Dei spent the next hours watching the movie. Ako, I pretend to be watching but the truth is I’m watching her.

Masyado siyang focus sa movie na hindi niya nararamdamang kinukuhanan ko siya ng stolen pictures. Lagi naman, sa tuwing kasama ko siya. Punong-puno na nga ang gallery ko ng picture niya.

Nagpa-deliver na lang kami ng pagkain dahil ayaw niyang magluto ng dinner. Hinayaan ko na lang siyang manuod. Nakita ko sa gilid yung laptop niya kaya hiniram ko. Tinatamad na kasi akong manuod.

Nilagay niya yung password at saka ko na ginamit. Maglalaro lang sana ako online kaso na-curious ako kaya pinakakelaman ko yung files niya. Tiningnan ko yung mga music na pinapakinggan niya. The Cab, Snow Patrol, A Rocket to the Moon at The Script ang bumubuo ng playlists niya. Tapos may isang folder na puro korean ang kanta. Hindi ko na inalam kung ano. Pin-lay ko na lang yung ibang kanta para may idea ako kung anong ipapatugtog ko kapag kasama ko siya. Ang ganda ng song choice niya.

Hindi ko na pinakialaman yung ibang files niya lalo na yung mga sinusulat niya. Gusto kung basahin yun kapag nai-post na niya sa blog niya. Alam ko kasing sa panahon na iyon ready na siyang mabasa ng iba ang gawa niya. Ayokong manghimasok sa privacy niya pero kumuha ako ng ilang picture niya at sinend ko sa personal e-mail ko na matagal ko na ring hindi nabubuksan.

Nag-pop-out agad yung mga notification mula sa Wattpad- that’s when I notice a message from, itschasingdeiLm.

Ngayon ko lang uli ito binuksan tapos hindi na ako nagbubukas ng Wattpad account ko kaya hindi pamilyar sa akin ang username. Nang una akala ko reader ko lang kaso parang pamilyar at nabasa ko na. Binalikan ko yung files ni Lois Dei and may folder dun na ang pangalan ay itschasingdeiLm. Hinihintay niya nga talaga si Grei.

Nilog-out ko yung e-mail ko at gumawa ng tab for Wattpad para basahin ang mga message niya. Iki-click ko na yung enter nang mamatay yung laptop.

Ugh! Lowbat!

I decided na sa bahay ko na lang basahin. More like I have it as a sign na hindi pa time para basahin ko ang mga message niya kahit curious ako. Babasahin ko na lang siguro kapag ready na akong magpakilala sa kanya.

Nakatulugan na namin ang panunuod ng movie. Nauna akong nagising kasi hindi na ako makatulog. Naisipan kung ipagluto na lang siya ng bacon, eggs at gawan ng french toast at gatas na paboritong almusal niya. Alam ko favorite niya rin ang tuyo kaso wala naman akong makita sa stocks niya.

Tumakbo pa ako sa 24 hours store para bumili ng Cadbury. Iyon lang kasi ang wala sa fridge niya tapos paborito pa niya.

Ang swerte ko nga na hindi nasunog yung niluto ko at perfect pa yung sunny side-up. Ganito siguro talaga kapag inspired ka pag-gising mo. Sino ba naman ang hindi kung anghel ang unang makikita mo pagdilat mo.

Handa na ang table nang magising siya. Ang ganda pa rin talaga kahit gulo-gulo ang buhok niya.

“Wow nice,” ngumiti siya. Kompleto na ang araw ko. “Perfect yung egg ah.”

“Of course, ang guwapo ko kaya.”

“Haha! Wait! Toothbrush muna ako.”

“Oo nga, amoy ko na dito.”

“Che!” She rolled her eyes.

Umupo na siya sa hapag-kainan pagkatapos ng ilang minuto. Kinikilig ako, feeling ko mag-asawa na kami. Insert guwapong tawa here.

“Thanks pala sa pagsama mo sa akin manuod ng movie.”

“Not a problem, basta ikaw.”

“Teka, may pasok ka ba ngayon?”

“Wala, gusto mong gumala?” Tanong ko.

She shake her head. “Tatapusin ko pa yung critic paper ko.”

“Ah, okay. Pwede bang mag-stay muna ako ngayon dito? Promise di kita guguluhin.”

“Sure, I’ll do my critic paper on Divergent series so I guess, you could help me.”

“Yeah, sure basta ipagluto mo ako.”

“Okay! Wait, may extra clothes ka ba?”

I nod. “Yep, nasa car.”

Nagdadala ako lagi for emergency. Baka magsleep-over ako ganun at gumana naman siya ngayon.

“Anyway, pwede ba kitang samahan magsimba?” Tanong ko.

“Huh?” Naiwan sa ere ang bibig niya. Kumunot pa ang noo niya na para bang may naalala siya.

“Bakit?”

“Nah, wala. Wala! Weird lang,” she said at bumalik sa pagkain.

“Weh, ano nga?”

“Wala, nevermind but sure you can always go with me on church.”

Ngumiti ako. Hindi ako pala-simbang tao. Huling simba ko ay nung Pasko pa pero sana pagpasok ko mamaya sa simbahan ay pakinggan niya ako.

Isa lang naman ang dasal ko, na sana ay araw-araw masaya si Lois Dei, yun lang naman.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16