Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 5

LOIS

 

@KatRoq: Pasahan mo ako ng load!

Tweet sent. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa libro. Huling araw na’ng exam at puro major pa kaya kailangan kung pag-igihan para hindi ako magsisi sa huli. Tulad ng exam sa isang major ko kahapon. Inaral, kinabisado, in-analyze ko na lahat ng readings pero leche talaga dahil iba ang lumabas sa exam. Kainis talaga ang professor na iyon.

Kat tweet back. @deiLoisM: Bakit? Sinong ite-text mo?

@KatRoq: Basta! Pasahan mo akong load! Kahit limang piso lang. Please? Thank you, mwah~

Pinatay ko na yung laptop ko at nag-focus sa pag-aaral ng readings ko. Kailangan kung pagbutihin ang pag-aaral dahil para ito sa future ko at para sa magulang ko na umaga’t gabi’y nagpapakahirap para lang may pang-tuition ako.

Kalahati ko na yung readings ko nang may mag-text. Dumating na yung limang pisong load na hiningi ko kay Kat. Madami kasing load ang babaeng iyon na kabaliktaran ko. Masipag siyang mag-text samantalang ako ay inaamag na ang cellphone. Huling load ko pa yata ay nung January para bumati ng Happy New Year, tapos April na ngayon.

Ni-replyan ko na ang text ni Kuya Ziv. Nakakahiya kasi sa kanya kung hindi ako magpapasalamat sa pizza at coffee na pinapadala niya araw-araw simula nung hell week ko. Baka isipin pa niya na ang sama ko. Iba pa naman ang utak ng lalaking iyon.

To: Kuya Ziv

Hey, sorry ngayon lang ako nakapag-reply. Wala kasi akong load tapos busy ako. Hell week ko nga di ba? Saka hindi kita iniisip. If I know, ikaw ang nag-iisip sa akin. Salamat pala sa pizza at coffee na pinapadala mo. Hindi ko iyon babayaran, okay? Thank you ulit. Sige na, babye na. Ang mag-reply panget!

Message sent.

Maya-maya lamang ay tumunog ang phone ko. Hindi nga ako ni-replyan, tinawagan naman ako. Hay nako!

“O bakit?” bungad ko. “Busy ako!”

“Ay amp ka!” sigaw niya mula sa kabilang linya. “Wala ka palang load tapos hindi mo sinabi. Naghihintay kaya ako ng reply mo!” inis na sabi niya. Malay ko ba, abuso naman kung hihinge pa ako ng load sa kanya.

“Anyway, sige na baka ma-distract ka sa ganda ng boses ko. Galingan mo para sa future natin yan at huwag ka masyado magpupuyat. Papanget ka nyan pero wala akong sinabing maganda ka ha! Bye!”

Anak ng pating talaga! Hindi man lang ako pinatapos mag-salita. Ibinaba ko na yung phone ko kaso pagkatapos ng ilang minuto ay tumawag ulit.

“I miss you pala este ang guwapo ko,” binaba niya ulit yung tawag sabay tawag ulit. “I forgot, Good night, Lois Dei.”

I don’t know pero hindi ko talaga napigilan ang pag-ngiti ko. Nakangiti lang ako habang nagbabasa ng readings at hanggang sa makatulog ako.

Maagang natapos ang exam kaya maaga rin akong uuwi. Ayoko nang gumala pa dahil maiipit ako sa traffic at sa rush hour. Iyon pa naman iyong kinaiinisan ko kaya hangga’t maari ay maaga akong umuuwi. Umaayon naman ang sched ko dahil hanggang alas-tres lang ako at kung minsan ay half-day lang. Naranasan ko na kasi ang maipit sa matinding traffic at makipagsiksikan aa LRT at ayoko nang maulit pa iyon. Kaya naman kung minsan ay nagdadala na lamang ako ng kotse ko para mas comfortable ako kung sakaling ma-traffic ako.

Hindi ko dala ang kotse ko dahil nagtitipid ako sa gasolina. Minsan ko lang ito gamitin, madalas kapag alam kung uuwi ako ng gabi at kapag nandito si Mommy para magbakasyon. Saka, medyo hindi pa ako sanay sa pagda-drive. Kakakuha ko lamang din ng lisensya ko nang nakaraang taon.

Mabuti na lang at hindi naman ako ganun katagal naghintay ng traffic sa bus, mga isang oras rin lang. Bumaba na ako sa Galleria para bumili ng grocery. Naubos na kasi ang stocks ko. Hindi naman ganun kadami ang pinamili ko kaya naglakad na lang ako. Mas todo ingat ngalang sa mandurukot kasi ang dami kung dala tapos padilim na.

Pagdating ko ng gate ng bahay ay may kotseng nakaparada. Nakilala ko agad ang kotse ni Kuya Ziv pero hindi ko inasahan na nakaupo siya dun sa gilid ng gate habang nagbabasa ng libro. – Allegiant. Binabasa ko na rin iyan.

“Hey, Kuya Ziv, kanina ka pa jan?” Tanong ko. Binaba ko yung mga pinamili ko at binuksan yung gate. “Hala ka, gabi na kaya. Masisira na iyang mata mo, ang dilim na.” I said over my shoulder.

“A-h hindi ah, kararating ko lang din tapos wala akong magawa kaya nagbasa na lang ako.”

“Weh? E bakit amoy araw ka na?” Asar ko kahit ang totoo ay mabango pa rin siya. “Saka, kinakagat ka na jan ng lamok o. Sana, tinext mo na pupunta ka.”

“Nah, it’s okay. Nandito ka naman na.” Ngumiti siya.

“Paano kaya kapag hindi ako dumating?”

“Eh di tapos ko na tong Allegiant.” Kinindatan niya ako. Iniwasan ko na naman ang pagtitig ko sa kanya at niyaya na lang siyang pumasok sa loob.

Hindi naman ako ganun kasama para hindi siya papasukin lalo na at mukhang kanina pa siya dun. Hindi ko nga alam kung bakit hindi na lang siya naghintay sa loob ng kotse niya para mas comfortable siya.

“Anong gusto mong dish? Ipagluluto kita kapalit ng coffee at pizza na pinapadala mo,” saglit akong tumingin sa kanya ng ibaba niya ang grocery bags sa kitchen sink. “Anong favorite food mo?”

“Marunong ka mag-luto?”

I nod. “Syempre naman. I grew up independent. Nasa probinsya kasi ang Mommy ko at wala ang Daddy ko. Umuuwi lang ako sa probinsya kapag bakasyon. At ang kasama ko dito nang bata ako habang nag-aaral ay yung Yaya ko kaso nasa probinsya na din siya ngayon. Kaya, yung kasambahay na naglilinis at naglalaba dito na lang ang nakakasama ko though three times a week lang siya kaya mag-isa pa rin ako. Minsan si Mommy nandito pero madalas ay ako lang.” Kwento ko.

“Hindi ka takot mag-isa?”

Iniling ko ng aking ulo habang sinisimulan kung ilabas ang mga pinamili ko. “Hindi, sanay na ako. Ikaw? Sinong kasama mo?”

“Simula nang may work ako ay tumira na ako sa condo ko para malapit sa opisina. May asawa na ang Kuya ko. Minsan dumadalaw ako kina Mama kapag hindi ako busy.”

“Ah, so marunong ka magluto?”

“Nah, prito prito lang. Kapag may sabaw medyo epic ang luto ko, kundi maalat ay matabang naman.”

I laughed. “So, puro fastfood ka nuh?”

Tumango si Kuya Ziv. “Kaya nga minsan umuuwi ako kila Mama para makatikim ng lutong-bahay. Specialty niya kasi ang adobo pero sinigang na bangus ang favorite ko.”

“Talaga? Same tayo! Tapos yung maasim na maanghang na madaming kangkong!”

“Yeah right!” Nakangiting sabi niya. “Yun na lang iluto mo para masaya. At saka pwede bang dito na ako tumira para matitikman ko lagi luto mo tutal mag-isa ka lang so ako na lang si Superman mo slash bodyguard mo.”

Saglit akong natulala sa mga mata niya. Lagi na lang talaga. Wala namang espesyal sa mga mata niya pero kainis. Natutulala ako bigla.

“Adik ka talaga! Malayo opisina mo dito di ba?”

“Kaya naman, yung traffic lang talaga pero seryoso pwede ba akong matulog dito ngayon?”

“Huh? Bakit?” Tanong ko. Sinimulan ko nang hugasan yung bangus para mailuto ko na. Gutom na ako.

“Wala lang. Sige na. Wala naman akong gagawin sayo. Hindi kita ra-rape-in pero kung gusto mo why not?” Lumapit siya sa akin para tingnan ang ginagawa ko. “Ako na lang jan, alam ko yan.” Prisinta niya. Saglit kung nahigit ang hininga ko nang dumapo ang mainit na hininga niya sa balikat ko.

“Nah,” lumayo ako ng konti at kunwari may kinuha. “Bisita ka so hayaan mo ako. I happened to cook the best Sinigang na Bangus in our farm,” which is true. “So, relax ka lang okay?”

“Hmm, sige. Sure ka? Pag yan di masarap nako. Anyway, payag ka na ba na magstay ako dito? Ngayong gabi lang if gusto mo pwede din everyday!” He grinned.

“At bakit naman gusto mong mag-stay dito?”

“Kasi, ang guwapo ko!”

“I again, can’t see the connection between that.”

“Aish! Syempre para makita mo ang guwapong mukha mo at may kasama kang guwapo. Sige na, saka may dala akong movie. Divergent at Insurgent,” nilabas niya yung flashdrive niya.

“Really? Meron ka?”

“Yep, of course. O ano game?”

“Well, gusto ko munang tapusin yung Allegiant bago ko panuorin yung movie.” I said. Ayoko kasing nabibitin ako sa pagbabasa ng libro. Gusto ko tuloy-tuloy kaya nga kapag series yung book ko-kompletuhin ko na muna bago ko simulang basahin.

“That’s fine din, sabay nating tapusin yung book? How about that?”

“Hmm,”I started thinking.

Hindi ko muna siya sinagot at ginawa kung busy ang sarili ko sa pagluluto habang pinapanuod lang niya ako. Naiilang nga ako dahil nararamdaman ko yung titig niya.

Kaya ko ba na matulog siya dito? Na makasama siya sa isang gabi na kaming dalawa lang? Alam ko namang kahit may lahing kamanyakan ang utak niya minsan ay matino siya. Gusto ko nga na maging Kuya siya dahil sigurado na spoiled ako sa kanya. Bukod dun, masaya siyang kasama. At kahit papaano naman ay kilala ko na siya. Pero, pero kasi natatakot ako na baka – okay hindi naman niya siguro iyon gagawin at kaya ko namang lumaban kung sakali.

“Okay,” pagpayag ko na rin. “Basta, may pepper spray ako kaya huwag mong balaking gumawa ng masama.”

“Yes, babe!” Malawak na ngiti niya ang nakita ko mula sa aking peripheral vision.

Natapos akong magluto. Hinanda niya yung lamesa at sabay na kaming umupo. Hindi siya nagdarasal bago kumain dahil kinuha na niya agad yung kutsara at sumandok na. Naka-tatlong subo na siya nang mapansin niya na hindi ako gumagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya.

“Ay, oo nga pala. Pray pala muna, sorry.” Kuya Ziv said nang makita niyang handa ang kamay ko para magdasal. Ngumiti na lang ako at sinimulan kung magdasal.

“Uhm, okay na?” Tanong niya.

I laughed. “Yeah, enjoy!”

I started eating though hindi ako masyadong makapag-focus dahil ang sarap niyang titigan kumain. Hinihintay ko rin ang reaksyon niya sa luto ko. Base sa nakita ko ay masarap, di ko na alam kung anong meron sa panlasa niya kung hindi pa masarap iyan. Specialty ko ang Sinigang na bangus at halos lahat ng nakakatikim niya ay nakakalimutan ang pangalan nila.

“Sht! Ang sarap! Grabe, dito na yata ako titira. Tara pakasal na tayo.”

Natawa ako. Natuwa dahil nasarapan siya. Iisipin ko nga na binobola niya ako pero alam ko naman na nasarapan siya. Naubos niya yung lahat ng kanin, hindi na nga uli ako sumandok. Tapos siya na din ang umubos ng ulam at iyong nakuha ko lang sa una ang naubos ko. Pareho naming paborito ang tyan, kung pwede nga lang iyon ang bilhin sa grocery ay huwag na iyong buntot. Isang tyan lang yung nakain ko at binigay ko na sa kanya lahat. Minsan lang siya makatikim ng lutong-bahay at pambawi sa mga binigay niyang pizza at kape sa akin simula nung Lunes – start ng hell week hanggang ngayon na tapos na.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagligpit. Hindi kasi siya makatayo sa sobrang busog niya. Sabi ko nga na tumayo siya kasi magkakabilbil siya. Hindi nakinig sa akin. Abs daw ang meron siya. Baliw nga kasi pinapahawak pa niya sa akin yung abs niya. Well, meron naman. Halata kasi sa damit niya lalo na kapag fitted tapos maganda ang built ng katawan niya. Panigurado na nagwo-work out siya.

“Saan tayo gagawa ng baby este magbabasa my Lois Dei?” Tanong niya nang matapos na ako sa kusina.

“Wait lang,”I told him. “Akyat lang ako.”

Umakyat muna ako para magshower at magbihis. Tapos dinala ko na sa ibaba yung libro na babasahin ko. Naabutan ko siya sa sala na nanunuod ng anime sa Animax.

“Nice, mahilig ka sa anime?”

“Yep, ikaw ba? Bet ko yung Bleach tapos FairyTail. Astig ni Gray dun e, parang ako guwapo.”

I rolled my eyes. Hindi talaga mawawala sa bokabularyo niya ang salitang guwapo. Okay lang, totoo naman.

“Cool. Ako din, Bleach,” I said. Nahilig ako sa anime nang bata ako. Madalas kasi ang palabas sa t.v nun ay anime. Iyong Voltes V, Sailormoon, Dragonball, Ghost Fighter, Flame of Recca, etc.

Simula nun ay nanuod na ako at nagbasa ng mga manga. Pinakapaborito ko talaga ay ng Death Note at Bleach. Tapos ang latest ay ang Tokyo Ghoul at yung manhwa na Noblesse – korean ang gumawa at colored siya compared sa Manga.

“Si Grimjow ng favorite ko, at si Hitsugaya.”

“Astig! Ako din si Grimjow!”

Nakakita na naman ako ng interest na pareho kami. Yung pagbasa ng libro ay hindi ko alam kung talagang hilig niya or nagbasa lang siya dahil sinabi ko. Pero ganunpaman ay ayos lang basta magbasa siya. Sa anime naman ay siguradong mahilig siya dahil ang dami niyang alam tapos iyong iba ay di ko din alam.

Hanggang pag-akyat namin sa may attic ay tuloy lang siya sa pagkwe-kwento ng anime na pinanuod niya. Kinu-kwento nga niya yung FairyTail kasi hindi ko pa iyon napapanuod. Siguro, kapag bakasyon susubukan kung panuorin.

“Wow! Ang ganda ng view dito. Cool!” sabi niya pag-akyat namin ng attic. “Kita yung stars o,” tumuro siya dun sa may bintana na kung saan kita mo nga ang stars tapos makikita mo din ang sobrang daming ilaw mula sa mga buildings na nag-aala stars din. “Ang sarap tumira dito, dito na lang kaya ako.”

Tinabihan ko siya. Sumandal kaming dalawa sa bintana habang nakatapat kami sa isa pang bintana na kung saan kita ang sobrang daming stars. Kapag tumingin ka naman sa may itaas – may glass window na nasisinagan ng araw kapag umaga. Hindi ako morning person kaya mas na-a-apreciate ko ang gabi. Lalo na kapag hihiga ako tapos mags-stargazing.

“Dito ka laging nagbabasa nuh?” May kaunting botalhe ang dumaloy sa katawan ko nang hindi sadyang dumikit ang braso niya sa braso ko.

“A-h yeah, l-lalo na kapag umuulan.”

Bakit ako nauutal? Kinakabahan ako.

“Teka, magbasa na nga lang tayo- hey bakit ka nakahiga? Uy-” hahawakan ko sana siya kaso hindi ko na ginawa dahil dinilat niya ang kanyang mata.

“Tulog na lang tayo, wait dapat may music para romantic,” kinuha niya ang phone niya para magpatugtog.

“Hey, it’s Chasing Cars!” I said, smiling. Paborito ko kasi ang kantang iyon.

“If I just lay here, would you lie with me and just forget the world?” Tanong niya. I felt awkward kaya ngumiti na lang ako at sumabay sa kanta kahit sintunado naman ako. Hindi kasi ako nagising nang magbuhos si God ng talent sa pagkanta. Tumigil na rin ako kasi nakakahiya kay Kuya Ziv.

“Bakit ka tumigil?” Tanong niya. “Saka, higa ka kaya di ba? Stargazing na lang tayo.”

Nagdalawang isip pa ako pero sa huli ay humiga na rin ako sa tabi niya. Pareho lang kaming nakatingin sa mga stars habang tumutugtog ang paborito kung kanta.

“Hindi mo na ba sasabayan ang kanta?” Natatawang tanong niya.

“Hmp! Oo na, panget na boses ko.”

“Haha! Okay lang, ikaw naman kaya di ako magsasawang pakinggan.”

“Sus, whatever!” Irap ko na hindi naman niya nakita.

Nangibabaw ang katahimikan sa amin. Tanging yung kanta lang ang naririnig. Pinikit ko yung mata ko at kinanta sa isip ko ang kanta. Naiilang kasi ako sa katahimikan. Sanay akong tahimik pero parang ngayon mas gusto ko na maingay na lang.

“Lois Dei,” hindi ako dumilat nang tawagin niya ako. “Sige, pikit ka lang tapos babasahin ko yung Allegiant ng malakas hanggang sa makatulog ka.”

“Nice, story teller na pala ang trabaho mo.”

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Basta ba ikaw, anyway start na ako, Chapter 1 uli ha,”

“Ikaw bahala.”

He started reading. Nanatili akong nakapikit nang may ngiti sa aking mga labi. Nakinig lang ako sa kanya at paminsan-minsan ay ididilat ko ang mata ko para tingnan siya.

Katabi ko lamang siya. Nakatitig sa libro. Tinitigan ko siya na mukhang hindi naman niya napapansin. Hindi nawala ang ngiti ko ngunit nawala na ang kaba ko. Tumagilid ako upang makita ko ang seryosong mukha niya habang nagbabasa. Nawala na rin ang focus ko sa pakikinig. Mukha niya ang nakita ko nang ipikit ko ang aking mga mata.

Looks like I’ve just found a comfortable place next to him.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16