Chapter 4
ZIV
“Paano mo nalaman ang bahay ko?” tanong niya agad sa akin. Amp! Hindi man lang ako niyakap o hinalikan hindi naman ako aangal e. “Saka, anong ginagawa mo dito?”
Moody talaga ang Lois Dei ko. May araw na masungit, may araw na mabait pero madalas ay maganda siya. Parang ako, madalas na guwapo, laging guwapo, forever na guwapo.
Sa ilang linggo na nakakausap at nakakasama ko siya ay nalaman kung masungit siya. Halata naman na masungit siya kapag tiningnan mo siya pero hindi ko inakala na sobra pala. Hindi siya masungit kapag libro ang usapan niyo pero kapag ganitong normal na usapan ay lumalabas ang pagkamasungit niya pero okay lang I find it cute. Natural na lang kasi sa kanya at hindi pilit na masungit. Tingin ko na masungit siya sa mga ka-close niya, meaning malapit ng mawala ang feeling sa feeling close namin.
“Aww, wala man lang bang I miss you or I love you?” pagpapa-cute ko.
“Gusto mo bang sapakin kita ha?” umamba siyang sasapakin ako kaya tinakpan ko ang mukha ko. Mahirap nang mawalan ng guwapo sa earth. Kawawa na nga kami dahil yung iba ay nagiging Eba na.
“Huwag naman ganyan, Lois Dei. Pero sige okay lang basta ba kiss kasunod.” Ngumuso ako na agad ko ring tinigilan kasi mag-aala-dragon na siya. Dati nga yata siyang dragon e. Biro lang, ganda kaya ng Lois Dei ko. Bagay sa guwapong tulad ko. Insert guwapo sign here.
“Ano ba kasing ginagawa mo sa bahay ko?”
Kumagat muna ako sa pizza bago sagutin ang tanong niya. “Nandito ako para ibandera sayo ang ka-guwapuhan ko.” Proud na sabi ko sa kanya.
“Wtf! Nakikita mo ba tong hawak ko?” tinaas niya yung bread knife.
Tumango ako sabay kagat ulit sa pizza. “Oo naman babe, hindi ako bulag.”
“Good!” tumaas na ang kanyang boses. “Isasaksak ko talaga sayo ito kapag nainis ako!”
Imbes na matakot ay mas lalo akong natuwa sa sinabi niya lalo na sa kanyang hitsura. Napaka-cute niya talaga lalo na kapag naiinis. Ang sarap pang kurutin sa pisngi. Kaya nga trip na trip ko talagang asarin siya kasi mas lalo siyang gumaganda.
“Huwag naman ganyan babe,” I pouted. “Paano ka na lang kapag nawala ako? Sino na ang mag-aalaga sayo? Paano na ang future natin? Sino na ang kasama mong tatanda?” sinamahan ko pa iyon ng pagpa-pa-cute para mas lalong effective.
“Hays,” ibinaba niya yung hawak niyang bread knife. Sabi ko na nga ba e, mahal ako nito at hindi niya kayang mawala ako. Insert guwapong tawa here.
“Grabe, sumasakit ang ulo ko sayo! Ang tino mong kausap!” umiling-iling pa siya. Nawawala ang Kuya na tawag niya sa akin kapag naiinis siya kaya natutuwa ako. Ako kaya ang future boyfriend nito.
Pa-cute na ngumiti ako sa kanya habang ang tingin niya ay mangangain na ng tao. Ayos lang naman, masarap naman kasi ako. Masarap magmahal. Iba naisip mo nu? Tsk. Wholesome ang ka-guwapuhan ko. Insert guwapong tawa uli here.
“I know babe, thank you.” Asar ko ulit.
Inirapan niya ako na may kasamang masamang tingin pa. Pero wala talagang epekto sa akin ang ganung hitsura niya. Mas natutuwa nga ako lalo na kapag nakikita kung nakakunot-noo na siya habang nakatitig sa akin.
Sinabi kung kay Miggy ko nalaman ang kanyang bahay ngunit hindi niya man lang iyon pinansin. Amp naman o. Binayaran ko pa ng isanglibo si Miggy para sabihin niya kung saan ang bahay nila. Walking distance nga lang ang Galleria sa kanila kaya tambay pala siya dun. Ngayon, hindi ko na siya kailangang timing-an sa Galleria dahil alam ko na kung saan siya pupuntahan. Balak kung maghanap ng condo malapit dito para di hassle at mas malapit sa kanya. Syempre, I want to be close to her.
Hindi na niya ako pinansin. Sinimulan niya ng lantakan yung dala kung pizza. Kumagat siya ng malaking slice tapos kagat ulit. Hindi na nga niya nginunguya, lunok na agad which I find really cute. Type ko kasi yung babaeng walang arte sa katawan. Yung tipong hindi nahihiya na mag-ala-monster kapag kumakain. Isama mo pang wala silang pakialam kahit ang kalat na ng mukha nila.
Totoo nga ang sinabi ni Miggy na pizza lamang ang makakapagpatahimik sa kanya. Wala na kasi siyang pakialam sa akin at sa paligid niya. Yung pizza lang yung iniisip niya.
Kaya naman malaya ko siyang napagpanstayahan este tinitigan. Ang gara lang talaga dahil kahit saang angle ay ang ganda niya. Effortless yung ganda na mayroon siya kaya bagay na bagay talaga kami. Ang sarap niyang rape-in este titigan pala. Nilabas ko yung iphone ko at nagkunwaring nag-te-text pero nagnanakaw talaga ako ng picture niya.
Napansin kung walang tao sa kanila. Hindi ba siya takot mag-isa? Akala ko may kasama siya kahit kasam-bahay lang. Sabi kasi ni Miggy, nasa ibang bansa ang Dad niya at nasa farm nila ang Mommy niya. Wala rin siyang kapatid ayon kay Miggy. Ang dami ngang alam ni Miggy tungkol sa kanya kaya lagi akong nawawalan ng isang-libo pero okay lang worth it naman. At saka sabi ni Miggy simula bata ay magkaibigan na daw si Kat at si Lois kaya given na maraming alam si Miggy sa kanya. Sa kabilang village lang din nakatira sila Miggy. Makikitira na lang yata ako sa kanila.
Pero mas gusto kung tumira sa bahay nila Lois. Ang tahimik tapos kaming dalawa lang at madami kaming magagawa like alam niyo na. Oo, iyon nga. Magbabasa kami ng libro together. Manunuod ng movie. Magkatabing matutulog – walang malisya at kung ano-ano pa, parang mag-asawa lang. Saya nun.
Matapos ang ilang minuto ay naubos na niya yung pizza.
“Uyy, tapos na ako kumain. Uwi ka na!”
“Ay, amp o,” ngumuso ako. “Ganun lang iyon? Matapos kitang dalawin at dalhan ng pizza pauuwiin mo lang ako? Wala man lang ba akong kiss?”
Lumapit siya sa akin. Akala ko ay hahalikan niya talaga ako kaya inihanda ko na yung nguso ko pero amp pinitik niya yung adam’s apple ko.
Pakinshet! Nabanggit ko yata lahat ng mura habang hawak ko lang yung leeg ko. Anak ng pating o. Pigilan niyo ako masasapa- mayayakap ko to ng wala sa oras. Pasalamat talaga siya at hindi ako pumapatol sa maganda kundi na-rape este nasapak ko na siya.
“Haha! Wala lang, trip ko lang. May nabasa kasi akong ganun. Naisip ko lang i-try,” hinila na niya ako papunta sa pintuan habang dedma lang ako para lambingin niya ako. Pero, putek ang sakit talaga!
“Uyy, sige na. Uwi ka na! Mag-aaral pa ako! Salamat sa pizza pero saka mo na lang ulit ako kulitin dahil hell week ko ngayon. Semi-finals kasi. Okay?”
Hindi ulit ako nagsalita. Tinitigan ko lamang siya habang nagsasalita siya. Umakto rin akong nasasaktan.
“Sige na, babye na – wait,” tiningnan niya ako. “Hala! Sorry! Masakit ba talaga? Hala!” pinigilan kung ngumiti at ginalingan ang pag-acting ko para i-kiss na niya talaga ako. Kaso, anak ng pating binatukan niya ako kaya ayun napa-aray ako, buko.
“Acting ka pa jan, hindi mo ikamamatay yan.” Tumawa siya. “O sige na, uwi na.” hinila na niya ako hanggang dun sa gate.
“Hala siya, so ano hindi ka magsasalita?” tinaasan niya ako ng kilay.
I pouted. “Sige na, aalis na. Tinataboy mo na ako. Tampo na ako.”
“Hala! Nag-drama siya.” She laughed. Sht! Sarap pakasalan at iuwi sa amin.
“Pero teka, may nakalimutan ako.” Sabi kung tumingin sa may pintuan.
“Ano?”
Sakto tumingin siya sa tinitingnan ko kaya lumapit ako at ninakawan siya ng halik sa pisngi. Agad akong tumakbo papunta sa sasakyan ko dahil baka masapak ako. Nakita ko pa siyang nag-ta-trums dahil sa aking ginawa. Natatawang pinaandar ko na lamang ang aking sasakyan.
Guwapo mo talaga, Ziv
—
Boring! Boring! Boring!
Naka-ilang type na ako sa salitang yan sa MS Word. Type. Delete. Type. Delete. Type. Delete. Type ulit hanggang sa mainis na ako.
Amp naman kasi! Ang boring talaga! Wala akong magawa kundi tumunganga at isipin kung gaano ako ka-guwapo. Anak ng pating kasi! Kasalanan ko rin naman kung bakit wala akong ginagawa. Tinapos ko na lahat ng trabaho ko nung isang araw. Sinama ko na rin yung para bukas, sa susunod na bukas at sa isa pang bukas. Kapag nabaliw ako ay baka gawin ko na rin yung para sa isang buwan.
Tumungo ako sa mesa ko. Mahirap talaga kapag sobrang guwapo mo ngayong araw na ito pero paano pa kaya kung araw araw kang guwapo tulad ko? Syempre, sanayan na iyan.
Ugh! Napasabunot na lamang ako sa buhok ko sabay tingin sa orasan. Ang tagal pa ng out ko. Sobrang boring talaga! Anak ng kalabaw. Amp! Ikababaliw ko yata ang araw na ito. Ngayon ko lamang naranasan yung tipong hindi gumagalaw ang orasan. Argh!
“Uyy, Bonzon!” mula sa lamesa niya ay lumapit sa akin si Miggy. “Iba talaga kapag may nami-miss nu?”
Napa-psh ako at hindi pinansin ang sinabi niya. Kinatatamaran ko ko kasi ang pagsasalita ngayon.
“Bakit ba kasi hindi mo puntahan?” saad niya uli.
Actually, kanina pa ay nung isang araw pa iyan tumatakbo sa aking isipan. Ngunit hindi ko nagawa dahil baka hindi na lang adam’s apple ko ang pitikin niya. Bukod dun, ayokong ma-distract siya sa ka-guwapuhan ko. Mamaya puro pangalan ko ang masagot niya sa exam. Mahirap na baka sumikat ako at saka para sa future namin ang pag-aaral niya though kaya ko naman siyang buhayin. Insert guwapong tawa here.
“Tawagan mo na lang kaysa mukha kang baliw jan,” bumalik na si Miggy sa table niya.
Napag-bugtong-hininga na lamang ako. Kinuha ko yung iphone ko at tinitigan ang napaka-gandang wallpaper ko. I-ni-edit ko kasi iyong picture ko tapos picture namin. Wala pa kasi kaming picture together kaya ako na lang ang gumawa. Panigurado ngang sasapakin ako nun kapag nalaman niya kung gaano karaming stolen picture niya ang mayroon sa akin.
Inisip ko pa kung ite-text ko siya pero sa huli ay naisip kung magpa-deliver na lamang uli ng pizza at coffee sa bahay nila. Tinitigan ko yung iphone ko at naghintay ulit ng reply. Amp! Hindi man lang nag-text sa akin ng thank you samantalang araw-araw ko siyang pinapadalhan ng pizza. Yellow Cab pa, ang sakit sa bulsa ng favorite niya.
Busy ba siya masyado? Anak ng pating naman kasi ang school niya! August ang simula ng klase nila samantalang iyong dati kung school ay June pa rin hanggang ngayon. Imbes tuloy na nag-e-enjoy siya sa Summer kasama ko ay nagpapakahirap siya sa exam. Amp!
Matapos ang mahabang pag-iisip ay nag-desisyon ako na umuwi, na sana ay kanina ko pa naisip tutal tapos ko na ang lahat ng trabaho ko. Tanga mo talaga ngayon, Ziv.
Nag-paalam na ako kay Miggy ngunit ang loko ay hindi man lang pinansin ang ka-guwapuhan ko. Paniguradong nanunuod na iyon ng porn. Tahimik, naka-headset at may sarili na kasi siyang mundo kaya iniwan ko na.
Mabuti pa ako, guwapo.
Magpapakita ba ako? Pupuntahan ko ba? Tanong ko sa aking isipan habang pababa yung elevator. Naalala kung guwapo pala ako kaya magpapakipot na muna ako. Magpapa-miss para hindi siya magsawa sa mukha ko. Kung may nakakasawa nga ba sa aking mukha, guwapo ko kaya.
Nag-drive-thru ako sa McDo at dumiretso sa village nila. Dalawang oras pa bago ako nakarating sa kanila dahil bukod sa traffic ay malayo ito sa bahay at opisina ko pero ayos lamang dahil wala naman akong gagawin.
Pumarada ako sa tapat ng bahay nila kung saan kita ko ang kwarto niya. Alas-syete na kaya sigurado akong nag-aaral na siya. Sinimulan ko ng kainin yung binili ko habang hinihintay ko na mamatay ang ilaw sa kanyang kwarto. Binagalan ko na nga ang pagkain pero putek talaga alas-nwebe na ay bukas pa rin ang ilaw niya.
Mukhang tanga naman ako dito sa labas habang nakatitig sa bintana ng kwarto niya. Nakalimutan kung dalhin yung mga librong binili ko para basahin. Natapos ko na yung iba at napatunayan kung idol niya si Nicholas Sparks dahil parehong sagad sa buto ang sinusulat nila. Excited na nga akong i-kwento sa kanya yung mga binasa ko dahil alam kung matutuwa siya kapag nalaman niyang tapos ko na. Libro lang naman ang topic na nagpapasaya sa kanya. Sabi sa nabasa ko, you will know the person by the book they read. So, malungkot ba siya? Heartbroken? O sadyang trip lang talaga niya ang pagbabasa?
Ang totoo nyan ay hindi ko talaga ganun ka-trip ang pagbabasa. Pagsulat at panunuod ng anime ang trip ko pero laking impluwensya ni Lois kaya naman naadik na rin ako sa pagbabasa. At gumagawa ako ng paraan para mai-singkit ang pagbabasa ko. Though hindi ko kayang isingit ang pagsusulat uli at hindi na talaga ako nagsusulat. Wala na kasi akong maisip pa. Kaya mabibigo lang siya kung hihintayin niya ako dahil busy ako. Busy ako sa kanya. Baka kapag naging kami ay magpakilala ako – para astig, tadhana. At baka isulat ko ang love story namin. Nag-play na lang ako music para hindi ako antukin. Natapos ko na ang buong playlist ko pero gising pa rin siya. So, I decided to text her. Mabuti nga at binigay na niya ang number niya sa akin, kundi mawawalan na naman ako ng isang-libo.
To: My Lois Dei
My Lois Dei, hey. Hindi ka pa tulog nu? Iniisip mo ang ka-guwapuhan ko? Huwag ganyan, Haha! Miss mo na ako? I miss you too ay joke lang pala, ang guwapo ko e. HAHA! O sige na, huwag magpupuyat masyado. Tulog ka na. Aral ng mabuti. Godbless! Galingan mo sa exam mo para sa future natin yan! Goodnight!
Message Sent.
Hinintay ko ang reply niya kahit alam kung aasa lang ako at umasa nga lang talaga ako. Hanggang sa mamatay na ang ilaw sa kwarto niya ay wala akong natanggap na reply. Napapailing na pinaandar ko na lamang ang sasakyan ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Para akong uminom ng drugs.
I think I need to find a cure for my addiction.
0 thoughts on “Sincerely, YHE”