Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 3

LOIS

 

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng Insurgent nang tumunog ang phone ko. It’s a notification coming from my e-mail. Akala ko nga message na ni Grei – kaso imposible nga. Hindi na yata nun alam ang password niya kaya hindi na siya nag-wa-wattpad.

Pag-open ko, it’s a comment from my blog. Na-excite ako so I decided na buksan na lamang ang blog ko. Only to see a comment from, YourHappyEnding.

YourHappyEnding: Wow! I was actually speechless. I’m just going to read one story from yours then I realized I was reading all your stories. I was moved and amazed by how your writing and imagination works. I like it, everything you write. But wait, why always sad? Why not write a happy ending? Saan mo ba hinuhugot lahat yan? Oh well, if you don’t have a happy ending. Wanna have it with me?

Automatiko yung pag-ngiti ko nang mabasa ko iyon. Binuksan ko nga yung blog nung nag-comment ngunit wala naman akong nakitang impormasyon sa kanya kaya nag-reply na lamang ako ng Salamat. Nakakatuwa kasi kapag may mga taong nakaka-appreciate ng mga isinulat mo. Yung tipong may nagbabasa nito kahit sabihing isa o dalawa lamang ito.

Tama nga siya, puro sad ending ang sinusulat ko. Sa totoo lang, hindi dahil sa ayoko sa happy ending kundi hindi ako marunong magsulat ng happy ending. Madalas na puro sad at tragedy lamang ang sinusulat ko. Marahil siguro sa kadahilanang sa totoong buhay ay wala pa akong happy ending.

At dahil inspired ako sa panibagong reader ko ay nakasulat ako ng panibagong maikling storya ngunit sad ending pa rin. Kapag siguro na-in-love ako o kaya nagka-boyfriend ay saka lang ako magsusulat nang storyang nakakakilig at may happy ending.

I was in the middle of writing a new story again when my phone rang. Tinamad pa akong sagutin nung una kaya sa pangalawang tawag ko sinagot. Bumungad sa akin ang malakas na boses ng bestfriend kung si Kat. Katherine Roquero.

“Uyy, Dei, nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay!” sigaw niya mula sa kabilang linya.

“Huh? Bakit may lakad ba tayo? Tapos na birthday mo kahapon ah.” sagot ko sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang phone ko. Nagta-type ang kaliwang kamay at ngumunguya ang bibig. Multi-tasking is my middle name.

“Oo nga, alam ko! Pero, nakalimutan mo ba may party ngayon!” inilayo ko ang phone ko sa tainga, ang tinis kasi ng boses niya tapos sinigawan pa ako.

“Oh,” gulat na sabi ko kunwari pero ang totoo ay alam kung may party ngunit ayoko lamang talaga na pumunta dahil wala akong hilig sa party. Kaya nga inubos ko ang oras ko sa kanya kahapon upang wala siyang mai-reklamo kung sakaling hindi ako pumunta ngayon.

“Argh! Ayan ka na naman e! Sabi ko di ba na pumunta ka!” mataas na yung boses niya at halata mong irita na siya, ay kanina pa pala. “Magagalit talaga ako kapag hindi ka pumunta dito!”

“Kat naman, alam mo namang-“

“Whatever! Basta kapag hindi ka pumunta ay hindi na kita kakausapin!”

Napabugtong-hininga ako nang ibaba niya ang tawag. Wala na rin akong nagawa kundi ang mag-ayos at magbihis upang magtungo sa bahay nila Kat. Hindi ko rin naman siya matitiis. I was with her since we we’re 8 at siya talaga ang tinuturing kung kaibigan, for life.

Sa kabilang village lamang ang bahay nila Kat. Nagmadali agad akong pumunta dahil baka magtampo pa at mas lalong mahirap. Ayoko pa naman na maglambing ng nagtatampo.

Rinig mo agad ang ingay sa labas ng bahay nila. Ang dami ring nakaparadang sasakyan sa labas. Ang dami na namang tao, at ayaw na ayaw ko talaga sa sobrang daming tao. Introvert kasi ako, libro ang madalas kung kasama.

Agad kung hinanap si Kat. Nakita ko naman siya agad kasama ang mga classmates namin nung high school. Magkaiba kasi kami ng course ni Kat. Phramacy ang kinukuha niya pero pareho lang kami ng University.

“Hey, Dei!” kumaway si Patrick sa gawi ko. Isa sa mga ka-close namin ni Kat noong high school. Nanligaw siya sa akin noon pero wala, hanggang friends lang talaga kami.

Ngumiti na lamang ako at lumapit sa kanila upang makipag-kwentuhan dahil minsan ko na lamang sila makita.

“Hmp, akala ko ba hindi ka pupunta?” may tampo pa kunwaring sabi ni Kat.

“Matitiis ba naman kita?” sagot ko na nagpalawak ng kanyang ngiti. Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit.

“Waaah, I love you talaga Dei, so much!” natawa na lamang ako sa kanya.

Nakipag-kwentuhan ako sa mga classmates namin nung highschool habang nage-entertain naman ng bisita si Kat. Sobrang dami nang na-miss namin sa isa’t-isa. Masaya ako na kahit ilang taon na yung lumipas ay wala pa ring nagbago sa samahan namin. High school talaga ang pinakamasayang moment ng buhay ko at siguro lahat tayo. Siguro nga, kung may time machine ay gusto kung balikan yung high school life ko.

Nang wala na kaming mapag-kwentuhan pa ay pumunta na lang ako dun sa chocolate fountain. Kumuha ako ng upuan at nagsimulang isawsaw yung chips sa chocolate fountain. Ganun lang ang ginawa ko sa loob siguro ng limang minuto hanggang sa sumuko na rin ako. Naumay na ako bigla at baka magkasakit pa ako ng diabetis, may lahi pa naman kaming ganun.

Pabalik na sana ako kay Kat nang mapatigil ako sa lalaking yumakap sa akin. Sasapakin ko sana nang makita ko kung sino.

“Ayy, Kuya Miggy naman,” hinampas ko siya nang mahina. “amp ka, akala ko kung sino.”

Kuya Miggy Roquero, only brother of Katherine Roquero. Siya na din ang tumayong Kuya ko simula nung mga bata kami ni Kat. Actually, crush ko siya kaso nakamove-on na ako sa kanya ngayon. Tanggap kung kapatid lamang talaga ang turing niya sa akin.

“Nice to see you again, Dei. How are you? Lalo ka yatang gumaganda.” puri niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Namula ako sa kanyang sinabi.

“Adik, gusto mo lang sabihan na gwapo ka!” natatawang biro ko. “Anyway, I’m fine. Still, breathing. Ikaw?”

“Oh, I’m great well by the way, I’d like you to meet my bestfriend,” lumingon siya sa likod at may tinawag na lalaki.

“Woah,” agad kung nasabi nang masilayan ko ang nakangiting mukha niya. “bestfriend mo to?” hindi makapaniwalang tanong ko. “I mean, kelan pa?”

“Well, 5 years ago when I started working sa company kung nasaan siya.” paliwanag ni Kuya Miggy.

“Ahh,” napatango-tango ko. Sino ba naman ako para makilala lahat ng friends niya? Hindi naman siya ang bestfriend ko kundi ang kapatid niya at mas lalong hindi ko naman siya nakakausap 24/7. Ngayon ko na nga lang siya nakita uli pagkatapos nang araw na iyon.

“Small world, huh?” pang-asar na ngiti ng naturang bestfriend niya. “well, anyway I’m Zivier Gray Bonzon, you can call me yours and I’ll call you mine- ouch!” reklamo niya nang batukan siya ni Kuya Miggy.

“Corny mo tol,” natawa kaming dalawa ni Kuya Miggy habang nag-psh lang yung si Gray at hinila ako palapit. May naalala nga ako sa kanyang pangalan pero malabo naman sigurong maging siya iyon.

“So, let’s continue our love story then?” bulong niya na nagpataas ng balahibo ko. Lumayo ako agad sa kanya kasabay nun ang mala-demonyong tawa niya. Hinampas ko nga ng malakas kaya napa-aray na lang siya.

“Looks like you know each other so iwan ko muna kayo, okay? Ikaw na bahala sa kanya dude,” tinapik niya si Gray sa balikat. “Ingatan mo yan.”

Nalungkot ang kaibuturan ng puso ko. Bakit hindi na lamang siya ang mag-ingat sa akin? Bakit kailangan niya akong ipamigay pa sa iba? Hays, oo nga pala. Move on na ako so nevermind.

“So, ano na?”

“Anong ano na?” mataray kung sagot sa kanya.

“You’re part of my life now.” nakangiting sabi niya.

Sumakit yata ang ulo ko. “Joke lang yun, sinabi ko lamang iyon sa pag-aakala na hindi na kita kailanman makikita pa.”

Malay ko bang makikita ko ulit siya. Kay liit nga naman ng mundo oh. Bakit ko ba nasabi yun? Saka- nevermind na nga!

“Sorry ka na lang, lagi mo ng makikita ang guwapong mukha ko.” nagpa-cute pa siya which I can say na hindi na niya kailangang gawin. I mean, effortless yung pagiging cute niya slash guwapo.

Tinitigan ko nga ulit siya. Pakiramdam ko nga kilala ko na siya dati pa. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at tila natatakot ako sa nararamdaman ko ngayon habang nakatitig ako sa kanya.

“Gonna take the risks with me?” tanong niya ulit.

“I’m thinking.” sinagot ko.

Bakit ba naman kasi nakita ko siya ulit? Kinalimutan ko na nga ang tungkol sa kanya sa pag-aakalang hindi ko na uli siya makikita. Hindi na rin kasi ako tumambay sa Starbucks dahil naging busy ako at hindi naman ako sigurado kung bumalik siya. Binasa niya kaya yung Divergent? Kung oo, well hindi na masama na makilala ko siya at ganun nga talaga siguro. Nakatadhana na makilala ko siya.

“What? Sa guwapo kong to pag-iisipan mo pa?” napangiti ako nang sabihin niya iyon. May naalala na naman kasi ako. Naisip ko rin na baka siya ang taong iyon.

“Lois Dei Mendoza. Nice meeting you, Kuya Ziv.” nag-bow pa ako at inalis kunwari yung imaginary hat ko which makes me weird na hindi naman niya pinansin.

“What the! Kuya!? Amp! Hoy! Ako ang future husband mo tapos kinukuya mo ako!”

Ikinatawa ko ang sinabi niya. May sayad yata siya ngunit nakikita kung nakakatuwa siyang kasama. Clown e, biro lang.

“Future nga di ba? Hindi present Kuya Ziv!” pinag-diinan ko talaga yung salitang Kuya.

“Amp ka! Pasalamat ka at guwapo ako. Di bale na age doesn’t matter. And, I can be your everything naman so it’s okay,” tumango-tango siya. “Kung saan masaya ang Lois Lane este Lois Dei ko ay masaya na ako.”

I laughed again. “Wala na, corny na.” pagbibiro ko na may halong katotohanan.

“Totoo kasi kaya corny.”

“May asawa ka na?” bigla kung tanong.

“Bakit papakasal na ba tayo? Luhh, huwag excited – amp sadista nito!” reklamo niya. Hinampas ko kasi ang kanyang braso. Hindi matinong kausap e.

“Kidding, kahit rape-in mo ako okay lang. Willing ako basta rarape-in din kita. Wala akong asawa-”

“Girlfriend?” tanong ko ulit.

“I have.”

“O, bakit mo ako nilalandi?”

“Ouch! Landi ba tawag mo dito? Amp pag gwapo kala di seryoso. Tsk. Seryoso akong gusto kitang makilala.”

“Hala! Nag-drama!” react kung patawa-tawa. “Hoy, FC ka ha! Close ba tayo?” tinulak ko siya pero di nagpapigil sa pag-akbay sa akin.

“Oo, di mo ba nakikita? Skin to skin nga tayo – o seryoso na huwag kang manghampas, masakit na talaga!” natawa ako sa naging reaksyon niya. Pinigilan ko nga ang aking sarili na kurutin siya sa kanyang pisngi.

“May girlfriend ako kaso ako lang nakaalam ba girlfriend ko siya. Lois nga ang pangalan e,” he laughed. “Ikaw?”

“Duh! Syempre wala, babae ako.”

“Sige, pilosopo pa! Seryoso na nga di ba?”

“Nah, I don’t have.” sagot ko.

Nakita ko ang pag-ngiti niya ng malapad na tila inaasahan na niya ito.

“Great, let’s start our future na, my Lois Dei.”

People are really curious about everything. Curious ako sa lahat ng bagay at mas lalong curious sa katauhan ni mysterious guy na hinihintay ko sa Wattpad. Nang makauwi nga ako mula sa birthday party ni Kat ay nagbukas ako ng Wattpad account.

Nagkaroon uli kasi ako ng curiousity lalo na dahil kay Kuya Ziv. Oo, hindi ko alam ang hitsura ni Grei aa Wattpad pero ang lakas ng instinct ko na nagsasabi na baka posible siya si Kuya Ziv. Wala namang mawawala kung aalamin kaso wala – wala akong napala.

Kung tanungin ko na lang kaya siya? Kaso, malalaman niya na stalker niya ako sa Wattpad at nako po – naalala ko yung mga kalokohang sinasabi ko sa kanya. Nakakahiya! Ugh! Bakit ba kasi sinabi ko iyon?

Pero, malabo rin namang siya. Baka nga nagkakamali lang ang instinct ko. Ewan ko, nakakabaliw hanapin ang taong kahit kailan hindi ko nakita slash nakausap. Hindi ko naman masasabi na ugali niya rin ang mga ugali ng characters niya pero somehow, may posibilidad din. Tulad ko, minsan ka-ugali ko ang mga characters na sinusulat ko.

Paano ko kaya malalaman? Hindi naman siguro sila iisa. Ang galing naman kung iisa sila. Pero paano kung iisa lang sila at malaman niya? Okay, I need to use my detective side para malaman ko. Kung paano ay hindi ko pa alam.

Kainis naman kasi! Sa tuwing pipikit ako at iisipin ko si Grei, mukha ni Kuya Ziv ang nakikita ko. Sabi nila, trust your instinct. Should I?

Tinigilan ko na ang paghahanap kay Grei at sinimulan kung i-stalk si Ziv na Gray ang spelling kaso wala akong napala. Wala din yatang Facebook at Twitter. Hinalungkat ko nga lahat ng followers ni Kuya Miggy pero ni isa ay walang pangalan niya. O baka meron at hindi ko lang alam kung ano. Ayoko namang tanungin si Kat kaya hinayaan ko na lang.

Naging busy na rin kasi ako sa school. Quiz, paperworks, critic paper, book report at kung anong maisipan ng prof ko. Ang sakit sa ulo. Feeling ko susuko na ako anytime pero syempre hindi talaga. Ayokong masayang ang effort ng parents ko kaya kailangan kung mag-aral ng mabuti. Pambawi sa pagod at hirap na dinadanas ng magulang ko magkaroon lang ako ng magandang buhay at makuha ang kursong gusto ko sa kabila ng mahal na tuition fee.

Maaga ang uwian dahil walang prof kanina kaya nagkaroon ako ng chance na tumambay sa Starbucks. Si Rigid na naman ang kumuha ng order ko kaso hindi ko siya masyadong matitigan ngayon dahil nandun yung girlfriend niya. Hindi naman ito yung unang beses na nakita ko yung girlfriend niya at hindi rin ako judgmental pero kasi naiirita ako sa kapal ng make-up niya. Sigurado akong mas maganda pa siya kapag simple lang ang make-up niya. Sa kapal kasi ay nagmumukha na siyang clown, sana maisip niya iyon.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng Insurgent. Balak kung panuorin na ang movie kapag natapos ko na lahat. Magpapa-download na lang ako kay Kat tutal mahilig si Kuya Miggy sa mga movie.

Malapit ko nang matapos ang libro nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Hindi ko na kailangang tingnan dahil kahit tatlong beses pa lamang kami nagkita ay kabisado ko na ang pabango niya.

“Tell me what faction I am?” Bungad niya sa akin. Ngayon ko lang napansin na husky ang boses niya. Tiyak na maganda ang boses niya sa telepono – nakakaantok siguro at ang kalmado pakinggan.

“Why are you asking me? You choose what faction you are. You know, we all have a choice.” I answered.

“Well, I am aware. I am open-minded. I want to be knowledgeable to make choice. I want to be honest with my choice. I want to be happy with my choice. I want to think about other people when I make my choice. Last, I want to be brave to face the consequences of my choice.” There’s a conviction in his voice. Ngumiti pa siya sa akin dahilan ng pagdaloy ng boltahe sa aking tyan.

“Wow, well,”

Okay, naputol yata ang dila ko dun. Expected ko naman na ganun ang sasabihin niya kaso nagulat lang ako. Hindi sa sinabi niya kundi sa naramdaman ko.

“You?”

“What do you think?” Tanong ko na lang.

“To me,” Kuya Ziv stared at me, maybe thinking. “You’re perfect.”

Oh. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Umayos nga ako ng upo para mawala ang kaba sa dibdib ko na hindi ko alam kung saan galing. Iniwasan ko na lang din ang pagtitig sa mata niya dahil para akong ice cream na natutunaw.

“We ain’t perfect.” Sagot ko.

“But atleast to the world I know, you are perfect.”

Tinitigan ko siya sandali para hanapin sa mga mata niya kung seryoso ba siya. Agad ko ring inalis ang titig ko sa kanya. Hindi ko kasi mabasa ang nasa isip niya. Nakakatakot.

“Oh, that’s nice of you to say.”

He laughed. “Syempre, ang guwapo ko kaya.”

“I can’t see the connection between that.”

“Well, it’s okay. You can see naman how handsome I am e.”

“Whatever! Anyway, ano pa lang ginagawa mo dito?” pag-iiba ko.

“Ah! I-I just happened to passed by kasi may dinaanan ako tapos lucky kasi nakita kita. Madalas ka dito?”

I nod. “Yeah, tambayan ko though minsan busy kaya hindi ako dumadaan.”

“Wait, since nandito ka na rin naman and I know mahilig ka sa book. Pwede mo ba akong samahang bumili ng book? And recommend some?”

“Sure.” I said.

I want to share the book I’ve read saka it’s nice to have someone you know who shared same interest with you. Si Kat kasi ay hindi mahilig magbasa at lagi nga ako nung inaaway kapag napupuyat ako kababasa. Well, non-reader would never understand us – readers kapag may time na kahit anong mangyari ay hindi namin bibitiwan yung libro hangga’t hindi kami natatapos. Hayaan na ang eyebags basta ayaw ko talaga ang nabibitin lalo na kapag nasa loob na ako ng libro at sobrang daming tanong na ang nasa utak ko.

Saka chance ko na rin ito para malaman kung siya si Grei, may mga Wattpad books na napa-publish and all I have to do ay tanungin siya about dun hanggang sa madulas or may masabi siyang magiging dahilan para malaman ko na siya iyon.

Kumuha siya ng basket. At sinabi niya sa akin na ituro ko lahat ng magandang libro – top 10 books for me. Top 1 nga sobrang hirap na, top 10 pa kaya? Ang hirap pumili dahil lahat maganda kaya at the end sinabi ko na lahat yung mga authors.

Nagulat nga ako at hinakot niya lahat ng libro ni Nicholas Sparks – paborito ko kasing author si NS at sa kanya ako humuhugot ng emotions, sa story niya. Idol ko siya kaya nga bet na bet ko ang mga tragedy at sad ending at walang libro niya ang hindi ko iniyakan.

“Sure ka na babasahin mo yan?” Tanong ko. Kumuha ko pa uli siya ng libro ni Colleen Hoover tapos yung bagong libro ni Bob Ong na pabaliktad basahin.

“Yes, I will.” Nakangiting sabi niya.

“Wow, that’s a lot of money.” Sabi ko na lang.

“It’s worth it.”

I smiled because I know it is really worth it.

Sinadya kung dalhin siya sa sections ng Wattpad book at kunwari nagtingin ako dun. Nangongolekta ako nito dati, binibili ko yung mga libro ng nabasa ko nang story sa Wattpad tapos pinanuod ko din yung mga naging movie na story lalo na yung She’s Dating the Gangster na dahilan kung bakit minsan ay naging tahanan ko ang Wattpad.

“Alam mo yung Wattpad?” Tanong ko.

“Yep,” sagot niya habang tinitingnan yung mga libro.

“Nagbabasa ka dun?”

“Hindi e. Ikaw ba?”

“Dati nagbabasa ako pero ngayon hindi na. Nagsusulat ka?” Tanong ko uli. Say yes please.

“Nope.”

“Ah,” okay. Dissapointed ako. “Di talaga?”

“Yeah? Bakit?” Tumingin siya sa akin. “Di na ako nagsusulat.”

Na. Meaning nagsusulat siya dati.

“Nagsusulat ka dati?”

“Ha? H-hindi ah. Hindi ako marunong magsulat.”

“Sure ka?” I looked at him. My instinct told me he’s lying.

“Ikaw ba? Nagsusulat ka?” Pag-iiba niya.

“Ah, yeah kaso di na. Di na rin ako madalas dun. May hinihintay lang akong bumalik.” Sagot ko.

“Sino?”

“Si Grei, yung nagsulat ng story ni Skype at Vivi,” napangiti ako nang maalala ko ang mga kalokohan ni Skype. “Curious kasi ako kung guwapo ba talaga siya.”

I smell something fishy with his silence. Nag-ah okay lang siya at bumalik na sa pagtingin nung libro. Hindi ko alam pero malakas talaga ang feeling ko na siya kahit hindi ko alam kung saan galing ang pakiramdam na ito.

“Kung ikaw siya, balik ka na oh.”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16