Chapter 2
ZIV
“Also put a heart,” I added.
Lumingon ako kay Lois na nakatulala sa akin. Masyado kasi akong guwapo kaya naman nawalan na siya ng sasabihin. Ayun, tinitigan na lamang ako.
Napangiti ako. Ang swerte ko naman yata ngayong araw na ito.
Ang totoo nyan ay malayo talaga ang mall na ito sa amin dahil sa Manila pa ako nakatira. Sinadya ko lamang na magpunta ngayon dito. Nagbabakasali na makita ko uli siya gaya nang nakaraang Linggo.
Napadaan lamang ako nang nakaraang Linggo dito dahil galing ako sa kaibigan ko na taga-Pasig. Syempre hindi kami close, obvious naman na feeling close lamang ako. Hindi ko na nga inasahan na makikita ko siya dahil baka naligaw lang din siya dito nung Linggo. Ngunit pagkakataon nga naman at nasa harapan ko siya ngayon.
Totoong hindi ko balak na hingin ang number niya. Natuwa lamang ako na Lois ang pangalan niya kaya sabi ko ililibre ko siya. Ang ganda kasi ng naturang pangalan tapos kasing-ganda pa ng nagmamay-ari. Sabi ko noon kapag nagkaroon ako ng anak ay gusto ko Lois ang pangalan niya. Ngayon, mukhang gusto ko rin na Lois ang pangalan ng babaeng pakakasalan ko lalo na kung itong babaeng nasa harapan ko na hindi ako pinatulog ng isang linggo.
“Uyy, Miss L-O-I-S,” asar ko kunwari habang nakatitig pa rin siya sa akin. Sabi na e, sobrang guwapo ko talaga.
She’s so simple and it makes her more attractive. Hindi niya kailangang mag-make up dahil nangingibabaw na ang ganda niya kahit simpleng t-shirt at pants lamang ang suot niya. She also got brown eyes na ang sarap titigan.
“na naging G-R-E-I ang pangalan. Huwag mo naman akong titigan namg ganyan baka kasi matunaw ako sige ka mababawasan ng guwapo sa earth.” Ngumiti ako ng sobrang tamis.
“May Grei ka sa pangalan?” tanong ko uli. Kung may Grei siya sa pangalan ay ang astig naman. Naalala kung ginamit ko ang pangalan na iyan sa isang site na hindi ko na nabisita pa sa sobrang guwapo este busy ko.
“Anong pangalan mo?” mabilis niyang tanong.
Ang gara lang talaga. Ang ganda kasi ng boses niya. Effortless yung lambing tapos hindi pa pabebe. Isama mo pang ang ganda-ganda niya rin kaya nga bagay na bagay talaga kami.
“Sabi na e, ikaw talaga ang nagnanasa sa akin simula pa na’ng una tayong – ouch naman Lois!” reklamo ko nang ako ay hampasin niya. Ngunit hindi naman masakit, arte ko lang para lambingin niya ako.
“I’m asking your name?” may pagkamataray na sabi niya.
“Excited ka namang makilala ako. Don’t worry papalitan ko rin ang pangalan mo. Soon. Huwag ngayon – ouch eto na seryoso na!” tinaas ko ang dalawang kamay ko.
“I’m Zivier Gray Bonzon, you are?” pakilala ko.
Tiningnan niya lamang ako. Hindi man lamang siya kumurap. Ayun, natulala talaga sa angking ka-guwapuhan ko. Ibang klase talaga ang kamandag ko. Tsk! Ako na talaga!
“Hey,” kumaway ako sa mukha niya. Ang sarap pisilin ng pisngi niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka masapak ako ng wala sa oras. “you’re creeping me out. Kung naga-guwapuhan ka sa akin you can say it naman.”
“Excuse me, Sir, Ma’am eto na yung order niyo.” Singit nung barista. Epal naman nito, may moment pa kami.
“Uyy thanks,” lingon ko sa barista.
Hindi nagsalita si Lois. Kinuha niya ang order niya at dumiretso sa dulong table. Mukhang kanina pa siya nandito at madalas rin siyang tumatambay dito. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya.
Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya yung libro at saka nagbasa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Kahit ilang oras ako dito ay hindi ako magsasawa kung titigan ko siya. Pwede ko na ngang gawing talent ito e.
Inayos ko ang upo ko. Sumandal ako at nakangiting tumitig sa kanya. Nailang siguro siya kaya tumingin siya sa akin.
“What?”
“Wala naman,” I shrugged. “ang guwapo ko kasi.” Tawa ko.
Kumunot ang noo niya. Tila ba may naisip siya na hindi ko alam kung ano. Pinagnanasahan na niya yata ang katawan ko. Sabi ko na nga ba e, ang guwapo ko talaga.
“Teka, ayos ba yang Divergent ha?” tanong ko. “May libro kasi akong ganyan kaso di ko pa nababasa. Trip ko ring panuorin yung movie pero sa tingin mo yung libro ba muna or yung movie?”
“Oh, I suggest na libro muna.” Sagot niya. Mukhang nakuha ko ang kanyang atensyon. Sigurado akong mahilig siyang magbasa at magaling siyang magsulat. Ganun naman iyon, lahat ng magagaling na manunulat ay mahilig magbasa. Trust me, it’s true.
“Mas maganda kasi talaga kapag inuna mo yung libro. Mas malawak yung imagination mo. Kapag kasi napanuod mo na yung movie tapos babasahin mo, yun na lang iyon. Si Tris ay magiging si Shailene Woodly tapos si Four ay si Theo James na lang. Parang Twilight lang, mas guwapo talaga si Edward sa libro. Saka, book is always better than movie.”
“Nice, ang lawak siguro ng imagination mo.”
“Well, I like reading kaya siguro?” She laughed. Sht! Pang-anghel ang tawa niya. Nakaka-inlove ito.
“Teka, mas guwapo ba ako sa imagination mo?”
“Ewan ko,” nagkibit-balikat siya. “anyway, una na ako ha. Basahin mo yung Divergent, then tell me what faction you’re going to choose.”
“Faction? Why?” curious na tanong ko.
“Mr., you read the book.” Lois smiled at me. Okay, alam ko na kung paano ko mapapangiti ang babaeng ito. Kailangan kung magbasa ng maraming libro. I’ll start later.
“Wait!” pigil ko. “What’s your name? Lois or Grei?”
“Kapag nakita ulit kita sa pangatlong pagkakataon. I would take the risks of knowing you,” tumalikod na siya.
“Huh? Wait-”
“Oh no,” lumingon ulit siya sa guwapo kung mukha. “I would take the risks of being part of your life.”
Tuluyan niya akong iniwan dun. Tulala ngunit maya-maya lang ay napangiti na lang din ako.
—
Lois Mendoza
Kulang na lamang ay lumuhod ako at maglupasay sa harap nung barista para lang sabihin niya sa akin ang buong pangalan ni Lois Lane ko este Lois ko. Kung hindi ko lang nalaman na may girlfriend pala siya ay iisipin kung karibal ko siya kay Lois. Mabuti na lamang at dumating yung isang barista dun kaya nalaman ko rin na madalas palang tambay si Lois sa Starbucks dahil malapit lang ng bahay niya doon. Kung saan ay di na nila sinabi, hindi na rin ako namilit dahil baka isipin nila na magnanakaw ako. Ang guwapo ko pa naman para isipin nila iyon. Isa pa, alam kung magkikita kami – sa tamang panahon.
Ngunit wala rin pala akong mapapala kahit alam ko ang buong pangalan niya. Gumawa pa ako ng Facebook account para lang ma-stalk siya ngunit wala naman yata siyang Facebook. Nag-effort akong buksan ang Twitter account ko pero wala rin akong makitang ganung pangalan. Malapit ko na nga ring galugarin ang telephone directory at i-hack ang NSO kapag nawala ako sa katinuan.
Hays, naloko yata ako nung baristang iyon. Mali yata ang sinabi niyang pangalan. Pero sabi rin nung isang barista na mukhang ka-close niya ay iyon ang buong pangalan ni Lois. Tinanong ko nga kung kasama yung Grei pero hindi naman daw. Saan naman kaya niya nakuha ang pangalan na iyon? At tugma pa sa spelling ng username ko, ginamit ko kasi iyon sa isang online writing site. Hindi man halata sa guwapong mukha ko pero nagsusulat ako ng story – kalokohan at pampalipas oras ko lamang iyon dati. Kasi wala akong matinong magawa kaya pinakalat ko ang k-guwapuhan ko online.
Hindi ko na nga lang alam kung anong nangyayari sa site na iyon. Huling alam ko ay nai-publish na iyong mga story dun. Madami nga akong nakikita sa National Book Store, bumili din ako dati ng Wattpad books ng kilala kung author para support sa kanila kahit hindi na nila naririnig ang k-guwapuhan ko. Makabisita nga dun next time, busy ako ngayon. Busy kakahanap kay Lois Lane ko.
Bakit ba kasi hindi niya sinabi sa akin ang kanyang pangalan? Pinaghihirapan pa tuloy akong maghanap ng babaeng iyon.
Bakit ko nga ba hinahanap?
Hindi ko alam. Guwapo kasi ako, period.
De seryoso, curious kasi ako sa kanya. And I felt like I want to know her more. Fck! Corny ko yata ngayon.
Halos tuwing Sunday rin akong pumupunta ng Galleria para hintayin siya sa Starbucks. Hassle kasi sobrang layo nun sa opisina at sa condo ko. Kaso hindi ko na siya nakikita. Ayoko namang itanong dun sa mga barista baka lalong hindi magpunta si Lois kapag nalaman niyang hinihintay ko siya. Lumipas na nga ang isang buwan at hindi ko na ulit siya nakita sa Starbucks. Ayun, nanirahan na lang tuloy siya sa aking isipan ko. Ayaw mawala e. Kabanas talaga!
“Hoy Bonzon,” narinig kung sabi ni Miggy. Miggy Roquero. He’s my friend – closest friend. Nagkakilala lang din kami dito sa work 5 years ago at nag-click kami agad. Pareho kasi kaming guwapo kaya ganun. Pero seryoso, ang friendship hindi dapat dinadaan sa dahil maganda, guwapo, mayaman, mabait or what. Hindi mo masasabi yan kasi kusa na lamang iyan nabubuo. Kahit iyong pinaka- kinamumuhian mong tao sa unang araw ay pwede mong maging pinakamatalik na kaibigan at the end of the day.
“Ano bang hinahanap mo dyan?”
“Not what, who.” Bored na sagot ko. Hindi gumagana ang I.T skills ko kay Lois. Kainis! Mag-iiba na yata ako ng trabaho kapag hindi ko siya nahanap.
“Then, who the hell are you looking for?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. We actually shared one office dahil simula pa naman noon ay siya na ang partner ko at sabay din kaming na-promote so we decided na mag-share na lang ng office.
“Got curious with a girl named, Lois Mendoza.” I answered.
“Why? Do you like her? Chix ba?” mabilis siyang tumingin sa akin sabay balik-tingin sa laptop niya.
“Backoff! She’s mine.” I said, habang nagbro-browse sa Google. Tsk! Epic ni Google, hindi pa siya astig. Bibilib ako kapag nahanap niya si Lois.
Ilang beses ko na ngang sinubukan kaso wala namang match sa pangalan niya. Saan kaya siya nag-aaral? Alam ko nagpo-pop-out yun kapag nakapasa ka sa entrance examination ng University. Wait, di kaya graduate na siya?
“Sus, She’s mine daw e hindi niya nga kilala.”
“Aish! Makikita ko din siya!” I said, hoping.
“You know what, hindi mo siya makikita kasi wala siyang Facebook. At iba ang gamit niyang pangalan sa Twitter dude,” tumawa si Miggy nang pang-asar. Agad akong tumingin sa kanya.
“Don’t tell me you know her?” gulat na tanong ko.
He shrugged. “Try, @deiLoisM dude.”
I did and napamura ako nang malakas sabay batok sa kaibigan ko. “Kupal ka, isang buwan na akong naghahanap sa kanya tapos ngayon mo lang sinabi!” kulang na lang ay sapakin ko siya.
“Calm down, hindi ka naman nagtanong.”
“Aish, how did you know her?” tanong ko habang nag-scroll down. Ngunit wala naman siyang tweets puro re-tweets lang ng quotes ang nababasa ko. Isang picture lang din ang mayroon siya tapos half-face pa.
Ay nak ng pating naman o.
“Bestfriend yan ng kapatid ko,” lumapit siya sa akin. “eto ba siya?” pinakita niya yung picture sa cellphone niya. May kasamang babae yung kapatid niyang si Kat na kahit mahaba ang buhok ay alam kung si Lois yun. Hanggang balikat na kasi ang buhok niya nang makita ko siya na mas lalong napa-highlight sa magandang mukha niya.
“Sht! That’s her.” Siguradong sagot ko. Napamura na nga lang uli ako sa isipan ko. Small world for us, tsk! Hindi ko naman kasi close yung kapatid ni Miggy at di siya sumasama sa amin kaya wala akong masyadong alam sa kanya. Pero, tadhana nga naman.
“Woah, YES! So, I’m going to tell you her blog if you give me 1k.”
“Blog? Is she a writer?”
“Yes, if that is how you called someone who writes novel, poems, haiku, short stories. AB Literature ang course niya.”
“Got a boyfriend?” I asked bago ko ibigay sa kanya ang isanglibo ko. Mamaya may boyfriend na pala. Guwapo lang ako hindi mang-aagaw pero kung magpapaagaw siya. Why not?
“NBSB. Not looking for, also.”
I smirked. “Okay, then I’ll be her first.”
Binigay ko sa kanya ang isanglibo at binuksan na agad ang blog ni Lois. Mabuti na lamang at mabilis ang internet kaya mabilis rin itong nag-load. Masasabi kung matagal na siyang nagsusulat, bukod sa bilang ng followers na mayroon siya ay marami na rin siyang naisulat. I wonder kung member rin siya ng Wattpad. Nabasa na ba niya ang sinulat ko o doon kaya niya nakuha ang Grei? Well, nevermind – Mukhang pagpupuyatan kung basahin ang lahat ng sinulat niya.
Una kung binasa yung latest post.
***
Your Song
By: Dei M.
What is the craziest thing you’ve ever done?
It’s to sing in front of a complete stranger.
I did it, not once, not twice, not thrice. Always. I mean, I loved to sing but in a different way you could think of. I’m a typical girl you would see walking down the streets with her guitar at the back. Or maybe, with earphones singing crazily.
I don’t want to be a singer, I just want to sing. I don’t record songs. I don’t even have Soundcloud to begin with. Like what I’ve said earlier, I just want to sing. I sing on parks, beaches, churches, schools, hallways or everywhere I go.
If I saw a sweet couple sitting together, I would sing them a love song. If I saw a guy or gal sitting alone, maybe heartbroken or just forever alone, well I would sing them a sad song, emo, or senti songs. Then, if they were about to cry I would crazily run away.
I sing for a kid to stop them from crying too. I sing to waste time. I sing to kill my boredom. I sing when I’m alone. I sing whenever I felt like. Also, I sing to put a smile on everyone’s faces as they hear my voice.
But, it was you who made it different. Remember the song I sang the first time I saw you standing at the bus stop waiting for the rain to stop?
Startled, you sing back. And eventually, like the title of the song, everything has changed.
You became the song of my heart. You became the melody of my world.
Every high note that we’ve sang is like going up the roller coaster. I felt the excitement, the happiness, the butterflies in my stomach. And, the fear of falling down.
You know, I have this habit of playing only one song for the whole day. I even have only one song in my playlist that I used to play, on repeat mode every time you’re beside me. Not because, it’s my favorite. Not because, it’s our song. But because, it’s your song. That I’m hoping if I played it forever you would stay.
But I was wrong.
And, if I would to answer the very first sentence I’ve wrote in this story…
It’s to fall in love.
Yes, to fall in love with you is the craziest thing I’ve ever done in my life, dear. You’ve changed my life, not in the way I’d expect it to be. It’s really nice falling for you, happiness is an understatement only if you did not left me hanging as the coaster goes down.
I fall, fell, so hard.
When I woke up, I realized I am the only one singing our songs.
Well, from the very start I’ve been singing alone under the rain while you’re listening to your own song.
***
Hindi ko nagustuhan. Naramdaman ko yung sinulat niya na parang ako talaga iyon. I like the way she writes, feel na feel ko kasi habang binabasa ko. Tagos talaga lalo na at puro sad ending ang sinusulat niya. Nakakabakla mang sabihin pero feeling ko maiiyak ako sa bawat post niya. Heart broken kaya siya? Kahit isang story kasi ay walang happy ending. Hindi ko na nga namalayan na tapos ko nang basahin lahat ng short stories na ginawa niya.
Inalala kung mabuti ang account ko sa tumblr para makapag-comment ako ngunit sa tagal na panahon ay hindi ko na maalala pa. Gumawa ako ng bago at agad na nag-comment.
YourHappyEnding: Wow! I was actually speechless. I’m just going to read one story of yours then I realized I was reading all your stories. I was moved and amazed by how your writing and imagination works. I like it, everything you write. But wait, why always sad? Why not write a happy ending? Saan mo ba hinuhugot lahat yan? Oh well, if you don’t have a happy ending. Wanna have it with me?
Pagkatapos kung i-send yun ay humarap ako kay Miggy nang may sobrang lapad na ngiti.
“I’ve changed my mind, I’ll be her last.”
0 thoughts on “Sincerely, YHE”