Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 1

LOIS

 

Sunday. I don’t have plans for the whole day so I decided to stop by the mall after the mass. Wala naman akong balak bilhin. Gusto ko lamang na magpalamig at mag-liwaliw. Pampawala ng stress, kumbaga. Nakakadugo kasi ng utak ang exam namin kahapon. Mabuti na nga lang at last day na iyon kundi ewan ko na lamang. Kaya naman regalo ko na sa sarili ko ang pumasyal sa mall dahil ilang buwan na rin akong puro aral at tambay sa school.

Una kung pinuntahan ang National Bookstore at agad rin akong lumabas pagkatapos ng ilang minuto. Iiyakan ko lamang kasi ang bawat librong aking magugustuhan dahil walang laman ang aking bulsa. Next month pa ako magkakapera at kulang na ang allowance ko next week. Ayoko namang maglakad mula sa bahay namin hanggang sa school.

Nakalaan na rin ang sobra kong pera para sa frappe at blueberry cheesecake na isang buwan ko ring hinahanap-hanap ngunit hindi ako makabili dahil sa sobrang busy. Isama na rin na mas kailangan kung maglaan ng pera sa gastusin ko sa school.

Naamoy ko agad ang kape pagkapasok ko sa Starbucks. Nakakawala talaga ito ng pagod at stress. Bukod kasi sa amoy ng bagong libro ay gustong-gusto ko rin ang amoy ng mainit at umuusok na kape. Madalas puro 3 in 1 lamang ang kapeng iniinom ko kapag nagpupuyat ako. Ang mahal naman kasi ng kape sa Starbucks kung aaraw-arawin ko.

Ngunit sa ngayon frappe ang gusto ko. Isang table na lamang ang bakante pagkapasok ko sa loob. Balak kung tumambay dito kung sakaling hindi pa puno at nagkataon naman na swerte ako ngayon. Kadalasan kasi ay okupado na ang mga table lalo na kapag Linggo.

Dumiretso na ako sa counter. Hinanap ko ang kaibigan kung barista na si Elise ngunit hindi yata siya naka-duty ngayon. Halos tambayan ko na ang lugar na ito lalo na ang Starbucks dahil walking distance lamang ang bahay namin mula rito. Kaya nga kilala na ako ng mga barista dito at kung minsan ay magte-text na lamang ako sa kanila upang ibakante nila ang isang table kung sakaling tatambay ako dito para mag-aral o magpalipas-oras.

“Hi,” lumiit ang mga mata ng baristang nasa harapan ko nang ngitian niya ako. Sa alala ko ay nang nakaraang taon lamang siya naging barista dito. Pinalitan niya yung isa pang ka-close kung barista na nasa ibang coffee shop na ngayon.

Sa katunayan, isa siya sa mga dahilan kung bakit mas lalo kung nagustuhan ang pagtambay dito. Napaka-ganda kasi ng mga mata niya na liliit sa tuwing ngi-ngiti siya. At kapag tinitigan ko siya ay talagang napapangiti ako ng walang dahilan.

Binalik ko ang ngiting binigay niya saka ko sinabi ang aking order.

“Write Lois.” Dagdag ko. “L-O-I-S.” Spell ko sa aking pangalan sapagkat madalas ay mali ang pagkakasulat nila rito. Ngunit sa tagal ko nang tumatambay dito ay malamang na alam na niya ang pangalan ko gaya ng alam kung Rigid ang pangalan niya.

Iaabot ko na sana ang hawak kung pera nang may sumingit na lalaki. Hindi ko naman balak pagtuunan ang naturang lalaki kung hindi ko narinig ang kanyang sinabi.

“I’ll pay for Miss Lois, L-O-I-S,”

Nakuha niya ang aking atensyon at siguro pati na rin ang mga tao sa loob ng shop. Hindi lamang dahil sa sinabi niya ang pangalan ko at nag-presenta siyang babayaran ang aking order kundi dahil guwapo ito. Isang inch lamang ang layo niya sa akin kaya naman amoy na amoy ko rin ang mabangong pabango niya.

Pinakatitigan ko siyang mabuti mula ulo hanggang paa. Nakasuot lamang siya ng t-shirt na blue, pants at converse. Gulo-gulo pa ang buhok niya na mukhang hinangin sa labas o sadyang sinadya lamang niya ito. Ganumpaman, umaapaw talaga ito sa sex appeal na tipong lilingon ka kapag dumaan siya.

Hindi ko siya kilala. Sigurado akong sa 19 years na pananatili ko sa mundo ay ngayon ko lamang siya nakita. Ngunit, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang tingnan ko siya sa kanyang mga mata.

“Just write Superman on my cup.” Idinagdag niya.

“Hmm, okay.” Narinig kung sabi ni Rigid.

Nakatingin lamang ako sa kanya. Iniisip kung tatanggi ba ako o hindi? Sakto tumingin siya sa akin, bigla na lamang akong nailang dahil sa kanyang mga mata. Walang espesyal sa kanyang itim na mga mata. Hindi siya chinito gaya ng tipo ko ngunit tila tinutunaw ka nito. Yung bang nakangiti ito sa iyo.

“Hey, Miss Lois,” pumitik siya sa tapat ng tulala kung mukha kaya natauhan ako. Muntik na nga akong sumigaw sa gulat. Mabuti na lamang at napigilan ko. Tumikhim ako at umayos ng tayo.

“Mr, whoever you are. Here,” inabot ko sa kanya yung hawak kung pera. “I can pay, no need to pay for me.” medyo mataray na sabi ko. Ayoko kasing isipin niya na porket guwapo siya ay papayag na akong ilibre niya ako.

Tapos ano? Makikipagkilala siya, makikipagpalitan ng number. Manliligaw, magiging kami, magbre-break. Hays, nabasa ko na yan. Nakita ko na yan at naisulat ko na yan. Ganun naman di ba?

“Look, kung akala mo makukuha mo ako sa paglibre mo ay nagkakamali ka, okay?” tinaasan ko siya ng kilay. “If makikipagkilala ka after nun or kukunin mo number ko kapalit ng coffee sorry pero kahit guwapo ka ay huwag na lang.”

Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa aking sinabi dahil tumawa siya. Tumingin tuloy ang lahat sa amin at kung close lang kami malamang na sinapak ko na siya.

“Why are you laughing? Did I say something funny?” iritang sabi ko. Nakakainis kasi na seryoso ka tapos bigla kang tatawanan.

“Miss Lois, L-O-I-S, thank you pero alam kung matagal na akong guwapo,” proud na sabi niya. Napabuga ako ng hangin. E ang yabang pala ng kupal na ito.

“And yes, I want to get your number and to know you more but then again the story will go like this,” sinamahan niya ng hand gesture iyon at umayos ng tayo na para bang magkwe-kwento siya.

“Magiging mag-kaibigan tayo, liligawan kita, sasagutin mo ako, magiging tayo, magbre-break tayo. Right?”

“You got it right.” bilib na sabi ko sapagkat iyon rin ang aking naisip.

“So, I will not get your number. Huwag assuming,” tumawa siya nang pang-asar at hindi ko napigilan ang sarili ko na hampasin siya.

“Oops, di pa tayo close,” tumawa ulit siya nang ako ay umirap. “next time na lang my Lois Lane,” kumindat siya. “for now, have a nice day!”

Lumabas siya dala ang kanyang order at naiwan akong may hindi makapaniwalang ngiti sa labi.

By any chance, have you felt like you know someone even if it’s the first time you’ve ever met?

 

Back to school, tapos na ang exam pero ang dami namang paperworks. Sobrang dami rin ng readings na kailangang iphoto-copy para sa lahat ng subjects namin. Naubos na naman ang barya ko sa wallet at mukhang kukulangin na naman ang allowance ko. Samantalang, isang linggo pa lamang simula nang makuha ko ito.

Nagpagpasyahan ko na mag-stay sa Starbucks bago magsimba. Binili ko na rin ang librong nagustuhan ko nang huling dalaw ko sa National Book Store kahit na hindi ko pa naman ito mababasa. Sobrang dami pang nakatambak na libro sa bahay na hindi ko nabubuklat. At kailangan ko pang tapusin yung isang libro para sa book report ko.

Um-order ako ng kape at saka nagsimulang magbasa dun sa gilid, iyong madalas kung upuan. Puno na naman ang Starbucks at swerte ko talagang may table pa. Ayoko kasing magbasa sa bahay.

Ako lamang mag-isa doon na wala namang pinagbago. Nasa ibang bansa ang Daddy ko. Nagta-trabaho siya doon bilang inhinyero. Samantalang ang Mommy ko naman ay nasa probinsya namin upang asikasuhin ang aming farm. Ako lamang ang nandito at sa tuwing bakasyon ay umuuwi ako sa amin.

Dala ko ang aking laptop at naalala kung kailangan ko pang gumawa ng critic paper para sa isang subject namin sa Literature. Tinigil ko na muna ang pagbabasa at sinimulan ito ngunit wala akong mabuong mga salita kaya napagpasyahan kung buksan ang aking account sa social media tutal dala ko ang aking pocket wifi.

Wala akong Facebook, deactivated. Hindi rin kasi ako active dun kaya useless lamang. May Twitter ako na puro re-tweets lamang at ginagamit ko kung sakaling may sasabihin ako sa mga blockmates o kaibigan ko, vice versa. Instagram ay mayroon din naman ako kaso pang-stalk ko lamang sa mga celebrity na crush ko. Hindi ko nga alam kung bakit fino-follow pa nila ako dun kung wala namang laman iyon, ay mayroon pala kaso hindi ko mukha.

Ako kasi yung taong hindi mahilig sa ganyan. Ang tanging lugar lamang na active ako ay ang aking blog. Bago pa man iyon maging requirement sa kurso kung AB Literature ay mayroon na ako. Mahilig akong magbasa at magsulat. Isinusulat ko lahat. Yung bagay na gusto kung mangyari, mabasa o kahit ang mga panaginip ko. Basta lahat, period.

Matapos kung dalawin ang blog ko ay naisipan kung buksan ang aking Wattpad account. Isang taon na rin simula nang huling dalaw ko rito. Bukod sa wala akong time magbukas ay natapos ko na lahat ng aking storya roon at wala akong balak na magsulat ulit.

Ang tanging dahilan lang kung bakit ako bumabalik sa naturang site ay dahil sa isang lalaking manunulat. Pagbukas ko ng aking profile ay tumambad sa akin ang bagong lay-out ni Wattpad. Tunay ngang walang permanteng bagay sa mundo. Ang dating simpleng Wattpad ay moderno na ngayon tulad ng lay-out ni Twitter at Facebook. Hindi ko ipagkakailang naninibago ako at mas gusto ko ang luma. Kumbaga noon, chill lang si Wattpad. Ngunit ganyan talaga kailangan nating sumabay sa pagbabago dahil maiiwan tayo.

Kinailangan ko pang maging pamilyar ng ilang minuto bago ko nakuha ang bagong lay-out ni Wattpad. Maraming naiba, nawala, nagbago pero kahit ganun mahal ko pa rin si Wattpad.

Sapagkat sa site na ito una kung nakilala ang isang lalaking manunulat. Binisita ko ang kanyang profile at tulad nang nakaraang taon ay ganun pa rin. Hindi pa rin siya bumabalik at malabo na nga sigurong bumalik pa. Nag-scroll down lang ako, hindi lang ako ang fangirl niya dahil karamihan ng mga Wattpaders noon ay hinihintay siya at ang bago niyang story.

Hindi ko alam kung guwapo talaga siya gaya ng kanyang palaging sinasabi. Kahit kailan ay hindi ko siya nakausap. Isa lamang akong silent reader niya na never nag-comment sa storya niya. Ngunit ewan ko rin, nagustuhan ko talaga siya. Ang storya niya ang nagpapasaya sa akin tuwing malungkot ako. Hindi nakakasawang basahin ng paulit-ulit dahil tatawa ka rin ng paulit-ulit kahit alam mo na ang susunod na mangyayari.

Iba rin kasi ang banat niya at nakakairita man siguro minsan pero napapangiti talaga ako tuwing mababasa ko yung salitang ‘guwapo’ sa storya niya, sa Author’s note o kaya sa Message Board niya. Nakaka-miss rin ang pagka-wholesome niya. Nakakamiss siyang tunay.

Hinihiling ko nga palagi sa tuwing naiisip ko siya na kahit magsulat lang siya ng isang story o kaya sagutin lamang niya ang mensahe ko. Kung hindi naman, sana makita ko siya sa personal para magpa-picture. Gusto ko lang malaman kung guwapo talaga siya. Hays, hindi man lang kasi nag-iwan ng picture. Sobrang curiousity ang iniwan niya sa akin.

Pinindot ko yung tab na may nakasulat na message. Heto na naman ako, magty-type ng message para sa taong hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung nababasa niya ang mensahe ko pero kahit ganun ay nagsusulat pa rin ako. Wala namang mawawala kung kukulitin ko siya dahil hindi naman niya ako kilala. Saka baka ma-reply siya kapag nainis siya sa kakulitan at paulit-ulit na mensahe ko.

Sinara ko na ang aking laptop matapos kung ma-send yung mensahe ko at bumalik na ako sa pagbabasa. Naubos ko na yung kape ko kaya tumayo uli ako upang um-order. Si Rigid ang nandun. Kung wala lamang siguro siyang girlfriend ay nilandi ko na siya.

Joke lamang, hindi ako malandi. Sa katunayan ay hanggang crush lamang ako at wala pa akong nagiging boyfriend. Hinihintay ko kasi na lumitaw sa harapan ko yung lalaking wattpader at yayain akong magpakasal. Natawa na lamang ako sa aking isipan. Sana nga, posible ang bagay na iyon ngunit alam kung kasing-labo iyon ng pagputi ng uwak.

“Grei, G-R-E-I,” spell ko ulit sa bagong pangalan na pinalagay ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rigid sa aking sinabi. Bubuka pa lamang ang kanyang bibig nang may magsalita ulit.

“I’ll pay for her, just write Ziv on my cup,” agad akong napalingon sa sumunod niyang sinabi. “Also put a heart.”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16