Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 13

LOIS

 

“C’mon, talk to him. Okay? It’s now or never,” Hinila ako ni Kat papasok ng Starbucks.

I told her my stupidity. Sobrang nainis siya na kulang na lang ay sabunutan niya ako. Imbes na umuwi na ay hinila niya ako papasok sa Starbucks para kausapin si Kuya Ziv. Sinabi ko ngang sa ibang araw na lang dahil tumawag si Mommy. May nag-text na daw sa kanya na interested sa bahay namin. Kakapaskil ko pa nga lang nung house for sale kahapon at hindi ko pa nalilipat yung ibang gamit ko. Balak ko ngang dun muna matulog ngayon gaya ng sabi ko ngunit depende na rin sa kung anong mangyayari ngayon.

“Ay, kasi naman! Wala na tuloy siya!” Iritang sabi niya pagkatapak namin sa loob. Tumabi ako dun sa gilid para padaanin yung babaeng may dalang laptop. Dumiretso naman si Kat sa counter para kausapin si Rigid. Paglapit ko sa kanila ay saka ko lang napansin ang tugtog.

Chasing Cars. Sa dami ba naman ng tugtog ay iyon pa. Nasabi ko kasi noon kay Rigid na mag-download siya ng kantang Chasing Cars para mapakinggan ko naman. Hindi ko naman akalain na sa lahat ng araw ay maririnig ko iyan ngayon. Matapos kung makita si Kuya Ziv.

“Hey! Ate Lois Dei!” Lumingon kami kay Hannah. “Dito kayo! Ay, sorry I’m tatahimik na talaga. Hihi.”

May bakanteng table sa tabi niya dahil umalis na yung nakaupong babae kaya dun na lang kami dumiretso.

“Hello, you’re Kuya Miggy’s sister di ba?” Tanong niya kay Kat.

Tumango si Kat. “Ah wait, nasaan si Kuya Zivier?”

“Oh, pinuntahan niya yung the girl he’ll marry eh.”

Natahimik ako. Tumingin agad sa akin si Kat. Malamang gusto niya na akong sapakin sa katangahan ko.

“Really? Ikakasal na siya?”

“Yeah, hope so. If the girl said yes of course. I am so excited na nga e. They’re so bagay kasi. Hihi!”

Ngumiti na lang ako kay Kat. Sabi na e, late na ako.

“Anyway, Kuya Abo will be here in a minute na. Wait niyo so that you’ll see the girl.”

“Oh, really? Nako, next time na lang yata kasi -”

“No, it’s okay. I want to have some coffee pa,” I told Kat at sinabi ko kay Rigid na gusto ko ng frappe.

Nag-aalang tumingin siya sa akin. Ngumiti na lang uli ako. I need to face the consequences of my choice nga di ba? Gusto ko ring makita ang babaeng pakakasalan ni Kuya Ziv. Tapos magmo-move on na talaga ako.

“Okay wait, I’ll call him lang.”

Nanahimik na lang kaming dalawa ni Kat. Ayokong magsalita. Ayokong mag-isip kaya kumain lang ako ng kumain. Nakatatlong blueberry cheesecake na ako nang tumayo si Hannah sa upuan niya at nilapitan yung babaeng may dalang laptop kanina, kasama yata nito ang boyfriend niya. Nasa tapat siya ng pintuan kaya lumingon pa ako sa kanila.

“Ate, can I borrow your laptop please? Just a minute I need to do something really important!” Tumingin ang lahat ng nandun sa kanya. “Please, please Ate! You’ll be a great help!” Narinig kung sabi niya.

Binalik ko ang tingin ko dun sa table. Narinig kung nag-okay yung babae.

“Yey! Thanks Ate! Really, I hope you have your happy ending with your boyfriend, yieee!”

Hindi ko na narinig yung sinagot ng babae dahil sa sigaw ni Lois Dei. Kung di lang mabait ang mga taong nandito ngayon ay malamang pinagalitan na siya.

“Ate Lois Dei!” Pinatong niya yung laptop sa table ko. “Open your Wattpad account please!”

“Huh?” Napanganga ako. Paano nalaman ng babaeng ito na may Wattpad account ako? Sinabi ba ni Kuya Ziv sa kanya?

“Sige na please! I want to show you something kaso I don’t have an account and it’ll be hassle if you’ll make me pa. Just a minute lang naman please!” She plead.

Nagdalawang isip ako. Matagal ko nang hindi nabubuksan ang account ko. Huling bukas ko dito ay three years ago pa. Ngunit pumayag na rin ako. Marami na rin nga akong na-miss sa Wattpad. Sa totoo lang nakalimutan ko na rin ito kung hindi niya sinabi.

Apat na try ang ginawa ko dahil hindi ko maalala ang password ko hanggang sa mabuksan ko na rin ito. Bagong lay-out na naman ang bumungad sa akin. At nakita kung sabog sa notification at inbox ang account ko.

“Teka, uhm open your inbox dali!” Sabi niyang nakatingin sa phone niya sabay tago din dito. “Dali!”

I followed her, giving Kat a I don’t know look. Pinindot ko yung inbox at connection error.

“Nawala yung internet.” Sabi ko.

“Uhm, na-lowbat yung pocket wifi ko.” Sabi nung girl.

“Omg! No!” Nagpa-panic na sabi niya. “You need to see it!”

“Chill!” Rigid said. “And be quiet kasi nakatingin na silang lahat sayo. And, there’s a wifi here. Put the password Dei,” utos niya.

I did. Nag-loading uli hanggang sa makita ko ang mga mensahe. Hindi ko naman papansin pero omg!

Natulala ako. 10 minutes ago lang yung message kaya ibig sabihin baka online pa si Grei. Binuksan ko agad yung message. After ilang years ay sa wakas, maiiyak yata ako.

“Huh?” Agad kung nasabi nang mabasa ko ang message.

“Bakit?” Tanong ni Kat. Pinabasa ko sa kanya ang message ni Grei.

Grei:

If I just lay here, would you lie with me and just forget the world?

Binigay ko ang atensyon ko sa tugtog. Hindi pa rin napapalitan ang Chasing Cars.

“Hey, Grei is typing. Look!” Turo ni Hannah. I waited for a second.

Grei:

Babalik na ang guwapo! Huwag kang aalis sa kinauupuan mo kung gusto mong makita kung gaano ako ka-guwapo!

Naiwan sa ere ang bibig ko. Pumikit ako dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nanatili lamang nakaharap ang likod ko roon. Nang idilat ko ang mata ko ay ang monitor agad ang hinanap ko. Hindi ko pinansin si Kat habang tinuturo niya ang kung sinumang nasa likuran ko.

Ilang segundo ay may lumabas uli na mensahe.

Grei:

Look back and meet your handsome happy ending!

Hindi nawala ang mabilis na tibok ng puso ko at mukhang nadagdagan pa. Nakukuryente ako. May maliliit na boltahe sa aking paligid. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tiningnan ang taong nakakuha ng atensyon nilang lahat.

“So ano, ang guwapo ko talaga nu?”

Natulala ako. “Kuya Ziv?”

“No, it’s Grei, your happy ending Lois Dei,” kumindat siya.

Saglit na nag-loading hanggang sa tumayo ako at lumapit sa kanya. Buong lakas ko siyang hinampas. Sabi ko na nga ba, tama ako! Hinampas ko siya nang hinampas at hinayaan niya lang ako. Pinanuod lang din ako ng mga tao sa loob.

“Nakakainis ka!” Naiiyak kung sabi. “K-kainis!”

“Hey, teka-” hinawakan niya ang dalawang kamay ko para pigilan ako sa paghampas. Napayuko na lang ako.

“Bakit umiiyak ang Lois Dei ko?” Yumuko siya para makita ang mukha ko. Iniwas ko ito.

“I-kaw kasi! Nakakainis ka! Hindi mo sinabi!” Pinunasan ko na rin ang luha ko. Natanto kung ang drama ko na at walang kwenta yung luha ko.

“Sorry.” Sabay naming sabi.

Kuya Ziv laughed. “Na-miss kita!” Kinulong niya ako sa mga bisig niya.

“Na-miss din kita.” Hinigpitan ko ang yakap ko nang ibulong ko iyon. Pinikit ko ang mata ko at dinama ang yakap niya. Kunwari wala akong naririnig. Kunwari hindi sila nang-aasar sa pangunguna ni Hannah, Kat at Rigid. Kunwari kami lang dalawa.

“Pero wait,” sabi ko nang may maalala. “May girlfriend ka na di ba?”

“Huh?”

“Don’t lie. Sabi ni Hannah, you went to see the girl you’ll marry so basically may girlfriend ka na nga!”

Tumingin siya kay Hannah tapos sa akin uli. “Aish! Ang daldal talaga ni Hannah.”

“So, totoo nga?”

“Wala akong girlfriend pero totoo na pupuntahan ko ang babaeng pakakasalan ko.”

“E di puntahan mo na!”

Tumingin siya sa akin at saka tumawa.

“Oo na, eto na oh, iiyak na kasi siya kaya luluhod na ako, eto na po Lois Dei,” lumuhod siya. “So please huwag mo akong tanggihan, ayokong mapahiya sa kanila at saka ang guwapo ko kaya.”

I started to laugh with tears falling.

“Hala! Uyy, why are you crying? Ang guwapo kaya ng pakakasalan mo.”

“Kasal agad? Di ka pa nanliligaw at hindi pa nagiging tayo.” Irap ko kunwari.

“Well, that’s your punishment for being stupid! You just wasted three years Lois Dei,” he eyed me. “And, I can court you naman while you’re wearing this ring. But let’s get married as soon as sagutin mo na ako ha.”

I chuckled. “Uhm, I think I like that.”

“So, Miss Lois Dei Mendoza soon-to-be Mrs.Bonzon. If I just lay here, would you lay with me and just forget the world?”

“Ayoko nga! Ang dumi kaya sa sahig!” Narinig ko ang pagtawa nila.

“Aish! Sinisira mo naman ang moment ko. O sige na, seryoso na,” tumikhim siya. Huminga ng malalim bago uli tumingin sa mga mata ko.

“You were never a factionless for you are genetically pure, sige Divergent pa more tayo,” we both laughed. “You’re perfect to the world I know. I’ve chosen you to be my happy ending, will you be my happy ending?”

Ngumiti ako. “Yes, I will be your happy ending Mr. Grei.” Naramdaman ko ang singsing sa aking daliri. Narinig ko ang palakpakan at hiyawan nila nang tumayo si Ziv upang yakapin ako. Nang-asar pa sila ng kiss.

“I love you, for some odd reason,” bulong niya.

“I love you too, for some odd reason.”

“Pwede ba kitang halikan?”

“Alam mo ba na may first kiss na tayo?” Bulong ko sa kanya.

“Huh? Kelan?” Humiwalay siya at tumingin sa akin. “Ni-rape mo ba ako nang hindi ko alam?”

“Indirect lang. Naalala mo yung toothbrush? Alam ko namang ginamit mo yun e.”

“Wait! Sayo talaga iyon?”

Tumango ako.

“Sht! Akala ko talaga panlinis yun ng sapatos!”

Natawa na lang uli kami.

“Anyway, pwede bang first real kiss na?”

“Ay nako, nagtatanong ka pa. Kiss mo na agad!” Rigid said.

“Aish! Huwag kang magulo! Moment ng guwapo to!” They laughed.

Nakita ko ang sarili ko sa mga mata niya. Bumaba ito sa aking mga labi hanggang sa dahan-dahan siyang lumapit.

Ngumiti ako ng ubod tamis at saka ko pinitik ang adam’s apple niya. Napakagat-labi siya sa ginawa ko.

“Ang guwapo mo talaga Grei!” Mabilis na hinalikan ko siya sa labi at saka tumawa ng malakas.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16