Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 11

LOIS

 

Nakakatuwang isipin na may mga taong sandali lang naging parte ng buhay mo pero nang mawala sila ay pakiramdam mo buong pagkatao mo ang dinala nila.

Hindi ko na nakita si Kuya Ziv. Alam ko pagkatapos nang araw na iyon ay pumunta na siya sa ibang bansa kasama si Kuya Miggy. Sinabi ko na rin ang lahat kay Kat, wala naman akong naittago sa kanya. Alam kung alam din ni Kat kung saang parte ng mundo, kung ano ang telepono, address o e-mail ni Kuya Ziv. Hinihintay lang niya na tanungin ko pero hindi ko ginawa, para saan pa? Tapos na. Wala na akong magagawa. Pinli ko ito kaya dapat panindigan ko. Hangad ko lang na maging masaya siya kung nasaan man siya.

Bumalik sa normal ang buhay ko. Walang guwapong biglang lilitaw o tatawag sa akin para kulitin ako. Walang delivery ng pizza at kape kapag hell week ko.

Walang Ziv sa buhay ko.

Mahirap siyang kalimutan. Paano mo nga ba kakalimutan ang isang tao kung bawat lugar na puntahan mo ay may alaala niya. Pati ang farm namin. Hindi ako umuwi nung Pasko at nagdahilan na busy ako sa thesis ko. Totoo naman pero ang pinaka-totoong dahilan ay ayokong makita ang farm – bawat sulok ng farm ay may bakas niya.

Si Mommy ang pumunta sa bahay – na may alala rin niya. Soon, ibebenta ko na rin ang bahay na ito. Hinanap nga ni Mommy si Kuya Ziv at sinabi ko na lang na biglaang umalis ng bansa dahil sa trabaho. Nang magtanong kung may number daw ako para makamusta niya ay wala akong maisagot. Ano ba ang dapat kung isagot?

Bumukas ang Bagong Taon pero ang isip at puso ko naiwan pa rin. Ginawa kung busy ang sarili ko sa school. Thesis – OJT – Thesis – OJT at kung ano-ano pa huwag lang akong makapag-isip. Pero kahit gaano pa ako kabusy ay nami-miss ko siya. Nami-miss kung pakinggan ang salitang guwapo na kung tutuusin ay kinaiinisan ko noon.

Mas lalo ko siyang na-miss nang ipalabas sa sinehan ang Allegiant. Gusto kung manuod. Niyaya ako ni Kat dahil alam niyang paborito ko ito at kahit na alam kung ayaw niya. Tinanggihan ko siya gaya nang tinanggihan ko si Rigid. Sinabi ko na lang na ang girlfriend na lang niya ang yayain niya tutal nagkabalikan na sila.

At isang tao lang din ang gusto kung makasama sa panunuod ng Allegiant.

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa wakas ay graduate na ako. gusto ko sanang makita niya akong umakyat sa stage pero malabo naman iyon.

Masaya ako na umuwi na ang Daddy ko pero mas sasaya ako kung makikita ko siya kahit isang beses lang. Isang lugar na nga lang ang malinaw ko siyang nakikita dahil wala naman akong picture niya. Pinipikit ko na lang ang mata ko para makita siya. Mas guwapo nga siya sa imagination ko pero mas gusto ko iyong totoo. Iyong nahahawakan at nakakausap ko.

Nagsimula akong mag-trabaho sa isang publishing company bilang editor habang nag-aaral ako ng Masters. Si Daddy ay kasama na ni Mommy para patakbuhin ang farm. Paminsan-minsan ay umuuwi na rin ako sa amin upang magbakasyon at tulungan sila. Ngunit madalas ay nandito ako sa Manila para mag-trabaho.

Kumuha ako ng condo malapit sa office kaya di malayong ibenta ko na rin ang bahay namin. Umuuwi lamang ako dun kung sakaling pupunta ako kila Kat o tatambay ako sa Galleria. Syempre, kahit ang dami ko nang napapasyalang lugar, old habits don’t die. Still, Galleria pa rin ang paboritong place ko. Nandun pa rin si Rigid at siya na nga ang manager dun.

Masyado na akong nagiging busy kaya naman hindi ko namalayan na unti-unti lang naman ay nakakalimutan ko na hindi pala ako okay. Hindi pa rin ako masaya.

May choice naman akong maging masaya. Sa katunayan ay maraming lalaki ang sumusubok na ligawan ako. Marami akong nakikilalang mga lalaki na pwede kung pagtuunan ng pansin. Ngunit gaya ng sabi ko, may choice tayo. Pinili kung mag-focus na lang sa trabaho.

Sa ngayon din siguro ay pipiliin kung kalimutan na siya. Hindi ganun kadali pero hahakbang na ako sa unang step. Panigurado namang nakalimutan na rin niya ako sa paglipas ng panahon.

Nakaupo lang ako sa table ko. Nag-iisip ng gagawin dahil tapos na ako at hindi ko pa gustong umuwi. Nakakatuwa ngang isipin na noon gusto ko mag-isa lang ako ngunit ngayon ay gusto ko napapalibutan ako ng mga tao. Tunay ngang nagbabago ang tao.

Naisip ko na lang na magsulat sa aking blog. Tatlong taon na simula nang huling bisita ko dito. Dati, nagsusulat ako kasi gusto ko lang. Trip ko lang, wala akong magawa. Pero ngayon, I write because I want to remember things I don’t want to forget. I write because I want to forget the things I once had and love to. Lastly, I want to truly voice out my heart.

 

An Open Letter to Mr. Zivier Gray Bonzon

            Hi…

I typed.

 

Niyaya ako ni Kat na mamasyal. Sinamahan ko na siya. Minsan na nga lang kasi kami mag-bonding dahil parehong busy. Night shift siya kaya sa araw ay tulog siya tapos ako naman ay may trabaho. Sa Galleria na lang kami nagpunta para mas malapit sa kanila. Uuwi na lang ako sa bahay para na rin makuha ko yung ibang gamit at libro ko dun.

Naglaro kami sa Tom’s World at kumanta sa videoke kahit pareho kaming sintunado. Kami lang naman ang nakakarinig sa loob. Pagkatapos ay nagfoodtrip kami.

Nang mapagod na kami kakakain ay nagpasya siyang mag-shopping na. Wala na akong bibilhin na damit dahil bumili na ako nung off ko last week. Sakto sweldo din. Ngayon, nag-leave lang ako para masamahan siya.

“Kat, dun na muna ako sa National Book Store. Please? Text mo na lang ako kapag tapos ka na.”

“Hay nako, sinamahan mo pa ako.” irap niya.

“Hehe! Sige na!”

“Okay sige na sige na. Kita na lang tayo sa DQ ha. Tapos puntahan na natin si Rigid.”

“Sure, after an hour ha.”

Naghiwalay na kami. Dumiretso ako sa bookstore sa may ibaba para mamili ng libro. Natapos ko na kasing basahin yung binili ko nang nakaraang buwan. Nakita ko rin sa internet na maraming bagong labas na libro.

Nakatingin ako sa bookstore habang pababa ng escalator. Wala namang masyadong tao. Pilit ko ngang tinitingnan yung center table habang pababa ako. Hindi ko tuloy napansin ang nasa harapan ko. Kumalat ang mga dala nung babae nang magkabungguan kami.

“Sorry!” sabi ko agad at pinulot yung mga gamit niya. Una ay iyong notebook tapos iyong mga lapis na nagkalat. “Hala! Sorry uli,” inabot ko sa kanya yung mga pinulot ko.

“Omg!” muntik na akong mapatalon sa boses niya. “I know you!”

“Huh?”

“Yes! I know you! I know you!” nag-aja pose siya tapos pinagtitinginan tuloy kami nang mga dumaraan.

“Huh?” nasabi ko uli. Tinitingan ko siyang mabuti at inalala kung saan ko nga ba uli siya nakita. Blonde ang kulay ng buhok niya, magka-sintangkad lang kami. Ngunit mas makinis at maputi siya sa akin dahil laking America – halata rin sa kanyang accent.

Nawala agad ang ngiti sa labi ko nang maalala kung saan ko siya unang nakita.

“You’re Ate Lois Dei, di ba? Di ba?” kulang na lang ay lumabas ang mga heart sa kanyang mga mata. Sa tiyantya ko ay mas bata siya sa akin ng ilang taon.

“Yes! Yes, I’m right! I’m so magaling talaga. Hihi!”

“Uhm, how did you know me?”

“Oh, you have a lot of picture sa phne ni Kuya Abo. As in a lot! And finally I saw you in person na! Grabe you’re really beautiful talaga like me. Hihi.”

“Kuya Abo?” I asked.

“Ah! Kuya Zivier. Don’t tell me you don’t know him? Zivier Gray Bonzon.”

“Oh.” yun lang ang nasabi ko. Like what I thought may connection nga silang dalawa.

“And, I’m Hannah. I’m his closest slash beautiful cousin!” pakilala niya.

Cousin?

“Cousin mo siya?”

“Yeah, why?”

Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko alam kung maglulupasay ako sa sahig o tatawanan ko ang sarili ko. Napakatanga ko nga talaga. Cousin? Pinsan niya? Gosh! Kulang na lang sapakin ko ang sarili ko ngayon sa harapan niya.

Sinayang ko ang tatlong taon. Napuno na naman ang isip ko nang maraming what-ifs. Buong pag-aakala ko ay girlfriend ni Kuya Ziv ang babaeng ito. Nakita ko sila nang araw bumalik ako dito. Nang araw na huli kung nakita si Kuya Ziv.

Sinabihan niya ito ng I love you, hinalikan pa niya ito sa pisngi. Oo, hindi sa labi pero kasi sobrang close nila na tipong aakalain mo talagang girlfriend niya ito. Ni hindi ko man lang napansin na ang bata nitong si Hannah.

Pumayag tuloy akong maging kami ni Rigid nang oras na ding iyon. Una, para tulungan siyang pagselosin ang girlfriend niya. Pangalawa, para kalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Kuya Ziv. Naramdaman ko kung gaano ako ka-special sa kanya kaya nga akala ko mahal niya ako. Sobra akong nasaktan nang makita ko sila ni Hannah. Akala ko niloloko niya lang ako kaya naman bago pa ako mas lalong masaktan ay pinili ko na lang si Rigid.

Ni hindi man lang ako nag-isip o di kaya ay nagtanong sa kanya. Gumawa agad ako ng desisyon nang hindi inaalam ang side niya. Akala ko naman kasi ay girlfriend niya talaga si Hannah. Bagay na bagay kasi sila. Akala ko nag-to-two time siya at isa ako sa mga balak niyang paglaruan. Marami nga palang namamatay sa maling akala.

Ni hindi ko nakita na totoo ang luha sa mga mata niya nang gabing iyon. Sa huli, nagkabalikan si Rigid at ang girlfriend niya. Ako, wala. Naiwan dahil sa katangahan.

We really made stupid decisions when we’re hurt. Now, I’ve learned but I guess it’s too late.

“Anyway, sama ka na sa akin! I’m with Kuya Abo! He will be happy to see you!” pinigilan ko siya nang hilain niya ako.

“C’mon sige na!”

“Pero…”

“Nah, don’t worry I’m not angry with you kasi pinaiyak mo si Kuya Abo. In fact, I’m so happy that time because it’s the first time I saw him cry cause of a girl, as in cry. Nakakatawa nga siya e. Hihi. But it also mean na seryoso at minahal ka niya talaga. Don’t worry, mukhang okay na rin naman si Kuya Abo.”

Sht! Napamura na lang talaga ako kahit hindi ako palamura. Naiinis kasi ako – no naiiyak ako sa katangahan ko.

“So, let’s go na!”

I give way after all gusto ko rin naman na makita siya kahit sandali lang. I want to know kung pwede ko pa bang itama ang katangahan ko. If not, atleast nakita ko uli siya.

“Oh, here we are,” pumasok na kami sa Starbucks. “Abo! Looks who’s with me!”

“Aish! Hannah. You’re too loud, nadidisturb—“ nawala ang mga ngiti niya nang magtama ang aming mga mata.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16