Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 10

ZIV

 

My initial plan was to ask her if I can court her the last time we’ve met. I’ve already got an approval from her Mom and her Dad that I’ve talked to through phone without her knowing. I also got a yes for her Tita’s, so it’s only hers.

But then, I decided not to ask. Instead, I’ll just tell her when she comes back here in Manila. I want to surprise her and make her see my effort. Ayoko naman na basta na lang tanungin kung pwede ko ba siyang ligawan. Gusto kung makita niyang seryoso talaga ako sa kanya at hindi ako nagbibiro.

Nakatulong ang pag-stay ko sa farm nila para mas lalo ko siyang makilala at matanto sa sarili kung gusto ko nga siya not because she’s beautiful but because of the fact that I don’t know why. Basta, alam ko gusto ko siya. Sobra akong nag-enjoy, lahat ng pagod ay worth it kasi ang saya. I would gladly come back there kapag may time ako uli.

Nag-isip ako ng paraan kung paano ko sasabihin sa kanya. Tae nga e, sa limang girlfriends ko ay ngayon lang ako na-torpe. Tipong hindi ko alam kung ano o paano ko sasabihin

Mag-iigib na lang yata ako ng tubig at ipagsisibak siya ng kahoy tapos habang tumutulo ang pawis ko ay saka ako magtatanong kung pwede ba akong manligaw. Papayag naman siguro siya dahil ang guwapo ko.

Yun sana e, buti na lang at nakausap ko ang bestfriend niyang si Kat. She told me about the kpop boy band na paborito ni Lois Dei, Bigbang. Akala ko nga chocolate bar lang yun nung una.

So, binili ko yung Pulp Royalty ticket gaya ng sabi ni Kat. Gustong-gusto daw kasi talagang makita ni Lois ang Bigbang ng malapitan so money burn pero kung ikakasaya niya ay ayos lang sa akin. Ang pera nakikita ko pa pero kapag siya ang nawala, nak ng pating dilim ng mundo ko nun.

Ayoko namang magmukhang tanga sa gabi ng concert kaya habang ginagawa ko ang tambak na trabaho ay pasimple din akong nagre-research tungkol sa Bigbang.

Sinimulan ko sa debut year nila na 2006. Pinanuod ko lahat ng mv’s, variety shows, concerts, pati na rin ang interviews nila. Maraming salamat sa magtiyagang naglalagay ng Eng Subs sa mga Korean shows, malaki kayong tulong. Inaral ko rin ang bawat kanta kahit na babaliktad yata ang dila ko. Bukod sa hindi ako Korean ay hindi naman ako marunong kumanta.

Hindi ko rin pinalampas lahat ng sayaw nila na madali kung nakabisado dahil bukod sa pagiging guwapo ay talent ko ang pag-sayaw. Pagkatapos ng isang linggo ay tinitigan ko naman ang picture nila na parang bakla makabisado ko lang kung sino siya at siya.

After that, I made sure na may alam din ako sa bawat members especially kay Ta-e este Taeyang na mahal na mahal ni Lois Dei. Mas guwapo naman ako dun kaso walang magagawa dahil sikat. Pero, idol ko na siya sumayaw lalo na yung sushi dance niya. Hanep e, kung babae siguro ako minahal ko na yun kaso guwapo ako e.

Sakto, week before the concert ay dumating yung order kung crown na may ilaw and other Bigbang merchandise. And, that very same day rin ang dating ni Lois Dei ko.

It’s Sunday. Kat told me na Lois will be going to Starbucks after the mass. I was actually going to text her but I decided to surprise her, instead.

Not knowing, I will be the one to be surprised.

Bago pa kasi ako makapasok sa loob ng Starbucks ay nakita ko siyang masayang tumatawa. Okay naman e, but it was not me making her happy. It was not me with her, it’s Rigid? I don’t know but it’s the Starbucks guy.

All I know is that he gave Lois a flower different from what I was holding. Oh, and I remember hindi nga pala mahilig si Lois sa mga surprises.

So, I’m out.

Inabot ko na lang dun sa babaeng dumaan yung bulaklak at umalis na. Habang papalayo ako, I realize I don’t like her anymore.

I love her, tagos.

“What are you going to do?” tanong ni Miggy sa akin matapos kung sabihin sa kanya ang nakita ko. Dumiretso na lang ako sa opisina kaysa magmukmok ako sa bahay. “Susuko ka agad? Akala ko ba guwapo ka? Saka hindi pa naman siguro huli ang lahat. Malay mo nanliligaw palang so may the best man win na lang.”

“I never said that I’ll give up. Hindi ko lang nilapitan for the fact na ayoko silang guluhin,” paliwanag ko sa kanya. Saka, sakit kasing makita na naunahan ako. Alam ko may girlfriend ang lalaking yun e. Kabanas samantalang mas guwapo ako.

“Good, huwag munang sumuko. Okay? Saka huwag mong pakawalan kung mahal mo talaga. Huwag mong gayahin ang ginawa ko sa kanya.” Agad akong napatingin nang bitiwan niya ang mga salitang iyon.

“What do you mean by that?” gulat na tanong ko. “Teka, don’t tell me ikaw yung tinutukoy ng pinsan niya?”

“Maybe I am, may not be.”

“Amp! Ano nga!? Tell me!” inis na sabi ko.

“Chill dude, okay?” this time ay seryoso na siyang tumingin sa akin. “I know her since she was a kid, she’s my sister’s bestfriend.” He started. “I think she was fourteen and I was like 21 when she confessed to me about her feelings.”

“I told her that I like her too. Then, I courted her but when she’s already falling hard for me ay iniwan ko siya sa ere.”

Wtf! Mura ko sa isipan ko. I mean, I didn’t expect that. Should I punch this guy? Argh!

“Why did you do that!?” inis na tanong ko. Pinigilan ko ang sarili ko na sapakin siya. Ayokong masira ang pagkakaibigan naming dahil dun at isa pa matagal ng tapos iyon. Ngunit hindi pa rin mawawala na sinaktan niya ang babaeng minamahal ko.

“My sister also asked me the same question before. She even punched me and she did not talk to me for a year, maybe. I know I deserved that for hurting her kaso gago talaga ako nun e.”

“Do you really like her?”

“I do. I even love her back then, mahal ko kaso nga pinakawalan ko.”

“Tanga!” hindi ko napigilang sabi ko. “Why did you do that?”

He shrugged. “Maybe, she’s too young.”

“Age doesn’t matter.”

“I know, but that time gago nga ako. She’s too damn young na hindi ko magawa ang gusto kung gawin. I felt like, she’s not mature enough to handle me and my needs, yung ganun? I’m afraid to have her mine. Baka masakal ako at masakal ko rin siya. So, habang maaga pa ay I ended it, not knowing ako lang ang talo sa huli.”

“Pwede ba kitang sapakin?” I asked, calmly.

“Chill dude, hindi ako ang kalaban mo. I’ve moved on. I only love her as a sister, no more no less. So, if you love her and if you happened to have her don’t break her heart and better not give her false hopes.”

“Of course, I will not. Hindi ako gago katulad mo.”

He just laughed at it. “Anyway, Sir called offering a job sa U.S. Gusto mo bang magpalipat or you’ll stay here with me?”

“Why would I go? Masaya ako dito.”

“Really? Okay, baka lang naman kako.” Bumalik na siya sa kanyang trabaho habang nasa ibang lugar pa rin ang aking utak.

“Well, kapag na-heartbroken ako maybe I’ll consider.” Sagot ko na lang.

I get back to work. Maya-maya ay nakatanggap ako ng tawag mula sa pinsan kung babae na si Hannah kaya nag-out na ako sa office. Ayoko namang tumanggi dahil kararating lamang niya mula sa States. She’s my closest cousin so I’m happy to know na ako ang unang tinawagan niya pagdating niya dito, well guwapo kasi ako.

I drove to Galleria. It’s her favorite place like Lois Dei. I wonder kung nandito pa ba siya kasama yung Rigid na iyon. But, I’ll talk to her tomorrow. Hindi na ako nagulat nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran ko.

“Hey, Hannah! Naks, ganda ah!” bati ko at niyakap siya. “I missed you.”

“Gusto mo lang masabihan ng guwapo e, sige na guwapo ka pa rin,” she said with an American accent na sinamahan niya pa ng tawa. “Ayiee, I missed you too.” She kissed me sa cheeks.

Nako, kung hindi ko lang to pinsan ay nilagawan ko na siya noon. Chix e, parang si Lois Dei lang din ang ugali niya. Pakiramdam ko nga na magkakasundo sila kapag nakilala nila ang isa’t-isa.

“Syempre, forever na akong guwapo.” Pagyayabang ko. Pero, seryoso forever na talaga. Insert guwapong sign here.

She started telling stories habang naglalakad kami. Hindi siya nauubusan ng kwento habang ako ay tango lang ng tango. Hindi sa hindi ako nakikinig, sadyang tinitingnan ko lang ang paligid dahil baka nandito pa si Lois Dei at Rigid. Tsk, sobrang miss ko na kasi siya at gusto kong matitigan ang mukha niya.

“Aish, Abo naman e. You’re not listening!” napa-aray ako nang hampasin niya ako. Sadista din to parang si Lois Dei ko.

“Huh? I’m listening kaya.”

“Really? What was the last word I said?”

“Uhm, said?” hinampas niya ulit ako sabay walk-out. Natawa na lang ako pero totoo naman na ‘said’ ang huling word na sinabi niya e. Amp o!

“Uyy, wait lang Hannah, joke lang!” inakbayan ko siya. “Naglalambing lang, na-miss kita e. Saka, pinagpapalit mo na ako ang guwapong mukha ko. Make sure lang pag nagka-bf ka ay mas guwapo sa akin ha,” kinurot-kurot ko pa siya sa cheeks pero hindi umiimik. “luh, tampo na siya. Sorry na, saka wala ng mas gu-guwapo pa sa akin – ouch naman!”

“Hmp! Whatever! Kain na nga lang tayo tapos ikaw naman mag-kwento.” Hinila na niya ako sa Yellow Cab. Amp! Naalala ko na naman si Lois Dei ko. Bakit ba kasi pareho sila ng favorite nitong isang to?

“So, kwento ka na about sa lovelife mo. Musta na kayo ni Bella?” tanong niya habang hinihintay namin yung pizza. Kailangan talaga hindi ka gutom kapag kakain ka dito, ang tagal i-serve e.

“Bella? Huli ka na, two years na kaming break.”

“Yeah right, buti nga. You don’t deserve her. Masyadong pabebe, akala mo naman maganda e mas maganda ako dun. So, wala kang bagong girlfriend?”

“Wala pa.” nakangiting sabi ko habang iniisip ang mahal kung si Lois Dei.

“Meaning, you have someone special right? May I know her?”

Nilabas ko yung phone ko at pinakita sa kanya ang picture ni Lois Dei ko. Syempre, proud ako dahil ang ganda e tapos mas maganda pa sa pinsan ko. Then, ang guwapo ko pa so bagay na bagay talaga kami. Pero, remember kahit na hindi ganun kaganda yung taong mahal niyo ay dapat maging proud pa rin kayo. Hindi naman kasi ang panlabas na anyo ang nakaka-in-love, yung pan-loob. Wholesome yan, huwag maging incredible hunk ang utak.

“So, what you say?”

“You’re really in love Abo,” she stated. “I mean, first time na napuno ang gallery mo ng stolen picture ng isang babae tapos wala pa kayong picture together. Hina mo naman, torpe mo ngayon ah.”

Amp! Tsk. Kaya ayokong nag-kwe-kwento dito dahil may tama siya.

“So, ano ng score between the two of you?”

Kinuwento ko naman lahat simula sa unang araw na nakita ko siya. Tapos yung sa blog niya, pagbili ko ng pizza, every small details na ginawa ko hanggang dun sa farm. At ayun nga, expected ko nga na sa huli ay tatawanan niya ako. The truth is, ngayon ko lang ginawa ang lahat ng iyon. Madalas iyong babae ang mas nag-e-effort para sa akin pero iba si Lois Dei. Sa kanya ko lang ginawa lahat ng iyon. Iba talaga kapag tinamaan ang guwapo.

“You serious about nag-alaga ka ng baboy and other animals? Wow, papagawan na ba kita ng rebulto sa Luneta?” asar niya ulit.

“Amp, I’m serious nga. Saka, masaya kaya. Wanna try it with me? Balik tayo sa farm nila tutal welcome naman ako dun.”

“Okay, let’s have a deal. I really want Ate Lois for you kasi nakita kung iba ka sa kanya based sa kwento mo. Saka, wow talaga,” tumawa uli siya. “hindi ko ma-imagine, buti na lang may picture ka hindi kasi kapani-paniwala kapag wala.”

“Sige tawa pa.” nagtatampo kunwaring sabi ko.

“Anyway, benta tong twerk it like miley mo habang nakasakay sa kabayo. Haha! Should I sell it or upload-“ kinuha ko agad yung iphone ko sa kanya. May balak pa yata siyang pasikatin ang ka-guwapuhan ko sa internet. Huwag naman, para kay Lois Dei na lang ang ka-guwapuhan ko ngayon.

“What’s the deal?”

“If Ate Lois said yes to you. I’ll be willing to live in the farm for a week and experience everything you’d experience.”

“Woah, are you sure?” hindi makapaniwalang sabi ko dahil laking States yan kahit pinanganak dito. RK, at kahit may pagkakapareha sila ni Lois Dei ko ay marami din silang pagkaka-iba like maarte tong isang to.

“Yes, I’ll make a voice note about it.” Nilabas niya yung iphone niya at gumawa nga. Napangiti na lang ako, alam ko kasing sa lahat ng babaeng pinakilala ko sa kanya ay si Lois Dei lang ang nagustuhan niya. Ano ba ang hindi kagusto-gusto sa kanya?

We made another round of walk around the mall after we ate. Gumagabi na rin kaya nagpaalam na si Hannah na uuwi na. Nakatayo lang kami dun sa may gilid ng National Bookstore habang hinihintay ang driver niya. Papaunahin ko muna siya dahil balak kung puntahan si Lois Dei sa bahay nila ngayon. Hindi ako makakatulog kapag hindi ko nasabi sa kanya ang gusto kung sabihin. Bakit bukas pa kung kaya naman ng ka-guwapuhan ko ngayon.

“Abo, I’ll go okay. Good luck with Ate Lois.” She cheered. “Take care, okay. I love you.” Niyakap niya ako nang mahigpit.

“I’ll see you soon, I love you too. Ingat!” I kissed her cheeks. Hinintay ko na makalabas na siya bago ako dumiretso sa bahay ni Lois Dei.

I called her nang makita kung walang tao sa bahay nila. Hindi pa siya nakakauwi? Buong araw silang magkasama ni Rigid? What the fvck naman! Ganun ba kahaba yung topic nila at hanggang-

“Why?” bungad niya.

“Hala, wala man lang bang I miss you?” pagbibiro ko. “Saan ka nga pala? I want to see you. I want to give you something. I’m going to tell you something. Nandito ang ka-guwapuhan ko sa labas ng bahay niyo.”

“Nasa may park ako.” After that she hangs up. Oh?

Dumiretso ako sa park na ilang blocks lang ang layo mula sa bahay nila. Nakita ko agad siyang nakaupo sa swing. Pinigilan ko na naman ang sarili ko na yakapin siya. Ayokong sirain ang gabing ito at isipin niyang minamanyak ko siya kahit ang totoo ay gusto ko na siyang halikan. Pakinshet, na-miss ko siya. Sobra!

“Uyy, bakit?” saglit pa akong natulala nang masilayan ko siya.

“Yun lang? Wala man lang bang kiss? Hindi mo man lang ba ako na-miss? Ako na lang ki-kiss sayo – ouch naman sadista pa rin ah.”

“Baliw! Bakit ba? Anong ibibigay mo at sasabihin mo?”

Naalala ko naman yung concert ticket ko pero bago yung ay nilabas ko yung iphone ko ay hinanap yung kanta ng Bigbang na ilang linggo ko ding inaral para magpasikat sa kanya.

“Hawakan mo ay huwag na pala,” agad kung bawi sa iphone ko at nilapag na lang dun sa may swing. Mahirap na dahil baka mahuli pa ako at masapak ng wala sa oras.

“Oh, Ringa Linga!” agad niyang sabi nang marinig ang kanta. Ngumiti na lamang ako at nagsimulang sumayaw. Hindi mawala yung ngiti ko hanggang sa matapos akong sumayaw. Halata ko kasi na nagulat siya at tila hindi ba makapaniwala. Kasama na din dun ang natulala siya sa taglay kung ka-guwapuhan.

Sinayaw ko pa yung sushi dance nung si Taeyang habang inaabot sa kanya yung ticket na binili ko. “Ayos ba? In love ka na ba?” I winked.

“Woah, oh my gosh! Pulp Royalty? Ang mahal nito ah. Lower box nga lang ang binili ko e.” binalik niya yung ticket sa akin. “Ayoko! I wont accept it. Ang mahal, sobra. Sayang lang yung pera mo.”

“Nah, worth it yang ticket na yan lalo na kapag nakita ko kung gaano ka kasaya sa concert. Di mo ba nagustuhan yung sayaw ko? And, VIP na rin ako.”

“Ziv naman, hindi mo naman kailangang gawin pa to. Ano ka ba, saka kelan ka pa naging fan ng Bigbang?” nagtatakang tanong niya.

I chuckled. “It’s because of you. At, gusto ko kasama kita manuod ng concert. Pwede ba? Don’t worry, hindi ako magrereklamo kahit ang panget ng boses mo kapag sasabayan mo na sila. Panget din naman boses ko e. Gusto ko lang kasama kita, makita kitang masaya.”

“Kuya Ziv,” she bit her lower lip. “The pleasure is mine, okay? Gustong-gusto ko talaga na makapunta sa concert pero kasi ang mahal nung ticket na binili mo tapos may ticket na ako say—“

“I like you.” Hindi ko napigilang sabi.

“Ay, baliw! Nagjo-joke ka naman e! Ibenta mo na lang tong –“

“Jokes are half-meant, Lois Dei. But I am not joking. I’m dead serious.” I said, seriously. “No, I don’t like you.”

Huminga ako ng malalim at inalis ang kaba sa dibdib ko. Pakinshet! Ngayon lang ako na-torpe ng ganito.

“F-for, for some odd reason I love you.”

She looks at me tapos bigla siyang tumawa. Napamura na lang ako. Yung pakiramdam na nagsasabi ka ng feelings mo tapos tatawanan ka lang? Buti na lang mahal na mahal ko siya.

“Adik, lakas ng trip mo ah. Hanep yang joke mo! Nasobrahan ka yata sa kape.” Dagdag pa niya.

“Lois Dei, when will you take me seriously?”

“Oh,” napatigil siya at saglit na napanganga. Nakita kung sinubukan niyang magsalita pero mukhang wala siyang maisip na sabihin.

“I love you, Lois Dei. I love you more than you can think of. I love you is even an understatement. I love you and I don’t know why, I just love you.”

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging iyong huni lang ng kulisap at katahimikan ng gabi ang naririnig namin. Nakayuko lang siya habang nakatitig dun sa ticket. Nakaka-speechless nga siguro talaga ang sinabi ko.

“May you love me back?” diretsang tanong ko.

It took another minute bago siya sumagot.

“I’m sorry.”

I expected it but it hurts when you actually heard it from the one you love. I tried to smile, hindi pa naman huli. Nagsisimula palang ako.

“Nah, I can wait.”

“No, sorry. Kami na kasi ni Rigid.”

Oh. Fvck! I close fist.

“Nice, kelan pa?” I tried to act calm but I think I failed.

“An hour ago.”

“Oh, wow!” natawa na lang ako sa sarili ko habang pinipigilan ko na umiyak. Sht! Ang sakit! Pakinshet! Ilang mura ba ang kailangan kung sabihin?

“Well, congrats! At s-saka joke lang yung sinabi ko! O-oo joke lang, guwapo ko e.” sinamahan ko ng tawa para mas effective pero kahit yung sarili ko ay hindi ko magawang lokohin.

“Kuya Ziv, sorry.”

“Nah, bakit ka nagso-sorry? Luh, okay lang yan. Guwapo kaya ako,”…pero kulang yata ang ka-guwapuhan ko para sayo.

“O, si Rigid na lang kasama mo sa concert ha. Huwag mong itatapon yung ticket, keep it and enjoy the concert. Di ba, gustong-gusto mong m-makita si Taeyang?” binigay ko sa kanya yung ticket na para dapat sa akin, sa amin.

“Please, accept it. Huh? Don’t worry, madami pa akong pera and once in a lifetime chance lang yan so huwag mo nang pakawalan pa.” sinubukan kung ngumiti pero hindi ko talaga kinaya.

“Paano ba yan? Uwi na ako ha?”

“Sorry, Ziv. Sorry,” hinawakan niya yung kamay ko. Masaya sana dahil ito yung unang beses na ginawa niya iyon pero kasi ito din yung huli. Hindi na ako nagpakipot, hinawakan ko nang mahigpit yung kamay niya.

“Ay ikaw ah, m-minamanyak mo ang kamay ko. Luh, joke lang. Acting ko lang yun. Guwapo ko k-kaya!” alam kung hindi ko siya nakumbinsi na acting lang iyon dahil kahit boses ko ay sumuko na.

“Sige na, Ingat ka. Alagaan mo ang sarili mo at mag-aral ka dahil para yan sa…”

Sa future natin, I laughed nang maalala ko ang lagi kung sinasabi sa kanya.

“Basta, Lois Dei. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Babye na!” binitiwan ko na ang kanyang kamay. Tumalikod ako at pinunasan ang luha ko.

“Teka, pwede ba kitang i-hug?” tumango siya sa sinabi ko.

Lumapit ako at niyakap siya nang sobrang higpit na parang wala ng bukas. Kung maari ko lang sanang patigilin ang oras ay ginawa ko na. I never thought that the first time I would hug her would also be the last.

I kissed her forehead at tuluyan ko na siyang binitiwan.

“Bye!” I forced a smile. “Smile, okay?”

I stared at her for a moment. We stared at each other for a moment until I finally look back.

Sabay-sabay na bumuhos lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan ng makasakay ako sa kotse. Ang sakit, tagos. SOBRA! Hindi ko maipaliwanag kung ano, paano, basta ang sakit talaga. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit. Ngayon lang din ako umiyak ng ganito dahil sa isang babae.

Sht! Lois, you’re killing me. I thought to myself. But, it’s still a pleasure to be broken by you.

I looked at the sideview mirror to see her one last time. She’s still standing there. Ngumiti na lamang ako kasabay nang pagtawag ko kay Miggy.

“Miggy, save the U.S for me.”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16