Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 9

LOIS

 

Yung tatlong araw na plano niyang pagtambay sa bahay namin ay naging isang linggo. Wala namang kaso sa akin iyon at kay Mommy, baka nga siya pa ang magka-problema sa trabaho na sa tingin ko ay hindi naman niya naiisip. Sapagkat nakita ko na nag-e-enjoy siya.

Masaya siya, walang halong biro. Masaya rin ako na makitang masaya siya lalo na at napapasaya niya sina Mommy at ang buong family ko dito.

Sa katunayan nga ay buong pamilya ko na ang close niya. Pati kapitbahay namin ay close na din sa kanya. Yung buong barangay nga ay kilala na siya. Nang isang araw ay binandera niya sa bukid kung gaano siya ka-guwapo. Nag-twerk it like miley lang naman siya habang nakasakay sa kabayo. Ayun, pinagkaguluhan ng mga babae, dalaga man o may asawa, binabae, maging lalaki nga yata ay nakisilip nun pati mga lola at lolo sa barangay namin. Mabuti nga at hindi siya pinagkaguluhan ng mga baboy, kalabaw at iba pang alaga namin dahil kung hindi ay iba na talaga ang ka-guwapuhan niya.

Bukod dun ay malaking tulong siya sa farm. Nag-prisinta kasi siyang tumulong sa farm for free. Kumbaga, for experience daw. Nung una ay ayaw talaga ni Mommy dahil nga bisita siya at halatang hindi sanay sa gawaing ganun dahil laki sa lungsod. Ngunit wala namang nagawa si Mom kundi pumayag na rin.

Hindi pa niya alam ang gagawin nung una at parang magsisisi siya pero kalaunan ay natuto na rin siyang gawin ang mga bagay na ginagawa namin sa farm.

Ang alas-dyes siguro na gising niya sa kanila ay naging alas-tres ng madaling araw sa amin. Ang bagay na hindi niya kailanman nagawa ay naranasan niya. Natutuhan niyang magpagatas ng kambing at baka. Siya rin ang nagpapakain ng agala namin sa poultry, isama mo pa yung alaga naming baboy. Kinakausap at binabandera niya ang ka-guwapuhan niya sa mga kabayo habang pinapaliguan niya ang mga ito. Naranasan niya ring mag-araro, magtanim, at mag-harvest ng pananim. Hindi lang iyon, siya rin ang hardinero at taga-bunot namin ng damo. Ang isang linggo ay nadagdagan pa ng isa.

Wala ulit kaso sa akin, syempre dahil siya ang gumagawa ng trabaho na dapat ay ginagawa ko. Kaya ako ay cool lang, chill lang habang pinapanuod at paminsan-minsan ay tinatawanan siya sa kanyang kapalpakan. Tulad na lamang nang isang araw, sumakay siya sa kalabaw. Nagulat yata nung umandar kaya nahulog siya sa putikan. Sa huli, pinaligo na lamang niya ang sarili niya sa putik. Tawa siya nang tawa, maging ako ay ganun din. Hindi ko na nga sinabi na baka may kasamang tae yung putik na pinapaligo niya sa katawan niya, nag-enjoy kasi siya at ayokong sirain ang moment niya.

Marami pa siyang nakakatuwa at nakakahiyang moment habang nasa farm. I would gladly enumerate all but it would take a lot of words and time, this page won’t be enough too.

Basta, masaya ako na masaya siya dito. Na hindi ko nakikitang nag-reklamo at nagsisi siya sa ginawa niya. He appreciate everything here in the farm, which is truly great lalo na sa tulad niyang laki sa lungsod. Kaunti na lamang kasi ang nakaka-appreciate ng buhay sa farm lalo na kung buong buhay nito ay ginugol niya sa lungsod.

“Uyy,” napabalik ako sa realidad dahil sa kalabit ng kababata kung si Raine. “Matutunaw na si Kuya Ziv, kanina ka pa nakatitig sa kanya. Guwapo nu? Type mo?”

“Adik!” react ko. “Tinitingnan ko lang dahil baka lagyan niya ng lason yung pagkain.”

“Wushu, gayuma kamo para mapa-ibig ka, kaso ang tanong ay hindi ka pa ba umiibig sa kanya?” siniko-siko niya ako na tila nang-aasar.

“Nako Raine,” napailing na lang ako sa sinasabi niya. “Alam kung guwapo pero di ko type nu.”

“Why? Kasi hindi chinito, so what? Sometimes, your ideal man is not the man you will fall for.”

“Sus, dami mong alam.”

“Bakit? Nagsasabi lang saka wala namang masama kung aaminin mong gusto mo siya. Malakas ang pakiramdam ko na may gusto siya sayo.”

“Saan mo naman yan nakuha? We’re just friends,” sagot ko sa kanya habang inaayos ko yung mga itlog sa tray.

“Wushu narinig ko na yan,” umiling-iling pa siya at talagang walang balak na magpatalo. “Alam mo hindi mag-effort ang isang lalaki na kilalanin ang pamilya mo at matutunan ang buhay na kinalakihan mo kung wala lang sa kanya ang isang babae.”

“Luh, di ba pwedeng trip lang niya?”

“Tsk, ewan ko sayo. Basta for sure, pagbalik mong Manila ay liligawan ka niya. Mukhang nakakuha na ng approval kay Tita at sa mga Tita’s mo. Sayo na lang,” she said, happily.

“Ewan ko sayo, tara na nga sa poultry.” Yaya ko sa kanya dahil ang dami niyang sinasabi.

Nauna na akong maglakad sapagkat wala yata siyang balak na umalis dun. Baka kung ano pa uli ang sabihin niya tapos marinig kami ni Kuya Ziv, lalaki na naman ang ulo ng isang yun.

“Wala namang mawawala kung susubukan mo,” sabi niya uli pagkahabol sa akin. “The feeling is mutual. Sige ka, baka mawala pa yan.”

“Yuck! Ang itim mo na! Panget!” asar ko sa kanya nang makita ko siyang nakatingin sa salamin. Nag-pogi sign pa siya dun at saka inayos ang buhok niya.

“Alam mo Lois Dei, ang tunay na guwapo,” lumingon siya sa akin tapos balik ulit sa salamin. “umitim man, magkabulutong-tubig sa mukha, magka-pimples, makalbo, etc. At the end of the day, guwapo pa rin. Of course, like me.”

“Psh! Di ikaw na! K,” I make faces. “So, hindi ka ba nagsisisi?”

“Huh? Saan? Sa pagiging guwapo? Luh, alam mo talent to at kaunti na lang kaming ganito kaya bakit ako – ouch!” reklamo niya nang siya ay batukan ko.

“What I mean is, sa pag-vo-volunteer mo sa bukid namin imbes na nagwo-work ka na lang sa Manila or nagpapahinga.”

“Nah, why would I? I enjoyed it, sobra. It’s worth it and amazing. Unforgettable pa, dahil sa inyo naranasan ko yung bagay na never kung inakalang gagawin ko.” Nakangiti niyang saad. “And, If I would to choose I will choose to live her in my next life. Tapos kasama pa kita, di ba ang saya?”

“Luh, drama niya.” Sabi ko na lang ngunit ang totoo ay natutuwa talaga akong marinig sa kanya iyan.

“Hindi ah, totoo yun. Walang halong biro, guwapo lang ako at hindi bolero. For two weeks, I’ve found a new family. Teka, pwede ba akong bumalik dito?”

“Of course, welcome na welcome ka kaya. Kilala ka na nga ng buong barangay e.”

He chuckled. “Yown, pakasal na tayo tapos dito na tayo tumira.”

“Baliw! Sige na, gagabihin ka pa sa daan.” Pagtataboy ko sa kanya.

“Wait, Lois Dei. Alagaan mo yung si piggy ha. Yun kasi ang kakatayin ko sa wedding natin.” Tawa niya. “But seriously, thank you for bringing me here.”

“Uyy, hindi kita dinala dito nu,” kunwaring sabi ko. “namilit ka lang.”

“Babe naman, sinisira mo ang acting ko.”

I chukled. “The pleasure is mine,” nag-bow pa ako at kunwaring inalis ang aking imaginary hat. Then, we both laughed.

Binandera na muna niya ang ka-guwapuhan niya sa farm namin bago umalis. Ang daming ibigay sa kanya na regalo nung mga kababaihan at isama na ang binabae. Tinaggap naman niya lahat dahil iyon daw ang patunay na guwapo siya.

Umu-oo na lang ako dahil baka masira ang drama niya. Pagkatapos niyang mag-paalam sa lahat ay kinausap naman niya si Mama tapos hinatid ko na siya dun sa sasakyan niya. Ginawa kasi akong taga-bitbit nung mga regalo. Peste talaga!

“Uyy, Lois Dei huwag mo ako masyado mami-miss at alagaan mo ang sarili mo este yung mga animals, guwapo ko talaga.”

I rolled my eyes. “Baka ikaw ang maka-miss sa akin.”

“I will miss you–yoghurt! Yoghurt sa tindahan ni Mang Carding. Si Tita, everything except you.”

“Okay, sige uwi na.” pagtataboy ko.

“Huwag assuming kasi ha,” he grinned. “tapos pala hindi kita mapapadalhan ng pizza at coffee. Layo kasi, so eat ka na lang ng food dito. Sarap kaya tapos fresh pa. Dalhan mo akong fresh milk pagbalik mo sa Manila ha?”

“Whatever! Mamatay ka na ba? Last words mo na ba yan?” pagbibiro ko. “Lumayas ka na nga kundi sasapakin na kita!”

“Aww, wala man lang ba akong kiss?”

Hindi na ako nagsalita. Hinila ko na lang siya papunta sa sasakyan niya. Binuksan ko pa yung pintuan at tinulak siya papasok.

“Alis na! Bye!”

“Teka, Lois Dei may nakalimutan pala ako sa likod ng car. Can you get it?”

“Aba, inutusan pa ako!”

“Sige na, please.”

I rolled my eyes muna saka pumunta sa likod ng car niya para kunin ang kung ano mang bagay na nakalimutan niya. And to my surprised, it was a gray half-human size teddy bear.

“Favorite color mo daw yan,” hindi ko namalayan ang pagbaba niya sapagkat natulala ako sa bear. Nang hindi ko kunin ay siya na mismo ang nag-abot sa akin.

“Para saan to?”

He shrugged. “Nothing, well para hindi mo ako masyadong ma-miss ay isipin mo na lang na ako yan. Since, hindi mo pa ako katabi matulog dahil hindi pa tayo kasal ay yan na lang muna ang halayin este pagpanstayahan este yakapin mo.”

Napangiti ako. “Corny mo, sige na. Uwi ka na!”

“Wala talaga akong kiss?” he pouted.

“Wala, babye na. Ingat ka!”

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at naglakad na pabalik. Medyo may kalayuan na rin ako nang tumigil ako at lumingon. Gladly, he’s still there.

“THANK YOU!” I shouted.

“THE PLEASURE IS MINE!” pagkatapos niyang tumawa ay yumuko siya at kunwaring inalis ang imaginary hat niya katulad ng ginagawa ko.

“SEE YOU SOON, LOIS DEI!” he waved, so I waved back with a smile.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16