Download Story.

close

Sincerely, YHE

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

Chapter 8

ZIV

 

Nagising ako’ng may malaking bagahe sa ilalim ng mata ko. Hindi ako natulog. No, hindi ako nakatulog. Hindi sa kadahilanang hindi ako sanay sa lapag at walang aircon. Naranasan ko rin naman ang bagay na iyon. Pero dahil iyon sa kwento ng Mama ni Lois.

Amp! Sabi ko na ba na hindi dapat ako nakikinig sa kwentong multo. Buong gabi akong nakadilat habang nakatalukbong ng kumot kahit sobrang init. Sa iisang side pa ako nakaharap dahil natatakot akong gumalaw.

Una, baka hilain ang paa ko. Pangalawa, baka may marinig ako kaya steady lang ang angle ko. Sabi kasi ni Tita Lou ay nagpaparamdam yung Tita ni Lois sa mga hindi niya kilala na nagpupunta sa bahay nila.

Pangatlo, nasa likod ko kasi yung shelf na may picture nung namatay kaya ayokong lumingon. Paranoid nga yata ako pero sht talaga pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya at niyayakap ako.

Magsisisi nga yata akong natulog ako dito. Dapat talaga nag-sneak na lang ako sa room ni Lois Dei pero mas mumultuhin yata ako dun.

Pero nevermind, guwapo pa rin naman ako. Basta mamaya ay gagawa ako ng paraan para sa kwarto ako matutulog. Ayoko na! Putek! Hindi ko kakayanin mag-isa sa sala.

Niligpit ko na yung hinigaan ko. Umupo lang ako dun habang nakapikit. Inaantok ako pero ayokong matulog. Alas-sais na rin at nakakahiya kung madadatnan nila akong tulog pa. Sinikap kung gumising. Nag-exercise ako, tumalon, sumayaw, at kung ano-ano pa para mabuhay ang dugo sa katawan ko.

Nag-twerk it miley pa ako habang tumitilaok yung manok. Tapos kung ano-ano ng dance step ang ginawa ko magising lang. Kumembot at nag-otso-otso pa ako. Ayos naman sana pero sht nahuli ako sa akto ni Lois Dei at ni Tita. Namula ako sa kahihiyan nang sabay silang tumawa. Nilamon na lang sana ako ng lupa ngayon. Pero, dedma lang ako. Nakitawa rin ako at hindi ko pinahalata na nahihiya ako. Cool lang dapat pag guwapo.

“Hello po, Good morning!” bati ko.

Napapamura talaga ako sa kagandahan ng Lois Dei. Partida, gulo-gulo pa ang buhok niya tapos mukhang ginahasa ng kama pero ang ganda pa rin e.

“Mukhang gising na gising ka na ha!” sabi ni Tita. Gusto ko sanang sabihin na hindi po ako nakatulog pero baka palayasin ako kaya awkward na ngumiti na lamang ako.

“Hindi ka naman minulto?”

“Ay, hindi po. Takot yata sa ka-guwapuhan ko.”

“Wushu, takot daw pero laki ng eyebags niya.” Singit ni Lois Dei. Amp! Sarap talaga kapag ganito kaganda ang makikita mo sa umaga.

“Ano ka ba, normal lang to. Saka guwapo pa rin ako di ba Tita?” nag-oo si Tita sabay paalam na magluluto na.

“Yuck, ang panget mo!” asar niya habang tinuturo yung eyebags ko.

“Sus, ikaw nga mukhang ginahasa e. May muta at panis na laway ka pa.” biro ko.

“Nagsalita ang wala,” she made faces sabay irap kaya natawa ako.

“Wala kaya akong muta saka ang bango kaya ng hininga ko.” Agad akong lumapit sa kanya at binugahan siya sa mukha ng mabangong hininga ko.

“Argh! Yuck!” napalayo agad siya. “Kadiri ka!”

“O bakit? Ang bango kaya!” lumapit ako at binugahan pa siya habang nakatakip na siya sa mukha niya. Kaso, amp sinabutan niya ako.

“Biset ka! Hmp!” sabi niya sabay walk-out.

Sabay kaming natawa ni Tita sa kanya. Tinulungan ko na rin si Tita sa paghahanda ng agahan. Kailangan kung magpa-goodshot kahit alam kung gusto na nila ako. At syempre hindi lang pan-display ang ka-guwapuhan ko nu, ideal husband to dahil marunong ako ng gawaing bahay except magluto. Actually, pwede na akong mag-asawa.

Pritong tuyo na may kamatis tapos mainit na soup ang agahan. Sinamahan pa ito ng maanghang na sawsawan kaya the best ang agahan namin. Ngayon na lang ulit ako nakakain nito tapos kasama pa ang future wife at mother-in-law ko kaya mas masaya. Wala lang si father-in-law dahil nasa ibang bansa pero sigurado naman akong magugustuhan niya ako. Pareho kasi kaming guwapo, nakita ko yung picture niya e. Kasama na din yung baby pictures ni Lois Dei, nagtago nga ako ng isa habang hindi sila nakatingin.

Nang matapos na kaming kumain ay saka ko lang naalala na dapat nilagyan ko ng gayuma yung pagkain ni Lois Dei pero syempre biro lamang. Ang pagmamahal ay hindi pinipilit, kusa lamang iyon saka kahit walang gayuma ay alam kung magugustuhan ako ni Lois Dei. Ang guwapo ko kaya. Insert guwapong sign here.

Matapos ang agahan ay nawala na si Lois Dei este naligo na siya. Susundan ko sana kaso lang nagpapa-goodshot nga ako kay Mama kaya ako ang naglipit. Binilisan ko nga lang kaya may sebo pa yata yung iba. Iniwan kasi nila akong mag-isa sa kusina. Amp! Sabi pa naman ni Tita na madalas dito yung Tita ni Lois Dei na namatay.

Sakto paglabas ko ng kusina ay naamoy ko na ang pabango ni Lois Dei. Tumutulo pa yung tubig sa buhok niya habang nagsusuklay siya. Napamura ako dahil ang ganda talaga. Sexy pa, hindi yung sexy na payat ha. Yung sa kanya kasi may laman pero sexy. Sarap rape-in este titigan nga. Wholesome nga tong ka-guwapuhan ko.

“Uyy, maligo ka na dun. Baho mo na!” asar niya.

“Sus, guwapo ako kahit hindi ako maligo ng isang taon.”

“Aanhin mo naman ang guwapo kung mabaho naman.” Binelatan niya ako.

“Amp! Ang bango ko kaya. Amuyin mo,” tinaas ko yung kili-kili ko at lumapit sa kanya. Tumakbo naman siya bigla kaya natawa na lang ako.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nagdasal pa ako na sana ay walang tumutulong dugo sa shower at lumalabas na multo sa salamin dahil kung meron ay ewan ko na lang.

Tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. Pakinshet ang guwapo ko talaga! Actually, forever na akong guwapo. At ang guwapo ay laging ready. Kulang nga ang thank you dun sa bestfriend niyang si Kat dahil sinabi niyang umuuwi tuwing bakasyon sa probinsya si Lois Dei. Kaya nakapag-ready ako ng damit dahil expected kung matutulog ako dito.

Yun nga lang, nakalimutan kung magdala ng toothbrush. Sa dami ng makakalimutan pa ay yun lang pero mabango naman hininga ko kaya okay lang. Pero, kailangan nga iyon kaya nagisip ako kung anong gagawin ko. Malayo kasi ang tindahan ko at ayoko namang manghingi ng extra toothbrush kay Lois, malaman pa niyang hindi ako nag-toothbrush kagabi.

Sa huli, naisip kung gamitin na lang yung toothbrush ni Lois Dei. Alam ko agad na sa kanya kasi kulay green, favorite color niya daw yun at may nakalagay na pangalan.

Wala akong toothbrush kaya ginamit ko na. Pakiramdam ko hinalikan ko na rin si Lois Dei, indirect nga lang. Saka, hindi naman niya malalaman na ginamit ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagto-toothbrush nang may kumatok.

“Uyy, Tapos ka na ba?”

“Hindi pa, huwag excited makita ang wet look ko!” malakas na sabi ko sa pagitan ng pagsisipilyo.

“Aish! Ang tagal mo! Iabot mo na lang sa akin yung toothbrush jan. Maglilinis kasi ako ng sapatos.”

“Ha? Alin?”

“Yung toothbrush na may nakalagay na Lois!”

Pakinshet! Napabuga ako.

“Bakit basa? Ginamit mo?” tanong niya paglabas ko.

“Oo, pinangkuskos ko ng paa ko.” Kunwaring sabi ko. Alangang sabihin ko ang katangahang ginawa ko. Ayoko nga dahil kahit ako ay nandidiri sa ginawa ko.

“Weh? Baka pinan-toothbrush mo kasi akala mo sa akin.” patay-malisya lang ako sa sinabi niya kahit ang totoo ay napapamura talaga ako.

“Hindi ah, feeling ka!”

“Okay, nandun sa banyo sa taas lahat ng toothbrush. May isa dun na hindi ginagamit.”

Napakagat-labi na lang ako. Pakinshet talaga! Hindi ako makaget-over sa naranasan ko hanggang sa dumating yung pinsan niya na high school student.

Hindi ko na lang pinahalata na nasusuka pa rin ako kapag naaalala ko ang nangyayari. Nanahimik nga lang ako habang daldal siya ng daldal. Pinagluluto naman ako ng future wife ko kaya kahit papaano ay natanggap ko na ang katangahan ko.

Ayun, kinausap ko na rin ang pinsan niya. Kawawa naman kasi mag-isa lang nagsasalita. Balak ko ding magpa-goodshot dahil mukhang close sila ni Lois Dei. Mabuti nga at madaldal siya kaya hindi ko na kailangang magtanong dahil siya na mismo ang nagsasabi ng lahat ng tungkol kay Lois simula nung bata pa ito. Mapapadalhan ko talaga to ng regalo kapag nagkatuluyan kami ni Lois Dei ko.

Lunch. Tinola ang niluto ng future wife ko. Favorite niya din kasi ito kaya favorite ko na rin though alam ko namang Sinigang talaga ang gusto niya. Ang sarap e! Nakalimutan ko kung gaano ako ka-guwapo sa loob ng isang segundo. Pero seryoso, pwede na siyang mag-asawa. Nakailang plato ako ng kanin habang nakikinig sa usapan nila about sa business. May farm kasi sila. Akala ko nga dun kami pupunta after lunch kaso pagkatapos magligpit ay pumuwesto silang lahat sa sala.

Akala ko nga ay manunuod ng movie tapos Eat Bulaga lang pala yung papanuorin. Nakinuod na lang din ako habang ka-kwentuhan ko yung pinsan niya. Kumakain pa kami ng popcorn nun. Busy kasi si Tita at Lois na nag-uusap tungkol sa business kaya hinayaan ko na lang.

Nagkwe-kwento yung pinsan niya tungkol sa guy na gusto ni Lois Dei dati. Itatanong ko na sana kung sino kaso bigla na silang nanahimik nung Juan For All na. Nakakatuwa talaga ang Eat Bulaga though hindi ako madalas nakakanuod nito. Hanep kasi yung mga jokes nila at yung kulitan tapos pang-lahat pa. May iba kasing palabas na yung host na lang yung nakaka-relate at nag-e-enjoy.

Pumunta na kami ng farm pagkatapos. Ito na nga yung kanina ko pa hinihintay. May kabayo kasi sila so gusto kung sumakay at magpasikat pero wala, bokya dahil imbes na ako ang magturo ay ako pa ang tinuruan. Naalala ko nga palang laking farm ang Lois Dei ko. Tsk. Ayun natalo ako sa horse race kaya naranasan kung magpalabas ng gatas sa baka. Pero nag-enjoy naman ako kaya ayos lang. Pakiramdam ko nga asawa ko na si Lois Dei. Ang sweet nga niya sa akin, hinagis niya yung towel at inutusan akong punasan ang pawis ko. Hindi naman ako aangal kung siya ang magpupunas.

Lumubog na ang araw pagdating namin. Nakalatag na yung dahon ng saging sa lamesa. Natuwa ako nang sabihin nilang dun kami kakain. Mas lalo rin kaming dumami dahil kasama na yung mga Tita at pinsan niya. Nagustuhan naman nila ako, syempre guwapo ako.

Ayun, tampulan kami ng tukso habang kumakain. Cool lang ako at cool lang din siya. If I know, kinikilig siya sa akin, ako kasi natatae.

“Uyy, Kuya Ziv, kelan ka uwi?” tanong niya nang ma-solo na niya ako. Sabi na e, miss na ako nito. Hindi ko kasi kinakausap dahil nagpapa-goodshot ako sa mga pinsan at Tita niya. Kino-close ko para naman hindi sila umangal kapag nagpakasal kami. Insert guwapong tawa here.

“Ayoko na nga yatang umuwi,” seryosong sabi ko.

“Luh, kelan nga?”

“Bakit sasama ka ba? Papakasal ka na ba sa akin?”

“Tino mong kausap! Grabe! Tara na nga!”

Natawa na lamang ako. “Pero seryoso,” humabol ako sa kanya. “parang ayoko na nga talagang umuwi. Ang saya dito sa inyo. Chill lang kayo, parang walang iniisip. Actually ngayon lang ako sumaya ng ganito. Walang halong biro. Guwapo lang ako, hindi bolero.”

“Hindi ba masaya sa inyo?”

“Masaya naman. But not like this, basta I can’t explain. Iba yung sa inyo, iba to.” Pang-gagaya ko kay Paolo sa Eat Bulaga at sinamahan ng tawa.

Hindi ko talaga mapaliwanag, iba kasi yung saya. Siguro kasi hindi ako close sa parents ko at lagi lang akong nakaharap sa computer. Hindi rin ako sanay mag-open-up sa kanila dahil busy sila. Hindi tulad ni Lois na halos lahat ay nasasabi niya sa Mama niya. Hindi rin kami ganun ka-close ni Kuya at madalas mag-isa lang o di kaya nasa mga kaibigan ko ako nago-open. Okay naman ako sa parents ko sadyang may ibang magic talaga dito sa lugar nila – iba kasi yung bonding nila.

“Well, great. Hindi nasayang ang pagpunta mo dito. Masaya din sila dahil sa jokes at pambobola mo.”

“Syempre, guwapo ako e. Pero, I really mean it. I really enjoyed my stay here. Kung pwede nga lang na dito na lang ako tumira kasama ka. Pakasal na kaya tayo, huh babe?”

“Ay ewan ko sayo, tara na nga. Tulog lang yan,” sumunod na ako sa kanya tapos naalala ko na naman yung pag-tulog.

“Uyy, Lois Dei, pwedeng matulog sa kwarto mo please? Promise wala akong gagawin. Kahit dun lang ako sa lapag, please. Ayokong mag-isa e,” pagmamaka-awa ko. Hindi siya nagsalita. Tumuro siya sa may likuran ko. Nakita ko si Tita na nakatingin sa amin.

“Please, Tita? Behave po ako, promise. Pag hindi, papayag akong hilain ang paa ko nung Tita ni Lois Dei, please!” nagpa-cute pa ako at nangulit para effective.

“Okay, sige. Basta huwag gagapangin ang unica hija ko ha. Hindi lang kami makakalaban mo, pati multo.”

“Yes, Tita! Promise! Saka, papakasal na muna kami.”

“Okay sige, Good night!”

“Good night Tita, stay beautiful.” Huling sabi ko bago sumunod sa kwarto ni Lois Dei.

Akala ko maso-solo ko na siya kaso hindi pala. Amp! Nandun na kasi yung pinsan niya at tulog na sa kama kaya sa lapag na lang ako. Pero, okay lang basta hindi ako mag-isa.

“Matutulog na ako. Huwag kang magulo ha! May manghihila ng paa jan!” pinatay niya yung ilaw saka nahiga na. May liwanag naman mula sa buwan kaya nakikita ko pa rin yung kwarto niya.

Simple lang, walang arte parang siya. Astig nga e, pareho kaming mahilig sa anime. Ang sarap ngang iwui nung mga action figures niya sa shelf. Mayroon din siyang mga ganun sa room niya sa bahay nila sa Manila. Hihingin ko nga yung Grimjow saka magdadala ako ng mga books niya para may mabasa ako pag-uwi.

“Lois Dei,” tawag ko sa kanya habang nakatitig dun sa glow in the dark sa kisame. “tulog ka na? Laro tayong what ifs.”

“Ha? May ganun ba?” tanong niya tapos pinaliwanag ko naman.

“What if makulong tayo sa isang island? Anong gagawin mo?” tanong ko.

“Kakainin kita.”

“Okay, magkainan tayo!” nakangisi kung sagot kahit di niya ako nakikita.

“Wtf!” narinig kung sabi niya kaya tumawa ako. Hininaan ko lang dahil baka magising ang mga tulog.

“Bakit? Ikaw kaya nauna, saka unfair kung ako lang kakainin mo. Saka masarap din kaya ako, kala mo ikaw lang – ouch! Anyway, thank sa unan.” Sabi ko.

“Luh, iba kasi isip mo. Hindi iyon, ibig kung sabihin ay yung kainin na natin yung laman at katawan natin. May nabasa kasi akong ganun kaso nalimutan ko pamagat. Kinain na nila yung sarili nila sa sobrang gutom.” Paliwanag niya. Nag-ahh na lang ako kunwari, di kasi ako relate saka mas gusto ko yung naisip ko. Insert guwapong tawa here.

“Anyway, nevermind. What if pumanget ka?” tanong niya.

“End of the world na nun, babe. E, teka what if mag-out of the country tayo, saan mo gusto?”

“Sa Greece. Ikaw?”

“Kahit saan basta kasama kita.”

“Luhh, corny mo na po. Matulog na nga tayo. Magising pa tong pinsan ko. Good night na!” nakita kung nagtalukbong na siya ng kumot.

“Okay, Good night my Lois Dei, dream of me,” asar ko pa sabay talukbong na din ng kumot kaso ilang minuto na ang nakaraan ay hindi pa ako nakakatulog.

“Hey, Lois Dei. Tulog ka na?” tanong ko ulit. “What if ligawan kita? Papayag ka ba?” bumangon ako at tinitigan siya kaso nakatalukbong nga pala siya.

“What if I told you I like you, would you like me back?” I asked again. Hindi siya nagsalita kaya tinanggal ko yung kumot niya. I saw how serene she is. Amp! Okay, tulog na.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16