Download Story.

close

Semicolon 1: Playing with Cupid

Written By: Ian       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
Ian

CHAPTER SEVEN

BAHAGYANG nakaramdam ng pagkailang si Karin dahil sa tinging ibinibigay sa kanya ng mga lalaking kasama niya sa silid nang mga sandaling iyon. Natahimik din kasi ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Umayos siya ng pagkaka-upo at tumikhim.

            “Bakit bigla kayong tumahimik?” awkward na tanong niya. Bumaling pa siya kay Santi para senyasan ito pero nakatunganga lang din ang binata sa kanya.

            “Did you just laugh?” mayamaya ay basag ni Hiro sa katahimikan. Ang singkit na nitong mga mata ay lalo pang naningkit habang nakatingin sa kanya.

            “Ah… I think, so?” may mali ba sa pagtawa niya? Pangit ba siya tumawa?

            “Are you aware that this is the first time you laughed in front of us? At hindi lang basta tawa ang ginawa mo.” parang nagpapaliwanag sa bata ang tono ni Xian.

            Hindi siya nakaimik. Kung iisipin, sa tingin niya ay iyon nga ang unang beses na tumawa siya sa harap ng ibang tao pero ano ang gustong i-punto ng mga ito? Hindi ba’t normal lang naman sa isang tao ang tumawa? Tumatawa din naman siya, kapag nanonood siya ng mga Korean variety shows lalo na ang Going Seventeen, ang original variety show ng grupong pa-sikreto niyang hinahangaan.

            “Alam mo, you should laugh more. O kahit smile lang, ang pretty mo, Karin. Parang mas naging bata ka nang ten years kasi literal na nag-glow iyong buong mukha mo.” mayamaya ay basag ni Mikko sa katahimikan.

            She was taken aback by what he said. Iyon ang unang beses na may nagsabi sa kanya na maganda siya. Bigla din tuloy siyang na-conscious sa hitsura niya dahil alam niyang hindi kaaya-aya iyon. Hindi pa siya nagsusuklay mula nang magising siya.

            Basta na lang niyang tinanggal sa pagkakapusod ang buhok niya at sinuklay iyon gamit ang dalawang kamay. Inayos din niya ang salamin sa mata bago muling bumaling sa mga lalaking kasama.

            “Teka, lalabas muna ako. Babalik na lang ako kaagad.” biglang paalam ni Vincent bago sunod-sunod ang ginawang pag-tikhim. Tumayo ito at nagsimulang maglakad papunta sa pinto nang hindi na muling tumitingin sa kanya.

            “Sama ako, Vincent.” nagmamadaling tumayo din si Mikko.

            “Sama ako. Punta lang ako sandali sa CR.” segunda ni Hiro. Hinila nito patayo si Xian at sumunod sa dalawang nauna nang lumabas.

            “Did I do something wrong?” nababahalang tanong niya kay Santi na siyang naiwan doon. Umurong pa siya palapit dito, hindi na niya magalaw ang pagkain niya dahil naga-alala siyang may nagawa siyang hindi maganda kaya biglang umalis ang mga kaibigan nito.

            Huminga muna ito ng malalim at tumikhim bago sumagot. “You don’t know your effect to other people, don’t you?” balik-tanong nito.

            “No? Ano bang ginawa ko? Hindi na ako mapakali dito, seryoso.” Gusto yata nitong atakihin siya sa puso. At bakit ba kasi masyado siyang affected kung anong nararamdaman ng mga ito sa kanya?

            “Nothing. Na-overwhelm lang siguro sila dahil sa mga nakita nila kaya sila ganoon mag-react.” mayamaya ay mahinahong sagot nito.

            “What do you mean?”

            “You didn’t do anything wrong, okay? This is the first time that you actually laugh in front of us, normal lang siguro na magulat kami. And then you suddenly do that thing?” ginaya nito ang ginawa niyang paga-ayos sa buhok kanina. “You look like a model, trying to pose in front of the camera.”

            “What?” seryoso ba ito sa sinasabi nito? Ganoon ba ang ginagawa niya? Pero nailang lang kasi siya nang sabihan siyang maganda ni Mikko.

            “And believe it or not, you really are pretty when you laugh. Kaya din kami natahimik.”

            “Well, that was the first time someone actually told me that I’m pretty and I don’t know how to react. What do you guys, expect?” she may sound defensive but what can she do? Iyon naman ang totoo.

            “Okay, in behalf of my friends, I apologize. Hindi din kasi namin alam kung paano magre-react sa mga nangyari. Sumama lang naman kasi talaga kami kay Hiro dahil nami-miss ka na daw niya.” bahagya pa itong natawa. “And then, surprise! What a turn of events, right?” iiling-iling na dagdag nito.

            Hindi pa din niya alam kung ano ang mararamdaman kaya nanahimik na lang siya. Ano ba ‘tong pinararamdam ng mga taong ‘to sa kanya? Bakit apektadong-apektado siya sa sinasabi ng mga ito?

MAAGANG nagising si Karin nang araw na iyon. Tapos na ang examination week niya kaya naisip niyang tanggapin ang paanyaya ni Santi na manood ng basketball game nito at ng mga kaibigan nito. It’s a Saturday, anyway so might as well go somewhere else. Deserve naman siguro niyang mag-unwind sa ibang lugar pagkatapos niyang magpakahirap sa buong linggo.

            “Where are you going?” tanong ng kanyang ama nang saluhan niya ang mga ito sa agahan. May business trip ang kanyang ama sa Taiwan samantalang ang mommy niya ay kailangang pumunta sa Cebu kaya isang linggo siyang maiiwang mag-isa sa bahay.

            “I’m meeting some friends lang po.” magalang na sagot niya. Nag-desisyon siyang kaunti lang ang kainin dahil nangako si Hiro na dadalhan siya ng cookies na gawa ng mommy nito.

            “You have friends?” gulat na tanong ng mommy niya.

            Hindi niya alam kung mao-offend siya dahil sa reaksiyon nito. Nakakagulat ba na may ibang taong nakakatiis sa isang katulad niya?

            “Yes, mommy.” kaswal na sagot niya.

            “Well, that’s new.” kibit-balikat na komento nito bago nagpatuloy sa pagkain. Lihim na lang siyang huminga ng malalim para alisin ang bigat sa dibdib na bigla niyang naramdaman.

            Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya sa mga ito. Sanay na siyang wala ang mga ito kaya kahit hindi niya makitang umalis ang mga magulang ay ayos lang. Wala din namang pakialam ang mga ito kahit saan siya magpunta o ano ang gawin niya. Hindi lang siguro inaasahan ng mommy niya na may makikipag-kaibigan sa kanya. Don’t I deserve to have friends, too?

            Naglakad lang siya palabas ng village dahil sinabihan niya si Santi na huwag nang pumasok. Gusto din niyang kalmahin muna ang sarili bago humarap dito. Ayaw niyang masira ang araw ng mga ito dahil lang sa kanya.

            Nakasandal ito at si Marco sa gilid ng isang SUV habang nagu-usap. Nang balingan siya ni Santi ay agad itong dumeretso ng tayo at naglakad palapit sa kanya. “Sorry, pinaghintay ko ba kayo ng matagal?”

            “Hindi naman. Dumaan din kasi kami sandali sa Rose Quartz bago pumunta dito.”

            “Bakit?”

            “May kinuha lang kaming order kay Ate Cyrille.”

            Binati niya si Marco nang makalapit sila dito. “Nag-breakfast ka na, Karin? Gusto mo ng coffee?” tanong nito.

            “Nakapag-breakfast na ako bago umalis ng bahay. Mamaya na lang siguro tayo mag-coffee.” sagot naman niya.

            Sa backseat sila umupo ni Santi. Kunot-noo pang humarap si Marco sa kanila nang makasakay ito sa driver’s seat. “Bakit nandiyan ka?” tanong nitong sa kaibigan nakatingin.

            “What do you mean?” naguguluhang balik-tanong ni Santi.

            “Ano ako, driver n’yong dalawa?” he laughed and shake his head. “Unbelievable.”

            “Okay ka lang, Marco?” tanong niya sa binata. Mukhang naiinis kasi ang hitsura nito nang silipin niya.

            “Don’t worry, Karin. Wala kang kasalanan. Makakasapak lang ako ng kaibigan mamaya.” natatawa pa ring sagot nito.

            “Huwag mong pansinin iyan, sadboi lang talaga siya ngayon.” bulong ni Santi pagkatapos nitong masuyong tapikin ang tuktok ng ulo niya.

            “Bawal mag-landian sa loob ng kotse ko, hindi na nakakalabas ng buhay.” narinig nilang ani Marco.

            “What do you mean? Wala namang naglalandian dito.” inosenteng sagot niya. Mukhang hindi talaga maganda ang mood ng binata samantalang mukhang okay naman ito kanina.

            “Kung ako sa’yo, hindi ko na pinapansin iyan. Kung ano-ano lang naman ang lumalabas sa bunganga ng lalaking iyan. Bitter kasi.” suhestiyon ni Santi na pabulong pang sinabi ang huling salita. Nang balingan niya ito ay malawak ang pagkakangiti at kumikinang ang mga mata ng binata. Tahimik pa itong bumubungisngis nang muling tumingin sa harapan.

            Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Marco na animo sumusuko na sa kakulitan ng kaibigan nito. “Bahala na nga kayo sa buhay n’yo.”

            “Mag-drive ka na lang diyan, ang dami mo pang sinasabi.” segunda naman ni Santi bago siya binalingan at kinindatan. Hindi na siya nakapag-react kaagad dahil nag-iba na ito ng tingin.

            Tahimik na nga lang na nag-maneho si Marco habang sila ng katabi niya ay tahimik ding nakatingin sa kung saan-saan. Masyadong naa-amaze si Karin sa mga naramdaman mula nang makasakay siya sa sasakyan na iyon. Ang pagkinang ng mga mata ni Santi, ang pagkindat nito sa kanya. Kung tutuusin ay normal na gawain lang iyon ng kahit na sino bakit parang apektado siya? Dapat na ba siyang kabahan o tuloy-tuloy na lang niyang huwag intindihin ang kung ano man ang nararamdaman niya ngayon dahil baka mawala lang din iyon?

            “Sigurado ka bang magiging okay ka lang kahit madaming tao? Kasama namin ang mga kapatid namin kaya siguradong madami-daming kakausap sa’yo.” mayamaya ay tanong ng katabi niya dahilan para muli siyang bumaling dito. Sa pagkakataong iyon, paga-alala na ang nakikita niya sa mukha nito.

            Talagang marunong kang bumasa ng nararamdaman ng ibang tao pagdating kay Santino?

            Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Hindi ko naman malalaman kung hindi ko sila makikilala, hindi ba? Isa pa, nandoon ka naman at ang mga kaibigan mo. Siguradong ililigtas n’yo ako kapag nakita n’yong hindi na ako kumportable.” narinig na lang niya ang sariling sinasabi ang mga salitang iyon habang deretso ang tingin sa mga mata nito. Bahagya pa siyang ngumiti para siguruhing maalis ang paga-alalang nararamdaman nito.

            “Correction lang. Kaibigan mo din kami, Karin. Hindi na lang kami kaibigan ni Santi ngayon. Paki-correct lang ang sarili mo.” sabad na naman ni Marco. Malumanay naman ang pagkakasabi nito kaya alam niyang hindi ito galit o naiinis.

            “Sorry.” hinging paumanhin niya sa binata.

            “It’s okay. Alam ko naman na hindi ka pa din sanay na may mga kaibigan ka na ngayon. We just need to continuously remind you.”

            Naramdaman niya ang pagtapik ni Santi sa balikat niya kaya muli siyang napatingin dito. “It’s okay, don’t worry. We’ll be with you, later. Walang mangi-iwan sa’min doon sa’yo.” paniniguro nito at naniniwala siya sa binata. The assurance in his eyes and smile is enough for her to believe him.

            Weird but in a good way.

LIHIM na napangiwi si Santi nang pagkaguluhan ng mga tao sa loob ng indoor barangay court si Karin. Nasa bungad pa lang sila ay patakbo nang lumapit ang mga kababaihan sa kanila.

            “Are you, Karin?” tanong ng nakatatandang kapatid ni Mikko dito.

            “Kanina pa namin kayo hinihintay kasi gusto ka naming makilala. Na-kuwento ka na kasi sa’min ng mga kapatid namin.” segunda naman ng nakababatang kapatid ni Jeremy.

            “Don’t worry, kami na ang bahala sa’yo. You are safe with us.” malawak ang ngiting sabi ng nakababatang kapatid ni Vincent.

            Nang balingan niya si Karin, tabingi na ang ngiting ibinibigay nito sa mga babae kaya humarang na siya sa mga iyon. “Pagpahingahin n’yo muna si Karin, mamaya n’yo na kausapin at malamang na-culture shock na ‘to sa gulo n’yo.” pigil niya sa mga ito. Ipinulupot niya ang braso sa balikat nito para hilahin ito papasok sa loob. Kasunod nila si Marco na naiiling na lang habang inaasar ang mga kababaihan.

            “Ang hyper n’yo agad, mga mami. Nakakain ba kayo ng matamis?” panga-asar ni Marco sa mga ito. “Para kayong mga zombie kung pagkaguluhan iyong bisita.” segunda pa nito at impit na tumawa.

            “Ganyan kayo palagi dito?” tanong ni Karin sa kanya nang makalayo-layo na sila.

            “Medyo. Pasensya ka na, bihira kasi ang may mga nakakasama sa’min kaya ganyan sila ka-excited.” hinging paumanhin niya.

            “Hoy, ano iyang pag-akbay na iyan? Tanggalin na iyang braso na iyan.”

            “Malayo na kayo sa tao, walang kukuha kay Karin. Tama na iyan.”

            “Galawang Santi!”

            ‘Tsaka lang niya napansing nakapulupot pa din ang braso niya sa balikat ng dalaga. Agad niya iyong inalis at tumikhim. “I’m sorry.” baka hindi lang ito nagsasalita pero naiilang na ito sa ginawa niya. Hindi na kasi siya nag-isip kanina at basta na lang itong inakbayan para mailayo sa mga nagkakagulong kababaihan.

            “It’s okay, no harm done.” sagot ng dalaga. “Thank you for protecting me, back there.” Hinarap na nito ang mga kaibigan niya nang makalapit sila sa mga iyon at binati. “How are you, guys?”

            “Buhay pa naman, though mamamatay na yata sa sobrang busy.” sagot ni Joshua na sinundan pa ng bungisngis.

            “Kami naman ang examination week ngayon, buti na lang tapos na kayo.” segunda naman ni Chester. “Kaya nagpapahinga si Mavis kasi babawiin daw niya mga sleepless nights niya.”

            “Ikaw, nakapag-pahinga ka na ba?” tanong naman ni Xian.

            Tumango si Karin at bahagyang ngumiti. “Kaya pumayag na din akong sumama dito para makapag-unwind naman. Panonoorin ko lang kung anong gagawin n’yo.” umupo ito sa tabi ni Hiro at tinapik ng malakas ang kaibigan sa hita. “Hindi mo ba ako na-miss?”

            “Syempre, na-miss. Ako pa ba ang makakalimot sa’yo? Best friends tayo.” nakangising sagot nito.

            Magaan ang pakiramdam ni Santi dahil nakikita niyang kumportable si Karin sa mga kaibigan niya at hindi ito iyong taong iiwas na animo may mga nakakahawa silang sakit.

            Pero nang tumigil ang mga mata niya kay Chester ay biglang kumabog ang dibdib niya. Kaya nga pala niya naisipang yayain si Karin doon ay dahil sa utos ng kuya niya. Handa na daw itong kausapin ang dalaga at humingi ng paumanhin dito. Handa na din daw ang kapatid niya na maging kaibigan para sa dalaga.

            Ang totoo, hindi niya alam kung paano magre-react nang sabihin sa kanya ni Kuya Peter ang gusto nitong gawin. Masaya siya na maayos na ulit ang kapatid niya, pero kinakabahan siya dahil baka kung ano ang isipin ni Karin kapag nalaman nitong magkapatid sila ni Kuya Peter.

            Natatakot kang malaman niya na nilapitan mo lang siya dahil sa utos ng kuya mo? Bakit, totoo naman na iyon lang ang dahilan mo, hindi ba?

            “Guys, game na. nandito na sila Kuya Peter.” sigaw ng mga babaeng hindi pa din umalis sa entrada ng court. Nakita niya ang pagtayo ng mga kaibigan niya at ang pagsilip ni Karin sa pinanggalingan ng tinig.            

Hindi niya inaalis ang tingin sa dalaga kaya nakita niya ang pagkagulat na bumakas sa magadang mukha nito. And at that moment, Santi is almost sure that he’s doomed.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12