Download Story.

close

Semicolon 1: Playing with Cupid

Written By: Ian       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
Ian

CHAPTER SIX

NAPABUNTONG-HININGA na lang si Karin nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto. Ni hindi na siya nag-abalang tingnan kung sino ang pumasok, ipinagpatuloy na lang niya ang paggawa ng reviewers niya para sa nalalapit na midterm examination.

            “Nag-merienda ka na, Margareth?” tanong ng nanga-asar ng tinig ni Santi.

            Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya pero hindi pa din niya ito nililingon. “Tigilan mo ako, Santino Miguel. Madami pa akong gagawin, pinaiinit mo na agad ang ulo ko.” wika niya. Alam nitong ayaw niyang tinatawag sa second name niya kaya ginagawa nitong pang-asar iyon sa kanya.

            Magi-isang buwan na din mula nang magsimula siyang mag-trabaho sa Rose Quartz. Ibig sabihin, ganoon katagal na din niyang pinagtitiisan ang panggugulo sa kanya ni Santi at ng mga kaibigan nito. Ginugulo ka nga ba nila?

            Sa totoo lang, hindi talaga niya maintindihan ang sarili. Noong una. Dahil sa dami ng mga taong nakasalumuha niya mula pa noong bata siya, ito at ang mga kaibigan lang nito ang hinayaan niyang guluhin ang tahimik niyang mundo. Ang mga ito lang ang nakapasok sa silid na iyon kahit na hindi hinihingi ang permiso niya. Ang mga ito lang din ang nakapagpa-payag sa kanya na kumain ng pagkaing hindi galing sa sarili niyang bulsa.

            Hindi kasi siya ang tipo ng tao na nagpapalibre sa kahit na sino lalo na kapag hindi niya kilala. Kahit nga ang mga kasama niya sa organisasyon ay hindi niya hinahayaang ibili siya ng kahit na ano. Hindi naman kasi siya ganoon kalapit sa mga ito.

            Bakit sa mga bago mong kakilala, malapit ka na ba talaga?

            They consider me as a friend. According to them, I’m like a little sister.

            And you’re beginning to open up to them?

            Go with the flow siguro ang tamang tawag sa kung ano man ang ginagawa niya. Dahil maalala man siya ng mga ito o hindi, okay lang sa kanya. Puntahan siya ng mga ito o hindi, okay lang sa kanya.

            “May lumapit sa’kin kahapon, Mavis at Nessie ang pangalan. Kilala mo daw sila.” mayamaya ay aniya. Bahagya niya itong sinulyapan kaya nakita niyang may inilalabas itong mga pagkain mula sa isang paper bag.

            “Girlfriend ni Chester si Mavis. Baka gusto lang din makipag-kaibigan sa’yo.” simpleng sagot naman nito nang hindi siya tinitingnan. Inilapag nito sa tabi niya ang french fries, burger at isang malaking soft drinks. Naglapag pa ito ng mayonnaise na nakalagay sa isang maliit na lalagyan. “Mag-merienda ka muna, baka hindi ka pa kumakain.” May itinaas pa ito nang makitang pinanonood niya ang ginagawa nito. “Mamaya ko ibibigay ang coke float mo, kapag naubos mo na lahat iyan.”

            Isa iyon sa madalas gawin ng binata para sa kanya mula nang unang beses na hayaan niya itong bilhan siya ng pagkain. Noong una ay sinasaway pa niya ito, hindi nga lang ito nakikinig. Hindi din niya magawang mainis dito, sa hindi niya malamang kadahilanan. Kaya naman hinayaan na lang niya si Santi sa kung ano man ang gusto nitong gawin, hindi lang naman siya ang nagi-isang kumakain, bumibili din ito ng para sa sarili nito.

            “Sabi mo, bawasan ko ang pag-inom ng kape kapag uminom ako ng soft drinks para hindi ako magkasakit pero binibilhan mo din naman ako.” nailing na paalala niya dito. Napagsabihan na kasi siya nito nang minsang makita ang isang malaking baso na naglalaman ng kape sa mesa habang umiinom siya ng soft drinks.

            “Minsan lang naman. At least, once a month para hindi ka ma-deprive masyado.” defensive na sagot nito at agad itinago sa gilid nito ang kape. “Ituloy mo na ang kuwento mo tungkol kina Mavis.” pagi-iba nito sa usapan pagkatapos humarap sa kanya. Nasa harap na din nito ang sarili nitong pagkain.

            “Bakit kilala niya ako?” tanong na lang ulit niya. Kinuha niya ang lalagyan ng fries at inumpisahang lantakan iyon habang sinasawsaw sa mayonnaise.

            “Hindi ka aware na madaming nakakakilala sa’yo sa school n’yo?” balik-tanong nito sa kanya.

            Nagsalubong ang mga kilay niya bago umiling. “Bakit naman ako makikilala sa school namin? Hindi naman ako sikat, hindi naman ako artista.” Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ‘to?

            “At hindi ka din mahilig mag-ayos ng sarili mo. Palaging magulo ang buhok mo. Madalas na maluluwag na damit ang suot mo. Iyong totoo, tamad ka lang ba talaga o wala ka lang pakialam sa sarili mo.” pabiro pa nitong hinimas-himas ang ulo niya habang nakangisi.

            Napailing-iling na lang siya. Hindi iyon ang unang beses na nakarinig siya ng ganoong komento. Si Ate Cyrille, palagi siyang pinagsasabihan na ayusin naman ang sarili niya. Si Kuya Peter noon, pinagsasabihan din siya, kung minsan ay ito pa mismo ang magtatali ng buhok niya para maayos tingnan. Wala naman siyang pakialam sa tingin ng ibang tao sa kanya, basta kumportable siya. Pero bakit nang si Santi na ang nagsasabi ngayon, parang bigla siyang nakaramdam ng kaunting uneasiness? Parang bigla siyang naging aware sa hitsura niya?

            “Masagwa bang tingnan? Wala kasi akong pakialam sa hitsura ko basta kumportable ako.” matapat namang sagot niya pero bahagya niyang inayos ang salamin sa mata maging ang kanyang buhok.

            “No, it’s not. Well, for me. Siguro, nasanay na akong makita kang ganyan pero hindi ba dapat, para sa mga katulad mong babae, kailangan n’yo din mag-ayos? Napapaligiran ako ng mga babae dahil sa mga kapatid ng mga kaibigan ko kaya alam ko na karamihan talaga, hindi nakakaharap sa ibang tao nang hindi nakaayos ang sarili.” mahaba namang paliwanag nito.

            Napatango-tango na lang siya bago nagpatuloy sa pagkain habang itinatatak sa utak ang mga sinabi nito. Siguro nga, kailangan niyang mag-ayos kahit minsan para mag-mukhang presentable sa harap ng iba.

            Really, Karin? Ngayon mo lang na-realize iyan?

            Naramdaman niya ang pagpitik sa noo niya kaya bumalik kay Santi ang mga mata niya. “Hhmmm?” may sinasabi ba ito na hindi niya narinig?

            “Pakiramdam ko naririnig ko iyang nasa isip mo.” nakangiting wika nito. “Seriously, huwag mong masyadong isipin kung ano man ang sinabi ko. Napansin ko lang iyon, hindi naman ibig sabihin na gawin mo. I like you the way you are, okay?” Kinuha nito ang burger sa mesa at ibinigay iyon sa kanya. “Kumain ka lang muna nang kumain para full battery ka sa paggawa ng reviewer mo.”

            Nag-umpisa na nitong lantakan ang mga pagkain nito kaya iyon na lang din ang ginawa niya. Alam naman niyang hindi siya guguluhin nito kapag bumalik na siya sa mga ginagawa niya. Ganoon naman palagi ito at sanay na siya.

            He’s starting to feel like a safe place for me.

            Is that a good thing or a bad one?

“SANTINO, puntahan natin si Karin. Nami-miss ko na iyong babaeng iyon.”

            “Me too. Nami-miss ko na iyong poker face niyang pagse-celebrate kapag nananalo siya sa arcade games namin.”

            “Hindi kasi siya nagre-reply sa mga message ko, baka nagtatampo iyon kasi hindi ko siya napupuntahan.”

            “Feeling mo naman magtatampo si Karin kapag hindi ka niya nakita? Baka nga magpa-party pa iyon, Hiro dahil walang buwisit sa harap niya.”

            “Inggit ka lang, Henry. Close kasi kami ni Karin, kayo hindi. ‘Tsaka siya lang nakaka-appreciate sa’kin sa pamilyang ‘to.” umingos pa ito bago nagpatuloy sa pagkalikot ng camera na hawak nito.

            “Bakit? Kasali na ba si Karin sa pamilyang ‘to? Kailan pa?” sunod-sunod na tanong naman ni Mikko.

            Napailing-iling na lang si Santi habang nililinis ang sariling camera. May kanya-kanya silang assignment para sa buwang iyon at kailangan, bago matapos ang linggo ay may finish product na sila. Iyon ang ibinigay ni Miss Colette pagkatapos nitong kausapin sina Chester at Xian.

            Preparations para sa Foundation Day ang napunta sa kanya kaya iyon ang aasikasuhin niya kasabay ng research paper na hanggang ngayon, hindi pa din niya natatapos. Next month na ang pasahan no’n kaya kailangan niyang seryosohin ang paggawa.

            “Simula no’ng makilala namin siya sa Rose Quartz, kasali na siya sa pamilya natin. Huwag ka nang umangal dahil hindi ka naman importante.” hindi papatalong wika ni Hiro.

            “Bakit, importante ka ba? Ha?” hindi papatalong balik-tanong ni Mikko.

            “Syempre, ako pa ba? Importante talaga ako.” mayabang na sagot ni Hiro.

            “Nagugutom ako, sinong gustong kumain?” singit ni Marco.

            “Kailan ka ba nabusog?” balik-tanong ni Xian. “Ano bang kakainin mo?”

            “Bibili ako ng milktea ‘tsaka takoyaki.”

            “Teka, sama ako. Please, kahapon ko pa gustong kumain ng takoyaki.” sagot ni Joshua. Ibinaba na nito ang hawak na camera at tumayo na. “Nainggit kasi ako kay Aileen kagabi, hindi naman ako makahingi dahil mukhang gutom na gutom iyong baboy na iyon.”

            “Baboy man sa iyong paningin, alam naming mahal na mahal mo pa din.” banat ni Liam na ikinatawa nilang lahat dahil biglang natahimik ang pobreng si Joshua.

            “Tama na nga iyan, bumili na lang kayo ng pagkain. Kailangan nating matapos ng maaga para makapag-pahinga din tayo.” saway na niya sa mga ito.

            “Pupuntahan natin si Karin mamaya, Santi?” tanong na naman ni Hiro.

            “Bakit ba gusto mong puntahan si Karin?” tanong dito ni Jeremy.

            “Nami-miss ko nga kasi siyang kausap.” pasensyoso namang sagot nito.

            “Crush mo ba si Karin, Hiro?” biglang tanong ni Zach na sandaling nakapag-patigil kay Santi sa ginagawa niya. Hindi niya alam kung bakit biglang parang gusto niyang iuntog sa pader ang ulo ni Zach dahil sa tanong na lumabas sa bibig nito.

            “Hindi, no. Platonic lang ang nararamdaman ko para sa babaeng iyon. Magaan lang talaga ang loob ko sa kanya.” agad namang sagot ni Hiro at napailing-iling. “Napaka-issue ninyo, bahala kayo sa mga buhay n’yo.” Binitiwan na din nito ang hawak na camera bago walang salitang lumabas ng silid kasunod ng tahimik na si Joshua.

            “Two down. Sino pa gustong mapikon ngayong araw? Sabihin n’yo lang, willing akong pikunin kayo.” nakangising ani Zach habang abala sa hawak nitong camera.

            Binatukan ito ng katabing si Jeremy. “Minsan, piliin mo kung kailan ka manga-asar at mamimikon.” seryosong pagsawata nito sa kaibigan.

            Hindi na sila kumibo at nagsibalik na sa kani-kanilang ginagawa. Kapag si Jeremy ang naninita kay Zach, hindi na ito pumapalag. Ang ibig sabihin lang niyon ay mali talaga ang ginawa nito.

            At dahil gusto ni Santi na mawala ang pagkainis ni Hiro, yayayain na lang niya itong pumunta sa Rose Quartz pagkatapos ng mga kailangan nilang gawin para sa araw na iyon.

            Gusto mo lang makita si Karin dahil tatlong araw mo nang hindi nakikita. singit ng isang bahagi ng isip niya.

            Gusto siyang makita ni Hiro at dahil mabait akong kaibigan, pagbibigyan ko siya.

            Hindi ba’t madami kang kailangang gawin? May time ka pa talagang puntahan siya?

            Ipinilig na lang niya ang ulo at nagmamadaling tinapos ang paglilinis ng sariling camera. Iyon ang ipinangako niya sa nakatatandang kapatid kaya iyon ang gagawin niya.

“KARIN! I missed you!”

            “Hiro, huwag kang masyadong maingay at natutulog daw si Karin. Baka magalit iyon kapag nagising.”

            “Mamaya n’yo na lang siya puntahan kapag nagising na. Pagod iyan dahil examination week nila.”

            “Kain na lang muna tayo Hiro para paggising ni Karin, busog ka na.”

            Nakangiwing tumango si Hiro at binitiwan ang door knob. Relieved na huminga ng malalim si Santi nang mag-umpisa itong lumayo sa pinto at naglakad papunta sa bakanteng mesa ng café.

            Katulad ng ipinangako ni Santi, pinuntahan nila ni Santi si Karin. Maliban dito, kasama din nila si Xian, Mikko, at Vincent dahil nami-miss na daw ng mga itong kumain ng pastries na gawa ni Ate Cyrille.

            Siya na ang nag-order para sa mga kaibigan habang ang mga ito naman ay nagkanya-kanya na ng ginagawa. Pumunta sa library area si Xian kasama si Hiro, naglaro naman ng mobile game sina Mikko at Vincent.

            “Nagkapikunan na naman ba sina Mikko at Hiro?” tanong sa kanya ni Ate Cyrille nang siya na ang nasa counter.

            Nakangiwing tumango siya. “Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nilang inaasar ang isa’t-isa, ate. Mabuti nga at wala si Marco, kundi isa din iyon na gumatong pa sa dalawa.” sagot naman niya.

            Pagkatapos niyang um-order ay bumalik na siya sa mesa nila. Hindi naman nagtagal ay bumalik na din sina Hiro at Xian. Umupo si Hiro sa tabi ni Mikko. “Dala mo iyong librong binabasa mo kahapon?” tanong nito sa kaibigan nila.

            Tumango si Mikko at kinuha ang libro sa bag nito pagkatapos ay tahimik na inabot iyon kay Hiro. Lihim na lang na napangiti si Santi dahil alam niyang ayos na ulit ang dalawa. Malamang, kinausap ni Xian si Hiro nang mag-solo ang mga ito sa library. Ganoon naman silang magkakaibigan, maga-asaran, magkakapikunan, pero mayamaya lang ay ayos na ulit.

            Tahimik na silang naghintay sa order nila. Saktong tinawag ni Ate Cyrille ang pangalan niya, bumukas ang pinto ng silid kung saan nandoon si Karin. Pupungas-pungas ito habang deretsong naglalakad papunta sa loob ng counter. Her messy bun with eyeglasses make her look like a lost baby who’s about to ask her mother for food. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti.

            “Gising na si Karin.” narinig ni Santi na malakas na sabi ni Hiro. Nabaling tuloy sa puwesto nila ang pansin nito. As usual, hindi ito ngumiti pero tumango naman habang naniningkit ang mga mata.

            “What do you want to eat?” narinig niyang tanong ni Ate Cyrille sa dalaga habang palapit siya sa mga ito.

            “Two slices of red velvet and a venti green apple lemonade, please.” sagot nito bago siya binalingan. “Kanina pa kayo?” tanong nito sa kanya. Hindi na ito nagulat sa presensiya nila dahil sa dalas nila itong guluhin.

            “Hindi naman. Kakain pa lang din kami. Nasa mood ka ba para sa kakulitan ni Hiro ngayon? Nami-miss ka daw niya kaya nagyaya siya dito.” aniyang inginuso pa ang mga kaibigan.

            “Sa kuwarto na kayo, mamaya na lang ako magre-review.” Muli nitong binalingan si Ate Cyrille. “Ako na kukuha ng cake, ate. Pakigawa na lang iyong lemonade. Sasabay na ako kina Santi bumalik sa kuwarto.”

            “Huwag ka na munang pumunta sa library at pagod ka na. Next week na lang, after ng exam mo.” bilin dito ng nakatatandang babae bago inumpisahang gawin ang inumin ng dalaga. Tahimik naman itong kumuha ng cake pagkatapos tanguan ang pinsan.

            Sinenyasan naman niya ang mga kaibigan na puwede na silang pumasok sa silid. Mabilis namang tumakbo si Hiro bitbit ang mga gamit nito papunta sa kuwarto, kasunod ang tatlo habang siya, hinintay si Karin para sabayan ito.

            “Mukhang sabog na sabog ka na sa hitsura mo.” puna niya habang pabalik sila sa silid.

            “Major subjects kasi exams ko kahapon ‘tsaka kanina. Buti na lang, minor na lang bukas kaya may free time ako.” sagot nito. Pinagbuksan na niya ito ng pintuan at pinaunang pumasok sa loob bago siya sumunod.

            “Karin, madami ka bang ginagawa? Gusto mong tulungan ka namin?” bungad na tanong ni Hiro dito.

            “I’m okay, Hiro. Magre-review lang ako mamaya.” malumanay namang sagot ng dalaga. Ibinaba nito ang mga bitbit na pagkain sa mesa at ganoon din ang ginawa niya. Binati nito sina Mikko, Vincent, at Xian bago umupo sa sahig. “Kain na lang muna tayo, guys.” yaya nito sa kanila na agad naman nilang pinaunlakan.

            “Feeling ko, kailangan mo ng mahaba-habang pahinga after ng exam week mo.”  simula ni Mikko.

            “I know. Baka magkulong lang ako sa kuwarto ko at matulog para bawiin iyong mga sleepless nights dahil sa review.”

            “Ganoon kahirap iyong mga subjects mo?” tanong naman ni Vincent.

            “Not really. Situational kasi iyong iba, right minus wrong. Mga ganoong kalokohan ng mga teachers kaya mahirap magkamali. Pero may mahihirap din akong subjects.”

            “Pero dapat, hindi mo pa din hinahayaang kulang ka sa tulog. Mahirap iyan, Karin.” pasimpleng sermon dito ni Xian.

            “Oo na, master. Alam ko na po, magpapahinga na po ako pagkatapos ng exam week ko.” balewalang sagot nito. Sa mga kaibigan niya, si Xian, Hiro, Marco, Mikko, at Chester ang masasabi niyang pinaka-malapit sa dalaga maliban sa kanya. Kumportable ito kapag nakikipag-usap sa mga iyon maging sa kanya.

            “Gusto lang naman talaga kitang makita kaya kami nagpunta dito. Nami-miss na kasi kita tapos feeling ko nagtatampo ka kaya hindi mo sinasagot iyong mga message ko.” ani Hiro.

            “Ako, nagtatampo? Bakit?” kunot-noong tanong ni Karin. Bumaling ito sa kanya para marahil itanong kung anong ibig sabihin ni Hiro pero nagkibit-balikat lang siya. Hahayaan niya si Hiro sa kayabangan nito.

            “Hindi kasi kita nadadalaw, baka nagtatampo ka na sa’kin.” walang paga-alinlangang sagot ng kaibigan.

            Sandaling natahimik si Karin habang nakatingin lang kay Hiro. Mayamaya, ikinagulat nilang lahat ang sunod na ginawa nito.

            She laughed. Hard. She is fucking laughing right now.            

Now, why does it sound so good in his ear?

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12