Download Story.

close

Semicolon 1: Playing with Cupid

Written By: Ian       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
Ian

CHAPTER FIVE

“ILANG taon ka na, Karin?”

            “Anong course mo? Anong year ka na?”

            “Anong mga favorite mo?”

            “Puwedeng isa-isa lang? Ilan ba ang Karin ang kausap n’yo?” saway ni Santi kina Marco at Hiro. Nasa magkabilang-gilid ni Karin ang dalawa at ayaw tantanan ang babae. Halatang hindi kumportable ang dalaga sa ginagawa ng mga ito, hindi lang marahil magawang mag-reklamo.

            Binalingan siya ni Marco, bahagyang nakasimangot. “Ano bang masama sa ginagawa namin? Nagtatanong lang naman kami?”

            “You’re pestering her. Nanggulo na nga lang tayo dito dahil sa inyong dalawa, ganyan pa kayo.” pangaral naman ni Chester sa mga ito.

            “We’re not. Nakikipag-kaibigan lang kami sa kanya.” kontra ni Hiro.

            “Pero pine-peste n’yo pa din siya. Tigilan n’yo kung ayaw n’yong pare-pareho tayong masipa ni Karin palabas ng kuwartong ‘to.” banta pa ni Xian.

            “Pati ba naman ikaw, Xian?” parang batang nagtatampo na tanong ni Hiro sa kaibigan at lumabi pa.

            Marahas na bumuntong-hininga si Santi at sumusukong bumaling kay Karin. Halatang hindi pa din nito alam kung anong gagawin sa kanilang magkakaibigan pero may naaaliw na kinang ang mga mata nito. Nang dumako sa kanya ang mga mata nito at makita ang hitsura niya ay binigyan siya nito ng tabinging ngiti.

            Nabalik lang sa dalawang kaibigan niya ang pansin nito nang muling magsalita si Hiro. “Pasensya ka na, kill joy iyong mga kaibigan namin. So, anong course mo?”

            Nakita niya ang pasimpleng buntong-hininga ng dalaga bago sumagot. “Creative Writing, third year.”

            “Ilang taon ka na?” sunod na tanong ni Marco.

            “Eighteen years old.” matipid pa din na sagot ng dalaga.

            “Nagkaroon ka na ng boyfriend?” patuloy pa ding tanong ni Hiro. Sa pagkakataong iyon, nag-indian sit pa ito at tuluyan nang humarap kay Karin. Napailing na lang si Santi, kapag nagsama sina Marco at Hiro, walang makakapigil sa kakulitan ng mga ito.

            Bakit ba kasi sagot pa ng sagot si Karin? Hindi na lang niya kami palabasin dito para matahimik na ‘tong dalawang lalaking ‘to?

            “No. Wala akong time sa mga boyfriend.” deretsahang sagot ng dalaga.

            “Friends? Do you have friends?”

            “I don’t have one.” sa pagkakataong iyon, wala na siyang mabasang kahit na ano sa mukha nito, indikasyon na hindi na nito gusto ang ibinabatong tanong ng mga kaibigan niya.

            Bahagya niyang siniko ang katabing si Xian na mukhang nakuha ang gusto niyang iparating dahil bigla itong sumingit sa usapan. “May ginagawa ka bang school works na kailangan mong tapusin?”

            Nabaling dito ang atensiyon ng tatlo. Sandaling sumulyap si Karin sa nakabukas na laptop nito bago ibinalik ang tingin kay Xian. “Susubukan ko sanang magsulat ng short story para sa magazine ng school namin.” kaswal na sagot nito.

            “You’re a writer?” manghang singit na tanong ni Chester.

            “Sa school magazine lang. Member ako ng SVC Magazine Organization. Kaya lang lately, nahihirapan kasi akong magsulat, hindi ko din alam kung bakit.”

            “Do you want some help? Ano ba ang genre ng sinusulat mo?”

            Sa isang iglap, sina Xian at Chester na ang kausap ni Karin. Lumapit ang dalaga sa dalawa bitbit ang laptop nito at may kung anong ipinakita doon. Napatingin lang tuloy siya kina Hiro at Marco. Mas mukhang at ease ang dalaga habang kausap sina Xian kaysa kina Hiro kanina.

            Tumayo si Santi at lumipat ng sofa. “Anong nangyari? Bakit biglang hindi na kami pinapansin?” bulong ni Hiro sa kanya.

            “Hindi kasi niya gusto iyong mga tanong n’yo. It’s rude to ask about friends and romantic relationship to someone you just met, Hiro. Hindi naman natin alam ang ugali ni Karin. Pero halatang hindi niya gusto iyong mga tanong n’yo.” pabulong na pag-amin niya dito.

            “Bakit hindi niya kami sinasaway?” naguguluhang bulong nito.

            “I think, she doesn’t want to be rude. Kaya nang makakuha siya ng opportunity na makatakas sa inyo, ginawa na niya.” maingat na sagot niya. Masyadong sensitive si Hiro at madaling masaktan ang damdamin nito kaya kahit sino sa kanilang magkakaibigan ay ingat na ingat kapag ito ang kausap.

            “Pero bakit mukhang wala naman siyang problema sa pakikipag-usap sa dalawa?” inginuso pa ni Marco ang tatlo na abala na sa pagu-usap.

            Nagkibit-balikat lang siya habang nananatiling nakatingin sa mga ito. Mukhang seryoso ang pinagu-usapan ng mga ito base sa ekspresyon ng mukha nina Chester at Xian. Nang tingnan naman niya si Karin, tahimik lang itong nakikinig sa dalawa na may kalmadong facial expression. Hindi niya makita ang mga mata nito kaya hindi niya alam kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling iyon.

            Psychic ka? Alam mo kung anong nararamdaman ng isang tao kapag tiningnan mo sa mga mata? biglang tanong ng isang bahagi ng isip niya.

            Napakunot-noo siya at biglang napaisip. Parang hindi naman siya ganoon, bakit bigla na lang niyang naisip na nababasa niya ang nararamdaman ng dalaga?

            “Make her feel, make her smile, laugh. Make her happy. For me. For now…” biglang sumagi sa isip niya ang sinabing iyon ni Kuya Peter nang huli silang mag-usap. At sa isang iglap, nakagawa na siya ng desisyon.

“GOOD AFTERNOON, Karin.”

            Nag-angat ng tingin si Karin nang marinig ang bumati sa kanya. Ang nakangiting mukha ni Santi ang nabungaran niya na nakatayo sa may entrada ng library.

            Kasalukuyan siyang naga-ayos ng mga libro. Mayamaya lang ay babalik na siya sa kuwarto para gawin naman ang mga pending stories niya. Salamat sa tulong nina Chester at Xian apat na araw na ang nakararaan, nakatapos siya ng anim na short stories at naipasa na niya iyon kay Mia. Nagustuhan nito ang lahat ng ipinasa niya at sinabi pang tatlo na lang ang kailangan niyang ipasa para sa susunod na issue ng magazine nila. Ang ibig sabihin, kapag naipasa niya ang tatlong iyon ay libre na siya sa buong taon.

            “Good afternoon.” kaswal na bati niya at binigyan ito ng tipid na ngiti. Pagkatapos ng naging panggugulo nito at ng mga kaibigan nito sa kanya, palagi na niyang nakikita ang binata sa café. Palagi nitong kasama ang mga kaibigan, iba-iba pero ngayon, kataka-takang mag-isa lang ito.

            “Mag-isa lang ako ngayon, busy kasi sila.” sagot nito na animo nabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

            “Okay…” sagot na lang niya bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi siya makapang-focus sa ginagawa dahil nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya. Kaya nang hindi na makatiis ay muli niyang hinarap ang binata. True enough, nakatingin nga ito sa kanya habang nakahalukipkip at nakasandal sa sliding door. “May kailangan ka?” Bakit parang biglang naging kabado ka?

            “Wala naman, pinapanood lang kita.” nakangising sagot nito. There is something about that cheeky smile of his that suddenly calm her. Ano daw? “Puwede kitang guluhin after mo dito?”

            “Hindi ka pa ba nanggugulo ngayon sa ginagawa mo?” nakataas ang isang kilay na balik tanong niya. Masyado naman yata siyang biglang naging kalmado ngayon.

            “Parang hindi naman, wala naman akong ginagawa. Nakatayo lang ako dito.” hindi papatalong sagot nito. Dumeretso pa ito ng tayo, hindi pa din naaalis ang ngisi sa labi.

            Napabuntong-hininga na lang siya at inirapan ito bago muling bumalik sa paga-ayos ng mga libro. Mas mabilis siyang matatapos, mas maaga niyang magagawa iyong mga stories na kailangan niyang tapusin.

            “Cute…” bulong nito pero narinig din naman niya. Hindi na lang niya ito pinansin, baka tumigil at umalis din ito kapag hindi niya pinagtuunan ng pansin.

            Pero natapos na siya at lahat, nandoon pa din ito. Nananatiling nakangiti habang nakatayo sa may entrada ng library. “Ano pa ang ginagawa mo diyan?” nagtatakang tanong niya. Ano bang problema nito ngayon at parang pinagti-tripan siya?

            “Hinihintay kita.” kibit-balikat na sagot nito.

            “Bakit? Ano ba kasing kailangan mo?” Funny, pero hindi siya naiinis sa presensiya nito katulad ng mga nagdaang araw na nakikita niya ito doon. Kung ibang tao marahil ito, tiningnan na niya ito ng masama at sininghalan dahil sa pangi-istorbo nito sa kanya. So, what changed?

            Muli ay nagkibit-balikat ito. “Nothing. Gusto lang talaga kitang guluhin.”

            Marahas siyang bumuntong-hininga. “Bahala ka nga sa buhay mo.” naglakad na siya at nilagpasan ang binata. Dadaan lang muna siya kay Kuya Mike at magre-request ng pagkain bago bumalik sa silid.

            Nagulat pa siya nang nasa tabi na niya ito at sinasabayan siyang maglakad. “Puwede ba kitang samahan sa kuwarto?” bigla nitong ipinilig ang ulo bago muling humarap sa kanya. “I mean, puwede bang makipag-group study sa’yo? Mas masaya mag-aral kapag may kasama kasi.” napakamot pa ito sa ulo pagkatapos magsalita.

            “Will you take no for an answer?” balik-tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Hindi niya alam kung anong pinagsasa-sagot niya sa mga tinatanong nito, basta sumasagot lang siya. Wala din siyang energy na mag-isip ng puwedeng sabihin dahil ang nasa isip niya, gusto na niyang tapusin ang mga kailangan niyang gawin at nang makapag-pahinga na siya.

            “Santino? Kanina ka pa nandito?” sabay pa silang napabaling kay Ate Cyrille na nasa counter. May iilang costumers na nakapila doon pero napansin pa sila nito.

            “Yes, ate. Nandoon lang ako sa library, hinihintay ko si Karin matapos mag-ayos ng mga libro.” sagot ng binata. May malapad na ngiting nakapaskil sa labi nito.

            “Okay, sa room na ba kayo de-deretso? Dalhan na lang kayo ng pagkain doon para makapag-aral na kayo pareho.” sagot pa nito.

            Napataas ang isang kilay ni Karin. Normal naman siguro na magulat siya sa sinabi ng pinsan, alam naman kasi nito na wala siyang naging kaibigan ever since kaya hindi siya kumportableng makihalubilo sa iba kaya anong ginagawa nito ngayon?

            “Yes, ate. Please? Same order po ako. Bayaran ko na lang po mamaya bago ako umuwi.” sagot naman ng binata. Humarap na ulit ito sa kanya. “Let’s go?”

            “Lolo mo, let’s go.” tanging nasabi niya bago nagpatuloy sa paglalakad. Narinig pa niya ang malakas na pagtawa nito bago niya nagawang buksan ang pinto ng silid na ino-okupa niya. At bago pa niya iyon maisara ay naharang na ni Santi ang braso nito doon. “Hindi mo aalisin iyan?”

            “Ang sungit mo naman ngayon. May dalaw ka ba?”

            “Eh ano naman ngayon kung mayroon akong dalaw? Pakialam mo?” nakataas pa din ang isang kilay na tanong niya.

            “Eh di sasamahan pa din kita. Ano ba gusto mo? Ice cream? Cake? Chocolate? Bibilhan kita para mawala sumpong mo.” at lalo pa yatang lumawak ang ngiti nito.

            “Makulit ka?” hindi naman talaga siya naiinis kaya lang, hindi niya alam kung paano makikipag-deal sa mga taong katulad nitong lalaking nangungulit sa kanya nang mga sandaling iyon. Hindi ba nito alam ang salitang privacy? Bakit ba siya nito ginugulo?

            “Hindi naman. I’m just being a friend.”

            “Mama mo, friend. Bahala ka sa buhay mo.” binitiwan na niya ang pinto at hinayaan na lang ito sa gusto nitong gawin. Pumasok na siya sa loob at pabagsak na umupo sa sofa. Kinuha niya ang bag niya at inilabas ang laptop doon.

            Narinig niya ang pagsara ng pinto hanggang sa maramdaman na lang niyang lumundo ang kabilang dulo ng sofa na inuupuan niya. Nang tingnan niya si Santi, abala na din ito sa paglabas ng mga gamit nito.

            “Madami kang friends, bakit ako ginugulo mo?” bago pa niya mapigilan ang sarili ay nagawa na niya iyong itanong dito.

            Tumigil ito sa ginagawa at bumaling sa kanya. “Napag-pasensiyahan mo nga sina Marco at Hiro, ‘di ba? Sabi nga nila, gusto lang nilang makipag-kaibigan sa’yo, ganoon din ako. Kaya ako nangungulit.”

            “Hindi mo ba naisip na ayoko ng kaibigan? Na kaya wala akong kaibigan ay dahil hindi ko iyon kailangan?”

            “Karin, no man is an island. Tandaan mo iyan. Isa pa, may basbas kami ni Ate Cyrille kaya hayaan mo na lang kami. Ayos lang naman kung ayaw mo kaming maging kaibigan, basta bigyan mo lang kami ng chance, o kahit ako na lang, na maging kaibigan sa’yo.”

            May sense ba ang sinasabi nito? Hindi siya pipilitin nitong makipag-kaibigan dito pero hayaan daw niya itong maging kaibigan sa kanya? Hindi yata ma-process ng utak niya iyon.

            “Magulo no?” humahagikgik na anito. “Pasensya ka na, gutom lang siguro ako kaya nonsense na mga sinasabi ko. Kapag nakakain na ako, matino na ulit akong kausap.”

            “I doubt that.” pabulong na sagot niya bago bumalik sa ginagawa. Bahala na ito kung gusto nitong doon din mag-aral, mapapanisan lang ito ng laway kung sakaling kausapin siya dahil hindi niya ito papansinin.

            Weird lang na hindi siya naiinis sa presensiya nito kahit na kinukulit siya nito mula pa nang dumating ito sa store pero hindi na lang niya iisipin iyon. Tatapusin na lang niya ang mga pending stories niya nang maipasa na niya iyon bukas sa editor nila.

“MAVIS, pumayag ka na kasi. Last ko na ‘tong favor sa’yo, promise.”

            “Bakit ba ang kulit mo? Ang sabi mo, pinapansin ka naman niya kapag nagpupunta ka sa store, bakit kailangang kaibiganin ko din siya sa school? Mukha ba akong yaya na maga-alaga ng bata?” nanlalaki ang mga matang wika nito habang nakapamaywang na nakatingin sa kanya.

            Kasalukuyang nilalakad ni Santi ang asong si Maki nang makasalubong niya ito. Papunta ito sa bahay nina Chester para doon mag-dinner. Pina-pakiusapan niya ito na kung puwede, bantayan si Karin sa eskuwelahan at huwag hayaang mag-isa ang dalaga.

            “She doesn’t have any friends, Mavis. Hindi ba dapat, matuto tayong kaibiganin ang kahit na sino dahil sino ba naman ang deserve mag-isa? Wala. Lahat ng tao, kailangan ng kahit isang kaibigan sa tabi nila.” pangungumbinsi niya dito.

            “Nandiyan ka naman. Nandiyan naman ang buong snapshoot, bakit kailangang damay pa ako?” nakataas pa din ang isang kilay na tanong nito.

            “Hindi ko naman siya makikita kapag nasa school siya. Ikaw lang makakagawa no’n kaya pagbigyan mo na ako.” tumigil siya sa paglalakad at nag-beautiful eyes pa sa harap ng dalaga.

            “Ang pangit mo, Santino.” anang pamilyar na boses ni Chester. Nang lingunin niya ang pinanggalingan nito, nakasimangot ito habang naglalakad palapit sa kanila ni Mavis. “Kaya pala ang tagal ni Mav, kausap ka na naman.” inakbayan nito ang nobya.

            “May hinihingi lang naman akong favor sa kaya.” paliwanag naman niya. Walang nakakaalam kahit isa sa mga kaibigan niya ng tungkol sa ginagawa niya para kay Karin pero dahil mai-involve si Mavis, kakayanin ba niyang sabihin kay Chester ang lahat?

            Pasimple siyang tumingin sa dalaga na nakatingin din pala sa kanya at parang sinasabi na wala na siyang kawala sa kaibigan niya.

            Mukhang napansin naman ni Chester ang nangyayari dahil lalo nitong hinapit palapit dito ang nobya. “Hindi ako papayag sa kung ano mang favor na iyan kapag hindi mo sinabi sa’kin. Bahala ka sa buhay mo, Santino.” matigas na sabi ng kaibigan.

            Napabuntong-hininga na lang si Santi. Wala siyang choice, kailangan niya ng tulong ni Mavis kaya kailangan niyang i-share din kay Chester ang kung ano man ang gagawin ng nobya nito.

            Sana lang, hindi niya sabihin sa iba ang mga ginagawa ko. Gusto niyang gawing lihim iyon hanggang sa maaari dahil ayaw niyang mag-usisa ang kahit na sino sa mga ito.           

“Fine. I’ll tell you everything.” sumusukong aniya. Bakit ko nga ba ginagawa ‘to?

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12