Download Story.

close

Semicolon 1: Playing with Cupid

Written By: Ian       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
Ian

CHAPTER FOUR

“KUYA, puwede ba kitang makausap? Kahit sandali lang?”

            “Oo naman. Importante ba?” balik-tanong ng Kuya Peter ni Santi. Kauuwi lang niya at saktong nandoon na din ito.

            “Hindi naman. May gusto lang akong sabihin.” paiwas na sagot niya. Ayaw niya itong biglain dahil baka sensitive pa ito sa kahit na anong may kinalaman sa sasabihin niya.

            “Doon na lang tayo sa kuwarto. Gusto ko kasing magpahinga.” yaya nito sa kanya.

            Nagmamadali siyang pumunta sa silid para ilagay ang mga gamit niya at makapagbihis sandali bago lumipat sa kuwarto ng kapatid  niya. Nakahiga na ito at nagkakalikot sa cellphone. Tumalon siya sa kama at patihayang humiga sa tabi nito.

            “So, what’s the tea?” agad na tanong nito habang ibinababa ang aparato sa ibabaw ng dibdib nito.

            “Mag-promise ka muna na hindi sasama ang loob mo sa’kin o hindi ka magagalit sa’kin.” pangunguna niya kahit na alam niyang malabong mangyari iyon.

            “Okay, I promise. Pero kapag may mali kang ginawa, alam mo na kung anong gagawin ko.”

            Sandali siyang natahimik, iniisip kung paano uumpisahan ang mga kailangan niyang sabihin dito. Pero mayamaya ay bumuntong-hininga siya at nagsimulang magsalita.

            “I met the woman who, according to Mavis, caught your attention.” pumikit pa siya dahil ayaw niyang makita ang magiging reaksiyon ng kapatid.

            Naramdaman niyang natigilan ito sa tabi niya ngunit hindi naman nagsalita. Dahan-dahan siyang dumilat at bumaling dito para lang makita na nakatingin din pala ito sa kanya, nanlalaki ang mga mata.

            “How? Why? Did you do something to her, Santino?” sunod-sunod na tanong ng nakatatandang kapatid.

            Agad siyang bumangon at sunod-sunod na umiling. “Hindi, Kuya. Promise, wala akong ginawa sa kanya. I accidentally met her sa Rose Quartz kasi pinsan siya ni Ate Cyrille. And Mavis told me everything that you told her last time.” Tinuloy-tuloy na niya ang pag-amin, hindi talaga niya kayang magtago ng sikreto sa kuya niya.

            Mukhang nakahinga naman ito ng maluwang sa sinabi niya dahil na-relax na ang facial features nito maging ang katawan nito. Tumingin ito sa kisame. “So, what do you think of her?” mayamaya ay malumanay na tanong nito.

            “Honestly, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sa kanya. Pero sinabi na sa’kin ni Mavis na huwag ko daw husgahan si Karin dahil hindi ko siya kilala kaya tatahimik na lang ako sa kung ano man ang tingin ko sa kanya.” he answered, truthfully. “The only thing that I will tell you is that, she is not that beautiful. For me.”

            His brother chuckled that turned into a hearty laugh. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito dahil naalala niyang ganoon din ang naging reaksiyon ni Mavis.

            “Alam mo, hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman ko dahil pangalawa ka na sa may ganyang reaksiyon nang sabihin ko ang tingin ko kay Karin. Tinawanan din kasi ako ni Mavis.” hindi naman siya naiinis sa kapatid, hindi lang talaga niya alam kung bakit ganoon ang reaksiyon ng mga ito.

            Tumigil naman agad ito sa pagtawa at bumaling sa kanya. “Katulad nga ng sinabi mo kanina, hindi mo lang talaga siya kilala. Pero, I will respect what you just said. Iba-iba lang siguro talaga ang taste natin.” bumangon ito at sumandal sa dingding, nakahalukipkip. “You told me that she is Cyrille’s cousin, right?”

            Tumango lang siya.

            “Then, can you do me a favor?”

            Hindi siya agad nakasagot dahil ang totoo, nagulat siya sa tanong nito. Hindi ugali ng kuya niya na humingi ng pabor sa kanya. Ito ang palaging hinihingan niya ng pabor at ayos lang daw iyon dito, ito naman daw kasi ang nakatatanda.

            So, what changed? And what will be the favor?

            “Ano iyon?” maingat na tanong niya, bahagyang nakaramdam ng kaba sa maaaring lumabas sa bibig ng kapatid.

            “Can you look out for her? Not that she needs someone to look out for her pero, wala kasing kaibigan si Karin. At wala pa akong lakas ng loob na lumapit ulit sa kanya bilang isang kaibigan. Tutal, madalas naman kayo sa Rose Quartz, sana kausapin n’yo din siya, kaibiganin. Because, I know that she badly needs someone by her side kahit na hindi niya sabihin.”

            Seryoso ang mukha ng kuya niya ngunit ang mga mata nito ay malungkot. Marahil, dahil sa hindi pa nito magawang lapitan ang dalaga bilang isang kaibigan.

            “I can’t promise, kuya. Dahil sa totoo lang, naiinis ako sa kanya na nasaktan ka niya. And you know me.”

            “Yes, Santi. I know you. And for the record, hindi niya ako sinaktan, ako ang nanakit sa sarili ko. Disappointed lang ako sa naging outcome pero hindi ako nasasaktan. That’s for sure.”

            Hindi pa din siya naniniwala dito pero tinanggap na lang niya ang sinabi nito. Dahil hindi ito titigil, mapaniwala lang siya sa sinasabi nito kung sakali.

            “Ngayon lang ako hihiling sa’yo, Santi. Ito lang, sana subukan mo. You have nice friends, kayang-kaya n’yong kunin ang loob ni Karin at gawing kaibigan n’yo. Make her feel, make her smile, laugh. Make her happy. For me. For now. Siguro, malalapitan ko na siya kapag hindi na ako makakaramdam ng awkwardness.” sa pagkakataong iyon ay may nahihimigan na siyang pakiusap sa tinig nito.

            Hindi na lang siya sumagot dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Tatanggapin ba niya ang pakiusap ng nakatatandang kapatid niya?

            Why not, Santino? Wala namang mawawala sa’yo kung madadagdagan ka ng kaibigan. Si Karin lang naman iyon, magaling kang makipagkaibigan kaya makukuha mo ang loob niya.

            Can he really?

ABALA sa paga-ayos ng mga libro si Karin sa library. Maagang natapos ang huling klase niya kaya agad siyang pumunta sa Rose Quartz. Iniwan lang niya ang mga gamit sa kuwartong palagi niyang ino-okupa bago nag-umpisang mag-trabaho.

            Hindi  naman niya kailangang makita ang pinsan dahil siguradong abala ito sa kung ano mang inaasikaso. Mayamaya ay kakain na din siya, tatapusin lang niya ang mga ginagawa.

            “Good afternoon, Karin.”

            Napaigtad siya dahil sa malakas at masiglang pagbati na iyon lalo na sa pagbanggit sa pangalan niya. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses ay nakita niyang nakatayo sa entrada ng library ang lalaking natatandaan niyang Marco ang pangalan kasama si Santi—na kasama din nito noong unang beses niyang makilala ang mga ito—at tatlo pang lalaki. Pare-parehong nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

            Tumikhim siya bago nagpaskil ng matipid na ngiti sa labi. “Good afternoon. May kailangan kayong books dito?” tanong niya. Hindi pa siya tapos mag-ayos pero puwede naman niyang tulungan ang mga ito kung sakaling may hinahanap ngang babasahin ang mga lalaki.

            “Wala naman. Nakita ka lang namin kaya naisipan naming batiin ka. Oo nga pala,” hinarap nito ang mga kaibigan. “Kilala mo naman na si Santi, di ba?” Itinuro nito ang tatlong lalaking nasa tabi ni Santi. “Si Chester, si Xian, at si Hiro. Mga kaibigan din namin sila ni Santi.” pagpapakilala nito sa ibang mga kasama bago ipinakilala din siya nito sa mga iyon.

            “Nice to meet you.” aniya.

            “Bago ka lang ba dito?” tanong sa kanya ni Hiro, ang pinaka-singkit at pinaka-cute na lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Mukha itong Hamster na nagkatawang tao.

            “Yes, this is my first day working here. Part-time lang naman ako.” kaswal namang sagot niya.

            “Do you have new books? Paranormal romance, genre?” tanong naman ni Xian, singkit din pero mas mukha itong pusa sa paningin niya.

            “Katatapos ko lang siyang ayusin kanina. Sinong writer ang hinahanap mo? Do you want me to suggest some books?” nakakaaliw naman ‘tong mga lalaking ‘to, mahilig sa mga libro. Rare na sa mga kalalakihan ngayon ang mahilig sa mga libro, lalo na sa genre ng Romance.

            “Sure. Sherilyn Kenyon kasi ang binabasa ko pero I want to try reading Gena Showalter’s works if it’s available.”

            “Woah!” nakaramdam siya ng excitement dahil sa isinagot nito. “Favorite writer ko si Gena and I must say na magaling siyang writer and the best ang mga paranormal romance books niya. Complete ang Lords of the Underworld dito, kung gusto mong hiramin, puwede kong ayusin mamaya tapos dadalhin ko na lang sa’yo.”

            “Cute,”

            Napabaling siya kay Santi nang marinig ang sinabi nito. Nakangiti ito habang nakasandal sa gilid ng entrance ng library.

            “Ngayon lang namin nakitang kumikinang iyong mga mata mo. Kasi, the first time we met, para kang sabog na hindi alam ang ginagawa.” matapat na wika ni Marco. May munting ngiti din na nakapaskil sa labi nito.

            Natahimik siya. Kumikinang ang mga mata niya? Pa’no iyon? Kumikinang ba ang mga mata? Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi nito. Parang dumoble din ang bilis ng tibok ng puso niya. Really? Kinabahan ka sa comment nila? “I’m sorry, na-excite lang ako.” muli niyang hinarap si Xian. “Dadalhin ko na lang iyong books kapag naayos ko na. Puwede na kayong pumunta sa rooms na available pa.” pasimpleng pagtataboy niya sa mga ito. Sana ay lumayas na agad ang mga lalaki nang makahinga na siya ng maluwang.

            “Okay, hahayaan ka na namin sa ginagawa mo. Doon na lang muna kami.” sagot ni Santi. Nang balingan niya ito ay nakangiti pa din ito. May kung ano sa ngiti ng lalaki na nakapag-pakalma kahit paano sa nagpa-panic niyang sistema kaya lihim siyang bumuntong-hininga bago tumango.

            Niyaya na nito ang mga kaibigan at nang maiwan siyang mag-isa ay parang nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Marco. Kumikinang  ang mga mata niya? Paano nangyayari iyon? Iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong klase ng komento galing sa ibang tao kaya hindi niya alam kung paano magre-react. At ano iyong sinabi ni Santi? Siya, cute? Saan banda?

            “Hey, are you okay?”

            Nag-angat siya ng mukha at nakita ang naga-alalang hitsura ni Santi. Nakatayo ito malapit sa kanya. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili. “Y-yes, I’m okay. M-may kailangan k-ka?” nagsa-stutter na sagot niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ano ba ang ginawa sa kanya ng mga lalaking ‘to?

            Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Nothing. Gusto ko lang sanang mag-sorry kung nailang ka kanina. Hindi ko alam kung sa comment ko o sa comment ni Marco, basta sorry lang.” nagkamot pa ito sa batok na parang nahihiya sa kanya pero hindi naman naaalis ang paga-alala sa mga mata nito.

            What the hell? Kailan pa siya natutong bumasa ng emosyon ng mga tao sa paligid niya? “It’s okay. Sorry, hindi lang ako sanay na makatanggap ng compliments o kahit na anong comment galing sa ibang tao lalo na kapag hindi ko kilala.” Weird, pero mabilis siyang kumalma at hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong pagkailang o awkwardness sa harap ng lalaking ‘to nang mga sandaling iyon pagkatapos ng pagkatigagal niya kanina.

            “Pero, okay ka lang ba talaga? Masyado ka ba naming ginulat?”

            “I’m okay, don’t worry. Thank you for worrying. Puwede ka nang bumalik sa mga kaibigan mo.” At para maniwala ito sa kanya, binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti.

            Mukhang naniwala naman ito sa kanya dahil pagkatapos siyang titigan nito ng ilang sandali ay nagpaalam na din ito.

            Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago bumalik sa ginagawa. Nakakatawa talaga ang mabilis na pagkawala ng pagkatigagal niya nang balikan siya ni Santi.

            Weird nga. Pero, bakit? Paano naging weird?

“KUYA MIKE, kakain na po ako. Ready na food ko?”

            “Ready na, Karin. Kunin mo na lang diyan. Dahan-dahan at mainit pa iyong sabaw. Hinatid na yata ng ate mo iyong drink at cake mo sa kuwarto.”

            “Thank you po. Babalik na po ako.” bitbit ang mga pagkain ay bumalik na si Karin sa silid na ino-okupa niya. Magana siyang kumain habang hinihintay na bumukas ang laptop niya. Susubukan niyang gumawa ng mga bagong short stories. Sa limang ipinasa niya kasi kay Mia, dalawa lang ang naaprubahan. Kulang pa iyon kaya susubok ulit siya.

            Hindi niya alam kung ano ang problema niya at nahihirapan siyang sumulat ngayon samantalang noon ay tuloy-tuloy lang na dumadaloy ang mga ideya sa isip niya lalo na kapag nakakapag-basa siya ng mga bagong libro o nakakapakinig ng mga kantang nagbibigay ideya at inspirasyon sa kanya.

            Ang goal niya ay makatapos ng kahit na tatlong istorya lang sa linggong iyon para maipasa na niya sa editor in chief niya.

            Napatingin siya sa pinto nang marinig ang mahihinang pagkatok kasunod ng dahan-dahang pagbukas ng pinto. Sumilip muna si Ate Cyrille at tinanong kung maaari itong pumasok, nang kunot-noong tumango siya ay nilakihan nito ang bukas ng pinto. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang limang kalalakihan sa likod nito.

            “Puwede ba silang mang-istorbo sa’yo kung hindi ka busy?” nananantiyang tanong ng pinsan niya.

            Nang tumigil ang mga mata niya kay Xian ay bigla niyang naalala ang pangako niya dito. “I’m sorry, nakalimutan kong kunin iyong mga libro na hihiramin mo.” hinging-paumanhin niya. Agad siyang napatayo ngunit pinigilan siya nito.

            Nakangiti ito nang sumagot. “It’s okay, Karin. Kinuha na ni Ate Cyrille para sa’kin.” sagot nitong ipinakita pa sa kanya ang paper bag na hawak nito.

            “Anyway, puwede ba kaming makigulo sa’yo kung wala kang ginagawa?” nakangiting tanong ni Hiro. Hindi na nito hinintay ang sagot niya at umupo na sa katapat na sofa niya. Napabalik na lang din tuloy siya sa pagkakaupo.

            “Hiro!” saway dito ng mga kaibigan nito.

            “Are you busy? Kasi puwede naman kaming lumabas kung may ginagawa ka.” ani Santi, nakita pa niyang sumulyap ito sa laptop niya.

            Hindi niya alam kung bakit pero nakita na lang niya ang sariling pumapayag na guluhin siya ng mga kalalakihan. Mukhang natuwa naman ang pinsan niya sa naging sagot niya at sinabing dadalhan sila nito ng mga pagkain.            

Lihim siyang napahugot ng malalim na buntong-hininga. Wala siyang kaibigan simula pa noon maliban kay Kuya Peter kaya hindi niya alam kung paano makipag-socialize sa ibang tao. Pero bakit mo sila hinayaang makapasok sa safe zone mo? Hindi din niya alam. Bakit nga ba?

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12