Download Story.

close

Semicolon 1: Playing with Cupid

Written By: Ian       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
Ian

CHAPTER THREE

SA BAHAY nina Mavis nagpababa si Santi. Sinabi niya sa mga kaibigang may kailangan lang siya sa babae at huwag na siyang hintayin ng mga ito.

            “Tungkol na naman iyan sa problema ni Kuya Peter? Hindi ka pa din tumitigil?” halatang hindi makapaniwalang tanong ni Jeremy.

            “Iyang obsession mo talaga minsan, hindi na nakakatuwa. Pero kung saan ka masaya, sige lang.” segunda naman ni Marco na para bang suko na ‘to sa inaasal niya.

            Hindi na niya pinansin ang mga ito. Kinuha na agad niya ang mga gamit at agad bumaba ng sasakyan. Sanay na siya sa mga ganoong komento ng mga kaibigan tungkol sa ugali niya, hindi kasi iyon ang unang beses na umakto siya ng ganoon. Titigil naman siya kapag na-satisfy na niya ang curiosity sa dahilan kung bakit nagawang masaktan ng isang babae ang nakatatanda niyang kapatid.

            Nakahalukipkip si Mavis habang nakasandal sa may gate nang bumaling siya sa malaking bahay. “Alam mo, kung hindi lang kita kilala at kung hindi ko lang alam ang dahilan ng pagpunta mo dito, iisipin kong crush mo ako. Ilang araw mo na kasi akong ginugulo.” umiling-iling ito, pagkatapos ay niyaya na siyang pumasok sa loob.

            “Hindi tayo talo, Mavis. At hindi ang mga katulad mo ang type ko.” matapat namang sagot niya habang nakasunod dito.

            Hindi makapaniwalang napasinghap ito nang lumingon sa kanya. “Wow ha, ang guwapo naman masyado ni Santino. Sa tingin mo ba, type kita?” inirapan siya nito bago tumalikod at tuloy-tuloy nang naglakad papasok ng bahay. “Hindi ka naman si Chester. Masyado kang mayabang.” bubulong-bulong pang pagse-sentimyento nito na ikinangiti niya. Kung mayroon man sigurong girl version niya sa pagiging sensitive at sulky, ito na iyon.

            Binati ni Santi ang mama ni Mavis nang madatnan nila ito na nanonood ng television sa sala. Nasa out of town conference ang papa nito. Sa dining room sila dumeretso at kinuhanan muna siya ng juice ng dalaga bago magkatabi silang umupo sa mataas na stool ng kitchen counter.

            “So, anong atin at pinuntahan mo talaga ako dito sa bahay. Hindi ba makakapaghintay iyang gusto mong malaman?” panimula nito. Sa pagkakataong iyon, puno na ng curiousity ang mukha nito.

            “Puwede ko bang malaman kung may picture ka ni Karin?” deretsong tanong niya na ikinakunot ng noo nito.

            “Bakit?”

            “Nakakilala kasi ako ng Karin kanina sa Rose Quartz, pinsan siya ni Ate Cyrille.” kilala nito ang tinutukoy niya dahil maliban sa Bitter Sweet, ang Rose Quartz lang ang café na tinatambayan nila.

            Lalo yatang lumalim ang gatla sa noo nito pero hindi na muling nagtanong. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng shorts nito at ilang sandali ding nagkalikot doon. Pasensyoso naman siyang naghintay, bahagyang kinakabahan sa hindi niya malamang dahilan kaya tinungga niya ang baso ng mango juice na nasa tapat niya.

            Mayamaya ay inilapag nito sa harap niya ang aparato. Isang babaeng may awkward na ngiti ang nakita niya. Nakasalamin pa din ito pero sa pagkakataong iyon, maayos na ang pagkakapusod ng buhok. Nagtaas siya ng tingin sa babaeng halatang naghihintay ng reaksiyon mula sa kanya. “So, ito talaga si Karin?” paniniguro niya.

            “Iyan ba iyong nakita n’yo sa Rose Quartz?” balik tanong nito.

            Tumango lang siya.

            Nagkibit-balikat naman ito. “Siya nga iyan. Mahirap makakita ng picture niya sa internet kasi hindi ko naman alam ang social media accounts niya at kung mayroon siya no’n. Sa site ng SVC Magazine Organization ko lang tiningnan iyan.” paliwanag nito. “Nakilala mo na si Karin na nakasakit kay Kuya Peter, okay ka na ba?”

            “Iyong totoo?” bumuntong-hininga siya. “Medyo disappointed ako na hindi ko maintindihan.”

            “Why? Ano ba ang inaasahan mo?”

            “Magandang Karin, maayos na Karin, iyong may character. Kasi iyon iyong mga type ni Kuya. Isa pa, sinabi mo din sa’kin na maganda iyong Karin.” Hindi naman masamang maging honest, hindi ba? Hindi naman niya sinabing hindi maganda ang Karin na nakilala niya.

            Hindi niya inaasahan nang biglang tumawa si Mavis. Hinampas siya nito sa braso nang hilahin nito pabalik ang cellphone nito. “Hindi ko alam kung bakit naa-amaze ako pero, ganoon talaga nararamdaman ko ngayon.”

            “Anong nakakatawa? May mali ba sa sinabi ko?” naguguluhang tanong niya. Ano na namang problema nito?

            “Karin is beautiful, I swear. Hindi ko ugaling magsinungaling, Santino. Mali ka lang talaga siguro ng timing sa Karin na nakita mo. Maiintindihan mo din ang sinasabi ko kapag palagi mo siyang nakikita at kapag nakilala mo siya kahit paano.” natatawa pa ding wika nito.

            “Ewan ko sa’yo. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo. Bakit kailangan kong makita palagi si Karin at kilalanin?” Bakit nga ba, Santi?

            “I don’t know,” kibit-balikat na sagot nito. Tumigil na ito sa pagtawa pero hindi pa din naaalis ang ngiti sa labi. “Bigla ko lang naisip na, baka kaya gusto mo siyang makilala ay dahil nga nasaktan niya si Kuya Peter. Kilala pa naman kita, basta importante sa’yo ang naa-agrabyado, hindi ka pumapayag na hindi gumaganti.”

            Natahimik siya dahil tama ito. Pero sa pagkakataong iyon, wala siyang makapang kahit na anong galit para kay Karin. Oo, aminado siyang sumagi sa isip niyang gumanti, pero mula nang makita niya ito kanina at ngayong nakumpirma niyang ito nga ang babaeng nakasakit sa kapatid niya, wala nang kahit na anong pumapasok sa isip niya. As in, wala.

            “There must be a reason why she can’t accept Kuya Peter’s feelings for her. Hindi tayo puwedeng mag-conclude agad dahil lang sa mga kuwento ni Kuya, unfair para kay Karin. We have to be rational here.” dagdag pa nito na para bang nagpapaliwanag sa isang bata.

            Tumayo na siya at nagpaalam sa dalaga. “Uuwi na ako, nasagot mo naman na ang tanong ko. Makakatulog na ko at nakilala ko na kung sino ang unang babaeng nakakuha sa pansin ng kapatid ko.” He playfully messes with her hair. “Thank you, Mavis for helping me and for the words of wisdom.” nakangiting paghingi niya ng pasasalamat. For some unknown reason, mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon kaysa kanina. Abnormal na yata ako.

            “Umuwi ka na nga, hindi iyong ginugulo mo pa ang buhok ko. Iisipin ko na talagang crush mo ko.” nakasimangot ngunit palabirong anito habang inayos ang nagulong buhok.

            “My God, dahan-dahan ka sa sinasabi mo. Hindi talaga kita type.” pabiro pa niya itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinasinghap nito, halatang hindi na maganda ang timpla. Mabuti na lang, mas pikon siya kaysa sa’kin.

            “Isusumbong kita kay Chester, buwisit ka, Santino.” nanggigigil nang angil nito sa kanya. Tinulak pa siya nito.

            Tatawa-tawa na lang siya nang talikuran ang kaibigan. Nagpaalam siya sa mama nito bago lumabas ng bahay.

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Karin bago pumasok sa headquarters ng SVC Magazine Organization. Nagu-umpisa pa lang ang araw niya, hindi na matatawarang pagod ang nararamdaman niya.

            Bago siya pumasok ay nakasagutan niya ang kanyang mga magulang. Ang totoo, hindi niya ugaling sumagot sa mga ito. Kahit na anong ibato ng mga ito sa kanya, nananahimik lang siya pero ang kagustuhan ng mga itong itulad siya sa sinapit ng mga ito, sobra na. Gusto ng mga ito na magpakasal siya sa isang anak ng kakilala ng mga ito.

            Typical rich family tradition. Kung ganoon ang nangyari sa mga ito, sana lang ay huwag nang gawin sa kanya. Ni hindi nga niya kilala kung sino man ang ipapakasal ng mga ito sa kanya. Ganoon ba talaga siya kawalang halaga para sa mga magulang niya para gawin ng mga ito iyon sa kanya?

            Muli siyang humugot ng malalim na hininga bago inilabas sa bag ang folder na naglalaman ng mga bagong gawang ipapasa sa editor nila.

            “Pasensya na kung natagalan ako, Mia. Medyo hirap kasi akong mag-isip ng isusulat ngayon.” hinging paumanhin niya dito nang mailapag niya sa mesa ang folder.

            Binigyan siya nito ng isang tipid na ngiti at tango. “Okay lang, Karin. Walang problema. Dalawang buwan pa naman bago ilalabas iyong bagong issue ng magazine at wala pa din nagpapasa. Pero uunahin ko nang basahin ‘tong sa’yo.”

            “Salamat. Papasok na din ako, sabihan mo na lang ako kapag may ipapabago ka.” aniya habang sinusukbit sa balikat ang bag niya.

            Tinanguan lang siya nito. Pagkatapos niyang magpaalam sa babae ay lumabas na siya at naglakad papunta sa college building niya. As usual, inabala niya ang sarili sa mga klase at school works habang naghihintay ng uwian. Parang gusto niyang dagdagan ang mga gawain na ginagawa niya araw-araw. Parang distraction sa mga nakaka-buwisit na bagay sa buhay niya. Hindi na healthy para sa kanya.

            Hindi na nga siya healthy, physically, hindi pa healthy ang mental state niya.

            Pagkatapos ng huling klase ay agad siyang pumunta sa Rose Quartz at hinanap ang pinsan niya. Natagpuan niya ito sa kusina, kausap ang mga staff.

            “Kuya Mike, puwedeng magpahanda ng pagkain?” tanong niya sa head chef na agad nagpaskil ng malapad na ngiti nang makita siya.

            “Oo naman. Ano ba ang gusto mong kainin ngayon?” tanong naman nito.

            “Bacon and fried rice na walang bawang, please? ‘Tsaka medyo sunog na sunny side up.”

            “Okay. Ihahatid ko na lang sa kuwarto, magpahinga ka na.”

            Tumango lang siya at muling hinarap ang pinsan. Kausap pa din nito ang mga staff kaya hinintay na lang niyang matapos ang mga ito.

            Bumaling ito sa kanya at kumunot ang noo. “Pumunta ka na sa kuwarto. Ihahatid na lang doon ang pagkain mo.” mukhang hindi maganda ang mood nito.

            “May sasabihin sana ako, matagal pa kayo?” ani naman niya, hindi alintana ang mood nito nang mga sandaling iyon.

            “Medyo. Doon ka na muna, pupuntahan na lang kita.” iyon lang at muli na nitong hinarap ang mga staff na ngayon lang niya napansing pare-parehong nakatungo.

            Nagkibit-balikat na lang siya bago lumabas ng kusina at dumeretso sa kuwartong palagi niyang ino-okupa. Bukas na ang aircon at dim na ang ilaw kaya tuloy-tuloy na lang siyang nahiga sa mahabang sofa. Inilabas niya ang cellphone at nagpatugtog, inilagay pa niya iyon sa full volume.

            Umidlip muna siya dahil mukhang matatagalan pa talaga ang pinsan niya. Nang magising siya ay nandoon na ang pagkain niya, complete with her favorite drink. Abala sa kung ano sa cellphone nito ang Ate Cyrille niya.

            “Matagal ba akong naka-idlip, ate?” tanong niya sa babae nang bumangon. Nag-inat muna siya bago kinuha ang pagkain at sinimulang lantakin iyon.

            “Hindi naman.” itinago na nito ang aparato sa bulsa ng shorts nito bago siya hinarap. “May problema ka?” agad na tanong nito.

            Nilunok muna niya ang nginunguya bago sumagot. “Wala naman. Gusto ko lang sanang itanong kung puwede akong mag-part time dito sa store.” kaswal na sabi niya, tuloy-tuloy pa din sa pagkain.

            “Bakit? Hindi ka pa ba napapagod sa dami ng ginagawa mo sa school?”

            “Napapagod. Kaya lang, kailangan ko ng distraction. Wala naman akong ibang alam gawin kaya tutulong na lang ako dito.”

            “Ano naman ang gagawin mo dito? May mga staff na ako.”

            “Kahit ano. Isip ka ng puwede kong gawin. Puwede ako sa library. O kaya sa cash-“

            “Huwag sa cashier. Hindi ka nga marunong makipag-socialize, doon pa ba kita ilalagay?” pagputol nito sa sasabihin niya.

            Sinimangutan lang niya ang pinsan pero hindi na siya nag-reklamo. Totoo naman kasi ang sinabi nito, baka makagawa lang siya ng ikakasira ng pinsan niya.

            “Okay, sa library na lang ako. Puwede akong mag-ayos ng mga libro, magbigay ng suggestions sa mga pumupunta doon  tungkol sa hinahanap nila. Ganoon.” ibinalik na niya sa mesa ang platong walang laman at kinuha ang fruit tea.

            “Libre food, ‘tsaka extra allowance lang ang ibibigay ko sa’yo.” Nasapo nito ang noo. “Diyos ko, kapag nalaman ng parents mo ‘tong gagawin mo, ako ang malalagot.”

            “Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi. Hayaan mo na lang ako, wala naman silang pakialam kaya imposibleng mahalata nila kung sakali.” balewalang sagot niya sa problema nito.

            “Bahala ka sa buhay mo, gawin mo kung anong gusto mo. Basta kapag nahuli ka, labas ako diyan. Hindi kita tutulungan magpaliwanag sa mga magulang mo. Nakakatakot pa naman sila pareho.” at umakto pa itong takot na takot na ikinatawa niya.

            “May problema ba kanina at mukhang seryoso kayong lahat?” pagi-iba niya sa usapan.

            “Wala naman. May kaunting pagkakamali lang silang nagawa.” nagkibit-balikat ito. “Alam mo naman na masyado akong mahigpit kahit sa pinaka-maliit na bagay. Pero okay na, problem solved na.”

Tumango na lang din siya at sumandal sa sofa. Atleast, may iba na siyang gagawin bukod sa monotous na buhay niya.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12