PROLOGUE
SANTI gritted his teeth while looking at his older brother. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura nito habang nakikipag-titigan sa platong puno ng pagkain. Sa totoo lang, iyon ang unang beses na nakita niyang ganoon ka-problemado ang nakatatandang kapatid at hindi siya maganda sa pakiramdam.
“Kuya, why do you have to look like a loser? Is the woman who make you feel like that really worth it?” kalmado ngunit nagngingitngit na tanong niya. Dalawa lang silang sabay na naga-agahan dahil nasa business tour ang mga magulang nila. Sa isang banda, nagpapasalamat na din siya dahil kapag nakita ng mga ito ang hitsura ng kuya niya, tiyak na maga-alala din ang mga iyon.
Malungkot na tumingin ito sa kanya pagkatapos ay ngumiti. Maging ang ngiti nito ay malungkot din. “Yes, Santi. She’s worth it.” maikling sagot nito.
Napailing na lang siya at itinuon ang pansin sa pagkain. No one messes with Santino’s loved ones. Hindi siya ang tipo ng tao na mapaghiganti o madaling magalit. Palaging siya ang sentro ng panga-asar ng mga kaibigan niya pero mabibilang sa mga kamay ang mga pagkakataong pinatulan niya ang mga ito o napikon siya.
Pero ang saktan sa kahit na anong paraan ang kahit sino sa mga mahal niya sa buhay, ibang usapan na iyon. Once they decided to mess with his loved ones, it means that they mess with him, too.
“I know that she doesn’t want to hurt me. She’s a good woman, Santi. Kahit na hindi iyon nakikita ng ibang tao, alam ko na tama ako. Umasa lang talaga ako na may chance para sa’min.” nang muli niyang balingan ang kapatid ay nagu-umpisa na itong kumain… nang may munting ngiti sa labi at malungkot na mga mata.
Is that woman really worth it? To the point na kailangang magsalita ng ganoon ng kapatid niya kahit na nasaktan na ito?Well, why don’t I find out? Let’s see if she really is what his brother is telling him. Tataasan na niya ang expectations niya dahil kahit minsan naman, hindi pa siya na-disappoint pagdating sa taste nito sa kahit na anong bagay.
2 thoughts on “Semicolon 1: Playing with Cupid”
I love Hiro❤