Download Story.

close

Semicolon 1: Playing with Cupid

Written By: Ian       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
Ian

CHAPTER TEN

IT’S BEEN DAYS. It’s been days since Santi talked to Karin. Ilang araw na niyang gustong tawagan o puntahan ang dalaga sa Rose Quartz, pinipigilan lang niya ang sarili.

            Pagkatapos ng naging pagu-usap nila nang nakaraang linggo ay sinamahan siya ni Marco na ihatid ang dalaga hanggang sa labas ng village kung saan nila ito sinundo. Nagikot-ikot pa sila ng kaibigan sa mall bago umuwi, baka daw kasi hindi siya okay. Na totoo naman, dahil hindi talaga siya okay pagkatapos ng pagu-usap nila.

            He’s thankful because they are still friends. Pero nang araw na iyon din, hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano eksakto ang nararamdaman niya. He already admitted that he like her, right? Pero bakit parang…

            “Santi, natapos ko na iyong editing ng pictures na nasa akin. Ise-send ko na lang sa email mo.” agaw ni Marco sa atensiyon niya. Nasa headquarters sila nang mga sandaling iyon para sabay-sabay na umuwi. Huling araw na kasi ng examination week nila at balak nilang kumain sa labas. Syempre, susunduin pa nila si Mavis dahil nangako si Chester dito na isasama sa lakad nila.

            “Iyong sa HID ba iyan? Iyon na lang ang kulang natin, ‘di ba?” wala sa sariling tanong niya sa kaibigan.

            Salubong ang mga kilay na tumango ito. “Okay ka lang?” mayamaya ay tanong nito.

            Pero sa halip na sumagot ay napabuntong-hininga na lang siya. Kailangan yata talaga niyang may mapagsabihan ng kasalukuyang nararamdaman dahil mababaliw na siya kakaisip mag-isa.

            Imagine, isang linggo niyang kinimkim ang kung ano man ang nararamdaman dahil ayaw niyang maistorbo ang mga kaibigan. Exam week nga kasi, kahit gusto kong mang-istorbo, hindi ko gagawin.

            “Sa hide out tayo after dinner?” halos pabulong na yaya nito sa kanya. Ang hide out na sinasabi ni Marco ay ang maliit na cabin na matatagpuan sa dulo ng village nila. Bike ang ginagamit nila kapag pumupunta doon dahil may kalayuan. Silang magkakaibigan lang ang nakakaalam ng lugar na iyon, ipinaalam na din nila sa may-ari na gagawin nilang literal na taguan ang hide out kapag kailangan nila ng pahingahan. Mabuti na nga lang at pumayag ito.

            “Sama ako, puwede?” singit ng kadarating lang na si Henry. Pabulong din itong nagsalita.

            Santi smirked and nod. At least, there’s someone who’s willing to listen to him kahit na hindi siya humingi ng tulong sa mga ito.

            Ang tanong, maipapaliwanag kaya niya ng maayos ang nararamdaman niya?

 

“HINDI KA PA uuwi, Karin?”

            Ipinilig ni Karin ang ulo para balingan ang pinsan at dahan-dahang umiling. Mabigat ang katawan niya at medyo masakit ang ulo niya kaya doon na muna siya maglulungga sa store. Mamaya na siya uuwi, kapag kahit paano ay umayos na ang pakiramdam niya.

            “Magpahinga ka na lang muna diyan at ihahatid na kita pauwi, okay? Hatiran kita ng dinner, isasabay ko na ang gamot mo.” ani pa ni Ate Cyrille.

            Sa halip na sumagot ay dahan-dahan lang siyang tumango bago muling ipinikit ang mga mata. Nang marinig ang muling pagsara ng pintuan ay napahugot ng malalim na buntong-hininga si Karin.

            Dalawang araw nang masama ang pakiramdam niya, hindi lang niya gaanong pinapansin dahil madami siyang school works na kailangang tapusin. She’s behind the deadline she set for herself, so she needs to finish those in less than a week.

            Bihira naman siyang magkasakit, kaya lang madalas ay natataon pa kung kailan madami siyang gawain. Iniingatan naman niya ang sarili, wala lang talaga siyang choice kundi ang gumalaw pa din dahil wala siyang aasahan at lalong wala namang maga-alaga sa kanya kundi ang sarili niya.

            Pinilit niyang bumalik sa pagtulog pero hindi niya magawa kaya nanatili na lang siyang nakapikit habang pinakikinggan ang kantang pumapailanlang sa buong silid.

            “Karin, may mga bisita ka. Nandito na din iyong pagkain mo ‘tsaka gamot. Bumangon ka na muna diyan.”

            Napadilat siya nang muling marinig ang boses ng pinsan niya. Sa likod nito ay nandoon sina Hiro, Zach, at Liam.

            “Puwede kong buksan muna ang ilaw? Dadalhan ko na lang sila ng pagkain dito para may kasabay ka.” paalam pa ni Ate Cyrille na tinanguan lang niya. Dahan-dahan siyang bumangon pero napapangiwi pa din dahil animo may kamay na pumipitik sa sentido niya.

            “Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Hiro bago tumabi sa kanya. May paga-alala siyang nakita sa mga mata nito.

            Ah, friends. She forgot that she have friends now. Mahigit isang linggo na din niyang hindi nakikita ang mga ito, malamang dahil abala ang mga lalaki sa examination week ng mga ito. Sa kanilang mga bago niyang kaibigan, si Hiro at Mikko lang ang nakakausap niya sa Messenger dahil kinukumusta siya ng mga ito, hindi nga lang niya sinasabing may sakit siya dahil ayaw niyang makaabala ng iba.

            “Masama lang pakiramdam ko.” simpleng sagot niya. Kinuha niya ang cellphone niya at pinatay ang tugtog. “Anong ginagawa n’yo dito?”

            “Nag-crave lang kami sa dessert kaya naisipan naming pumunta dito bago umuwi, katatapos lang din kasi ng gawain namin sa organization. No’ng tinanong ko kay Ate Cyrille kung nandito ka, sinabi niyang oo kaya pinuntahan ka namin.” sinalat nito ang noo niya ‘tsaka pumalatak. “Kailan ka pa may sakit?”

            “Kahapon pa yata, hindi ko na alam. Mawawala din ‘to, pagod lang siguro ako.” balewalang sagot niya. Ayaw niya talagang nakakaabala ng ibang tao kaya nga wala siyang pinagsasabihan maliban sa pinsan niya.

            “Gusto mo, ihatid ka na lang namin pauwi? Sabayan ka na namin kumain dito.” ani Zach. Nakaupo na ito at si Liam sa kabilang bahagi ng sofa.

            “I’m okay, ihahatid naman daw ako ni Ate Cyrille.” sagot niya ‘tsaka ito binigyan ng tipid na ngiti.

            “Masyado bang madaming ginagawa sa school n’yo? Sana gumaling ka na agad, siguradong maga-alala iyong iba kapag nalaman nilang may sakit ka.” naga-alalang wika ni Liam.

            “Alam ni Santi na may sakit ka?” tanong ni Hiro.

            Umiling siya. Pagkatapos ng naging huling pagu-usap nila ni Santi, hindi na niya nakita kahit anino ng binata. Kahit ang i-message siya ay hindi nito ginagawa. Hindi niya alam kung nagi-guilty pa din ito sa nagawa o talagang abala lang.

            “Well, that’s weird.” pabulong na anito pero narinig din naman niya. Hiro is the type of person who will voice out what he’s thinking. Kahit na gaano pa ka-random iyan.

            “Bakit naman?”

            “Hindi kayo mapag-hiwalay, ‘di ba? Well, iyon ang napapansin namin. Palagi siyang nagpupunta dito sa’yo, ikaw din bukang-bibig niya kapag magkakasama kami.” paliwanag ni Zach.

            Natigil lang sila sa pagu-usap nang muling pumasok si Ate Cyrille dala ang pagkain ng mga lalaki. Inabutan siya nito ng cool fever. “Ilagay mo na iyan sa noo mo bago ka umuwi. Hindi mo na naman gagawin kapag walang nagpaalala o nakakakita sa’yo.” bilin nito.

            “Sige, ate kami na po bahala kay Karin. Kami na din po ang maglalagay ng patch sa noo niya.” sagot ni Liam para sa kanya. Binigyan pa nito ng malawak na ngiti ang pinsan niya. That is one of Liam’s lethal charm, his smile. Kapag ngumiti ito, parang mawawala lahat ng problema ng mundo.

            “Thank you, boys. Pasensya na kayo kung naaabutan n’yong ganyan si Karin. Bihira naman magkasakit iyan.”

            “Okay lang, ate. Kami na din po ang maghahatid sa kanya mamaya.”

            “No, okay lang. Ako na para hindi hassle sa inyo. Out of way pa kapag hinatid n’yo iyan.”

            “Okay lang po talaga, ate. Dito ka na lang, kaya naman namin si Karin.” paniniguro ni Hiro, may malawak na ngiti sa labi. “Na-miss din naman po namin ‘tong babaeng ‘to dahil busy po kami sa school.”

            “Busy din ako ngayong week. Madami akong pending school works na kailangang tapusin.” singit niya.

            “Puwede kang magpatulong kay Xian. More than willing to help iyong isang iyon.” suhestiyon ni Liam habang tumataas-baba ang mga kilay.

            “Maiwan ko na kayo diyan at walang tao sa counter.” paalam sa kanila ni Ate Cyrille bago isinara ang pinto.

            Hindi na nakatanggi si Karin nang kunin ni Hiro mula sa kanya ang cool fever. Ito na ang naglagay niyon sa noo niya. Ito na din ang naglapag ng pagkain sa tapat niya. “Kumain ka na para makainom ka ng gamot. ‘Wag mo kaming intindihin dito, tahimik lang din kaming kakain.” paniniguro pa nito. Tumayo pa ito at lumipat sa sofa na kinauupuan ng dalawang kaibigan nito.

            Sa totoo lang, wala siyang maalala na gumawa sa kanya ng ganito maliban sa Ate Cyrille niya, ang mga ito lang. Ni hindi pa nga niya gaanong kilala ang mga lalaki pero mabilis nag-warm up sa kanya ang mga ito.

            Ikaw din naman, mabilis lumambot ang puso mo sa kanila kahit na hindi mo pa naman sila matagal na kakilala. singit ng isang bahagi ng isip niya.

            “Kumusta naman ang exam n’yo?” wala sa sariling tanong niya sa mga lalaki. Humarap pa siya sa mga ito habang hawak ang pinggan ng pagkain niya.

            Sabay-sabay pang bumaling sa kanya ang mga ito. “Okay naman, mahirap pero kinaya.” sagot ni Zach.

            “Masakit sa ulo iyong mga major subjects pero mas masakit sa ulo iyong mga feeling major subjects.” dagdag naman ni Liam.

            “I agree. Ganyan din sa school namin.” naiiling namang sagot niya. “Di bale, finals na lang naman ang iisipin natin pare-pareho. Isang taon na lang, ga-graduate naman na tayo.” pagpapalubag-loob niya sa mga ito.

            “Oo nga pala, kasabay ka namin ga-graduate. Sana, kahit maka-graduate na tayo ng college, friends pa din tayo.” biglang sabi ni Zach dahilan para sabay-sabay silang bumaling dito. She was taken aback by what he said. That is the first time, someone actually commented about friendship that includes her.

            “Anong klaseng drama naman iyan, Zach?”

            “Syempre, hindi naman natin alam kung hanggang kailan natin makakasama si Karin since may kanya-kanyang buhay na tayo after college. Sana lang, kaibigan pa din natin siya.”

            “Of course, she will still be our friend. Tayo ba, after so many years na magkakasama, naghiwa-hiwalay?”

            “No.” bumuntong-hininga ito. “Huwag n’yo na nga lang akong pansinin, pagod lang siguro ako.” bumaling ito sa kanya. “Sorry, Karin. Hindi na ako magda-drama.” hingi nito ng paumanhin sa kanya.

            Agad siyang umiling pero agad ding tumigil nang muling magparamdam ang pagpitik na iyon sa sentido niya. “No, it’s okay. Of course, we can still be friends after college. Kahit naman hindi ako magparamdam, mayroon pa ding manggugulo sa’kin.”

            “Hindi ko naman sinasabi na ako iyon, pero parang ganoon na nga.” sagot na ni Hiro sabay tumawa. “Isa pa, sa personality na mayroon si Karin, wala nang ibang magiging kaibigan ‘to. Masyadong mailap sa tao.” dagdag pa nito.

            Totoo naman, ang mga ito lang ang nakatiis sa kanya hanggang sa puntong nasanay na siya sa presensiya ng mga ito.

            “Kaya pagtitiisan mo na ang presensiya namin hanggang sa tumanda ka.”

            “I’ll remember that.” sumaludo pa siya pagkasabi niyon. Weird, pero dahil sa presensiya ng mga ito maging sa pakikipag-usap sa kanya, gumaan ang pakiramdam niya.

            Well, that’s what friends are for, right? And she actually got some of that, for sure.

 

“MAY NALALASING ba sa mogu-mogu?”

            “Bakit, alak ba ang mogu-mogu?”

            “Mukhang lasing na kasi ‘tong katabi ko. Kumakanta mag-isa. Sino bang nanakit dito at ganito ‘tong gunggong na ‘to?”

            Binalingan ni Santi si Marco at binigyan ito ng nagbabantang tingin. “Sinong gunggong?” seryosong tanong niya.

            And Marco being Marco didn’t even flinch by the seriousness in his voice. “Ikaw, kumakanta kang mag-isa. Ikaw na nga dinadamayan namin dito, parang tanga ka pa diyan.”

            “Pagbigyan mo na iyan, mukhang in love eh.” komento naman ni Henry dahilan para umayos siya ng upo.

            Nasa hide-out sila nang mga sandaling iyon, lumalaklak ng mogu-mogu. Hindi niya alam kung anong trip ni Marco at bumili ng isang dosena gayong tatlo lang naman silang iinom. Naghiwa-hiwalay na sila pagkatapos kumain ng hapunan. Hindi niya alam kung saan pumunta ang iba niyang kaibigan, sinabihan lang niya ang mga ito na huwag magpapagabi.

            Ikinuwento niya sa dalawang kasama ang lahat. Mula sa nararamdaman niya hanggang sa naging pagu-usap nila ni Karin noong bumisita ang dalaga sa village nila. Tahimik nga lang ang mga ito at walang kahit na anong sinabi.

            “In love? Sinong in love?” may pagka-defensive na tanong niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging dating ng tanong niya maging sa sarili niya.

            “Ikaw. Halata naman. Kaya nga sumama ako dito para ipa-realize sa’yo na in love ka, mukhang kailangan mo kasi talaga ng tulong. At para maki-tsismis na din kung anong susunod mong gagawin.”

            Bakit ba siya nagkaroon ng ganitong mga kaibigan? May mga bagay na mas nauuna pang malaman o makita ng mga ito kaysa sa kanya.

            “Paano mo naman nasabi na in love ako?” Kasi kahit ako, hindi ko alam kung iyon ba talaga ang nararamdaman ko o pagkakagusto lang talaga.

            “Simple. Simula no’ng nakilala mo si Karin, siya na palaging bukambibig mo. Palagi kang pumupunta sa kanya kahit na busy ka sa Snap shoot pati sa school works. Partida, may tinapos ka pang research sa lagay na iyan pero nagagawa mo pa din siyang puntahan.” panimula ni Marco.

            “Palagi mo din siyang dinadalhan ng pagkain kahit na alam mong hindi siya pababayaang magutom ni Ate Cyrille. She’s almost living in Rose Quartz, Santi. You’re always making time for her kahit na hindi naman niya hinihingi ang oras mo. You’ve never done that to anyone other than us, before. At hindi iyan gawain ng isang gusto lang makipag-kaibigan.” dagdag na paliwanag pa ni Henry.

            Para siyang sinasampal ng bawat salitang binibitiwan ng mga kaibigan niya. See? Mas observant pa ang mga ito kaysa sa kanya. Ganoon din naman siya sa mga ito, bakit kapag sa sarili niya, hindi na niya alam kung anong ikinikilos o nararamdaman niya?

            “Open the group chat, Santi. Mukhang may sakit si Karin.” mayamaya ay ani Marco. Hawak nito ang cellphone nito at may kung anong tinitingnan doon.

            “Ha?” salubong ang mga kilay na tanong niya. Anong sinabi nito?

            “May sakit si Karin, buksan mo iyong gc, nag-send ng picture si Hiro.” ulit nito na animo bata ang kausap.

            Agad niyang kinuha ang cellphone niya at binuksan ang group chat nila sa messenger. Halatang stolen shot iyon, kumakain si Karin habang may nakalagay na patch sa noo nito. May message si Hiro na may sakit ang dalaga at ang mga ito na ang maghahatid sa dalaga pauwi.

            Napuno ng paga-alala ang puso niya, hindi na niya namalayang tumitipa na siya ng message para sa kaibigan.

            “Kung iniisip mong puntahan, huwag na muna. Bukas na lang, hindi naman pababayaan nila Hiro iyan. Ihahatid nila sigurado iyan hanggang sa mismong bahay. Kumustahin mo na lang muna, masyado ka kasing praning, hindi mo man lang naisip na kumustahin simula no’ng huling beses mong nakita.” may tunog paninising wika ni Henry.

            Guilty siya doon. Dahil lang naguguluhan siya sa nararamdaman niya at sa guilt, iniwasan niyang makita o makausap man lang ang dalaga na hindi naman dapat niya ginawa. Hindi niya inisip ang mararamdaman nito dahil sa ginawa niya.

            Hindi naman siya mauunang mag-message sa’kin pagkatapos ng naging pagu-usap namin. Siguradong mahihiya iyon, knowing Karin. aniya pa sa isip.

            Naramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya kaya muli siyang bumaling kay Marco. “Okay lang naman kung hindi ka pa handang mag-confess sa kanya. Take it slow, pare. Makuntento ka na lang muna sa pagkakaibigan ninyo. Give her some time lalo na at sa tingin ko, hindi pa siya ready sa mga ganoong commitment.”

            Napabuntong-hininga na lang siya. Wala naman siyang planong ipaalam kay Karin kung ano ang nararamdaman niya. Not now, at least. Alam niyang kailangan pa nilang kilalanin ng mabuti ang isa’t-isa kahit na ba mahigit isang buwan na mula nang makilala nila ito.

            Take it slow. Let it bloom naturally, Santino.

            “You know that she’s worth the wait, Santi. Alam kong alam mo iyan.” narinig niyang sabi ni Henry and he couldn’t agree more. She’s definitely worth it.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12