Download Story.

close

Semicolon 1: Playing with Cupid

Written By: Ian       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
Ian

CHAPTER NINE

ANG UNEASY ng pakiramdam ni Karin mula nang mapag-solo sila ni Santi. No, scratch that. Simula nang magkalinawan sila at magkaintindihan ni Kuya Peter, ganoon na ang nararamdaman niya, hindi siya mapakali.

            Ang dami niyang nalaman mula sa kaibigan na gusto niyang makumpirma mismo ni Santi. Dahil hindi niya alam kung bakit hindi naging maganda ang dating sa kanya ng mga nalaman.

            Ang sabi ni Kuya Peter, na-kuwento dito ni Santi kung paano sila nagkakilala. Hindi man malinaw sa alalaa niya, natatandaan niya nang unang beses niyang makita ang binata kasama sina Marco at Jeremy.

            Pinakiusapan diumano ni Kuya Peter ang kapatid nito para bantayan at alagaan siya habang humahanap pa ito ng lakas ng loob na muli siyang lapitan. May parte doon na naiintindihan niya, mayroon ding parte na hindi. Bakit kailangan siyang alagaan at bantayan? Kaya niya ang sarili niya, hindi niya kailangan ng kahit na sino.

            Ganyan ba ang nararamdaman mo mula nang makilala mo si Santi at ang mga kaibigan niya?

            But the question, Kuya Peter asked that struck her the most is, “Do you like Santi more than a friend?” Like, how would she know that? How did he think would she feel that? They are literally just starting to know each other. Hindi pa sila ganoon katagal na magkakilala kaya paano niya magugustuhan ito ng higit pa sa isang kaibigan? Oo nga at kumportable siya sa lalaki, sobra pa nga kung magiging totoo siya sa sarili pero sapat na ba iyon para masabing gusto niya ito sa romantikong paraan?

            Hindi ba puwedeng dahan-dahan lang ang phasing? Masyadong mabilis. Sa friendship muna tayo bago sa relationship. aniya sa isip. Nahahawa siya sa pagiging advance mag-isip ni Kuya Peter at kailangan niyang kalmahin ang utak niyang naglulumikot na din.

            “Are you okay?”

            Agad siyang napabaling sa pinanggalingan ng tinig. Ang naga-alalang mukha ni Santi ang nabungaran niya habang nakatunghay sa kanya. Kabababa lang nito ng mga pagkaing in-order para sa kanila. Masyado siyang naka-pokus sa mga iniisip, hindi na niya napagmasdan ang buong Bittersweet mula nang dumating sila doon.

            Bahagya siyang ngumiti at tumango. Mukhang hindi ito naniwala sa sagot niya pero hindi na lang nagsalita. Umupo ito sa katapat niyang silya at inasikaso na siya. Inilagay nito ang mga pagkain sa harap niya at inudyukan siyang kumain.

            “Siguradong napagod ka sa kakulitan ng buong tropa kanina. Napagod ka pa sa pagu-usap n’yo ni Kuya, idagdag pa iyong mga asungot na kapatid nila Zach. Kaya kumain ka lang nang kumain. Sabihin mo sa’kin kapag kulang pa iyan para maka-order tayo.” mabilis na pagsasalita nito. Halatang uneasy din itong katulad niya, wala kasi ang mahinahon at kalmadong paraan nito ng pagsasalita ngayon. Mararamdaman din ang tensiyon sa paligid nito.

            Wala sa sariling inangat niya ang kamay at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa mesa. “Santi, I’m okay.” pagpapakalma niya sa binata. Napagtanto niyang nanlalamig ang kamay nito kaya nasiguro niyang hindi ito okay. Siguro, may ideya na ito sa magiging takbo ng pagu-usap nila.

            Sinalubong nito ang mga mata niya ‘tsaka niya nakita ang paghugot nito ng malalim na hininga. “I know, how this will go. Umpisahan na ba natin o kakain muna tayo?” hindi nito inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay nito pero may palagay siyang gustong-gusto na nitong magsalita at magpaliwanag sa kanya.

            Sure ka diyan? Ang galing mo magbasa ng nararamdaman ni Santi, no? Attached ka na masyado sa kanya?

            “Kumain na lang muna tayo.” sagot niya. Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ng binata at nag-umpisa nang kumain. “Kumain ka na din, kung ako sa’yo. Mamaya ko sasabihin sa’yo kung mas masarap dito o sa Rose Quartz.” pagpapagaan niya sa tensiyonadong mood sa pagitan nila.

            Hindi na niya tinangkang tingnan muli ang binata at tuloy-tuloy na lang na kumain. Dahil hindi din siya mapapakali kapag hindi nasagot ang mga tanong niya mula pa kanina.

SI SANTI na mismo ang naglinis ng lamesa pagkatapos nilang kumain ni Karin. Dinala niya iyon sa gilid ng counter kung saan nandoon ang kasalukuyang nagbabantay.

            “Himala, naglinis ka. Okay ka lang ba?” tanong ni Kim. Nakababatang kapatid ito ng may-ari ng Bittersweet. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang ate nito kaya ito ang personal na namamahala doon ngayon.

            “Kapag bigla akong tumuba mamaya, dalhin n’yo na lang ako deretso sa sementeryo para wala nang burol.” sagot niya pagkatapos ay humugot siya ng malalim na hininga.

            “Gago, Santino!” natatawang anito. “Anong problema?”

            “Basta… ayoko ng istorbo. Huwag kang titingin sa puwesto namin, Kim. Kahit alam kong tsismosa ka, huwag kang magtatangka kundi mumultuhin kita, kapag namatay ako.”

            “Matagal pa iyon, Santi. Masamang damo kang gago ka.”

            “Language!” pinanlakihan pa niya ito ng mata.

            “Ikaw ang may kasalanan. Sige na nga, balikan mo na iyong kasama mo. Hindi ako titingin sa inyo, promise.” pagtataboy na nito sa kanya.

            Tiningnan pa niya ito ng matiim bago naglakad pabalik sa puwesto nila. Nakapangalumbaba si Karin habang sinusundan siya ng tingin. Kapag hindi pa ito tumigil sa ginagawa nito, baka nga hindi pa sila nagu-umpisang mag-usap, humimlay na siya dahil sa kaba.

            Hindi ko nga alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko. Huwag na sana niyang dagdagan, parang awa naman.

            “Can you sit beside me?” tanong nito nang akmang uupo na siya sa puwesto niya. Sunod-sunod na pagkurap pa ang ginawa niya para masigurong tama siya ng dinig sa sinabi nito. “Please?”

            Lihim siyang humugot ng malalim na hininga bago hinila ang upuan sa tabi nito. Kung ano man ang kahihinatnan ng pagkakaibigan nila pagkatapos ng pagu-usap na ‘to, ‘wag sana siyang maapektuhan ng sobra. Katulad ng kung paano naapektuhan si Kuya nang dahil din kay Karin?

            “Kuya Peter told me everything. Lahat ng kinuwento mo sa kanya mula nang una tayong magkita, sinabi niya sa’kin.” pagsisimula nito.

            This is it.

“I’M SURE you also remember the day that we met, right?”

            Tahimik na tumango lang si Santi. Hindi ito nagsasalita, marahil para bigyan siya ng pagkakataong sabihin ang mga gusto niyang sabihin. Naniniwala pa din siya na kapag ginusto niyang malaman ang lahat, sasabihin sa kanya iyon ng binata nang walang paga-alinlangan.

            Ganoon na kalaki ang tiwala mo sa kanya? tanong ng isang bahagi ng utak niya.

            “Sinabi niya sa’kin na ikaw daw ang umamin sa kanya na kilala mo na kung sino ako. Kung saan ako naga-aral, kung anong course ko, kung anong year level ko. Dahil daw sinabi iyon sa’yo ni Mavis.

            “Sinabi din niya sa’kin kung gaano ka ka-protective sa mga taong importante sa buhay mo kaya kinabahan siya na baka maisipan mong gumanti dahil sa nalaman mong problema niya no’ng mga panahon na iyon. Pero naniniwala pa din daw siya na hindi ka gagawa ng mga bagay na pagsisisihan mo sa huli kaya naisip niyang pakiusapan ka na lang na maging kaibigan sa’kin habang hindi pa niya kayang lumapit ulit bilang isang kaibigan.

            “Sa totoo lang, no’ng narinig ko iyon, naguluhan ako. Because honestly, I don’t need anyone, to be okay. Kaya ko naman ang sarili ko. Pero no’ng sinabi niya sa’kin ang reason, naintindihan ko din ang point niya. He wants you to know me, the me, he knows and likes. Baka sakaling magbago daw ang tingin mo sa’kin.”

            Tinitigan niya ito nang deretso sa mga mata. “Now, I’m curious. Ano ba ang tingin mo sa’kin before you met me?”

            Hindi alam ni Karin kung bakit siya biglang kinabahan habang hinihintay ang isasagot ni Santi sa tanong niya pero nanatili siyang kalmado para hindi nito mahalata ang totoong nararamdaman niya.

            Humugot ito ng malalim na hininga bago nagawang sumagot. “At first, aminado ako na tinatak ko sa isip kong hindi kita gusto dahil nasaktan mo ang kuya ko. You see, hindi naman madaling masaktan si Kuya. He’s tough, kaya nagtataka ako kung anong nangyari at isang babae lang pala ang makakapag-pahina sa kanya.

            “Nilait na kita sa isip ko kahit sinabi ni Mavis na maganda ka. Hindi ko alam kung bakit pinupuri ka ni Kuya Peter at ni Mavis pero para sa’kin, hindi pa din kita gusto. And then, I saw you at the café. Matagal ka nang naku-kuwento ni Ate Cy sa’min, hindi lang talaga tayo naga-abot para magkakilala. Hindi ako mapakali, sa totoo lang no’ng nalaman ko na Karin ang pangalan mo. Kailangan kong ma-kumpirma kay Mavis kung ikaw nga iyong sinasabi nilang Karin na maganda, mabait, at kung ano-ano pa.”

            She chuckled. “And I bet, disappointed ka sa Karin na nakita mo. Because, I know what I looked like that time.”

            Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang sa pagsasalita. “Honestly, hindi ko din alam kung bakit ako pumayag sa pakiusap ni Kuya. Siguro kasi, hindi naman siya humihiling sa’kin. It’s always the other way around. He’s always there for me when I needed someone. Madalas kasi, wala iyong parents namin kaya pinupunan niya lahat ng pagtatampo ko. I admit, I’m immature. Ang nonsense ng pagtatampo ko sa parents namin dahil alam ko na work related iyong ginagawa nila at para sa’min din namang magkapatid iyon.

            “Anyway, iyon nga siguro ang naging dahilan kaya pumayag ako. Walang alam ang buong tropa sa usapan namin ni Kuya, sinubukan ko lang silang idamay para may kasama akong mapahiya kung sakaling itaboy mo kami palayo. But you didn’t. You bear with Hiro and Marco’s stupidity. Kahit na makulit at maingay sila, pinag-pasensyahan mo sila. Nakita ko din kung paano ka naging kumportable kaagad kina Xian at Chester hanggang sa point na nagpatulong ka pa sa kanila. Nasabi ko na lang sa sarili ko, siguro, you are not as bad as I thought you are.”

            “And now? Nagbago na ba ang tingin mo sa’kin?” Bakit gusto mong malaman? Bakit importante sa’yo na malaman? At bakit parang hindi ka nakakaramdam ng galit o tampo sa mga nalaman mong ginawa niya sa’yo?

            Tumango ito, sa pagkakataong iyon, kalmado at kumportable na ang aura nito. “Habang nakakasama at nakakausap kita tuwing nagkikita tayo, nagiging kumportable ako sa’yo. Unti-unti kong nakikita iyong mga bagay na sinasabi sa’kin nina Mavis at Kuya Peter. Even with your messy hair, you’re still the beautiful Karin, they are talking about.”

            And there goes the sudden thump of her heart. Dahil lang sa “beautiful”, nag-react na ng ganoon ang puso niya?

            “And I told myself that I want to be your friend. Not because Kuya Peter told me to look after you, but because I want to. I want to know you more. I want to be there for you. I just feel comfortable whenever I’m around you. Gusto kong maisip mo na hindi lang si Kuya Peter ang puwede mong maging kaibigan, I am here. The boys are here, we can all be a friend to you.”

            She feels overwhelmed. Sa labing-walong taon niyang nabubuhay sa mundo, ngayon lang may nagparamdam sa kanya na importante siya, na may silbi siya, at may mga tao pa pala na magpapahalaga sa kanya.

            Kailan ko kaya mararamdaman ‘to sa sarili kong mga magulang?

            Nakabibinging katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan nila ni Santi. Parang walang gustong magsalita, pino-proseso lang ang kung ano man ang mga salitang lumabas sa mga bibig nila.

            “I’m giving you free drinks, guys. Bagong experiment ko lang ‘to dahil bored ako. Feel free to give your honest opinion about it, okay?”

            Sabay pang napaigtad sina Santi at Karin nang magsalita ang isang babae at ibaba nito ang dalawang baso sa harap nila.

            “Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot, Kim? Pa’no kung may sakit kami sa puso? Namatay pa kami pareho dito sa café n’yo?”

            “Itatakbo ko naman kayo sa hospital, Santino. ‘Wag ka nang OA diyan at tikman n’yo na ‘to.” sagot naman ng babaeng tinawag ni Santi na Kim bago siya hinarap. “Miss na maganda, tikman mo na ‘to, please? Sinisiguro ko sa’yo na lalo kang gaganda kapag ininom mo ‘to.”

            “Umalis ka na nga, Kim at iniistorbo mo kami. Bumalik ka na sa counter.” pagtataboy ni Santi sa babae.

            “Mag-promise ka muna na iinumin n’yo ‘to.” pamimilit ni Kim na inilapit pa sa kanila ang baso ng inumin.

            “Oo na, please lang. Bumalik ka na sa puwesto mo.” halatang napipilitang pagpayag na lang ng binata na ikinangiti ni Kim. Agad itong nagpaalam sa kanila at patalon-talon pang naglakad pabalik sa counter.

            “Pasensya ka na kay Kim, baliw talaga iyong babaeng iyon.” hinging paumanhin sa kanya ni Santi. “Huwag mo na lang inumin iyan at ako ang uubos. Baka sumakit pa ang tiyan mo. Weird iyong mga ginagawa niyang drinks na si Jeremy lang ang nakakatiis.” at bago pa siya makapag-salita ay kinuha na nito ang baso sa tapat niya ‘tsaka tinungga iyon. Nakita niya ang pagngiwi nito bago mailapag ang baso.

            It’s not that bad, right? tanong niya sa sarili.

            Akmang kukunin niya ang inumin nito nang unahin siya at tunggain din iyon. Sa pagkakataong iyon ay tumalikod na ito sa kanya habang iniinom ang kung ano man ang ibinigay ni Kim sa kanila.

            “We’re still friends, right?” wala sa sariling tanong niya sa binatang hindi pa din humaharap sa kanya.

            Marahas ang naging pagbaling nito sa kanya. Namumula ang buong mukha nito at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya.

            “What?” halata ang pagkagulat at pagkalito sa tinig ng binata.

            Kung sa ibang pagkakataon ay siguradong natawa na siya sa hitsura nito pero hayun na naman ang kabog ng dibdib niya at ang kagustuhang matapos na ang issue na iyon sa pagitan nila. At least, alam na niya ang side nito. Nasagot na ang mga tanong niya at nalinawan na din siya sa ilang bagay na bumabagabag sa kanya. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng negatibong pakiramdam na naramdaman niya kanina.

            “We’re still friends. Right?” sa pagkakataong iyon ay alanganin nang ulit niya sa tanong.

            “Of course, we are. And we will always be.” agad na sagot nito, may determinasyon at pinalidad sa tinig.             And that answer is enough to assure her that she will not lose another person that she just realized, became an important one in her life.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12