꧁𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 4꧂
𝐆𝐋𝐘𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐎𝐕
Nasa labas ako ng bahay nila Aling Talya dahil hinihintay ko si kuya Ruel. I told him that I wait him. Pagkatapos ay mag flight ako papuntang Manila. Because I have some mission.
Oo ako ang taga monitor kung saan at anong oras dadating ang aming mga kalaban o kumalaban sa amin. Yes I was addicted in technologies and this is my asset.
“Oh anak malamig dito sa labas,”-usal ni Aling Talya at linagyan niya ng kumot ang aking katawan tapos umupo siya sa tabi ko.
“Alam mo anak, noong umalis ka dito sa lugar kung saan nag umpisa ang galit mo sa taong gumawa sa pamilya mo, lahat ng tao dito ay naging palaban kaya malay namin kung nasaan na ang matandang ‘yun, ang alam ko nagkasakit siya!”-sabi ulit ni Aling Talya habang nakatingin siya sa kalawakan, kung saan ako nakatingin ngayon.
“So, kamusta na pala kayo dito Aling Talya?”-pag-iiba ko sa usapin namin. Dahil alam ko kung nasaan ang matandang iyon. Kasi kaming Darkiest ay may iisang paninindigan at kasabihan. Tsaka iisang tao rin ang kayang kumalaban sa amin, ‘yun ay siya.
“Sa awa ng Diyos anak, payapa na. At tignan mo naman sa paligid nagiging maginhawa na ang pamumuhay ng mga taga San Rafael!”-magiliw na sabi niya sa akin tsaka niya hinawakan ang aking kamay.
“At ang ate ko, nakikita niyo pa po ba siya?”-tanong ko ulit sa kanya dahil ang gusto ko ay makuha siya sa kamay ng mga Cruz, wala silang karapatan angkinin ang nararapat ay para sa akin.
“Ang balita ko anak, inilayo siya ng Allan Cruz na iyon, laban sa iyo dahil alam niya na babalik at babalik ka para kuhanin ang iyong kapatid sa kamay nila,”-sabi niya sa akin. Putanginang matandang ‘yun talagang ginagalit niya ako.
“Well! don’t worry tita, I will do everything, mabawi lang ang ate ko sa kamay nila,”-sabi ko tsaka niyakap naman niya ako ng mahigpit na mahigpit.
“Nga pala alam kong pag-aari mo ang Resort kung saan ka tumuloy ngayon,”-natutiwang sabi niya sa akin, kaya napakamot ako sa aking ulo tsaka tumingin sa kanya.
“Aeh opo! I just build that Resort to prove that I can stand alone, and I can fight with that old man without hesitation,”-sabi ko sa kanya, na ikinailing lang niya sa akin.
“Umaasenso ka na talaga anak, at teka nga totoo ba ang sinabi mong miyembro ka ng Mafia?”-tanong niya sa akin, habang hinahawakan niya ang aking mukha.
“Opo, miyembro po ako ng Mafia, at hindi lang ordinaryong Mafia kundi isang Mafia Boss. May sarili akong tao tita at alam ko na nararamdaman niyo ang mga tao ko,”-sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya kumbaga nag eye-to-eye kaming dalawa.
“Hayst juiced colored! mag-iingat ka sa mga ginagawa mo anak,”-natatarantang sabi niya sa akin, dahil halatang nag aalala siya sa akin.
“I will tita, because I told you, sa pagbabalik ko, makikita nila ang paghihiganti ng isang ulila at kinuhanan ng ate,”-sabi ko sa kanya, tsaka ko hinawakan ang kanyang mukha.
“Then we are here, to guide you, nasa tabi mo lang kami handang tumulong sa inyong magkapatid, basta laban lang malalampasan niyo din ito!”-sabi ng kakauwi lang galing sa duty niya. Kaya napatingin kami sa gawi niya.
“Oh anak! nandito ka na pala?”-sabi ni Aling Talya sa kanyang anak, habang tumatayo para kuhanin ang hawak nitong supot na may lamang pagkain.
“Ay hindi mah, kaluluwa ko lang ‘to”-basag naman ni Kuya Ruel kay Aling Talya na ikinatawa ko nalang dahil sa kapilyuhan nito.
“Nakapilosopo mong bata ka, halika nga dito at kurutin ko ang abs na sinasabi mo, o di kaya papaluhin ko nalang ang matambok mong pwet,”-sabi naman ni Aling Talya sa anak niya. At ako naman ay tawa lang ako ng tawa dahil namiss ko itong eksena na ‘to. Mga kalokohan namin noong kabataan namin.
“Halah! that’s a no no no mudrang, it’s not makaturungan if you gawa–gawa that!”-sabi ni kuya Ruel sa ina niya ng paconyo tsaka nag-act pa siya na parang bakla.
“Grabe ka naman kuya! Bakit may abs ka ba?”-singit ko sa kanilang mag-ina, dahil naaaliw ako sa mag-ina.
“Of course baby girl, you want to see?”-sabi niya sa akin tsaka tumayo pa ang loko ng tuwid, habang nagtataas baba ang kanyang kilay na nakatingin sa akin.
“Manahimik ka ng bata ka, halata naman na puro buto lang ang iyong katawan. Hindi ka na nahiya sa kapatid ng magiging asawa mo kuno,”-sabing tudyo ni Aling Talya sa anak. Alam ko kasing linoloko lang niya ang kanyang anak na ngayon ay nakasimangot na.
Well! halatang laki sa Gym ang pangangatawan ni Kuya Ruel. Dahil based sa naririnig ko kanina, tinaguriang daw siya na Police Hunk.
“Ako kaya ang Police Hunk in the whole country mama, kaya huwag ka hoy!”-sabi niya tsaka nag pose pa siya na parang ewan. Ang laswa talaga, kaya napangiwi pa ako habang nakatingin sa kanya.
“Wala na akong sinabi anak, halina nga kayo at kumain na tayo ng hapunan,”-sabi ni Aling Talya sa akin tsaka tumayo naman kami para mag hapunan, habang hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.
“Nga pala kuya, tita babalik na po ako bukas sa Manila. Dahil alam niyo naman po na umuwi lang ako dito para makumpleto kaming mga Bosses ng Darkiest for revenge, hindi lang revenge kundi ipapahiwatig ang aming mga paninindigan laban sa mga nanglalaman sa katarungan ng bawat isa sa mga taong gusto ng katarungan at kalayahan,”-sabi ko sa kanila and they just nodded as a response.
“Dito kaba matutulog ngayon anak?”-tanong ni Aling Talya. And I just nodded bilang sagot sa kanya.
“So, kukuha tayo ng bayabas!”-sigaw naman ni Kuya Ruel pero sinuway ni Aling Talya dahil nasa hapagkainan daw kami, makasigaw kasi siya ay wagas.
“Pfffftt….seryoso kuya? Sa ganitong oras?”-sabi ko sa kanya habang nagpipigil ako ng tawa, hindi ko kasi mapigilan ang matawa dahil sa reaksyon niya.
“Oo seryosong seryoso ako kapatid. Pumunta ka na ba sa likod ng bahay? Kung hindi pa may mga halaman na ako doon, ‘yun ang promise ko na pagbalik mo may sariling puno na ako ng bayabas,”-pagmamayabang niya sa akin kaya tinawanan ko nalang siya tsaka tinulungan si Aling Talya sa paghuhugas.
“Anak, seryuso ako na alagahan mo ang sarili mo sa Manila, tinawagan ako ng mommy mo, na pagsabihan daw kita, at sana gawin mo ang hiling nila. Alam mo naman na ang hiling lang naman namin na nagmamahal sayo ay ‘wag kang masyadong magpalamon sa mga bagay bagay na alam mo na mali. At sana pag-isipan mo muna ang mabuti bago mo ito gawin,”-madamdaming sabi niya sa akin and I just hug her tight because Im so lucky that I have two mama. Yeah I just call her Tita because I want it. Kahit gusto niyang tawagin ko siyang mama pero ayaw ko. Kasi I know na magkakatuluyan ang ate ko at si Kuya Ruel. Just hoping!
“I always remember that TaMy!”-sabi ko sa kanya at halatang hindi niya na gets ang huling sinabi ko kaya I explain. TaMy in short for Tita at Mommy. Kaya ayon halatang ang saya saya niya at gustong gusto niya ang tawag ko sa kanya.
“Ano ba yan mah, pinagpapalit mo na ang gwapo mong anak sa pangit na ‘yan!”-sabi niya kay tita kaya I blow the bubbles in to my hand to his face. At ang mukha niya ay di maipinta habang nakatingin siya sa akin ng masama bago siya kumuha ng bubbles, kaya ang ending ay naghabulan kami ng naghabulan.
ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎
Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan hangang nagpasya kaming matulog at ipinangako kong ipapasyal ko sila sa Resort ko bago ako mag flight papuntang Manila bukas.
0 thoughts on “Que Comience El Amor”