Download Story.

close

Que Comience El Amor

Written By: Sweet_Angel-27       |       Story Status: Completed
Posted By:
Sweet_Angel-27

꧁𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 1꧂

𝐆𝐋𝐘𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐎𝐕

Buo na ang loob ko nahaharapin ang aking tinuturing na aking mga magulang dahil alam kong hindi nila ako papayagan na bumalik sa Pilipinas pero gagawin ko ang lahat mapapayag lang sila.

Ako nga pala si Glydel Delos Reyes 19 yr old. Pag-aari ko ang Delos Reyes Company kung saan ipinamana ng aking tinuturing na mga magulang at lumaki ako sa puder ng mama Moira at Papa Drigo ko sa Switzerland.

Naglalakad na ako pamunta sa papa papa sa hardin at para ipinakita ko ang aking passport.

“What is this Hija?”-tanong ng papa Drigo ko ng tumingin siya ng deretso sa akin.

“Babalik ako sa Pilipinas papa, kung mararamatin niyo po ang nais kung mangyari,”-walang paligoy ligoy na sabi ko.

Pero bigla nalang tumayo sa pagkakaupo ang aking papa, sabay tingin sa kalawakan, kaya hinihintay ko ang nais niyang sabihin sa gusto kung mangyari.

“You can’t be serious hija, baka muling mapahamak ang buhay mo kung babalik ka sa Pilipinas!”-sabi ng papa habang hindi parin tumitingin sa gawi ko.

“Hindi na mangyayari iyon papa. I can take care of myself, isa pa ay marunong na ako sa self defense, dahil nag-aral ako ng martial arts, at marunong na akong humawak ng baril. Alam mo ito papa, dahil ikaw pa ang nagturo sa akin”-sabi ko kay papa habang hinuhuli ko ang kanyang mga mata para tumingin sa akin.

“I don’t think that’s a good idea hija. Ano pa ba ang hahanapin mo sa Pilipinas? ngayong maayos naman na ang buhay mo dito sa Switzerland!”-sabi ng papa ko pero makulit ako, kaya ipipilit ko sa kanila ang gusto kung manyari.

“May gusto lang akong harapin papa, ang taong malaki ang pagkakautang sa aking pamilya,”-depensa ko sa aking sarili

“Iyan ang aking ikinatatakot hija!”-sabi ng papa ko tsaka lumapit ang aking mama Moira sa amin kinaruruunan.

“Listen to your father hija, walang masama kung susundin mo siya!”-sabi ng mama na ikinailing ko lang.

“Buo na ang pasya ko mama gusto ko lang ay pagkatiwalaan niyo ako kahit ngayon lang po,”-sabi ko sa kanila habang tinitignan sila sa kanilang mga mata.

“Paano ka namin pagkatiwalan gayong alam naming punong-puno ng poot ang iyong puso hija,”-sabi pa ng mama, pero pumikit ako tsaka tumingin muli sa kanila.

“Masisisi niyo po ba ako mama,papa kung gusto ko ang katarungan sa pagkamatay ng aking ama, at para makuha ang ate ko sa mga kamay nila,”-nagsusumamong sabi ko sa kanila.

“Listen hija! galit din ako kay Don Vicente dahil kapatid ko ang pinatay niya. But it’s happen many years ago, kaya tinanggap ko sa aking dibdib na talagang hanggang doon lang ang buhay ng iyong ama!”-sabi ni mama sa akin na ikinailing ko na naman.

“Pero ang sakit ay nandito parin sa puso ko mama, kaya kung hindi ko siya makikita ng harapan ay lalong kakalat ang poot dito sa puso ko!”-sabi ko sabay turo sa aking dibdib na kanina pa sumisikip dahil naaalala ko na naman ang nakaraan.

Tumahimik ang aking mga magulang ng kaunti. Tsaka nag salita ang papa na kanina pa nakatingin sa kalawakan.

“Kung hindi ka namin mapipigilan ay wala kaming magagawa anak.”

Ngumiti ako sa kanila tsaka tumakbo para mayakap silang dalawa dahil pinayagan na nila ako.

“Salamat mama, papa!”-sabi ko sabay halik sa kanilang pisngi na basa na din dahil sa pag-iyak.

“Ang hiling ko lang anak ay pag-ingatan mo lang ang iyong sarili at make sure palagi kang tatawag dito sa Switzerland,”-sabi ni mama na humihikbi pa.

Makakaasa po ho kayo mama, papa!”-sabi ko sakanila tsaka niyakap ulit sila ng napakahigpit.

ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎

Tinutulongan ako ni mama sa pag iimpake ng aking mga damit. Ako naman ang tagatupi at siya ang tigaayos ng aking kukunin na bagahe habang walang tigil ang paalala ng mahal kong mama.

“Careful Glydel wag kang gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo,”-sabi pa ni mama, habang sinisilid aking mga damit na natupi ko na sa aking bagahe.

“Yes mama! at hindi ko iyan makakalimutan dahil parati ninyong ipinaaalala sa akin,”-sabi ko na ikinatawa lang niya.

“Baka kasi ano ang magagawa mo kay Don Vicente alalahanin mong ikakasira ito ng buhay mo hija!”-sabi ng papa ko, habang nakasanding sa may pader at pinapanood kami sa aming ginagawa.

Parati kong tatandahan ang mga paalala niyo sa akin mama, papa!”-sabi ko sa kanila habang tinitignan silang dalawa.

Aasahan ko iyan hija,”-sabi ni mama tsaka niya isinara ang zipper ng maleta ko.

Matulog ka na anak, maaga ka pa bukas”-sabi ni papa, habang hinahaplos ang aking mukha.

Hinalikan ko muna sila sa pisngi tsaka  humiga ako sa aking kama.

“Good night darling,”-sabi ni mama

“Sweet dreams hija,”-sabi ni papa

“Goodnight papa and mama!”-sabi ko sa kanila at unti unti ng pumikit ang aking mata.

ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎

𝐓𝐇𝐈𝐑𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍 𝐏𝐎𝐕

Pinaglalaruan ng panaginip ni Glydel ang kaniyang isipan, dahil buong buo na bumabalik sa isipan niya ang nangyari sa kanila noon sa kamay ni Don Vicente.

Kaya napabangon ito at tinignan ang kanyang orasan ay umaga na pala, at ngayon ang kanyang flight kaya niligpit na niya ang kaniyang higaan tsaka dumiretso sa banyo para makaligo na din.

ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎

Inihatid  ni papa Drigo at mama Moira ni Glydel sa Switzerland Airport dahil ngayon na ang alis ng pinakamamahal nilang anak.

“Keep on calling with us hija. Lalo na kapag nakarating kana sa Pilipinas!”-sabi ng kanyang mama

“Yes I will do that mama, bahala po muna kayo sa Company!”-sagot ng dalaga sa kanyang mga magulang.

Hinalikan niya muna ang pisngi ng kanyang mga magulang at pumasok bago siya pumasok sa eroplano, syempre kumakaway muna ito sa kanila hanggang tuluyan ng makapasok ang dalaga sa loob.

ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎

𝐌𝐎𝐈𝐑𝐀 𝐏𝐎𝐕

Inihatid namin ang anak ko sa Switzerland Airport dahil buo na ang pasya niyang bumalik sa Pilipinas kung saan masalimoot ang nangyari sa kanyang buhay.

Sana’y walang mangyari sa anak natin,”-sabi ko habang magkaakbay kami ng asawa ko habang hinihintay lumipad ang eroplanong sinakyan niya.

Nawa’y magbago ang isip niya Moira hindi ko makakaya kapag may masamang manyari sa ating anak!”-sabi naman ng asawa ko.

Ipagdarasl kong mangyari iyan Drigo,”-sang-ayon ko sa kanya.

Niyakapa ako ng aking asawa ng makita namin palipad na ang eroplano para umalis. At babalik siya sa amin ng ligtas. Ito ang ipinangako niya sa amin.

ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎ᴥ︎︎︎

𝐆𝐋𝐘𝐃𝐄𝐋 𝐏𝐎𝐕

Kinalas ko na ang seatbelt na nakapaikot sa aking baywang ng makababa na ang eroplano sa NAIA. Nang bumabababa ako ay tinakluban ko ang bibig ko dahil nahihikab ako.

Nang makaapak ako sa floor ng NAIA ay may tuwa at kalungkutan na aking nararamdaman. Tuwa dahil nakabalik na ako dito sa Pilipinas. Lungkot dahil wala na akong pamilyang babalikan pa.

Naglalakad ako sa hallway ng may nabangga akong matitipunong braso. Tumanghay ako para talakan kung sino man ang bumangga sa akin. Ngunit napanganga ako dahil ang nabangga ko ay parang Greek God na bumaba sa Mount Olympus.

“Miss—-hey Miss! go back to earth. Halatang pinapantasyahan mo na ako eh,”-sabi ng lalaking nakabanggaan ko.

Biglang nawala ang paghanga ko sa kanya dahil sa pagkamahangin nitong taglay kaya I rolled my eyes and look at him.

“Hindi ka kanasa-nasa para pagpantasyahan ko mister. At isa pa ang laki ang iyong mata para hindi ako makita tsked!”-sabi ko sa kanya sabay walk out ko sa harapan niya.

Pero isang kasinungalingan lang ang aking sinabi dahil hindi naman talaga malaki ang kanyang mga mata. Nahihiya tuloy ako dahil sa sinabi ko. Pero siya naman kasi parang sinong gwapo. Tsked ano daw pinagpapantasyahan over my sexy body.

Nandito ako sa loob ng taxi dahil naghahanap ako ng matutuloyan pero hindi na kailangan dahil nakahap na siya at dito ay ang Pascual Hotel.

“Enjoy your stay here ma’am!”-masiglang sabi ng bellboy sa akin

“Yeah sure!”-sagot ko sa kanya

Inayos ko muna ang mga gamit ko at nag pasya na akong maligo ng matapos na akong maligo ay nagpahangin muna ako bago ako nagpasyahang matulog.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20