“I can wait forever, as long as you will want to be with me in the end.”
JAMAICA had been in love with Marco since she was ten years old. Pinilit niyang magbago para sa binata, nagawa niya ang mga ayaw niyang gawin noon. Pati pagkain ng gulay at pag-inom ng gatas, nagawa niya para lang mapansin siya nito sa paraang gusto niya. Of course, she wants his attention not only as his younger sister’s best friend but also as a woman he wants to spend the rest of his life with in the future.
Ang akala ni Jamaica ay nagtagumpay na siya nang maging malapit sila sa isa’t-isa. Pero nagkamali siya. Pinakikisamahan lang pala siya nito, dahil best friend siya ng nakababata nitong kapatid. Masakit iyon para sa kanya pero wala siyang magawa. Hindi niya alam kung paano patuloy na ilapit ang sarili dito pagkatapos ng nalaman niya.
Well, blessing in disguise na din siguro ang nangyari sa pamilya nila at kailangan niyang sumama sa mommy niya papuntang Canada. She will have a new life. No Marco, no heartbreaks.
Pero paano kapag bumalik siya ng bansa at ang inaasahan niyang naibaon niyang nararamdaman para sa binata ay nandoon pa din? Maniniwala pa ba siya kahit sinasabi ng isip niyang baka naaawa lang ito sa kanya o pinakikisamahan pa din siya katulad noon?
1 thought on “Semicolon 2: Perfectly Imperfect Match”