Download Story.

close

NEVER

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

SEITE.

“Dean Loza agreed?” usisa ni Bre. “What did you tell her?” tanong niya habang kumakain kami sa cafeteria. I was able to eat with Bre today dahil maganda ang mood ni Van. In fact, siya nga ang nagsabi na puntahan ko si Bre dahil baka miss na nito akong makasama.

Naging busy na rin kasi ang mga sumunod na araw para sa amin lalo na at naghahanda na kami for our thesis defense at kasagsagan na ng exam at filing for graduation. Tapos ko na lahat ng requirements ko at tanging defense at final exam na lang ang kulang.

“Well, she congratulated me because I am still running for Lau de,” kwento ko. “Tapos, sabi niya I can take the final exam na daw tomorrow para sa lahat ng subjects kung kaya ko.”

“Oh, hindi naman siya nagtaka?”

Nagkibit-balikat ko. “Pinaliwanag ko naman na baka hindi na ako pumasok pa after defense which is next week dahil maselan ang kalagayan ko kaya sabi ko if she can give me some consideration.”

“Anong gagawin mo kapag nalaman ni Van?”

“I told Dean Loza not to tell Van na nag-advance exam ako. Like I said, ayoko na mag-alala si Van sa kalagayan ko at sa baby. Naniniwala naman siya knowing all the hardships I’ve been through Van.”

Bre nodded. “As of the moment, Van seems fine naman ‘e.”

“Yeah, he told me nga na mag-stay na lang sa condo natin habang wala siya for his competition,” saad ko habang inaalala ang nakangiting mukha ni Van.

“It’s your time para tumakas,” bulong ni Bre. “Use this as a chance.”

Umiling ako. “Van’s okay for now. And, I realized that what triggers his anxiety or his split personality is when he feels betrayed by people around him. I don’t want to betray him. I want him to be fine, so I am really looking for a –“

“He is going to be fine. I get it,” putol ni Bre sa sinasabi ko. “But, when? Hindi ka pa rin sigurado. The therapist told me na wala siyang mapiga kay Van and she thinks that Van is faking it. Kaya please, mag-ingat ka pa rin and I am telling you to run if you have the chance, okay?”

“Give me until graduation,” I assured her.

“Don’t break that promise or I swear I’ll break you!” banta ni Bre at halata mo talagang hindi na siya natutuwa sa mga desisyon ko sa buhay. 

“Hi,” I greeted Van pagkapasok ko ng Art Room. Napangiwi agad ako nang maamoy ko ang malansang amoy ng dugo. Hindi pa rin ako sanay na dugo ang ginagamit ni Van sa pagpipinta. Honestly, nito lang nakaraan niya naisip na gumagamit ng ganyan bilang medium of painting and I just felt like vomiting every second of every day.

Saglit siyang tumingin sa akin ng nakangiti bago magpatuloy sa ginagawa niya. “How’s lunch? How’s Bre?”

“Well, she’s still Bre,” sagot ko habang pilit na tinatago ang pandidiri. I am not here to judge the way he paints or his art, but sobrang selan ko lang siguro talaga ngayon. “We just talk about the defense. Sucks! Kinakabahan na ako.”

“What? Why would you?” tumigil siya sa pagpipinta. “You’re great, mahal.”

Tumayo siya at lumapit sa akin. “I am so lucky to have you.” He kissed my forehead down to my lips as he started caressing my back.

“So am I,” I replied though I wasn’t sure if he sensed that I was lying. “What is that painting?” pag-iiba ko na lang sa topic.

“I don’t know. I still don’t know what to do for the competition.”

“No, is that blood?” nagtatakang-tanong ko nang mapansin ko ang bandage sa wrist niya. “You are using your own blood?”

“Ah yeah,” agad siyang lumayo sa akin. “I forgot to ask for blood at the blood bank and they told me they just can’t hand blood lalo na at hindi naman essentials for me. So, I used my blood.”

Napatulala ako sa sinabi niya at unti-unti naramdaman ko na naman ang kaba sa aking dibdib lalo na ng itaas niya ang cutter at sabihing, “I’m out of blood. Do you want to donate?”

I blinked and almost choked. Nagtatalo ang inner shelf ko kung papayag ba ako o hihindi dahil baka maging dahilan na naman ito ng pagbabago ng aura ni Van. Thankfully, one of the members of the club went inside.

“President! Hinahanap ka ni Dean Loza,” mabilis niyang sabi. “ASAP daw.”

“Oh, mukhang for competition yan,” sabat ko. “Go. I’ll go na rin sa mga thesis mates ko. Kita na lang tayo later, okay?” hinalikan ko siya sa labi at mabilis na lumabas ng Art Room.

I spent the whole day preparing for our thesis defense and reviewing for my exam tomorrow. Bre was also busy on her own kaya after ng thesis meeting namin ay mag-isa lang akong naghintay kay Van sa may lobby. He texted me na matatagalan siya dahil may kailangan pa siyang gawin kaya mauna na lang daw akong umuwi.

I thought of running. I really did. Kaso naisip ko saan ba ako pupunta na hindi ako makikita ni Van? Unless, I flew to the end of the world right now.

I didn’t run away, but I didn’t go home.

Nagpunta ako sa lumang music room to clear my inner thoughts and play some piano. I was in the middle of playing River Flows in You by Yiruma nang dumating si Marco.

“Hey,” he greeted. “You’re here,” tumabi siya sa akin at ibinaba sa gilid ang mga art materials niya. “Van know you’re here?” tanong niya.

“No. He’s busy with Dean Loza, so I’ve got free time alone.”

“Or free time to actually run?” he offered. “It’s time. I’ll help.”

“No,” tanggi ko. “The last time you did that it actually cost your life, so no. Don’t worry about me,” I assured him. I even let him check me and my body for new bruises. “Van’s being Van lately kaya I’m okay.”

“Until when are you gonna be okay?” nag-aalalang tanong niya. “You shouldn’t have done that. I could fight the case. I can help you.”

“You helped me a lot. This is on me,” I smiled. “Don’t worry, if I do really need help. I’ll go to you.”

Marco hugged me. “Just take care, okay?”

I nodded. “You too. How’s your wound? Is it okay na ba?” I said while checking it. Thanks God, it is already healing.

“Text me if you need me. Do you need a spare phone? I can lend you-” pinigilan ko siya.

“If you really want to help me, tell Jake to wait for me,” seryosong saad ko. “I can’t text him right now. I can’t talk to him because it would ruin everything, so let him know.”

“Wait, you’re telling me you’re still going? I mean, what’s your plan—“

I stopped him. “There’s no plan, Marco.”

“Aleya, you can–“

“Do you want to hear me sing again?” putol ko sa kung ano mang sasabihin niya dahil ayoko ng pag-usapan kung ano man ang nasa isip ko. Hindi ako sigurado kung magagawa ko ito kaya naman iisipin ko na lang kapag nasa mismong sitwasyon na ako.

Walang nagawa si Marco kundi ang tumango na lang as I started singing.

Nauna na akong umalis dahil baka may makakita pa sa amin doon at iba na naman ang isipin ni Van. Ayoko na talaga siyang bigyan pa ng dahilan para magalit.

“Aleya?”

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang boses ni Van. Sht! Magagalit na naman ba ‘to?

“You waited for me?” ramdam ko ang sigla sa boses niya ng sinabi niya yon.

“Yeah. Gusto ko sabay tayong umuwi ‘e,” malambing na saad ko. “Pwede na ba tayong umuwi?” I licked my lip and bit it. “I miss you.”

Van chuckled. “Come here, mahal,” hinatak niya ako at niyakap. 

Ilang segundo kami sa ganoong posisyon bago siya magyaya na umalis na. I thought we are going home, but we stopped at a hotel. Nagtatakang tiningnan ko siya habang hindi mawala ang ngiti niya sa kanyang labi.

“What’s up – ” tumigil ako ng piringan niya ang aking mga mata. “What kind of surprise is this ba?” natatawang sabi ko. “You’re spoiling me.”

“I love spoiling you,” he whispered habang inaalalayan niya ako sa may hagdan. “Dahan-dahan. Onti na lang, we’re here na sa rooftop,” paalala niya.

Ilang steps pa ang inakyat namin hanggang sa tumigil kami.

“Is that strawberry?” I asked. “Did you bake a strawberry shortcake for me?” excited na sabi ko since it’s my favorite desert and it’s been a while since I tasted his strawberry shortcake. I mean, he used to bake that for me. Van is a man of talent kaya hindi rin nakapagtataka na he got me.

I am head over heels. Sometimes, I wished I’m not so it would be easy for me to leave without thinking of him.

“Don’t be so excited, mahal,” he giggled. “I’ll count…” he said and started counting 1 to 3 until he removed my blindfold.

“WOW!” I stood there in awe.

I blinked a lot of times at kinurot ko pa nga ang sarili ko dahil baka nanaginip ako. Ilang araw ko na yong iniisip since Van came back to being the old Van. Pero mukhang hindi naman ako nanaginip. Van is Van which made me rethink my decisions for a while.

“What can you say?” he asked as I looked around.

“It’s beautiful,” I reacted. “Camping on a rooftop hotel, that’s freaking nice idea,” masayang sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang bonfire sa gitna. May picnic mat kung saan nakalatag ang mga food tapos may malaking tent siya na ginawa.

Natulala na lang ako habang sinasabi ni Van kung paano niya ‘to ginawa. Sa totoo lang wala akong maintindihan dahil nag-focus lang ako sa sinasambit ng puso ko. My mind kept on saying that this is all an act, while my heart kept on saying to give him another chance.

Here I am, trying to give him another chance again kahit na sumusugal na naman ako. Kahit na hindi na ako sigurado. Ang tang* ko na naman!

“Aleya,” Van held my hand.

“Hmm?”

Before I could say something, he kneeled in front of me.

Van smiled at me. I remembered the first time I met him and the feeling of wanting to be with him forever. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya. Na handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Handa akong sumubok muli at itaya ang lahat para sa aming dalawa.

“Marry me,” he stated.

I was speechless.

I stood there for a minute thinking if I would say yes or I will say no. Gusto kong sabihin oo pakakasalan ko siya pero hindi ko magawa. Siguro kahit gaano mo kamahal ang isang tao kung napuno ka na ay wala na talaga.

“Aleya, marry me,” he repeated. Hanggang sa unti-unti ay naglaho ang mga ngiti sa mukha niya.

“You don’t want to marry me?” Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya habang umakyat naman ang kaba sa aking dibdib.

Sht.

“No,” I replied. “I mean, nagulat lang ako. Wala pa kasi sa isip ko ang marriage. We’re still young.”

Tumayo siya. Mariin niyang isinara ang box kung saan nakalagay ang mga singsing habang nakakuyom ang isa pa nyang kamao.

“Really?” He smirked. “O ayaw mo lang talagang matali sa akin!” he yelled.

I know what will happen next. Nakita ko na to o siguro sinubukan ko uli siya kaya naisip kong gawin to para malaman ko kung magbabago pa ba talaga siya pero mukhang wala ‘e.

At alam ko sa sarili ko na kahit mahal ko siya ay hindi ko na gusto pang manatili sa ganitong sitwasyon.

“It’s not what I mean – aaah!” Napakagat-labi ako ng bigla niya akong hatakin.

“You will never leave me!” Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.

“I will never leave you, Van,” I lied in a sweet tone. “Please, my wrist and our baby,” umakto akong nasasaktan.

Ngumisi siya. “You can’t fool me.”

Akmang sasaktan niya ako nang sumigaw ako. “Sige! Saktan mo ako para tuluyan ng mawala ang anak mo!”

Naiwan sa ere ang kamao niyang dapat ay tatama sa akin.

“Saktan mo ako para mawala na ang anak mo sa sinapupunan ko dahil ito na lang ang nag-iisang dahilan kaya nasa harapan mo pa rin ako hanggang ngayon!”

He slapped me, real hard. Tipong pakiramdam ko ay natanggal ang ulo at nalasahan ko na mismo iyong dugo sa labi ko.

“If that baby dies, I can make another one as long as I have you,” nakangising sabi niya. “So, I’ll make sure you’ll never leave my side-“

I kicked his balls and he groaned in pain.

Ginamit ko itong pagkakataon para makawala sa kanya ngunit mukhang pinaghandaan niya rin ang mga pwedeng mangyari dahil naghihintay sa labas ang limang lalaki.

“Make sure not to let her go, but don’t hurt her!” malakas na utos ni Van habang masamang tingin ang ipunukol niya sa akin. “I will be the one to kill her..”

Sht.

Tinitigan ko ang limang lalaki habang paatras akong bumabalik sa kinaroonan ni Van. Nakahilata pa rin siya sa sahig habang hawak ang sandata niya at kita mo talaga na sobrang nahihirapan siya. I feel sorry for him, but I will always feel sorry for myself if this will continue.

“I love you, Van,” I told him. “I really do,” napahilamos na lang ako sa mukha dahil ramdam ko pa rin yong awa at pagmamahal ko sa kanya kahit na inis na inis o galit na galit at takot na takot na ako sa gagawin niya kapag nanatili pa siya.

“I’m sorry.”

Bago ko pa man maisipan na tulungan uli siya at naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.

“ALEYA!” sigaw ni Bre. “ARE YOU WITH VAN? RUN! ALEYA, RUN!” nagmamadaling sabi niya.

“What? How–“

“I DON’T CARE IF HE’S OKAY AND HE’S NOT HURTING YOU BUT RUN! HE’S A PYS–“

Inagaw ni Van ang cellphone mula sa akin bago pa man matapos ni Bre ang kanyang sasabihin.

“You’re not going anywhere, mahal.”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13