SINGKO.
Bre went out of the country with her family during the Christmas break habang si Jake naman ay umuwi ng probinsya para ayusin ang naiwan nilang lupain don because he’s determine not to go back here anymore. Gusto kong sumama sa kanya pero mas pinili ko na lang na manatili sa condo. Mas ginusto ko na lang na mapag-isa at hindi rin ganon kaganda ang pakiramdam ko.
It was 2 o’clock in the morning. Katatapos lang salubungin ng lahat ang Pasko, habang ako ay nananatili pa ring gising. I cannot sleep. I am actually afraid to sleep lalo na at mag-isa lang ako. Pakiramdam ko kasi ay may masamang mangyayari kapag umidlip ako. Ganoon na nga yata ang takot na tinanim ni Van sa akin. I could no longer sleep peacefully.
Sinubukan kong pumikit hanggang sa mag-ring ang phone.
“Where are you?” bungad ni Van.
“Condo,” walang ganang sagot ko.
“Come here!” utos niya. “Pumunta ka ngayon sa bahay ko.”
“What?” napadilat ako. “It’s freaking 2 am…” may inis sa boses na sabi ko.
“So, what? Fly here if you need to just fucking come here before 3 am or else…” banta na naman niya. Kelan ba siya tumigil sa pagbabanta niya?
“What?” bugtong-hininga ko. “I am not…”
“I will go to your condo and kill you,” he said before hanging up.
Inis na inihagis ko ang cellphone na ibinigay niya. Winasak niya kasi yong phone na binigay ni Jake at tanging number lang niya ang pina-save nya dito sa phone na gamit ko. Nakakainis! Tinapon ko na lang sana uli ‘to para naman hindi ko masagot ang tawag niya.
Ilang segundo pa akong nag-isip kung hahayaan ko ba siyang pumunta dito, sugurin ako, at saktan ako o pupunta na lang ako don? Either way, masasaktan lang din naman ako kaya pumunta na lang ako sa bahay niya.
Ginamit ko yong sasakyan na naiwan ni Bre. Okay lang sana na puntahan ko si Van kung dyan lang sa kanto ang bahay niya, but he’s freaking from Antipolo and I’m from Pasay. So, basically pinalipad ko na lang yong sasakyan at nagpasalamat na nakarating ako ng buhay sa bahay niya.
Malakas na musika at tawanan ang naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa pool. Kitang-kita ko rin ang mga nagsasayawang ilaw kaya sigurado ako na may party siyang isinasagawa sa bahay niya. Sana all na lang!
“Van,” bati ko nang makalapit ako sa kanya.
Tumingin lang saglit sa akin iyong mga babaeng bisita niya tapos bumalik na uli sa pakikipaglampungan sa mga lalaki na nandon din. Napairap na lang ako. Kailan ba nahilig si Van sa party? At isa pa, saan niya ba napulot ang mga pokpok na babaeng ‘to? Gross! Nakilala ko ang iba sa kanila na mula sa ibang department ng school pero hinayaan ko na lang. Kung saan masaya si Van, doon siya, basta sana huwag na niya akong guluhin pa.
“You’re late,” he checked his phone. “It’s 3:15. I told you to come here before 3 am,” dagdag niya habang patuloy siya sa pagpipinta.
“What do you need?” pag-iiba ko ng topic. Iniisip ko na ihagis na lang siya sa pool pero syempre hindi ko naman gagawin.
“Oh, what color should I put in this part,” turo niya sa isang corner. “I mean, sunset ba or sunrise?”
“What?” nabalot na naman ako ng inis. “Pinapunta mo ako dito para lang tanungin yan?” malakas kong sabi.
“Sinisigawan mo ba ako?” lumingon siya sa akin.
“No, baka hindi mo lang ako marinig kasi malakas yong music,” pagdadahilan ko.
Saglit siyang tumingin sa akin bago senyasan iyong DJ na itigil ang tugtog dahilan upang lahat ng atensyon ay mapunta sa amin.
“So, what now? The sunset or the sunrise?”
“Why are you asking me? I mean, mas magaling ka sa akin,” react ko. Why would he even ask that if it’s obvious that he is a morning person at halos lahat ng subject niya ay sunrise or if he need to choose between the two ay sigurado akong sunrise ang pipiliin niya.
“Pipili ka ba o hindi?”
“What do you like ba?” maang-maangan na tanong ko. “Di ba gusto mo ang sunset?”
To my surprise, he nodded. Napatulala naman ako. No, he never liked the sunset. He is a morning person. Did he mix things up because of the accident? Is it possible?
“Okay, sunset it is,” saad niya. “You may go home now,” utos niya at muling sinensyasan ang DJ na i-play na yong music.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin kay Van. Kung mamamatay tao lang sana ako ay sigurado ako na patay na talaga siya.
Ilang minuto akong nakatayo sa likod niya at hindi pa rin makapaniwala. Tang*ina! Ang layo ng byahe ko tapos ganon lang? E, wala talagang kwenta ang isang ‘to! Bakit ba kasi ako umaasa sa mga bagay bagay na alam kong ikasasakit ko lang din naman.
“Ikaw ba talaga si Van?” hindi ko napigilang tanong.
Nakita ko ang pagtigil niya. Hindi siya lumingon sa akin at narinig ko na lang ang mahina ngunit sarkastiko niyang tawa. “Who do you think I am if I am not Van?”
“I don’t know,” react ko. “Because the last time I checked, Van was a morning person. Thus, he would always choose the sunrise and he doesn’t need me to choose for him.”
Hindi siya umimik.
“I’ll go visit the comfort room bago ako umalis,” paalam ko at pumasok na sa loob ng bahay niya – or his mother’s ancestral house. Ngayon hindi ko na alam kung alin pa ba ang totoo sa lahat ng sinabi niya.
Hindi ako pumunta sa comfort room bagkus ay umikot ako sa hallway at nagbabakasali na may makita akong ebidensya o kung ano man. Nothing in particular. Pumasok ako sa painting room ni Van, sa mga guest room, sa library, pero wala naman akong kakaibang napansin hanggang sa magtungo ako kwarto niya.
“What are you doing here?” napatigil ako sa pagbubukas ng kwarto niya nang bigla na lamang siyang sumulpot.
“Uhm, I am just looking for a room to sleep. Inaantok kasi ako,” pagdadahilan ko.
“I don’t have any available room, so just go home,” malamig na sabi niya.
“Yeah, sure,” walang ganang sagot ko. Paano ka ba naman gaganahan kung demonyo ang kaharap mo.
Umuwi ako ng condo na iniisip kung paano ba ako makakapasok sa kwarto ni Van because I felt like there is something in there. But, then I also realized na may susi nga pala ako ng condo niya. Maybe, I’ll start there.
—
“What happened to you? Are you okay?” tanong ni Bre mula sa kabilang linya. “What did you do? Bakit ganyan boses mo? May ginagawa ba si Van? What? Tell me! I’ll fly back there na,” sunod-sunod na sabi niya.
“No, I’m fine,” mabilis kong sagot ko. Ramdam ko ang pananakit ng lalamunan ko dahil sa ubo habang pinupunasan ko ang ilong ko dahil sa sipon. “Naulanan lang ako.”
“Are you sure? Kaya mo ba?” nag-aalalang tanong niya. “I can really–“
“No,” I cut her off. “I don’t wanna ruin your vacation,” I said in a hoarse voice. “So, uwian mo na lang ako ng pasalubong. I’ll take a rest lang, okay? Love you!” ibinaba ko na yong tawag.
It’s already six in the evening. Kumukulo na ang tyan ko dahil tanging tinapay lang ang kinain ko simula breakfast. Hindi ko kasi magawang bumangon dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Sobrang nilalamig, pinagpapawisan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Masyado kasi akong nabasa ng malakas na ulan kahapon. Isabay na rin siguro ang pagod ng katawan at ng utak ko kaya naman hindi ko na talaga kinaya.
Sinubukan kong tumayo pero para akong nagliliyab na apoy. Naglalaban ang init at lamig ng katawan ko. Isama mo pa na nahihirapan na ako sa paghinga. Ganito ko ba sasalubungin ang Baong Taon? Hays, ang sarap talaga murahin ng mundo.
Inutusan ko ang sarili ko na matulog ngunit hindi ko magawa dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam ko kaya nag-isip na ako ng pwede kong tawagan. Wala si Bre kaya agad na pumasok sa utak ko si Jake pero naalala ko na nasa probinsya nga pala siya at hindi naman siya makakauwi agad.
Van… Van is my only hope. Pupunta naman siguro siya ‘di ba? Kung mahal niya ako ay pupuntahan niya ako.
I dialled his number. Naka-limang tawag muna ako bago niya ito sagutin.
“What is it, Aleya?” inis na tanong niya sa kabilang linya. “May ginagawa ako!” bulyaw niya habang rinig na rinig ko sa background ang maingay na musika.
“Busy ka ba? Pwede…mo ba akong…puntahan?” nanghihinang sabi ko at hiling ko na maramdaman niya iyon.
“Ano? Hindi ko marinig. Bukas ka na tumawag. I have things to do.”
Bago pa ako makasagot ay ibinaba niya ito. Nag-iwan na lang ako ng mensahe sa kanya at nagbabakasali na mabasa niya ito. Ngunit naka-ilang oras na ay wala pa rin siya. Sobrang hinang-hina na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kahit na alam kong magagalit si Van ay tinawagan ko na si Marco. Siya lang naman kasi yong kilala ko at ka-close ko na pwede akong tulungan. Hindi nga niya ako binigo dahil dumating siya para alagaan ako.
“Did you call Van?” tanong niya habang inilalagay ang bimpo sa aking noo.
“He’s busy,” mahinang bulong ko.
“I see.” Inayos ni Marco ang kumot at naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. “I’m here, okay. If you need anything,” bulong niya.
“Sorry…” saad ko. “…for ruining…your New Year’s Eve.”
“It’s okay, Aleya. Anything for you. Saka hindi naman nasira ang Bagong Taon ko,” Marco held my hand and started humming. “Happy New Year, Aleya.”
Paghele niya ang huling narinig ko bago ako makatulog.
Mataas na ang araw nang magising ako. Wala na sa tabi ko si Marco. Kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam ko. Normal na rin ang aking paghinga ngunit hindi pa rin nawawala ang sipon at ubo ko.
Napahawak ako sa aking ulo nang subukan kong tumayo kaya’t bumalik na lang ako sa paghiga.
“Hey, you awake na?” sambit ni Marco pagkapasok nya sa kwarto ko. “How you feeling?”
“I am fine,” mahinang sagot ko. “Thanks.”
“Good to know,” umupo siya sa gilid ng kama ko dala ang tray ng pagkain. “I cooked porridge. You might want to fill your stomach.”
Inalalayan niya akong sumandal sa pader. “Can you check my phone if there’s a message?”
I was hoping Van had seen my message or at least he left a message for me.
“It’s just Bre,” Marco said. “Do you want me to call Van for you?”
“No, it’s okay,” pagtanggi ko. “Okay na rin naman ako. I just need rest.”
Nilagay ni Marco ang likod ng palad niya sa noo ko. “Bumaba na ang lagnat mo. Masakit pa rin ba ang ulo mo?”
I nodded.
“Eat first and take your medicine para gumaling ka na talaga,” he said at nagsimula ng isubo ang pagkain sa bibig ko.
“I am really sorry,” bulong ko. “Hindi naman dapat–“
“Sssh,” Marco caressed my back as he hugged me. “I’ll do anything for you, so don’t say sorry.”
I sobbed. Hindi ko na rin alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Minsan akala ko wala ng luha ang tutulo sa mga mata ko pero meron pa rin. Pinanganak na nga yata ako para umiyak. Hinayaan lang ako ni Marco na umiyak sa mga bisig niya hanggang sa makatulog ako.
Papalubog na ang araw nang muli akong magising. Nakaupo lang si Marco sa couch habang abala siya sa pagbabasa ng libro at pagbabantay sa akin.
“Hey, just sleep. I’m here to watch you,” malambing na sabi niya.
“It’s okay.”
Tumayo siya at dahan-dahan akong inalalayan sa pagbangon. Pinakiramdam ko ang sarili ko at tanging sipon na lang ang nararamdaman ko.
“Mukhang magaling ka na a,” nakangiting saad ni Marco.
“Magaling kasi yong nag-alaga sa akin,” I said. Inihilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat. “Thank you. I don’t know what I would do without you.”
“Take care of yourself, Aleya,” hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang aking pisngi. “C’mon, maraming nagmamahal sayo so please don’t make us worry ha?”
“Thank you,” tumango ako. “Do you want me to do something dahil inalagaan mo ko? Anything, I’ll do it for you.”
“You will really do it?”
“As long as na kaya ko,” nakangiting sagot ko.
“Break up with Van and be with me,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.
“Marco…” I froze. Hindi ko mapili ang salitang dapat kong sabihin sa kanya.
“What?” Marco faked a laugh. “Hard ba? I think so. You really can’t let go of Van.”
“I am trying to, Marco. Not now…but…”
“I love you, Aleya. I still do,” Marco kissed my forehead. “Pwede bang ako na lang? Choose me and I promise I will never let you down,” nagsusumamong saad niya.
“Marco, you are such a good guy and you don’t deserve me,” yumuko ako. “Not me, Marco. Just go with-“
“You don’t deserve Van,” he mocked. “I don’t think you deserve me too, but I know you deserve better,” he caressed my cheeks. “So, go pick yourself up and run. I’ll help you do it,” he offered.
Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa lumipat ang mga labi niya sa bibig. I don’t know what has gotten into me but I saw myself responding to his kisses until we both heard a slow clap.
Pareho kaming napalayo sa isa’t-isa nang makita namin si Van na nakatayo sa pintuan. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit ramdam mo ang galit sa kanyang mga mata lalo na ng mabilis niyang hinatak si Marco and the next thing I know ay nagsusuntukan na sila.
“Van, wait…” pigil ko. “Stop it…” pagmamakaawa ko habang patuloy siya sa pagsuntok niya kay Marco.
“Please…” I cried. “It’s my fault…” I yelled.
Bago pa muling masuntok ni Van si Marco ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa dahilan upang mas lalong mainis si Van.
“What, now?” Van clicked his tongue. “Is that the reason why you want me here? Para ipakita sa akin ang kababuyan mo ha? Ngayon mo sa akin sabihin na hindi mo ako niloloko!!” nakababasag na sigaw niya. “YOU FUVKING CHEATER AND LIAR! KAYA BA GUSTONG-GUSTO MO AKONG IWANAN BECAUSE OF HIM?” he spit on us.
“If I tell you…that I am really cheating on you…are you going to let me go?” I glared. “Will you…let me go?”
Mala-demonyo siyang ngumisi. “You wish.”
Before we could do anything, Van grabbed the cutter on my study table.
Blood started to scatter on the floor.
0 thoughts on “NEVER”