KWATRO.
“Miss dela Campos,” nakataas-kilay na tanong ni Prof. Llamas nang pumasok ako ng late sa kanyang klase. Agad na tumingin sa akin ang aking mga blockmates habang abala pa sila pagpipinta. “You missed a week.”
“I’m sorry, Sir,” nakayuko kong sabi. “I did something important,” pagdadahilan ko kahit na ang totoo ay tinatakasan ko lang naman talaga si Van. Mabuti na lamang at hindi ko siya kaklase sa subject na ito.
Isang linggo rin akong hindi pumasok at umuwi sa condo namin para lang mag-isip, takasan ang problema, at panandaliang maging masaya. Hindi ko pa nais na bumalik pero babagsak na ako sa mga subjects ko kaya kinailangan ko ng pumasok.
“I see. Sa susunod magpa-paalam ka kapag a-absent ka. Hindi yong porket naipasa mo na lahat ng mga art projects mo sa subject ko ay pwede kang mawala bigla ng walang paalam. I know you are very talented and smart, but still have some decency to announce your absence.”
Napakunot-noo ako. What do you mean art projects? Wala pa naman akong naipapasang kahit na anong art project sa kanya dahil wala pa akong natatapos.
“Why are you still standing there?” masungit na pahayag niya. ” Go and start doing the next project.”
Gustuhin ko man na itanong kung sino ang nagpasa ng mga art project ko ay hindi ko na ginawa dahil baka bawiin niya pa ang grade ko. Alam ko rin naman na si Van lang ang maaaring gumawa noon. Mabuti naman at naisipan niyang gawin yon dahil siya rin naman ang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang mga art project ko.
“How’s your hand?” bulong ni Candice pagkaupo ko sa tabi niya. ” Van’s been looking for you like gosh! Where have you been?”
“Okay na yong kamay ko,” pinakita ko sa kanya ang kaliwang kamay ko bago ko ilabas ang aking art materials. “Anong gagawin?” pag-iiba ko na lang sa topic dahil ayoko ng pag-usapan pa. Basta nagtungo ako sa lugar na alam kong hindi maiisipang puntuhan ni Van.
“Good to know. Hays, akala namin kung napano ka na. Girl, naman kasi ‘e,” inis na sabi niya. “Break up with him. Don’t save it.”
Ngumiti na lang ako bilang sagot at nagsimulang gawin ang art project.
Mabigat ang paghakbang ko habang tinatahak namin ang susunod naming subject. Wala talaga akong gana na pumasok dahil alam kong makikita ko si Van. Patuloy ang dasal ko na hindi siya pumasok sa klase pero wala ‘e, mukhang hinihintay din niya ang pagpasok ko dahil hindi niya alam kung saan ko siya hahanapin. Iniwan ko rin ang cellphone na ibinigay niya sa akin at wala akong kinausap na kahit sino habang nasa kumbento ako ng mga madre. Wala na akong maisip na puntahan pa at mabuti na lang at tinanggap nila ako ng isang linggo.
Nakita ko ang pag-ayos ng upo ni Van. Kung sa ibang pagkakataon ay tatakbo ako upang hagkan siya lalo na nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Tatayo na sana siya upang lapitan ako ng dumating ang professor namin.
Mabilis akong umupo sa tabi ni Candice at nagpanggap na wala akong pakialam sa kanya. Pero tang*ina alam ko sa sarili ko na sobrang na-miss ko siya. Sa loob ng isang linggo ay tila ba wala siyang tulog at pagod. Gusto kong matuwa dahil alam kong dahil ito sa akin pero hindi ko pa rin magawang magsaya dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Hindi ko maintindihan kung ano pa ba kami.
Hindi ko magawang mag-focus sa lecture lalo na at ramdam na ramdam ko ang titig ni Van mula sa kinalalagyan niya. Patuloy din sa pag-vibrate ang aking cellphone na nakuha ko mula kay Jake nang sunduin niya ako mula sa kumbento kanina.
Binasa ko lang ang sunod-sunod na mensahe ni Jake sa akin dahil hindi ko alam ang isasagot ko at hindi ko pa gustong mag-desisyon.
“Miss dela Campos,” agad akong napabitaw sa cellphone na hawak ko. “Care to share your textmate?” tumingin siya kay Van bago niya ibalik ang titig niya sa akin. “Mukha namang hindi si dela Torre ang ka-text mo.”
“Sorry, sir,” nakayuko kong sabi. Napamura na lang ako sa sarili ko dahil alam kong ikagagalit na naman ito ni Van.
“You’re not like this before, Aleya,” seryosong sabi ni Prof. Loza. “You know that you are running for Summa Cum Laude, right?”
Mabilis akong tumango kahit sa totoo lang ay nawala na ito sa isip ko.
“Then, prove to me why you deserve such honor.”
For the whole period, umikot lang sa aming dalawa ni Prof. Lozo ang discussion na sigurado akong ikinatuwa ng mga blockmates ko. Hindi na rin ako nagreklamo dahil kailangan ko ring bumawi sa mga subjects ko.
Pagkatapos ng discussion ay mabilis akong lumabas ng classroom. Nakita kong ganon din ang ginawa ni Van kaya naman tumakbo na lang ako sa loob ng comfort room. Mabilis akong pumasok sa dulong cubicle.
“ALEYA!” sigaw niya.
Nagtilian naman yong mga babaeng nasa loob ng c.r nang pumasok si Van. Mabilis silang tumakbo at narinig ko na lang ang pagsara ni Van sa pintuan.
“Lumabas ka dyan!” mahinahon ngunit alam kong may galit habang patuloy siya sa pagkatok ng malakas sa pinto ng cubicle. “Umayos ka, Aleya! Kapag hindi ka dyan lumabas, sisiguraduhin kong hindi ka na rin talaga makakalabas pa ng buhay!” pagbabanta niya.
Huminga ako ng malalim at buong tapat na hinarap siya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Gumapang na naman ang takot sa dibdib ko.
“Give me your phone,” utos niya. “GIVE ME YOUR FCKING PHONE!”
“Lowbat,” pagdadahilan ko kahit na alam kong wala naman akong magagawa. Kaming dalawa lang dito sa loob ng banyo at kung gugustuhin niya ay maari niya nga akong patayin. Minsan mas maigi na rin yon kaysa sa makasama ko siya.
“Hah! Do you really think I would believe that?” pwersahan niya akong tinulak sa pader at nagsimulang kapkapan hanggang sa hugutin niya ang phone ko sa aking bulsa.
“This is not the phone that I give you,” he stated.
Nagsimula siyang buksan ito na madali niyang nagawa dahil hindi ko naman ito nilagyan ng password. Kabibigay lamang ito ni Jake sa akin kanina at wala na akong panahong isipin pa kung dapat ko bang lagyan ito ng password dahil ano pa ba ang bagay na meron ako na hindi nakukuha ni Van? Kulang na lang ay dukutin niya ang puso ko para tuluyan akong patayin.
“Aalis ka?” tinitigan niya ako. “AALIS KA? IIWAN MO AKO? KAYA KA BA NAWALA NG ISANG LINGGO? SAAN KA NAGPUNTA? SUMAMA KA DON SA JAKE NA YON? PARA ANO? UMALIS KAYONG DALAWA? SINASABI KO NA NGA BA!” pag-aakusa niya.
“NO. HINDI KA AALIS!”
Natawa na lang ako. Iyon pa ang sasabihin niya, ni hindi man lang niya inalam kung ayos lang ba ako? Tinanong kung kaya ko pa ba na makasama siya?
Siya na mismo ang nag-reply kay Jake para sabihing hindi ako aalis. Nakatakda na kasing umalis si Jake para sundan ang mga magulang niya at doon na manirahan sa ibang bansa. Dahil parte na ako ng pamilya nila ay gusto nilang sumunod na rin ako. Sa totoo lang, ayos na lahat at tanging oo ko na lang ang hinihintay nila.
Noong una ay ayoko lalo na at okay na okay pa kami ni Van, pero nitong mga nakaraang buwan ay buo na ako sa desisyon kong iiwan ko siya. Aalis ako at sa pagkakataong ito ay hindi na ako muling babalik sa kanya. Kakalimutan na ang lahat.
“Let me go…” pagmamakaawa ko. “Let me go, Van.”
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
“Why? Para magsama na kayo ng Jake na ‘yon? No, Aleya,” mahigpit niya akong hinawakan. “Akin ka lang, Aleya!”
“I’m tired…” bulong ko. “At least, let me get a rest. Babalik na ako sa classroom.”
Dahan-dahan akong naglakad. Nabuksan ko na ang pintuan ng muli niyang hatakin dahilan upang mawala ang balanse ko. Napamura na lang ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking wrist.
“Ms. dela Campos,” pareho kaming napatigil ni Van nang makita ko si Prof. Llamas sa labas ng comfort room kasama ang ilan sa mga blockmates ko. Nag-aalalang tingin ang ipunukol nila sa akin. “Is there something wrong?”
“Uhm…” bago ko pa sabihing meron at humingi ng tulong ay sumagot na si Van.
“Nothing to concern yourself, Sir,” malumanay ngunit may diin sagot niya. “We just had a little fight. You know relationships sometimes have a bad, really bad fight.”
Hindi pinansin ni Prof. Llamas ang pahayag ni Van bagkus tumingin ito sa akin. “Is that true, Ms. dela Campos?”
Hinigpitan ni Van ang pagkakahawak niya sa aking kamay habang sinikap ko na ngumiti. Gusto kong sabihin na hindi, hindi ako okay. Pero ayoko na may mga taong madamay pa sa komplikasyon ng buhay ko kaya minabuti ko na lang na tumango.
“I’m fine, Sir. Don’t worry about me.”
“Yeah, so if you’ll excuse us,” sabi ni Van sa mga nakapaligid sa amin. “I know we all have our own business to mind.”
Hinila na ako palayo ni Van.
Nang makarating kami sa parking lot ay parang basurang binitiwan niya lamang ako. Hindi ko na naiintindihan si Van. Kahit yata mag-therapy siya ay mukhang wala rin iyong saysay.
“Don’t you dare tell them about what’s happening to us kung ayaw mo na idamay ko silang lahat,” muli niyang banta. “You know what I can do.”
Marahil nagtataka iyong ibang tao bakit hindi ko maiwanan si Van. Bakit ba hindi na lang ako magsumbong o di kaya ay lumayo, huwag na siyang pansinin? Kung tutuusin ay pwede ko itong gawin. Pwedeng-pwede ko siyang iwanan. But, Van has fucking connections.
Or maybe, the old Van won’t use his connections but seeing him now felt like he’s really going to use that connection to kill people around me just to have me. After all, hindi naman siya magiging anak ng isang mafia sa Italy for nothing. Minsan naisip ko, baka sadyang ito yung totoong kulay ni Van that I failed to see before. Paano ko nga ba makikita kung ngayon ko lang din nalaman na anak siya ng isang mafia kung ang sinabi lang niya ay nasa ibang bansa ang mga magulang niya for their business.
Bre was the one who told me that and we had a conclusion na baka hindi nga talaga siya nawala. They just faked it and you know for whatever reasons they have – mafia thing. Ugh! Curse them!
“Van, mahal mo pa ba ako?”
“Why are you asking me that?” nakakunot-noong tanong niya. “Gagawin ko ba ‘to kung hindi kita mahal?”
“Look, kung hindi mo ako mahal. Huwag na tayong maglokohan, please. Just break up with me or let me go…” pagsusumamo ko.
“Para ano? Magsama na kayo ng Jake na ‘yon?” he scowled. “HELL NO! AKIN KA LANG ALEYA!”
“Iyon lang ba ang natatangi mong dahilan kung bakit ayaw mo akong pakawalan?” hindi makapaniwalang sabi ko. Baliw na nga yata talaga si Van.
“OO!” mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. “Dahil akin ka lang!” He looked at me. “Akin ka lang mula ulo hanggang paa. Akin lang ang isip, puso, at yung katawan mo. Akin ka lang!” inalis ko yung kamay ko at tumalikod.
“Hindi mo ako kayang iwan,” he stated. “Kahit na tumalikod ka ng ilang ulit ay babalik at babalik ka pa rin sa akin, Aleya.”
Hindi ko na alam kung ilang luha ang ibinuhos ko para sa kanya. Naaawa na ako sa aking sarili. Ang tanga ko!
“Hindi mo kaya ng wala ako.”
“Mahal kasi kita,” simpleng tugon ko na nagpatahimik sa kanya. “Pero, huwag kang mag-aalala dahil darating ang araw na mawawala ang pagmamahal ko sayo.” I looked back at him.
“It will never happen.”
“Sa ngayon, hindi pa,” nakangiti kong bigkas. “But, when the time comes I will make sure not to look back at you again. I will never look back at you. Never,” puno ng determinasyong ani ko.
Tumalikod ako. Bago pa ako makalayo sa kanya ay niyakap niya ako.
What the hell is wrong with him?
—-
“Gusto mo bang sumama sa amin for coffee?” tanong ni Monique habang palabas kami ng classroom. Katatapos lang ng finals namin kaya naman nag-desisyon sila na mag-celebrate. Isang semester na lang din ay g-graduate na kami, iyon ay kung papasa kami sa semester na ito.
“Coffee ba talaga o sa bar yan?” react ni Martino, isa rin sa mga blockmates ko. “Nako, siguraduhin mo muna na papasa ka.”
“Si Aleya for sure papasa, ewan ko na lang sayo no!” asar ni Monique kay Martino.
“Sana all papasa,” napakamot na lang sa ulo si Karisa. “Sana all si Aleya.”
Napairap ako sa sinabi niya. “Nako, don’t wish to be like me no. I’m stupid.”
“Nah, you’re not stupid,” inakbayan ako ni Monique. “Kung iiwan mo na si Van, pero kung hindi…” bulong niya. “You are definitely stupid.”
“I agree,” saad ni Martino. “Nandito naman ako. Ako na lang. I’ll take care of you,” he flirted though I know it was a joke.
“Baliw!” binatukan siya ni Monique. “Umayos ka nga. Baka mapahamak na naman si Aleya kapag narinig ka ni Van.”
“Sus, selos ka lang ‘e,” natatawang sabi ni Martino na siyang dahilan para umirap si Monique.
“Asa ka naman,” nag-flip hair si Monique habang natawa na lang kami. Obvious naman kasi na gusto nila ang isa’t-isa at ayaw lang nilang aminin.
“Tara na, Aleya. Sama ka na. Saka, pambawi na rin sa lahat ng stress mo. Wala naman si Van ‘e. And, hello…” nag hand gesture siya. “DECEMBER NA!!” masiglang sabi niya.
Ah, oo nga pala. Magpa-Pasko na pero hindi ko man lang ramdam. Matatapos na ang taon ng di ko namamalayan. Parang kailan lang ay nakilala ko si Van, and now here I am wishing na hindi ko siya nakilala. Some part of me prayed I could back, a little part of me is still believing that everything happens for a reason. Nakatakda nga siguro na makilala ko si Van para bigyan ako ng aral. And, that is to know how worth it I am.
“It’s okay. May kailangan pa akong gamit,” pag-tanggi ko. “Sa susunod na lang.”
Nalungkot sila sa sinabi ko at ginawa nila ang lahat para makumbinsi ako pero sadyang wala sa utak ko ang magsaya. Ayokong magpanggap na masaya ako kahit na ang totoo ay gusto ko ng tapusin ang buhay ko.
Wala na rin silang nagawa nang humiwalay ako sa kanila.
Wala si Van dahil kasama siya sa isang National Art Competition, siya yong mag-rerepresent ng university namin. I was supposed to join the competition dahil qualified ako pero tinanggihan ko na lang dahil tila ba nawawalan na ako ng gana na magpinta. Wala na yong motivation ko. Tinatapos ko na lang talaga ang semester na ito and then honestly I no longer know what I am living for.
Maigi na rin yong dahil isang linggo kong hindi makikita si Van.
Nagtungo ako sa lumang music room. Ito yong music room na ginagamit namin noong ako pa ang President ng music club. Binitiwan ko na ang music club at nag-focus na lang sa Art Club noong mga panahong akala ko ay patay na si Van kaya naman naging Vice President ako ng Art Club ngayong semester.
Sarado na ito at hindi na ginagamit pero dahil hindi ko binalik ang susi ay malaya pa rin akong nakakapunta dito lalo na kapag gusto kong mapag-isa. Gumagana pa kasi ang lumang piano dito kaya naman naman malaya akong nakakatugtog.
Umupo ako sa lapag, sumandal sa pader at ipinikit ang aking mga mata.
KATAHIMIKAN. Ito lang naman ang gusto ko.
Ilang minuto na ako sa gaanong posisyon nang bigla akong mapasigaw nang may humawak sa aking kamay.
“Woah, sorry, sorry…” mabilis niyang sabi.
“Marco?” gulat kong sabi. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko si Van. “What the hell are you doing here?”
“For the record, I am not following you. Kanina pa ako nandito,” tumuro siya sa sulok at nakita ko doon ang nagkalat niyang plates. Napansin ko rin ang gulo-gulo niyang buhok at ang bagong gising niyang aura.
“Dito ka natutulog?” natatawang sabi ko. “Paano ka nakapasok dito?”
“Yeah, I like it here,” kibit-balikat niya. “Ikaw ba, anong ginagawa mo dito? Kakanta ka na ba uli? Mukhang na-miss ka na ng piano o,” turo niya sa piano sa aming harapan.
Mula sa bintana ay nakita kong papalubog na ang araw. Umupo na rin si Marco sa tabi ko.
“What do you mean by that?” My lips parted in shock. “How did you know that?”
“I used to sleep here, a lot,” tumuro siya doon sa likod ng shelf. “You used to sing here alone simula ng inakala natin na nawala na si Van. Syempre, I enjoyed it a lot kaya naman hinahayaan lang kita kahit istorbo ka sa pagtulog ko,” he chuckled.
“Duh,” irap ko. “Sino ba kasing may sabing dito ka matulog?”
“Aren’t you forgetting something?” taas-kilay niyang tanong. “I am a member of the music club, still a member, former President.”
“Time flies no?” malungkot kong sabi. “Parang noon lang ay kakalipat lang namin ni Jake dito sa city tapos nakilala kita and…” I sighed. “What happened to Van? I know na may alam ko, so pwede bang tulungan mo ako na maintindihan siya. Bre told me Van’s a son of a mafia. I don’t even know if maniniwala ako. Is the mafia even a thing now?”
“I am afraid they’re still a thing,” Marco replied. “Van is indeed a son of a mafia and they are currently residing in Italy. Alam mo ba kung bakit nandito si Van instead of staying with his family?”
“Why?”
“He ran away from them,” Marco stated.
“Oh. I didn’t know that. He never told me that.”
Van ran away which means hindi niya gustong maging parte ng kung ano man kagaguhan na ginagawa ng pamilya niya. He chose to leave them. He is that good or he used to be that kind-hearted man. He used to have that respect for others especially for me. Now, I don’t know. I lost him.
“Well, paano mo gustong sabihin niya sayo na nagmula siya sa isang pamilya na mamamatay tao? That mafias exist and they rule the world?”
“At least, may idea ako ‘di ba? Kasya naman sa magulat ako. I really don’t understand him now. Is it a mafia thing? Nagkaroon ba siya ng trauma? Bakit ba kasi siya pumunta sa Italy that time ‘e hindi naman pala sila okay ng family niya,” naguguluhang tanong ko.
“Before he left, he told me that his father was dying and he needed to be there to settle things. He was there to actually end the mafia thing,” Marco explained.
“Wait…” I thought. “Did he end it or did it end him?”
Marco shrugged. “Either way, it ruined him. I can no longer see Van, my best friend. It’s like he’s a completely different person now.
“Sometimes he is Van, sometimes he is not,” I heaved. “Bre told me they’re not getting anything from Van. He went to therapy twice pero they just can’t get anything from Van na para bang sanay na siya for a therapy and he knows na how to lie or even make people believe on something that’s not even real.”
“But it’s a good thing he’s doing the therapy,” Marco commented. “Van’s okay. But it’s like a…”
“He’s so possessive at ayaw niya na mawala ka sa kanya ‘di ba?”
I nodded. “Or maybe it wasn’t me. He’s afraid, in general, he’s scared of something…”
“Have you tried talking to him about his family or what happened to him?”
“He is going to shut me down,” siguradong sabi ko. “Marco, I will leave. It’s final, but before I do that, I want Van to be okay.”
“If you’re waiting for him to be okay, then it’ll be hard for you to leave,” Marco said. He was right.
“Have you ever met his family?” pag-iiba ko ng topic. “Like, her mother? He told me his mother is a Filipina.”
“No. He’s the only one living here. And, hindi naman niya kinkwento kong may kamag-anak yong mother niya. He grew up in Italy. He ran away when he was 11, changed his surname, and you know started working hard to support himself though ang alam ko his mother supported his decision of running away kaya patago nitong binibigyan ng pera si Van which Van refused to get it kasi alam niyang papatayin ng Daddy niya ang mommy niya kapag nalaman nito.”
“Oh…” I was speechless.
“You know I met Van because he was selling his painting to my father. My father liked his art, even until now,” kwento niya. “Did he tell you that he was able to sell millions for one painting?”
I smiled and somehow felt proud of Van. “I know. He told me that.”
“But, did he ever tell you that it was because of her mother that he was able to gather millions for his painting?”
Natahimik ako dahil hindi ko yon alam at doon ko napagtanto na may mga bagay na hindi pa ako alam kay Van. He shared happy moments with me, but never shared his darkest memories. He never did.
“Did his father figure that out? I mean, Van never stop selling his paintings.”
“I don’t know, maybe?”
Yeah. I agreed. I don’t know too. I wished that I knew his mother though.
“Van changed his surname, right? What’s his real name?”
“Lucchese,” Marco said. “I don’t know if I pronounce it right,” he added and even spelled the word for me.
“I think I heard that name before.”
“Yeah, it’s a very famous mafia name you can actually search in Google.”
“No,” umiling ako. “I think I heard that name on the phone.”
“From?”
“My father…” Biglang gumapang ang kaba at takot sa katawan ko. “Told me that before he died in a plane crash with my mother.”
0 thoughts on “NEVER”