Download Story.

close

NEVER

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

UNO.

“I know you are awake!” malakas na sigaw ni Bre pagkapasok niya ng kwarto ko. “You are just pretending that you are asleep, so won’t have to answer your freaking phone that’s been ringing since the dawn!” ramdam ko na iyong inis sa boses niya.

Nanatili pa rin akong nakapikit habang dinadama ang init ng aking kumot. Sa totoo lang, kanina pa ako gising. Kanina ko pa patuloy na pinakikinggan ang ringtone ng aking phone habang walang tigil ang pagtawag niya sa kabilang linya.

Gusto ko itong sagutin para matahimik na siya pero mas pinili ko na sabayan na lang aking ringtone dahil mukhang mas maganda pa iyong pakinggan kaysa sa boses niya na natitiyak ko namang puno ng inis at galit.

“C’mon, Aleya!” yugyog ni Bre habang patuloy pa rin ako sa pagpapanggap na natutulog. “If you don’t want to answer it. Turn off your phone or at least i-silent mo. Like, duh! Hindi ako makatulog jan no. Rinig ko sa kabilang room plus bakit ba kasi ang lakas lakas ng volume ng phone mo.” Kahit nakapikit ako ay ramdam ko na puputok na ang mga ugat ni Bre dahil sa inis sa akin.

Brethren Hadiya dela Merced is a closest friend of mine. Nagkakilala kami noong high school ako dahil sa lalaking best friend ko na si Jake. Naging sila ni Jake, but it didn’t work out. They both handled the breakup well and just remained friends. Kaya naman naging close na rin kami at dahil pareho kami ng college na pinapasukan ay kumuha kami ng isang condo.

“Nag-away na naman ba kayo ni dela Torre?” umupo siya sa gilid ng kama ko at mabilis na hinatak ang kumot na tumatalukbong sa buo kong katawan. Napangiwi ako ng tumama ang liwanag sa mga mata ko. Huli na para magpanggap pa ako na natutulog. Isa pa, alam kong mala-late na rin ako sa klase kong ipagpapatuloy ko pa ang acting ko.

“Do me a favor. Throw my phone,” walang ganang sabi ko. “Or give it to someone else, so I will have a kinda valid reason why I am not answering his call.”

“Aleya,” bumugtong-hininga siya. “What is this time? Anong dahilan ng pag-aaway niyo?”

Napailing na lang ako. “Walang kwentang dahilan. I mean, kelan ba nagka-sense ang mga away namin?”

“Is he on drugs?” nag-aalalang tanong ni Bre. “C’mon, hindi naman siya ganyan dati ‘di ba? Baka naka-drugs na siya?”

Nagkibit-balikat ako. “I don’t know.”

Tinitigan ko ang pagsikat ng araw mula sa window glass. I used to enjoy the sunrise, a lot, since iyon ang paboritong gawin ni Van, my boyfriend. He’s a morning person, so he used to wake me up before dawn, prepare breakfast for me, and then we’ll be waiting for the sunrise. And then one day, hindi na niya iyon ginawa like nakalimutan niya ito. Na para bang hindi iyon naging parte ng buhay niya simula noon.

I missed it. I missed him, a lot. That is why I refused to wake up early because I will just feel sad, really sad knowing that my boyfriend changed.

“Maybe because of the accident?” tanong ni Bre. “I mean, baka na-damage yong brain niya and nagkaroon siya ng split personality?”

“I.don’t.know…” Napahilamos na lang ako ng pisngi ko. “I really don’t know. I’ve been asking him. Offering to take him into the hospital, but no, lagi niyang sinasabi na okay lang siya. Okay lang siya,” natawa na lang ako sa sarili ko. “Okay siya, pero ako hindi ko magawang sabihin na okay lang ako, na okay lang kami.”

Dinampot ko yung phone ko at hinagis sa sahig dahilan upang mawasak ito at sa wakas tumigil ang nakaririnding pag-tunog nito.

“Why not break up with him? Napaka-toxic na nyan. Imagine, bigla siyang magagalit sayo ng walang dahilan. Magseselos siya sa mga bagay na walang sense. C’mon, Aleya. You deserve better.”

“I love him that I’m still trying to save this relationship,” I replied.

“But, is it worth saving?”

Pinunasan ko ang butil ng luha na tumulo sa aking mga mata. Nginitian ko na lang si Bre bago ako lumabas ng kwarto kasi hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung bakit patuloy ko pang nilalaban ang isang pagmamahal na puro sakit na lang ang binibigay sa akin.

“Aleya…” pag-aalala ni Bre. “Hindi mo sinagot ang tawag niya. Paano kapag nagkita kayo mamaya sa university at saktan ka niya?”

“I’m fine, Bre. Kaya ko ang sarili ko, okay? Saka, ibabahin ko na lang yung route ko para di niya alam kung saan ako hahanapin,” sagot ko para hindi na siya mag-alala pa. “Saka, sasabihin ko na nakatulog ako tapos hindi ko sinasadya na masira yung phone ko kaya hindi niya na ako ma-kontak.”

“Do you really think Van Fel dela Torre will believe you? He’s smart enough to know when you’re lying. You’ve been together for how many years?”

“Almost three years,” ngumiti ako ng malungkot. “So, you can’t blame me if I am still trying to save it.”

Sarkastikong tumawa si Bre na unti-unti ring napalitan ng pagkadismaya. Hindi ko rin siya masisisi dahil matagal na niya akong pinapayuhan na itigil na ang kahibangan ko. Pero wala ‘e. Lagi akong nagbabakasali na magbabago siya, babalik siya sa dating siya, at magiging okay kami. Lagi kong sinasabi na isa pa, bibigyan ko pa siya ng chance kasi baka bad days lang niya iyong araw na sinaktan niya ako. Isa pa kasi baka may pinagdadaanan siya at nabuhos lang niya yong galit niya sa akin. Isa pa kasi mahal ko siya. Isa pa kasi sabi niya mahal niya ako at humingi na siya ng tawad.

Isa pa…hanggang sa hindi ko na mabilang lahat ng chance na binigay ko sa kanya. Hanggang sa nasanay na ako. Nasanay na ako na okay siya ngayong araw, tapos bukas hindi. Nasanay na ako at minsan hinihintay ko na lang na siya na iyong sumuko – kasi hindi ko siya kayang isuko.

“Aleya Kane dela Campos,” gigil na sabi ni Bre. “I know you are fcking smart, so use your brain and save yourself.”

“I love you, Bre,” niyakap ko siya. “Thank you for not leaving.”

Binatukan niya ako. “Konti na lang, Aleya. Sasakalin na kita. I love you, so please, find a way to break up with him. Know your worth, ha?”

“Yeah,” tumango ako. “Just give me some time.”

“Don’t let him hurt you, okay? Use your black belt in Karate!”

“You know what,” nakangiting sabi ko. “Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi kayo nag-work ni Jake. You are both amazing and you were really happy back then.”

Bre shrugged. “There’s some questions that don’t need any answers.”

Pagkarating sa university ay naghiwalay na kami ni Bre ng landas. Sa may front gate siya dumaan dahil mas malapit doon ang building niya. She’s a psychology student habang Fine Arts student naman ako.

Habang naglalakad ay hinihiling ko na hindi mag-krus ang landas namin ni Van. Ayokong makita siya ngayon. Gusto ko ng kahit konting katahimikan sa buong araw lalo na at sobrang daming art project pa ang kailangan kong tapusin.

Tumigil ako sa locker para kunin lahat ng art materials ko. Didiretso na sana ako sa lab para sa Art Workshop namin nang humahangos na tumigil sa harapan ko si Rien. She’s a freshman and the member of the Art Club kung saan ako ang Vice President at si Van ang President.

“Ate Aleyaaa!” Hinugot niya ang kanyang hininga bago mabilis na nagsalita. “Hinahanap ka ni Kuya Van at sobrang galit na galit na siya. Nakakalat na nga yong mga materials sa —

Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya dahil sigurado akong ika-ba-badtrip ko lang din naman ito lalo na at narinig ko na ang pangalan ni Van.

“Please, Ate. Go there na kasi siguradong lagot na naman tayo kay Dean Loza kapag nagwala si Kuya Van. Baka ipasara na talaga niya yong Art Club natin and you know how much we love it,” pagmamakaawa niya dahil alam niya o nilang lahat na ako lang naman ang kailangan para tumigil si Van sa kung anong kagaguhan na ginagawa niya.

“Okay, okay,” wala sa sariling tugon ko. “Pakidala na lang tong Art materials ko sa Lab 4 at pakisabi kay Prof. Llamas na mala-late lang ako.”

Tumango siya at mabilis na nawala sa harapan ko. Habang ako ay nanatili pang nakatulala ng ilang segundo bago ko utusan ang sarili ko na puntahan si Van.

“Ate Aleya! Hinahanap ka ni Van!” sabi ng isang freshman na member din ng club namin. “Kanina ka pa namin hinahanap.” Pinunasan niya iyong pawis niya at saka ko napagtanto na halos lahat ng Art Club members ay hinahanap ako na para akong isang tuta na nakawala.

Napailing na lang ako at unti-unti kong minura si Van sa isip ko. Bakit kailangan pa niyang abalahin ang ibang tao para hanapin ako kung alam naman niya kung saan ako matatagpuan. Alam niya ang condo unit namin ni Bre, pati schedule ko ay alam niya dahil magkaka-klase kami sa ilang subjects. Kung gugustuhin niya ay mapupuntahan niya pero wala ‘e. Hindi na siya katulad ng dati. Hindi na niya kayang mag-effort na puntahan ako at hanapin ako.

Ilang minuto kong tinitigan ang doorknob bago ako magdesisyon na pumasok. Hindi pa ako nakakahakbang, hindi ko pa naisasara ang pintuan nang ihagis niya ang libro papunta sa direksyon ko. Napamura na lang ako ng tumama ang makapal na libro sa braso ko. Sinikap ko na magpanggap na hindi ako nasaktan kahit ramdam ko na ang pasa nito.

“THE FCK! BAKIT NGAYON KA LANG? WHERE HAVE YOU BEEN? AND WHY ARE YOU NOT ANSWERING YOUR PHONE? SINONG KASAMA MO? ARE YOU CHEATING ON ME?” sunod-sunod na tanong niya. Kulang na lang mapatid ang ugat sa leeg niya dahil sa sobrang galit.

“Nakatulog ako,” malumanay na sagot ko.

“Pinatayan mo ba ako ng phone?” mabagal ngunit seryosong sabi niya na tila ba isang maling sagot ko lang ay may lilipad na naman na gamit sa harapan ko.

Binuksan ko iyong bag ko at pinakita iyong wasak na phone ko. “Nabagsak yong phone ko. Bibili na lang uli ako kapag may pera na ako.”

“Bumili ka na ngayon!” utos niya. “If I know sinadya mo lang na basagin ka para may idadahilan ka sa akin. Siguro may kasama kang lalaki ‘no?”

Pumikit at sinubukan kong kalmahin ang sarili ko kahit gusto ko na siyang sipain sa mukha. “Kasama ko si Bre. You can ask her.”

“Paano ko malalaman ang totoo? What if you’re both lying to me since you’re best friends?” tanong niya uli. Ayan na naman tayo sa di matapos-tapos na trust issue niya sa mundo Puny*eta!

“You can check the cctv of our condo unit. Kung iniisip mo na baka i-n-edit or binayaran ko yong building, then ano pang gusto mong marinig na dahilan kung wala ka namang paniniwalaan?” mahinang sagot ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa lamesa niya. Ramdam ko iyong nginig ng katawan ko at iyong sakit ng braso dahil sa makapal na libro kanina. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko at agad kong naiba ang posisyon ng katawan ko dahil malamang na tatama iyon sa dibdib ko.

“Ito na yong project plan natin.” Nilapag ko iyong folder sa table niya na naglalaman ng proposal namin. “I’ll call the lower years para ayusin itong room mamaya kasi hindi ko siya maayos. I need to go to my class.”

Tumalikod na ako.

“HUWAG KANG PUMASOK!” maawtoridad na sabi niya.

“May quiz ako.”

“What? Are you lying to me? Magka-klase tayo!”

“No, Van,” sagot ko. “You weren’t able to finish some of your subjects last year ‘di ba?” I stated. “You were gone for months. You are an irregular student so basically may subject na hindi tayo magka-klase.”

“That’s only two subjects. Isa pa, may quiz ka ba talaga doon?”

Napakamot ako sa ulo sa sobrang inis ko. Kulang na lang talaga ay sapakin ko na siya. Sobrang sakit na ng fist ko sa pagpipigil ko na saktan siya.

“You can seat in para maconfirm mo.”

“Huwag kang pumasok,” tumayo siya.

Napaatras ako at pinakiramdaman ang susunod niyang gagawin.

“Why?”

“I want to spend the day with you, so huwag kang pumasok. Dito ka lang,” lumapit siya at hinaplos ang aking pisngi. Umatras ako ng akmang hahalikan niya ako dahilan upang uminit na naman ang ulo niya.

“What? I can’t kiss you now? Sa iba ka na nagpapahalik?”

“I have my class, okay? I need to pass this. So pwede bang –” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko marahas niyang hatakin ang buhok at ipilit na pasukin ang aking mga labi.

“Van, ano ba!” buong lakas ko siyang itinulak. Agad kong pinunasan ang labi ko nang maramdaman ko ang dugo dahil sa pagkagat niya rito. “Are you on drugs?” hindi ko napigilang sabi.

“What? Are you accusing me now!?”

“Then, why are you like that? I can no longer understand you. What do you want?” pagsuko ko. “Why are we like this?”

“It’s because of you. Hahalikan ka lang ang dami mo ng sinabi? Naka-drugs ako? Baka ikaw!” duro niya sa akin.

“Van, are you okay? Do you need help?” pag-aalalang sabi ko. “If you need — aah!” agad akong napahawak sa kamay niya na mahigpit ng hawak ang leeg ko.

“You’re saying I’m crazy now?” sigaw niya na kulang na lang ay mabasag lahat ng salamin sa paligid namin. “You want to die, ha? I am really going to kill you kapag nalaman kong niloloko mo ‘ko!!”

“V..an…” pagmamakaawa ko. “S..t…t….o….” hinampas-hampas ko ang kamay niya pero masyado siyang malakas. Ramdam ko na ang pamumula ng leeg ko at unti-unti akong nawawalan ng lakas sa ginagawa niya.

Umagos na rin ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang lalaking mahal na mahal ko. Siya pa rin naman ang lalaking minahal ko noon, pero bakit ngayon iba na?

“P…lea…” I sobbed. Patuloy pa rin ako sa paghampas ko sa kamay niya pero hindi talaga siya magpatinag. Sobrang lisik ng mga mata niya na para bang nakahithit siya ng kung ano man. Sinapian ng kung sino na hindi ko kilala. Tinitigan niya ako na para bang isang bagay na walang buhay. Wala na akong makitang emosyon o awa sa mukha niya. Ano ba ‘to? Why is he like this?

“V…an…”

I cried.

Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay biglang bumukas ang pintuan. It’s Marco, Van’s bestfriend or they used to be.

Agad akong sinalo ni Marco nang bitiwan ako ng Van. Nanghihinang kumapit ako sa mga bisig ni Marco habang pilit kong inaabot ang aking hininga.

“What the hell are you doing, Van?” galit na sigaw niya. “Ano bang nangyayari sayo?”

“Let her go, Ruiz,” pormal na ani ni Van gamit ang apelyido ni Marco. “Wala kang pakialam sa relasyon namin!” akmang sasapakin na ni Van si Marco nang humarang ako.

“You’re taking his side?”

“N..no…” umiling ako. “I’m…” nahihirapang sabi ko. Inabot ni Marco iyong bottled water sa gilid na hindi ko tinanggap dahil alam kong mas magwawala si Van. “I’m fine…Marco,” sinensyahan ko siya na umalis na lang para wala ng gulo.

“No, I’ll bring you to the –” mahigpit na hinawakan ni Van ang braso ni Marco ng akmang hahawak niya akong muli.

Nagtitigan sila. Ayoko na ng gulo kaya ako na ang lumayo sa kanilang dalawa. Pagod na ako. Sobrang pagod na ako na naisip ko, sana namatay na lang ako sa pagsakal niya sa akin o nawalan ako ng malay para naman makapagpahinga ako sa lahat ng iniisip ko…lalo na kay Van.

“I’ll go…back to my class,” mahinang sabi ko.

“Hindi ka nga aalis ‘di ba!!” pamimilit ni Van.

“I need to go to my class.”

“Kapag umalis ka, break na tayo.”

Kusa akong napangiti sa sinabi niya. Finally, sinabi niya na rin. Pero, ilang beses ko na bang narinig ‘yan? Natawa na lang ako dahil alam kong babawiin niya rin ang mga salitang yan.

“Okay,” walang-emosyong sabi ko.

At syempre hindi niya ako hahabulin para humingi ng tawad. Mas okay iyon kung talagang makikipaghiwalay siya pero sigurado akong bukas o di kaya mamaya ay sasabihin niyang kami pa uli, na binabawi na niya ito.

Hindi ako dumiretso sa klase ko. Wala rin naman ako sa focus para gawin ang mga art project ko kaya pumunta na lang ako sa clinic para magpahinga. Hindi na nagtaka si Nurse Mina nang makita ang pamumula ng leeg ko. Madalas na siya ang takbuhan ko sa tuwing sasaktan ako ni Van. Ilang beses na niyang sinabi na isumbong ko na si Van sa mga professor or sa ekswelahan pero ayoko ng mas malaking gulo. Ayoko na madamay pa ang buong school sa problema namin na wala naman silang kinalaman.

“Hays, pagod na akong bigyan ka ng lecture kung bakit dapat mo na siyang hiwalayan,” bungad ni Nurse Mina.

Inabot niya sa akin iyong ice pack. Napangiwi ako sa lamig nang ipatong ko ito sa aking leeg.

“Bibigyan kita ng pain reliever,” nilagay niya sa maliit na medicine kit iyong mga gamot.

Tumango na lang ako dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.

“Huwag ka na muna magsalita, okay?” payo niya habang nilalagyan ng bandage iyong leeg ko. Bakat na bakat dito ang mga daliri ni Van at ramdam ko pa rin ang takot habang inaalala ko ang mga nangyari.

“Hindi ko na rin maintindihan yang si Van ‘ha!” umpisa ni Nurse Mina. “Ang tagal niyo na rin hindi ba pero bakit biglang ganyan? Ano ba talagang nangyari sa kanya ng mawala siya pagkatapos ng aksidente? Parang hindi na siya iyong kilala kong Van.”

Umiling na lang ako dahil kahit ako ay hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. We’ve been together for almost three years. Then, a year ago ay nasangkot si Van sa isang aksidente nang magpunta ito sa ibang bansa para dalawin ang parents niya. Nag-crash ang helicopter na sinasakyan niya at ilang buwan din kaming walang balita sa kanya.

Hanggang sa isang araw ay may tumawag sa amin na nahanap na ang katawan niya. Van came back. He was okay until slowly biglang nagbago na siya na para bang hindi na siya yung Van na nakilala namin. Walang nakakaalam, maging ang mga magulang niya, kung saan siya napadpad noong mawala siya at kailanman ay hindi na ito binanggit pa ni Van.

Kinalimutan na niya ito. Hindi ko na rin itinanong dahil baka magdulot pa ito ng mas malalang Van. Inisip ko na lang na baka na-trauma siya sa nangyari sa kanya kaya’t hindi na niya ginusto pa itong alalahanin at bilang girlfriend ay kailangan kong intindihin yon.

“Wala kabang balita sa parents niya? Hindi ba talaga nila alam? Why not ask them ‘di ba? At iyong mga nakahanap sa kanya? Wala ka bang kontak?”

Bakit nga ba hindi ko iyan naisip? Sabagay wala na akong panahon na isipin pa iyan kung ang laging iniisip ko ay paano maiiwasan ang pananakit ni Van.

“Thanks,” maikling sagot ko pagkatapos akong gamutin ni Nurse Mina. Ipinasuot niya iyong scarf niya sa akin para magmukhang style iyong bandage ko at hindi mahalatang sinaktan ako. Nako, sigurado akong patay na naman ako kay Bre nito. Hindi na muna ako uuwi sa condo.

Nagpaalam na ako kay Nurse Mina. I decided to spent my time on the Lovers Lane at maging bitter sa mga masasayang couple sa paligid ko. Van and I used to spend a lot of our free time in this spot and we usually do our Art projects here.

I texted Jake, my best friend. Since Van came back from the accident, inutusan niya akong iwasan si Jake dahil nagseselos daw siya rito when they used to be very close. Ewan ko ba kung anong nangyari kay Van. Jake gave way, so madalang na lang kaming magkita.

Hindi naman siguro masama na gusto ko siyang makita ngayon lalo na at gusto kong mag-vent. Jake has been with me since we were kids. We are childhood best friends who grew up in the province. When my parents died because of an accident, siya at iyong family na niya ang naging family ko.

Ilang minuto na rin akong nagmuni-muni sa Lovers Lane nang biglang may mga kamay na tumakip sa mata ko.

“Jake! I missed you!” masayang bati ko dahil alam ko namang siya lang ang taong gumagawa noon sa amin simula nang mga bata pa kami. The old Van never did that to me because he said that it was something that Jake and I used to share and he won’t ruin it. That’s how old Van is.

Pero napamura ako nang mapagtanto kong hindi si Jake iyon. Sht!

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang si Van na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa mga mata ko.

“Jake, wow!” napailing-iling siya. “You are cheating? You are having an affair with Jake? Uh, right. Di ba sinabi ko na layuan mo na siya tapos ano?”

Hindi pa ako nakakapagsalita nang hatawakan niya ang kamay ko. “Wait…” pinigilan kong sumigaw sa sakit dahil hindi pa okay ang boses ko. “Van…” nahihirapang sabi ko. “I’m hurt.”

“NILOLOKO MO BA AKO?” nakayayanig na sigaw niya dahilan upang mapatingin ang lahat ng mga tao na nasa paligid namin. “NILOLOKO MO AKO? AT SI JAKE PA? WOW!”

“No, let me explain.” umiling ako.

“Subukan mo lang na lokohin ako, Aleya!” pagbabanta niya. “Akin ka lang.”

I used to like that statement akin ka lang a lot when the old Van said it, but now, it only gives me so much pain…that it hurts.

“Akala ko ba break na tayo.”

Biglang nawala ang nakatatakot na mukha niya, para bang naging maamo siyang tuta pagkasabi ko noon.

“No way! We’re not breaking up! At hindi tayo mag-b-break!” react niya.

Natawa na lang ako. Ano pa nga ba? ‘E ganyan naman lagi. Sanay na ako.

“Hindi pa tayo break?” ngumisi ako. “Talaga ba? Then, can you greet me a Happy Anniversary instead of picking a fight with me and hurting me all day?” Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang regalo na matagal ko ring pinag-ipunan para sa kanya.

“Happy 3rd anniversary, mahal.” 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13