Download Story.

close

NEVER

Written By: nevertofadingstars       |       Story Status: Completed
Posted By:
nevertofadingstars

DIEZ.

Unfortunately, Van didn’t kill himself.

Luckily, he didn’t kill me.

I was able to run away from that place.

Hindi na siya naabutan pa ng mga bodyguards. Ni-report namin sa mga pulis pero hindi rin siya nakita kaya hindi ko talaga alam kung saan siya nagtatago. Mas okay pa siguro na sabihin ko na may kasabwat siguro siya sa mga awtoridad kaya naman kahit na anong gawin namin ay hindi namin siya mahanap.

Fuck up system.

Bahala na si God sa kanya, kung sino man siya. Ayoko na pag-aksayahan ng panahon ang lalaking iyon lalo na at alam kong hindi siya ang Van na kilala ko. At isa pa, aalis na rin naman ako kaya wala ng saysay pa na ubusin ko ang oras ko sa kanya. Gusto ko na lang ng peace of mind.

“So, this is it, you are really going to leave?” Bre pouted her lips. ” Grabe, mami-miss kita, but don’t worry during vacation I’ll go there,” niyakap niya ako ng sobrang higpit. ” Please, take care of yourself.”

Tumango ako. “Ikaw rin. Thank you for everything. Sobra, sobra. Hindi ko alam ang gagawin ko without you,” I wiped the drop of tears that feel in my eyes.

“Jake, take care of her, okay?” bilin ni Bre. “You weren’t able to take care of me when we were together, so at least make this right, okay?” Bre joked.

Tumawa na lang din si Jake. “Yes, I love Aleya more than you.”

“I know, right,” sabi ko naman. “I’ll come back here when you already become a doctor. Okay?”

“Of course, you should,” Bre said. “Hindi ko na kayo masasamahan papunta sa Amsterdam kasi alam niyo naman na kailangan kong mag-aral.”

“It’s okay, Bre. I’m here,” singit ni Marco. “Ready na ba? The captain is already waiting for us at the airport.”

“Yes, ready na. Mauna na ako sa sasakyan,” Jake said. “I’ll call my mother para alam nilang papunta na tayo sa airport,” paalam niya.

“Bye, Bre,” I hugged her. “Let me know if you found something about him.”

“I’ll do everything I can.” 

Bre was able to get us a private plane from her family’s connection. Although, hindi namin solo ang plane at may ilang businessman na sakay dito ay mas maigi na rin yon kaysa sa commercial plane kung sakali. Ewan ko, malakas pa rin kasi ang kutob ko na may gagawin pa rin si Van, na may inihanda siyang plano and I can’t let my guard down.

Nakarating naman kami ng maayos sa airport. Nakahinga na rin ako ng maluwag nang makasakay na kami mismo sa loob ng eroplano at wala namang nangyaring masama. I slept peacefully inside the plane and we were able to do a stop-over pa sa isa sa mga airport before proceeding sa Amsterdam.

“Here I come, Amsterdam,” bulong ko habang nakatingin sa mga ulap.

“Bye, Van…” I muttered. “Wherever you are…”

“Are you okay?” tanong ni Marco. “Do you need anything?”

“Thank you, Marco. Thank you for everything. You don’t need to do it, but you still did.”

“I love you, Aleya and you don’t need to do anything about it,” he smiled as he held my hand. “Just find yourself again. Just be happy, okay?”

I nodded. 

“I’ll go to the lavatory,” paalam ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa dulo at iniwasan ko na maglikha ng kahit na anong ingay dahil karamihan sa kasama namin ay tulog na. Overall, I think nasa 30 katao lang ang sakay ng eroplano. Tiningnan ko yong relo ko at dahil sa time difference ay mali na ang nakalagay dito. Sabi naman ng piloto na lalapag na kami in two hours. Ewan ko ba, bakit parang ang tagal ng byahe namin. Supposedly, hindi naman aabot ng isang buong araw ang byahe sa Amsterdam. Not sure. Sabagay, we did stop.

Nasa tapat na ako ng lavatory nang biglang tumaas ang balahibo ko. I smelled blood and it started to creep me out. Ramdam ko ang kaba at takot na gumuguhit na naman sa dibdib ko. Damn! I closed my eyes and prayed.

I couldn’t move. I froze in that spot as I heard footsteps…his footsteps…

How?

Why?

I screamed in silence when I felt his breath on my neck. “Do you want to know where the real Van is, my dear Aleya?” 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13