Download Story.

close

Love At First Sight

Written By: Sweet_Angel-27       |       Story Status: Completed
Posted By:
Sweet_Angel-27

KABANATA 3

REANNA MILES POV

Nagising ako dahil today is the day that I apply in Ferrer Agent Society and I hope and pray na matanggap ako doon dahil dreams ko na makapasok doon. And here I am nasa harapan ng tinaguriang kompanya ng mga magagaling na Agent sa buong mundo.

“This is it, kaya mo self, ikaw pa magaling ka kaya!”-pangpa-lakas ng loob ko sa aking sarili dahil ito lang dapat ang puhunan ko para makapasok dito.

Papasok na sana ako ng may receptionist na humarang sa akin na akala mo ay kulang sa tela ang kanyang damit, na akala mo talaga ay ikinaganda niya. Tsked! Bakit siya ganyan makatingin sa akin maya pagtaas-taas pa siya ng kilay niya. Haayst! siguro ingit lang siya sa akin.

“What can I do for you ma’am?”-formal na sabi ni ate girl sa akin na naka breast out pa na akala mo malaki ang boobs ‘yong tayo niya kasi ay parang istatwa na nakatindig. Napapailing nalang ako sa iniisip ko tsaka ngumiti sa kanya.

“Ah hmmmm. I’m Reanna Miles Garcia and I’m here para mag-apply as an Agent dito sa Company,”-sabi ko naman sa kanya habang nagpipigil ako ng tawa dahil sa hitsura niya na masmaganda pa ata ang nasa langsangan kesa sa kanya. I think na sa 30+ na ang age niya.

“Okay ma’am, this way ma’am follow my hand, ituturo ko sa inyo ang destination niyo,”-sabi niya sa akin na ikinanganga ko, shit! Ma-attitude ang receptionist nila huh. Follow my hand panga tsked! “—you need to turn diyan and then derederetso if makakita kayo ng mahabang pila, doon na ang mga nag aapply para sa limang bakante ng Agent, good luck ma’am!”-dagdag na sabi pa niya sa akin kaya I just smile at her then follow her instruction kuno.

Pagkadating ko do’n ay talagang napakahaba pila napakarami palang gustong mag-apply dito. At juiced colored ako pa ang pinakahuli sa pila. Pero ng pagkakita ko sa mga appleyanteng tulad ko na mga babae ay kulang nalang na makitaan na sila. I mean masilipan sa soot nilang damit at palda.

“Shit! excited na talaga ako na maging isa ako sa mga Angel Agent ang mang-iinterview sa atin ang pogipogi kaya ni papa Gerald!”-sabi ng Girl 1 na akala mo ay aatakehin sa sobrang kilig.

“Akin lang si papa Lloyd!”-sabi namang Girl 2 na tudo lagay ng make-up sa mukha niya. Hindi sa hinuhusgahan ko siya pero kulang nalang ay kabaong.

“Bebe Jaired wait for me!”-sabi naman Girl 3 habang kaharap niya ang salamin.

“Baby Drake just an hour magkikita na tayo!”-sabi din ng Girl 4 habang napapatalon pa. Gosh!

“Hmmmmm akin lang si My love Tristan the big boss, kaya back off kayo girls!”-sabi naman ng Girl 5 habang kita na ang cleavage niya.

Iyan ang mga naririnig kong bulong bulongan ng mga appleyante kung bulungan nga ba ang tawag sa ginagawa nila. Hayst! Akala ko ba apply lang ang pinunta nila dito hindi maglandi. Buhay assuming nga naman tsked!

Pisssttt!”-may sumisitsit pero sino kaya sinisitsitan ng babaeng nasa kaliwa ko, pero hindi ko nalang siya pinansin. Ang ganda niya pero bakit sitsit ng sitsit hayst!

“Hoy!”-sabi niya ulit sabay tusok sa likod ko kaya tinignan ko na siya ng tuloyan, isa sa mga ayaw ko kasi ay ang hinahawakan ako ng mga hindi ko kilala.

“Ako ba po ba?”-sabi ko sa kanya sabay turo sa sarili tsaka napapakamot din ako sa kukute ko.

“Oo ikaw nga, ano pala ang pangalan mo?”-sabi niya sa akin ang amo talaga ng mukha niya, tapos ang ganda-ganda niya talaga parang may lahi siya.

“Ah….hmmmmm….”-hindi ako makapagsalita ng maayos dahil titig na titig siya sa akin.

“Don’t be nervous, ajah kaya mo ‘yan! I’ll wait you inside and don’t worry about the boys you’ve saw inside kapag nakarating kana sa finish line, hihihihi by the way I’m agent Joyce Lemaski from Angel,”-sabi niya sa akin habang nakalahad ang kanyang kamay.

Na halos hindi ako makahinga sa gulat tapos ang mga kasama ko naman ay hindi nila alam ang pinag-uusapan namin ni Ms. Lemaski at walang nakakakilala sa kanya dahil na ka hide ang profile nila sa kahit na anong bagay.

“Ah…..ehh!”-‘yon lang ang na sabi ko tsaka kinuha ang kanyang kamay.

“Silly! don’t be flattered okay see you later Ms. Beautiful. Hmmm by the way you look like a Goddess but you I choose you to become one of the Angel, anyway Congrats in advance!”-sabi niya sa akin sabay umalis na siya sa harapan ko.

Tinignan ko pa kung saan siya papasok sa loob ng room na sinsabi niya. ‘Yong akala ko na papasok na siya sa pinakaharap na pinto ay nagkamali ako dahil lumiko siya tsaka pumasok sa may maliit na pinto na walang nakakapansin sa kanya at ako lang tapos ang apat pa na kinausap niya kanina.

☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎

JOYCE LEMASKI POV

I’m here, sa labas ng kwarto kung na saan ang mga bwisit kung kasamahan. Bwisit dahil inutusan lang naman nila ako para tignan ang mga nag-aapply.

Well! hindi nila ako kilala dahil hindi naman nila alam ang mga kataohan ng mga babae sa Angel only the five kumags hahahaha. Five kumags kasi mga babaero silang lahat hahahaha.

Oh ayon na nga naglalakad na ako habang ini-scan ang mga nag-aapply napapangiwi pa ako dahil ang iba ay kunting galaw lang ay kita na ang mga ano nila. Pero sa unang pagkakataon may nakita akong lalaki na blonde ang buhok kaya sinundot ko ang braso niya.

Chansing ‘yon ah!”-sabi pa ng lalaki habang lumalayo sa mga babae, na para bang diring-diri talaga siya..

Halla! grabe ka naman bro, kanina pa kaya kita tinatawag, na akala mo naman ay ang lalim ng iniisip mo hayst!”-sabi ko sa kanya dahil ang layo ng tingin niya, hindi man lang niya ako napansin na tumabi sa kanya.

“Alam mo Miss ganito kasi ‘yan, iniisip ko kung matatanggap ba ako, sa pagiging Agent dito, and one more thing umaasa ang pamilya ko sa akin tap—–“-I cut him dahil ang dami naman niyang explanation mga beshy. Sinundot ko lang naman siya.

“Okay, okay! now what’s your name? and by the way I’m Agent Joyce Lemaski one of the Angel,”-sabi ko sa kanya nakita ko pa nagulat siya na akala mo namana ay kakita ng multo.

“Ma’am Im sorry, sorry po, sa manners ko kanina I…..I didnt meant i—-“-I cut him again dahil baka may makarinig sa amin. Binubulong ko lang kaya ang mga sinasabi ko sa kanya.

“Its okay Mr. Blonde see you later and congrats in Advance!”-sabi ko nalang sa kanya sabay lakad ulit apat pa ang kailangan mga Chong. Lahat ng babae nakikita ko ay halatang malalandi the way they wear their clothes but have two girls na nakakuha ng attention ko.

“Hello, Ms. Gorgeous,”-sabi ko sa babae ng makalapit ako sa kanya na halatang nahihiya dahil yumuko siya.

“Hmmmmm hello po!”-sabi niya sa akin na ikinangiti ko so humble ah.

“Have a good day I’m Agent Joyce Lemaski one of the Angel. Hmmmm! congrats in advance babygirl,”-sabi ko sa kanya sabay lakad ulit nakita ko rin ang dalawang lalaki at ganun din ang sinabi ko. Nasa may dulo na ako habang nakatuon ang tingin ko sa nakaagaw pansin sa akin na babae. She’s beautiful perfect as an Agent kaya walang paligoy-ligoy na nilapitan ko siya.

Pissssst!”-sitsit ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

“Hoy!”-sabi ko sa kanya ulit sabay tusok sa kanya.

“Ako po ba?”-nag-aalanganin na sabi niya kaya I just smile at her and nodded

“Oo ikaw nga…ano ang pangalan mo?”-tanong ko sa kanya dahil imteresado ako sa kanya the way she talk the way she stand she look like a Goddes.

“Ah…hmmmm..”-sabi niya kaya tumawa ako sa itsura niya na alanganin.

“Don’t be nervous, ajah kaya mo ‘yan! I’ll wait you inside and don’t worry about the boys you’ve saw inside kapag nakarating kana sa finish line, hihihihi by the way I’m agent Joyce Lemaski from Angel,”-sabi ko sa kanya. At tulad ng inaasahan ko nagulat siya tulad ng apat na kinausap ko kanina.

“Ahh…ehhh…”-sabi niya ulit kaya natawa na ako sa reaction niya.

“Silly! don’t be flattered okay see you later Ms. Beautiful. Hmmm by the way you look like a Goddess but you I choose you to become one of the Angel, anyway Congrats in advance!”-sabi ko sa kanya then naglakad na ako papunta sa mga Angels dahil nakapili na ako ng babagay sa Kukumpleto sa Angels.

Dumaan ako sa secret door tsaka ko nararamdaman ang mga nakatingin sa akin ang limang kinausap ko. Pero bago ako pumasok sa loob. I look at them and wink with smile before I enter the Goddemen office.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28