Download Story.

close

Love At First Sight

Written By: Sweet_Angel-27       |       Story Status: Completed
Posted By:
Sweet_Angel-27

SIMULA

REANNAH MILES POV

Pauwi na ako sa bahay namin dahil umuwi daw ang pinsan ko na si Glydel galing sa ibang bansa kung saan doon siya sinugod para magpagaling dahil sa aksidenteng natamo niya. Hindi ko nga lubos maisip na may mga taong gustong pumatay sa kanya ng ganun ganun lang.

Kaya galit na galit ako sa mga taong nakapaligid lang sa amin, dahil sila-sila lang din ang dahilan kung bakit nagpapatayan sila dahil nga sa mga inggit, judgemental, mga pakialamero at mga tsismosa. Ang ating bansa ngayon ay naiiba na sa panahon ng aming mga magulang.

Dahil noong kabataan pa ng aming mga magulang ay walang ganitong nangyayari sa ating paligid, walang patayan, walang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng druga, mariwana, rugby at iba pa. Walang air pollution at walang water pollution etc.

Okay balik nalang tayo sa topic tungkol sa pinsan ko. Anyway isa din siyang magaling na mananayaw dahil nag-audition pa siya sa Teen Dance na kung saan pwede kang makuha bilang dancers, Teen Dance kasi kumukuha sila ng mga teenager para bumuo ng isang grupo.

Well! I know to myself na makukuha siya doon, dahil may potential siya, magaling talaga siya sa larangan ng pagsasayaw. Hindi sa pagmamayabang pero kahit my amnesia siya ay hindi-hindi nawala ang skills, at talent niya sa pagsasayaw.

Habang ako’y naglalakad na para pumunta sa kotse ko ay may bumisina sa likod ko na parang pag-aari naman niya ang daanan, tsked! ang gilid-gilid ko na nga ay bubusinaan pa ako, ang hayop lang!

“Hoy! Mister o Miss, Misis, kung sino kaman hindi ako bingi at hindi ako tanga para maglakad sa gitna ng kalsada, look wala po ako sa road para businaan niyo ako!”-sigaw ko kung sino man ang lulan nito tsaka ko kinatok ang bintana ng sasakyan niya kasi huminto naman siya.

Hinintay ko na buksan niya ang kanyang bintana. Kaya ng maramdaman kung unti-unti na itong bumukas ay tumayo ako ng tuwid tsaka tumingin doon habang hinihintay ang pagbaba ng bintana ng tuloyan.

Pero natememe ako dahil ang tumambad sa akin ay isang mala Greek God ang gwapong nilalang na ito. Kaya hindi ko namamalayan na tinititigan ko lang siya like what the fuck! dahil pinagpapantasyahan ko na pala siya sa aking isipan. Kasi hindi ko lubos maisipa at akalain na may nag-eexist pa pala ang katulad niya dito sa mundo.

“Hey miss! back to earth!”-sabi niya sa akin kaya nahimasmasan ako tsaka tumingin sa kanya dahil nakasandal na siya ngayon sa kanyang kotse. Hindi ko kasi namamalayan na nakalabas na pala siya sa loob bg kanyang kotse.

“Tsked! bakit niyo po ba ako binubusinaan may nagawa po ba ako sa’yo?”-sabi ko sa kanya sa maldita at galit na pananalita nagmamadali kasi ako.

“Oh darling! don’t shout at me I’m not deaf!”-sabi naman niya sa akin habang nakakalokang ngiti ang ginawad niya sa akin. Ngiti palang at boses na niya ay mahihimatay kana, paano nalang kung hawakan o halikan ka niya. Gosh!

“So ano po ba ang kailangan niyo sa akin? Nagmamadali po kasi ako dahil may lakad pa ako na dapat habulin,”-sabi ko ulit sa kanya sa malamig na pananalita.

“I just want to give you this,”-sabi niya habang hawak niya ang aking wallet.
“I think sayo ito. Thats why bumubusina ako para mapansin mo ako,”-sabi niya tsaka binigay na niya ito sa akin ng lumubusan dahil nasa kamay parin niya. Kaya siya na mismo ang nagbigay sa akin.

“Ahm salamat!”-sabi ko nalang at bago siya bumalik sasakyan niya may sinabi siya.

“Hmmmm alam kung gwapo ako tsaka alam kung pinagpapantasyahan mo din ako. Kaya ang tip ko sayo don’t be showy that you like me!”-sabi niya sa akin sabay wink pero hindi ko namamalayan nasa loob na pala siya sa kanyang kotse at  pinaharurot na niya ito. Bullshit!

☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎

Simula ng unang araw na nagkita kami ay palagi ng nagsasalubong ang mga dinadaanan namin at palagi kung sinasabi ang katagang nginingiwi niya.

“Are you stalking to me ah?”

“Hahaha I’m your boss Ms. Garcia, why should I stalked you hmmm?”

Ganito lagi ang tagpo namin sa tuwing magkasabay kami sa tuwing lalabas at papasok ng Company.

What the hell! I don’t know na siya pala ang Big boss ng Angels Agent ang mga magagaling na Secret Agents.

What should I do? nag-aassume ako ng mga bagay-bagay na hindi dapat talaga, kasi lahat ng mga sinasabi at ang matindi pa pinagbibintangan ko pa siya na stalker ko. Ako na nga ang natulungan ako pa ang demanding sa amin dalawa.

Kaya pala lagi kaming nagkikita ay boss ko siya, pero sa tuwing nagkikita kami ay napupunta sa awayan. Like ewan, hindi ko alam.

And that the starting kung bakit huhulog ako sa damuhong iyon. And if you want to know ang ang mga nangyari sa amin. Ang lalaking gumulo sa mundo ko, ang lalaking nagpapabaliw sa akin. Ang lalaking kumuha ng pagkainosente ko. The man who stool my heart. No other than Mr. Tristan Ferrer my Gold eye husband.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28