Download Story.

close

Draw A Love

Written By: foxybeee       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 2

DRAW A LOVE 

 

“Carmentis! Bilisan mo na dyan at iniintay ka na ni Toleng!” Sigaw ni Manang mula sa ibaba.

Agad kong kinuha ang bag ko at isinukbit iyon sa aking likod. Mabilis akong dumungaw sa ibaba at kinawayan si Manang habang siya naman ay nakangiti sa akin. Nagmamadaling bumaba ako para malapitan si Manang, ibinigay niya sa akin ang isang maliit na pink bag, siguro ay ang aking lunch ang nakalagay dito. Niyakap ko siya saglit at agad din naman akong bumitaw sa kanya, inangat ko ang tingin ko at nginitian siyang muli, she’s been so warm to me since I moved here, hindi ko na gaanong naalala sina Tita Momma, the gap of loneliness is no longer that wide, kasi si Manang hindi niya ako pinapabayaan, and Papa keeps on checking on me naman.

“Maraming salamat, Manang!” usal ko at kumaway sa kanya at nagmamadaling lumabas ng bahay kung saan nag-aantay si Mang Toleng sa akin para maihatid na ako sa aking skwelahan. I warmly smiled at him, gaanon din siya sa akin, mabuti naman at mababait ang mga tauhan ng Papa.

“Oh! Carmentis, bilisan mo na at baka mahuli ka pa sa unang klase mo” Nagmamadaling saad ni Mang Toleng at pinagbuksan ako ng pinto. Maya maya pa ay nasa byahe na kami papunta sa school ko.

Ito ang unang araw ng pagbabalik ng skwela. At tatlong buwan nalang ang aking iintayin at magtatapos na ako sa elementarya. Iniisip ko pa kung saan ako mag-aaral pagka graduate ko ng elementarya. Iniisip ko din kung makakapagbakasyon ba ako kina Falacer dahil simula nung iniwan ako ni Tita Momma dito ay hindi na niya ako muli pang pinuntahan. Nakakalungkot mang isipin pero mas mabuti na ito dahil baka nga pabigat na ako kina Tita Momma.

Ngunit iniisip ko din naman na hindi naman ako magiging pabigat sa kanya, dahil may ari naman siya ng isang ospital at bukod sa pagiging spoiled ni Falacer ay halos hindi naman siya nahihirapan dito. Siguro nga hindi kaya ni Tita Momma ang mag-alaga ng dalawang bata habang may ospital na pinapatakbo, siguro ay sa susunod na araw ay pupuntahan ko sila sa kanilang bahay at tatanungin ko siya kung pwede ko ba siyang isama sa pagpunta namin kay Mama. Namimiss ko na din kasi siya e.

Napangiti ako ng tumunog ang aking cellphone, nakakatuwa lang dahil bumili si Dad ng isang latest version ng cellphone para sa akin. Kasi si Tita Momma ay hindi ako pinapayagang mag cellphone at kung ano ano pa dahil makakasagabal lamang daw ito sa aking pag-aaral. Ganun din ang napapansin ko sa aking mga kaklase sa ekswela. Halos lahat sila ay may mga latest ng cellphone samantalang ako ay wala naman ngunit wala lang iyon sa akin.

Mas mabuti na siguro na ang focus ko ay sa pag-aaral na muna. Humikab ako, medyo inaantok pa dahil maaga ang pasok, tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko iyon at nakitang may message si Papa sa akin, hindi ko na siya naabutan sa bahay, mukhang hindi din umuwi kagabi baka busy masyado sa kompanya?? Nai-swipe ko ang message ni Papa at agad na tumabad sa akin ang message niya.

Dad:

Baby, are you in your school yet?

I smiled because of my Papa’s message for me. Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng Papa. Dati rati ay pinagdadasal ko na makita ko ang Papa ko at makasama siya kasama ni Mama pero hindi na nga nangyari pa dahil maagang kinuha si Mama sa akin. Naalala ko pa ang mga pambubully ng ilan sa mga kaklse ko dati dahil wala akong Papa na madala sa school kapag may family day at nakikisampid lang ako kay Falacer. Ngayon may masasabi na ako, na may tatay na ako.

Agad akong nagtipa ng ire-reply kay Papa.  At naisend ko na agad iyon.

Ako:

Yes, Dad. Dito na po ako.

Nginitian ako si Mang Toleng habang siya ay nagpapark ng aming sasakyan. Hindi naman masyadong mamahalin ang skwelahang pinag-aaralan ko bukod kay Falacer, magkaiba kasi kami ng school dahil All boys ang school niya, yun ang gusto ng kanyang Mama kaya naman hindi siya makahindi dito, kaso nga dahil magkalapit lang ang school namin ay madalas na napagkakamalan na kapatid niya ako. At syempre hindi papayag si Falacer na ganon, nandidiri yon masyado sa akin e.

“Carmentis, hija.. anong oras kita susunduin dito?” Tanong ni Mang Toleng sa akin.

Inayos ko muna ang aking uniporme bago bumaling sa kanya at sumagot. “Alas kwatro ho ang labas namin Mang Toleng” Tumango lamang siya at lumabas na upang pagbuksan ako ng pinto.

Ibang iba na ang buhay ko ngayon, ngayon para na akong prinsesa dahil nag-iisa akong anak ni Papa, kaiba sa buhay na meron ako nung nakina Tita Momma pa ako, hindi naman ako tinuring na others doon pero iba ang turo niya sa akin, gusto akong maging isang independent woman ni Tita Momma, tinuruan niya ako ng lahat ng pwede kong malaman sa murang edad, dahil sabi nga niya, para daw hindi ako magmukhang tanga kapag nawalan ako ng kung anong luho sa mundo, tinuruan niya akong tumayo sa sarili kong paa at huwang iasa ang opinyon ko sa ibang tao, and I really appreaciate all the learnings na nakuha ko sa kanya.

“Mauna na ho ako Mang Toleng, bye po!” paalam ko sa matanda.

“Dito nalang ho kita iintayin mamaya!” Anas niya at tumango lamang ako.

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa building namin, nakabukod kasi ang mga elementary sa high school. Wala pang kolehiyo dito ngunit isa itong semi-private na school. Naalala ko pa nung gusto din akong ipasok ni Tita Momma sa isang all Girls school dahil mas maganda daw ang pamamahala at mas bantay daw ako duon ngunit hindi ako pumayag nun, sa murang edad ay naging isa akong scholar nang makapasa ako. Pinag-awayan pa namin ni Tita Momma yun ngunit kalaunan ay naintindihan niya ako at pumayag naman siya.

Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya, at kay Falacer kahit na hindi naman kami gaanong close o mostly ay lagi kaming nag-aaway. Gusto ko mang pumunta ng Sorsogon para makabisita manlang sa Lolo at Lola, actually gusto nila akong kunin nung nakaraang taon pa, at ayaw akong ibigay sa akin Papa pero hindi pumayag si Tita Momma at siya ang kumuha sa akin, ipinaglaban niya na dapat ay nasa puder na ako ng Papa ko sa edad na 12 anyos, nagkasundo naman kami nila Lola at Lolo na bibisita ako kapag nagkaroon ng oras at hindi na masyadong busy ang Papa, pero mukhang malabo na atang mangyari ang bagay na iyon.

Nakita ko na ang ilan sa mga kaklase ko na nagkwekwentuhan sa tapat ng aming room, sa mismong corridor. Nahagip ng paningin ko si Zarrez na masama ang tingin sa akin at bumaling sa kanyang mga kaibigan at nagtawanan nang makita ako naglalakad papalapit sa kanila. Hindi ko na sila pinansin ng marinig ang aking cellphone na tumutonog pa, agad ko itong kinuha at nakitang si Dad ang tumatawag agad ko itong sinagot at pumasok sa aming room.

“Hello Dad?” Inayos ko ang aking bag at naisukbit iyon sa likod ng kaharap kong upuan.

“Just wanna check on my princess, are you in your classroom already?” Tanong niya. Hindi ko alam na ganito pala mag-alala ang aking Papa. Napangiti ako at umupo na sa aking upuan.

“Dad! Ayos lang ang lahat, nasa room na po ako. Don’t worry too much.” I assured him with my tone.

Matagal siyang hindi nagsalita sa kabilang linya at tanging pag-galaw lang ng papel at ballpen ang naririnig ko sa kanyang linya. Lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ang nag-iisa kong kaclose na kaklase si Mariel, she smiled and wave at me. Ganun din ang ginawa ko.

“I’m sorry, I was supposed to be the one sending you to school, something came up kaya di ako nauwi, Anak.” Papa said in his tired deep voice, tumango ako kahit hindi naman niya ako makikita. Masyadong busy na talaga.

“Okay lang po Dad, wala lang po iyon, mag-iingat po kayo at wag masyadong magpaka-stress sa trabaho po.” paalala ko sa aking Papa.

“Yes, I will. Study well, Carmentis” he said in a sweet tone.

Pinatay na ni Dad ang tawag kaya naman agad akong bumaling kay Mariel na nakangiti na sa akin habang pinagmamasdan ako. Ngumiwi pa siya at niyakap ako, seatmates kami kaya naman hindi mahirap sa aming dalawa ang hindi magdaldalan. Naging close na din kami dahil mabait naman si Mariel, and she’s so fun to be with.

“Mukhang may maganda kang balita ah?” Pinanlakihan niya pa ako ng mata kaya naman tumawa ako ulit bago siya sinagot.

“Oo,” anas ko.

Mama ni Mariel ang principal ng school at ang Papa naman niya ay isang hukom, may dalawa siyang Kuya na dito din nag-aaral nasa kabilang side ng school ang Junior High School department, bunso si Mariel kaya naman alagang alaga at mahal na mahala siya ng pamilya niya. Tinignan ko siyang mabuti, bob cat hair, round face, sharp pointed nose chinky eyes, and thin lips, kitang kita na may banyagang dugo ang kaibigan kong ito. She looks more matured and sophisticated, ang galaw niya din ay nagdadalaga na, dati lang ay careless pa kaming dalawa.

“May cellphone ka na?” She beamed in excitement.

At mabilis na dinungaw  ang cellphone na hawak ko, I waved it into the air at natawa sa reaction niya, tumango ako at binigay ko iyon sa kanya, nanlaki ang mata niya ng makita ang screen wallpaper ko. Hindi ko alam kung inarte niya lang ba ang pagtakip niya sa bibig niya at agad na iwinagayway sa akin ang phone ko, ipinapakita ang nasa screen, nagkunot noo ako at umiling iling nalang sa kanya.

“Siya ang Papa ko,” ani ko sa maliit na boses.

Nanlaki lalo ang mata niya, kinuha ko ang phone ko sa kanya, loka loka talaga.

“Buksan mo dali!” utos niya sa akin.

Natawa ako at agad na itinipa ang passcode ng aking cellphone. Agad niyang kinuha iyon at nagmamadaling nag scroll ng kung ano ano sa aking phone, dumungaw din ako para makisali sa ginagawa niya, baka kung ano pa ang makita ng isang ito e.

“My goodness! This is a good shot!” Aniya

I saw her looking at my picture with my dad. Iyong picture namin sa pool side habang naka peace sign ako at si Dad naman ay tipid lamang ang ngiti, sa sumunod na picture naman ay hindi nakatingin ang papa ko at ako naman ay naka wacky pose. Kahit hindi pala nakangiti si Papa ay gwapong gwapo pa din siya, ngumuso ako. Sabi ni Tita Momma ay kahawig ko daw si Papa pero hindi ko makita ang resemblance naming dalawa, mas nakikita ko si Mama sa akin, ganoon din naman ang sabi ni Papa, kamukhang kamukha ko daw si Mama.

Napatili siya ng makita ang sumunod na picture, hinampas ko siya ng bahagya upang hindi siya mag ingay ng husto. It was a photo of me and my dad, Dad was hugging me from the back while smiling fearlessly. Kung titignan sa litrato ay napaka careless naming mag-ama nung mga oras na iyon. There, I saw the resemblance of me and my Papa, magkahawig na magkahawig kami kapag nakangiti.

“Sure ka bang eto talaga Papa mo?” natatawang asar sa akin ni Mariel, hindi pa nga ata naniniwala ang isang ito.

Tumango tango pa ako sa kanya para sabihing hindi ako nagbibiro. Hindi niya pa din tinatantan yung phone ko kaya naman nagkwento nalang ako para hindi siya tanong ng tanong.

“Hinatid ako ni Tita Momma nung Christmas, mabait naman ang Papa ko.” Paunang kwento ko tumango naman siya bilang pahiwatig na nakikinig siya habang nagkwekwento ako. “At first, shock ako dahil nga makakasama ko na ang Papa ko, I was scared that he would not treat me right but he was too warm and caring, he’s way too nice.” Untag ko sa kanya. Habang siya naman ay nakanganga at patuloy parin sa pag-browse sa mga litrato naming.

“OMG! Carmentis! Ang hot ng Dad mo!” She squeezed my hands “Sino itong mga kasama niya?” Ipinakita niya sa akin ang litrato ni Dad, kasama ang magkapatid na Lamuniere.

Ngumiwi ako ng makitang nakangisi si Dad at si Tito V sa camera habang si L naman ay nakahawak sa champagne glass at nakatingin lamang sa camera hindi friendly ang mukha niya hindi katulad ng sa kanyang nakakatandang kapatid, ganun din naman ang mukha ng aking ama ngunit mas nakakatakot ang istura ni L. Laging seryoso  at para bang madaming iniisip na hindi maganda.

“Close friends ni Papa” Matipid kong turan sa kanya.

Tumango lang ulit siya at agad na nagbrowse natapos din agad ang mga tanong at pangangalikot niya sa mga litrato naming ng dumating na ang teacher namin sa General Math.

Makapal ang kanyang salamin, habang ang kanyang buhok ay nakatali sa isang pusod, may hawak siyang mga papeles siguro ay ang class record namin. Siya ang bagong teacher naming sa GM habang ang nakaraan naming guro ay nasa ospital, nanganak kasi siya kaya may agad na substitute.

“Magandang umaga! Please be seated! For now ako muna ang magiging teacher niyo, Ako nga pala si Ma’am Aurello, magiging busy tayo for the rest of the 3 months dahil graduating na kayo, and sana naman ay ayusin niyo na ang pag-aaral niyo para naman hindi kayo matanggal sa candidate ng graduating. Nagkakaintindihan ba tayo?” Aniya sa mataray na tono. Halos lahat kami ay sumagot sa kanya.

Naging maganda ang aming umaga dahil halos lahat ng teacher naming sa morning session ay nagturo sa amin, mas nakakatamad kasi kmung hindi naman magtuturo ang mga teacher, mas maganda nang matulog nalang sa bahay. Lunch na at halos kakaunti nalang ang taong nasa aming room dahil may kanya kanya din silang baon, nagbabaon din si Riel binuksan niya ang kanyang baon at nakita kong may fried chicken duon at vegetable salad duon, brown rice din ang kanin niya at isang orange juice. Habang ang sa akin naman ay beef steak at may brownies, apple at isang malaking bottle ng tubig. Ngumiti ako sa kanya ng tumuhog siya sa akin ng steak, natawa nalang ako.

Sa edad naming ito ay mapagkakamalan na kaming mga high school matangkad kami parehas ni Riel ang slim niyang pangangatawan ay bagay na bagay sa kanyang height na 5’3 habang ako naman ay slender ang aking pangangatawan at may height na katulad lang ng kanya ang ipinagkaiba nga lang naming dalawa ay mature na siya tingnan habang ako naman ay may baby face pa kaya naman batang bata pa ang tingin sa akin.

Mabilis na tumakbo ang oras dahilan ng pagtunog ng bell ay hudyat na tapos na ang lahat ng aming klase. Inayos ko ang gamit ko habang si Riel naman ay busy sa pag-aayos ng kanyang mukha. Gaya ng ibang kabataan na aming kaklase ay nahilig na din siya sa paglalagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi naman katulad ng mga make up na nilalagay nina na Zarrez na sobra ang kay Riel ay foundation lamang at lip tint habang ako naman ay hindi na kailangan iyon.

Natural na namapula ang aking labi, at ang aking mukha ay maputi na talaga dahil narin siguro sa aking kinagisnang buhay, maputi na talaga ako habang siya naman ay may pagka bronze ang skin, para bang nagpapa-tan siya as always.

“Tara na, Carmentis.” Aya niya at tumango lamang ako at sabay na kaming lumabas ng room.

Labasan na din ng ibang section kaya naman hindi, masyadong madali ang makalabas sa aming building. Hindi pa man kami nakakalabas ay umarangkada na naman ang bunganga ni Riel.

“About my Christmas break, ang saya! We even visit Camiguin to surf! I enjoyed my holidays after that nag year-end celebration pa kami sa Hongkong!” Tumang tuwa siya habang nagkwekwento. “Bukas ay dadalhin ko ang mga binili kong souvenirs para sayo!” She squealed excitedly at niyugyog pa ang balikat ko, I giggled because of her cuteness.

“Thank you Riel!” Niyakap ko siya, agad naman siyang kumalas sa akin nang makita ang kanyang kuya. Ngumiti ito sa akin kaya naman nginitian ko din ito. Kumaway siya sa kanyang kuya kaya naman agad itong lumapit sa amin.

“Done with your last class, Riel?” matigas na pagkakasabi nito.

Kung hindi ako nagkakamali ay nasa Grade 8 na ang kanyang kapatid na ito at ang panganay naman ay nasa huling baiting na ng Junior High. Ang mukha nito ay seryoso ngunit madali din naman siyang mapangiti, friendly din siya kaya naman medyo close kaming dalawa. Kumaway siya sa akin ng makalapit na, ang mga mata ay nagpapalipat lipat sa amin ng kanyang bunsong kapatid.

“Jexsus what are you doing here by the way?” Anas ni Riel. Ang alam ko ay pinalaki ang dalawa niyang kuya sa America kaya naman hindi sila ganoong close pero hindi naman sila madalas mag away, siguro ay casual talk lamang. Trying not to get in each other’s nerves ganon?

“Hindi ba’t six pa ang labas niyo?” Pagtataray pa ng kanyang kapatid. Pinapakinggan ko lamang sila.

“I’m just checking you out, go home safe. Bye Cam, Riel…” may pagbabanta sa tono niya habang binabanggit ang pangalan ng kanyang kapatid. Tumingin pa ulit siya sa akin at nginitian ako, habang sinimangutan naman niya ang kanyang kapatid at agad na umalis.

“Geez. That’s unusual. Oh! Nandyan na yung driver ko, see you tomorrow!” Kumindat siya at naglakad na palayo.

“Ingat! See you!” I said and waved.

Iginala ko ang aking mga mata at napasapo sa aking bibig ng makita si L habang nakasandal sa isang itim na sasakyan, ang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa agad kong napansin ang suot niyang uniporme. Junior High school siya? o Senior High School? Akala ko nagtratrabaho na siya!

He looked so mature and handsome, hindi ko alam na student din pala siya. He’s too young to be in my Dad circle??? Is it because of his older brother V?

Nagmamadali akong lumapit sa kanya at ng bumaling ang kanyang mga mata sa akin ay napatigil ako at agad siyang nginitian. Ang mukha niya ay seryoso habang nakasimangot na nakatingin sa akin. Hinanap ng paningin ko si Mang Toleng ngunit hindi ko siya makita, siguro ay papunta palang siya.

“L! Anong ginagawa mo dito sa school namin? May hinihintay ka ba?” Agaran kong tanong nang makalapit ako sa kanya

Umiling lamang siya at umayos sa pagkakatayo. Binuksan niya ang shotgun seat at inimuwestra ang kanyang kotse sa akin, nagkunot naman ako ng noo hindi maintindihan ang kanyang sinasabi.

“Hop in, from now on I’m gonna fetch you” Ani niya sa matigas na ingles bago bumaling sa akin at umirap.

Mabilis siyang umikot at para pumunta sa driver’s seat hindi niya na ako inintay na makapasok at agad na siyang pumasok doon, naguguluhan man ay sinunod ko nalang siya. Nang masara ko ang pinto ay agad akong bumaling sa kanya.

“Bakit ikaw? Nasaan si Mang Toleng?”

“Seatbelt, Aletha Carmentis,” he muttered in a soft tone without glancing at me. He started the engine. Sinunod ko naman siya, nakatingin pa din ako sa kanya.

“L?” I called him again, because I need answer.

“As you father’s request, he’s paranoid.” aniya sa akin. Okay, that answered my thoughts.

“Ah okay..” I uttered in a low tone.

“Ayaw mo ba akong makita? Kasama?” Tanong niya, he sounds like nagtatampo, umiling ako.

“No. Nagulat lang ako…” ani ko.

“Hmmm.” he looks so dark and mysterious.

Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa presensya niya o ano pero I guess, I just need to enjoy his company, and he looks nice naman, hindi lang halata. Marahan akong sumandal sa car seat at tumingin nalang sa labas, It’s a tiring day, indeed.

 

 

1 2 3 4 5